@mamichula - mahirap na bawiin yung setting of expectations, gawin mo na lang if me food ka na hindi for sharing, ihiwalay mo na and say "kay husband 'to, wag mo gagalawin ha, kanya yan eh" (lol) Ako sinasabi ko 'to sa yaya sa mga pang baon ng kids ko, although di naman nya ugali makialam, para lang alam nya na baon yun, naka-budget for the week or for two weeks, mahirap kasi for us to do the groceries dahil busy-busyhan ang drama namin ng asawa ko, we only have the weekends to do that. Pero when my kids naman eat their snacks at home, binibigyan naman sya kahit nuon na 2-3 pa helper namin ng-aalok naman kids ko, so di sila deprived.
Sa akin, ayoko ng me food stash sa kwarto kasi parang pinagdadamot lalo na kung tatlo lang kayo sa house, saka baka maka-invite ng daga or insects like ipis or langgam kasi amoy pagkain.
Hindi din ako pabor sa set-up na magkaiba kayo ng pagkain, sa akin lang naman ha. I grew up kasi na pareho ang ulam ng lahat, mapadriver or helper. Ilang taon na yung helper mo? Utusan mo na siya magluto, para sa akin hindi pwedeng hidi marunong, dapat matuto, it's part of the job. Yung para sa inyo lang ang iprepare mo, kaya ka naoobligang pati siya ipagluto kasi ikaw ngpprepare ng food. Sabihin mo "Oh Inday, lutuin mo to (give her instructions) konti lang, that's for "our" dinner." Then yun pakain mo sa kanya, tpos kayo ni husband ang kumain ng gusto nyo, bigayn mo lang sya ng share nya if steak, para hindi naman masabing hindi mo binigyan at kayo lang ngsteak. Bigyan mo lang nun sakto.
Yung helper ko dami ko na naturo sa kanya na iluto, so when i ask her, mag-cream dory ka or magbulalo ka. Alam na nya, when i got her parang prito lang ata alam nun at mgsaing. Typical food lang. If me mga gusto kami we eat out na lang as a family, ngtetext sya kapag nasa labas kami at nakalimutan ko siya inform, and will ask if sa bahay kami mgdidinner, if hinde i'll tell her, di na yun mgluluto and ittake-out na lang namin sya or tatanungin ko sya, me ulam ka pa ba jan? yung tira nung lunch? or sasabihin nya magbubukas na lang sya delata or mgluto ng gusto nya from our stash. Hindi ako madamot sa pagkain, iniisip ko kasi na add-on perks nila yun when they work for me, kasi nakakatikim sila ng mga food na hindi nila normal nakakain or makakain, kasi hindi afford, imbes na ibili nila ng ganun eh di ibili na lang nila ng bigas, or baka nga yung isang meal na yun katumbas na ng meal for a day ng isang pamilya baka hindi lang.
Ang haba na nito, basta sabihan mo yung maid mo in a way na hindi naman offensive. Daanin mo sa biro. Sawayin mo din yung paluto luto ng ulam na gusto nya. Porket ayaw nya ng ulam nyo mgluluto sya ng iba? No, no yan sa akin. Never kami ng ulam ng di masarap or basta na lang kaya kainin nya din yun. Kung ayaw nya, let her buy her own food. Me ganyan kami maid before, na-mimiss na daw nya sardinas, eh me preferred brand sya. Hinanap nya and binili sa pera nya, ay pera ko din pala. I give money kasi kapag umaalis kami, pang bili ng gusto nila na food kasi tinatamad sila mgluto minsan, pangload din, pang reply sa akin, kaso madalas pinapang load lang nila pang text sa bf or unlicalls, well bahala na sila dun. Basta wag sila mgreklamo na ginutom ko sila kasi i make sure me pagkain ang ref kapag ngffamily trips kami at me pambili akong iniwan. Sabihin mo, bakit ngluto ka ng porkchop eh me ulam?