watch now

Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 103774 times)

DV

  • Guest
^Naalala ko yung maid ko dati na umuubos din ng Nutella namin. Kinukuha ko rin yung mga shampoo sa hotel pambigay sa mga mga maid (ngayong wala na akong maid hindi na ako kumukuha  :) ). Nagkwento rin na yung Body Shop body wash na bigay ko sa MIL ko sya daw ang gumamit.  May mga maarteng maids talaga, kaya kahit hirap ako sa bahay, ayoko nang kumuha. Sakit sa ulo.

Scubadoobidoo

  • Guest
Dati we had a maid na ganun kapal ng mukha kahit sinabihan mo na kumukuha parin. Eh one time nag kamali sya...she ate the dorritos chip ko (which both my parents wont even dare touch without asking from me) nung nag crave ako hindi ko mahanap...checked the CCTV footage found out it was her. Confronted her about it and told her 300 pesos ang kakaltas ko sa kanya for eating that bag of chips. Sabi ko pa [textspeak!] lang kumuha ka pa and kaltasan kita palagi ng times 3 and lets see if may matitira ka pa na sahod. After that tumigil na sya.  ;D And yan na naging practice sa bahay. Pag kumain kaltas mo times 3 the cost of the food stuff.

nicoletta

  • Guest
scubadoobidoo

Did you get the business DSL line for your CCTV?  So far our helpers do not eat our food naman unless we give it to them.


Scubadoobidoo

  • Guest
Nope you dont need the business line for your cctv. We got the 1200 of PLDT. Yan lang pwede na. Try to get PLDT kasi mas stable ang internet nila.

mariacadie

  • Guest
"Dati we had a maid na ganun kapal ng mukha kahit sinabihan mo na kumukuha parin. Eh one time nag kamali sya...she ate the dorritos chip ko (which both my parents wont even dare touch without asking from me) nung nag crave ako hindi ko mahanap...checked the CCTV footage found out it was her. Confronted her about it and told her 300 pesos ang kakaltas ko sa kanya for eating that bag of chips. Sabi ko pa [textspeak!] lang kumuha ka pa and kaltasan kita palagi ng times 3 and lets see if may matitira ka pa na sahod. After that tumigil na sya.  ;D And yan na naging practice sa bahay. Pag kumain kaltas mo times 3 the cost of the food stuff."

galing naman!  yung maid ko din tAKAW takaw pero d naman garapal natatakot pa ngakumain pag kaharap ako

Scubadoobidoo

  • Guest
Dapat talaga kaltas nyo ng times 3. Otherwise they will never learn. We always inform them that rule pag may bagong maid para walang sisihan  ;D

nicoletta

  • Guest
^ I see, they were suggesting a different line kasi if we want to have a steady IP address.  Hindi ba kayo nahihirapan mag hanap ng maid if you mention those rules right away?  Nung may pinadala samin yung agency, I asked her if she knows how to cook, and when she said she does, I asked again for ingredients lang ng beef steak natakot na pumunta sa house.

Scubadoobidoo

  • Guest
^ I see, they were suggesting a different line kasi if we want to have a steady IP address.  Hindi ba kayo nahihirapan mag hanap ng maid if you mention those rules right away?  Nung may pinadala samin yung agency, I asked her if she knows how to cook, and when she said she does, I asked again for ingredients lang ng beef steak natakot na pumunta sa house.

 Pwede naman sa pldt static IP. Hindi naman kasi pag nag pahanap kami ng maid sinasabi na namin agad all the rules and we talk to the applicant before sending the airfare para they wont have an excuse pag dating nila dito. And we never get from agencies. From our experience cooking is too much to ask for...sa amin basta masipag and malinis ok na. The cooking part you can slowly teach them

nicoletta

  • Guest
^ Kaya pala :)  You get from the province pala kasi.  With me naman, the reason why I asked about the cooking part is because she said she knows how to cook.  The rate for all around for a couple is 3k but the rate for a cook is 5k so I had to clarify.


Scubadoobidoo

  • Guest
Actually mura pa yan. Pag cook usually 6k. Pero dapat masarap talaga mag luto ha. Hindi pwede dyan prito prito lang. What we do naman kahit hindi marunong mag luto ok lang kasi assistant lang naman sya yung mga hiwa hiwa. And also we teach her some basic cooking stuff like the prito.  ;D

Kady_14

  • Guest
Dati wala ko rules re this, pero the last yaya. Naku nakikialam ng food maski ng kids ko. Ayun pinagsabihan ko, nagbago naman. Kaso feeling ko kinukupitan nya ako sa sukli sa pabili bili. Pag umuuwi kasi yung anak nya (yes she has a kid with her living with us) ngumunguya nguya. I asked her then saan nya kinukuha yung pambili, sabi nya sa pera daw na binigay ko pambili sa tindahan. Pinagsabihan ko na wag kumuha dun kasi di kasama sa budget ko ang mga luho nya or tinuturo ng anak nya ipabili sa tindahan. Pero feeling ko ginagawa pa din nya, hindi lang niya pinapakita sa akin, pinapaubos muna sa anak bago umuwi sa bahay. bahala na si Lord sa kanya. Buti nga umalis na ngayon.

kumikosan_9

  • Guest
Wala din akong rules when it comes to food. Ang kinakain namin, at laman ng ref at yung lalagyan ng biscuits and goods pwede kainin ng kahit sinong may gusto. Yung last na yaya na pinaalis ko sobrang abusada naman. Nakikita naman nya na ang chocolates namin sa ref ay pang dessert lang, hindi pinapapak. Aba, one day kinain nya yung isang buong swiss chocolate bar na pasalubong pa ng ninong namin sa kasal para sa little boy ko. Sabi ng MIL ko tumutulo na daw sa kamay at bibig ng yaya yun chocolate kasi nalulusaw na sa sobrang laki ng chocolate at dahil walang four front teeth si yaya. hindi lang talaga gross sobrang nakakirita pa! tapos minsan, kumakain yun byenan kong lalaki ng pan de sal. kumuha si yaya ng pandesal nang hindi man lang nagpapaalam at sinabi "Alam mo, sarap talaga pan de sal sa maynila." di pa nakuntento kumuha pa ulit ng isa. Tapos kinakain nya yung Hello Panda ng anak ko, mas madami pa sya nakakain kesa sa sinusubo sa anak ko. Haaaaay, sobrang good riddance!
« Last Edit: June 04, 2013, 08:54:37 am by kumikosan_9 »

Scubadoobidoo

  • Guest
LOL dapat pinicturan mo....i would have loved to see that one. Mahirap talaga pag walang rules. If you guys notice mga maids ngayon palala ng palala ang ugali. Gone where the days na 90% of the maids you get from the provinces matino.  ;D

sonia62

  • Guest
^true. Hirap humanap ng maayos na maid/yaya ngayon. Akala pati ata ng mga taga-probinsya na yan eh pinupulot lang ng mga taga-maynila ang pera kaya sige sige lang sila, walang paki at walang malasakit. May maid ako from day 1 sinabihan ko na hindi sya pwede gumalaw ng anything sa ref ng di nagsasabi. Aba, isa isang nawawala ang itlog sa ref. ok lang naman sana kasi magkano lang ang egg, kaso ang nakakainis eh yung walang respeto na sige kuha lang despite na sinabihan ko sya na magpapaalam. To think na di ko naman sya ginugutom no.

nicoletta

  • Guest
Actually mura pa yan. Pag cook usually 6k. Pero dapat masarap talaga mag luto ha. Hindi pwede dyan prito prito lang. What we do naman kahit hindi marunong mag luto ok lang kasi assistant lang naman sya yung mga hiwa hiwa. And also we teach her some basic cooking stuff like the prito.  ;D

We never had a cook na talagang magaling magluto.  Most of the dishes they cook are still a bit ordinary.  Most agents give you cook at 5k lang, yung cook naman sa side ng husband ko gets around 8k pero magaling talaga yun.  We just got married so need naman ng all around.


mrsB

  • Guest
First time lang namin magkaroon ng kasambahay na sobrang takaw. Sabagay, bata pa kasi - 16 turning 17 lang pero malaking bulas, mukhang 20s na nga. Two months pa lang siya samin.

Yung mga ice cream, cake, desserts etc. namin sa ref siya ang umuubos. Ang lakas din sa kape at mga breads and biscuits. Pati chips and all. Sa totoo lang, di namin ma-confront kasi kami yung amo na "mabait" at mapagpasensya talaga. Ayaw namin siyang ipahiya saka iniisip namin, sige pagkain lang yan.

Pero sobrang nabad trip na talaga ako kasi kahapon kinain niya yung Ruffles chips ko na kabibili ko lang sa S&R. As in ginawa niyang merienda over coffee. Na-shock ang mother ko kasi nga una, ang laking bag ng chips na yun. Pangalawa, siguro ngayon lang kami talaga naka-encounter ng kasambahay na ganito kagarapal. Wala rin sa pantry cabinet yung chips na yun ha, nasa box pa at nakalagay sa main dining table.

Naimbiyerna talaga ako kasi nga parang wala siyang concept ng BOUNDARIES. I mean, why would she do that? Siguro nga mataas ang expectations ko sa mga tao, na iniisip ko na may HIYA sila sa katawan. But apparently, nauuna talaga ang katakawan.

When I checked our pantry cabinet, sobrang daming local chips pa ang nandun like Piatos, Chippy, Fish Crackers... marami ding peanuts, biscuits, local chocolates. At talagang ang pinagdiskitahan niya ay yung Ruffles. In fairness, marunong pumili!

So for the first time, kinausap siya ng nanay ko. Pinagsabihan na sa akin yun at di niya dapat kinain. Sinabi rin niya na more than Php100 yun. Tumawa lang daw. Nakakaloka!

So lesson learned. Sa unang araw pa lang ng kasambahay, set the rules na sa food. Ako ngayon lahat ng imported food ko eh inakyat ko na dito sa room.

sugardrop

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #336 on: November 13, 2013, 11:41:45 am »
Wala namang problem samin yun. Kaso yung helper namin ngayon, pag nakakita, sige lan ng sige. I bought a pack of ten cupcakes for my mom kasi nagugutom sya pag daling-araw. The following morning, 6 na lang natira. Mom never ate one, same with my aunt and me. Apat lang kami plus my dog. So sino an natira? ;D Di naman sa nagdadamot pero konting hinay lang. Hehe. Nakakaloka pa kasi minsan sya yung nangunguna sa pagsasabi ng "dessert! Dessert! Dessert!" while having dinner. Sinasabay kasi namin pag dinner.

daisychain

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #337 on: November 14, 2013, 03:42:45 pm »
^ilang beses na samin nangyari yung mga ganyan.  :D yung last time, nagccrave ako ng donuts so pinasalubungan ako one night ni hubby ng box of 1 dozen from jco. Ba kinabukasan pagkuha ko nung box sa ref ang gaan na. Haha. Eh ang unang nagigising sa bahay ay ang househelp, so alam na. Pero di naman ako nainis, medyo nagulat lang.

Laidback lang din yung approach namin- since we all share one kitchen, kung anung nandoon ay para sa lahat. Nagsstash na lang ako ng little items na gusto ko solohin, like my favorite chocolate or a particular bag of chips, sa isang drawer sa bedroom.

May dalawa kaming bagong kasambahay ngayonat sinabi ko na sa kanila, right from the start, kumuha lang sila sa kusina para hindi sila magutom. Basta hindi naman ubusin para makatikim lahat.
« Last Edit: November 14, 2013, 03:44:17 pm by daisychain »

lanee_beu

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #338 on: November 14, 2013, 03:51:01 pm »
yes, allowed naman, kasabay p nga namin sya kumain. good thing din, may hiya sa katawan ang house help namin kahit nasa lamesa lang ang pagkain hindi kukuha pag hindi inalok, considering matagal n rin sya sa amin. yun yung isang bagay na gusto ko sa kanya  ;)

sugardrop

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #339 on: November 15, 2013, 01:36:00 am »
^^
Hehe. Minsan kasi pag galing sa province, yung iba parang nalulula sa dami ng food choices dito kaya ganun siguro. Naaaliw lang ako kasi sya ang pinakamalakas kumain sa aming lahat dito, and pagkuha nya ng ulam, by two's, tapos may take two, take three. Then araw araw sya magtatanong na "pumayat na ba ako?" Haha! ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close