watch now

Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 103875 times)

sonia62

  • Guest
^ true yan sis. pag hinayaan talaga ang mga maid eventually umaabuso at minsan daig pa amo. kaya ako pati pagtitipid sa lahat ng bagay trained ang maid ko. dapat maintindihan din nila na hindi naman natin pinupulot ang pera at sige bili lang tayo. they should also learn and understand how to budget.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Cant be too lenient with maids talaga.kung ayaw mo magsisi sa huli ilatag mo na ang dapat at hindi dapat mo payagan sa kanila. There should be limitations to everything.pag pinayagan mo sila to get whatever they want sa kitchen or pantry they will expect that from you already. Di mo na sila mapapag sabihan pa yan after or magdadahilan na yan na gusto na umuwi, nalulungkot na.make it crystal clear to them. Maids nowadays are taking advantage of super lenient employers. Ikaw din naman mahihirapan.

Some maids, like our yaya feelingera. Feeling niya may karapatan siya sa lahat ng food na nakikita niya sa ref namin.
« Last Edit: July 26, 2012, 09:26:48 pm by hazelbrown_eyes27 »

misteryosa

  • Guest
I allow them as long as hindi sa mga anak ko yung kinakain nila, pag sa bata sinasabi ko agad, pero yung iba abusive, minsan hindi pa inuubos at tatapon na lang.

Ngayon ang ginawa ko, every week I give them money para bumili sila ng sariling snacks nila para hindi na rin ako namomroblema sa kakainin nila at least mapipili pa nila gusto nila. Dati pag ako bumibili minsan hindi naman nila kinakain and I think mas naka save ako nung ni start ko yun.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Kami we have some bisquits etc, pag gusto nila ng iba pa other than what we have, bumili na sila na galing sa sweldo nla

sonia62

  • Guest
^ sis pareho tayo meron silang biscuits pero kung ayaw nila or kulang sa kanila yun, sila na bumili using their sweldo. for me kasi for as long as alam ko naman na i provide them with complete meals (breakfast, lunch, dinner plus snack) eh ok na yun.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
@sonia62- correct!actually bonus na nga yung snacks nila. Usually, employers do not provide them with snacks. If they want to have merienda, they can buy at a nearby store using their sweldo.pero our yaya talaga, talagang may pagka feelingera! Feeling niya entitled siya sa mga snacks namin sa ref, at yun nga nag bukas pa siya ng bottled softdrink namin.di siya bumili sarili niya, kailangan makakakain din siya kung ano mayroon kami.di sanay mag ask or mag hintay na alukin siya. Kuhang family member siya!sa amin kasi for us to treat a helper our own family, she has to earn the trust and respect. But she has not earned it yet! And at the rate that she is going, i dont think she will earn it!

sonia62

  • Guest
^ haha. naku sis sa akin hindi pwede yung ganyan. isa sa batas namin yan na hindi pwede gumalaw ng food na walang paalam. pero kunwari may tira sya na ulam makikita ko sa ref, tapos the next day magluluto ako ng ulam for lunch makikita ko wala na yung tira nya before lunch time pero nung morning nandun pa, hinahayaan ko lang hindi ko naman sinisita kasi tira naman na nya yun. tapos pag nagluto ako ng ulam for lunch eh binibigyan ko pa rin sya kahit pa nakita ko na nawala na yung tira nyang ulam (meaning kumain na sya). so feeling ko before 12 noon and after 12 noon kumakain sya ng rice. hinahayaan ko lang basta never gagalawin yung food for all or yung tinira ko na ulam for the next meal (kasi sinosobrahan ko luto sa dinner para ulam na naming dalawa for lunch the next day). masipag naman kasi maid ko 5am pa lang naglilinis na so yung mga ganung bagay hinahayaan ko na saka minsan pagbaba ko ng around 10am natutulog sya hinahayaan ko lang kasi early naman sya gumising saka tinatapos naman nya ng maayos work nya. dapat talaga balansehin lang :) nadala na ko sa mga maid na abusado hehe

hazelbrown_eyes27

  • Guest
@sis sonia62- napapansin namin ngayon ni mama ko na whenever we bring food sa house ng brother ko, since we eat dinner there, pag nag sandok si yaya.. puro sabaw ang hinahain sa mesa at tinitira niya mga meat sa kanya! What I do, half way sa pagkain, tatayo ako and sasandukin ko lahat ng meat! Balak niya kami pa ang kakain ng sabaw at siya ang pinaka ulam! So, siya kumain ng tira naming meat if mayroon matira! Nung una, di namin napapansin, pero sa katagalan, nagtataka kami kasi walang meat sa table! Kunyari, kare kare or nilagabg baka, lahat ng gulay nasa table at yung beef, nasa kaldero para sa kanya! Sa pamangkin ko naman, ang tinitira niya sa pamangkin ko puro sabaw lang din at sa kanya yung laman! Or minsan parang pamangkin ko pa kumakain ng tira niya! Ginagawa ko, ako nag preprepare ng food ng pamangkin ko at yung tira sa kanya!bwiset siyang yaya siya!ultimate KAPAL MUKS! or pag misua with meatballs, puro misua at sabaw sa amin, sa kanya lahat ng meatballs. Pakapalan na lang! Lahat ng sapal at tira tinitira ko sa kanya!minsan Kita namin baon niya from last night's dinner and all of the meatballs are on her plastic bowl! Ako pa naman I have a way of showing someone namagegets niya agad ang nahahalata kong ginagawa niya!Siya kaya ang kumain nun! Tapos pag may padeliver, nanlalake mga mata niya sa mga pinadeliver!

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Buti sana kung tama ang pagkain ang nilalagay sa table di ba?sa lahat ng maids na nakuha namin, siya yung kami pa yung kumakain ng pinag pilian na niya!I havent done this to our maids kasi itong yayang ito lang ang pinaka kapal mukha sa lahat pag dating sa food.sa kanya lahat ng karne at wala kaming makakaing karne kasi pinili na niya gusto niya?pero alaga niya di niya pinapakain ng solids, puro milk. Siya, ayan LAMON!we are fair sa mga katulong namin, pero ito?  Jeez! Lech3! Baka pag pinayagan namin yan kumuha sa ref namin, wala ng matira sa amin kundi tubig! At mga di niya kinakaing pagkain. Mga maids namin dati super mahal namin at kung ano mayroon kami, binibigyan din namin kasi di sila nag tatake advantage.eto, to the highest level ang pagka makapal!di naman namin siya pinagkakaitan ng pagkain, pero naman. Wag naman niya solohin ang meat.kami pa ang pinagkakaitan niya ng sariling pagkain namin!



« Last Edit: July 29, 2012, 01:40:22 am by hazelbrown_eyes27 »

sonia62

  • Guest
^naku sis tama naman sinabi mo. dapat naman din alam nila kung ano katayuan nila sa bahay. parang sa office lang di ba. syempre ang para sa boss eh para sa boss, ang sa empleyado sa empleyado. ganun din sa maid at sa amo at yun ang dapat nila maintindihan. na hindi porke nasa same house sila nakatira eh may right na sila to eat anything they want to and to do what they want to, na minsan daig pa amo. besides kung ano naman ang kainin ng amo during meals yun din naman kinakain nila. wag lang abuso talaga. kailangan talaga disiplinahin. kultura na kasi natin na ituring na kapamilya ang mga maid or yaya. there's nothing wrong naman with that. maganda nga yun up to some extent. but there has to be limitations pa rin kasi otherwise, eh tayo din makukunsumi in the end pag umabuso na sila. we can't tell naman kung aabuso ang isang maid or yaya in the future o hindi until mangyari na. so the best thing is, sa simula pa lang wag na sila bigyan ng opportunity na umabuso.

sis hazelbrown_eyes27 have you tried talking to her or pagsabihan sya? kasi kung hahayaan nyo siya na ganyan she would just think na she could get away with it. have you tried explaining to her kung bakit hindi nya dapat ginagawa yun? kasi ako naku i would tell outright sa maid na naku ayoko ng ganyan, etc. para alam nila agad at maintindihan nila

hazelbrown_eyes27

  • Guest
^ sis nasabihan na siya. dadabog dabog pa pag kinausap.Pero after a few days...  here she goes again! doing the same old thing. Naghahanap na nga kami ng kapalit eh. Until someone else comes, tyaga na lang muna at masigabong pagtitimpi. I think my mom told her that 4-6x already!wala pa rin, pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

We are never like this to our other yayas before. Family treatment namin sa kanila. May pasalubong pa sila at christmas gifts pag christmas. Ganun kami sa kasambahay namin. Pero si yaya cheche ( name pa lang maldita na!) di ko nga inaalok yan. Of all the yayas we had, she is the only one na di matuto tuto or she refuses to listen! Vocal kami sa what they should or should not do. So bago ko siya tirhan ng mga gulay at sabaw.. nasabihan na siya matagal na. April pa, nung dumating siya. Kung di siya makuha sa simpleng sabihan, baka makuha siya sa garapalang pagtitira ng sabaw at gulay!Matuto siya kumain ng gulay!Lumalabas pag ka mean streak ko!Ngayon, pag may natira sa meat namin sa table, yun ang kainin niya. Usually, talagang nagtitira kami ng meat for the helpers namin at di namin kinukuha lahat. Pero sa kanya, na may pagka abusada.. ayan, kumain siya ng tira!

sonia62

  • Guest
^ naku sis tama nga na hanapan nyo na lang ng kapalit yan. oa sa pagkaabusado grabe. i cannot imagine myself din na magkaron ng maid na ganyan. naku baka purgahin ko sya sa tuyo haha :) kapal naman na magdabog pa pag sinabihan di ba

hazelbrown_eyes27

  • Guest
^ korek! nakaka kulo ng dugo di ba? at di yan kumakain ng ulam na tira, magluluto yan ng bago kahit isang tambak ang leftovers from previous night.binibigay na sa dogs namin. Feeling RICH ah! Daig pa kaming amo na we eat leftovers from last night's dinner!

iluvescadasport

  • Guest
ang advice ko din sa mga meron maids/yaya, don't spoil them with "delicious food".  once nasanay sila, ayaw na nila ng iba. yun last Christmas, yun maid namin mag-isa na lang siya. e ang dami nagbigay samin ng food, lechon ham etc. My family and I don't eat yun mga ganun, hindi kami mahilig sa mga sweets or mga meron mga taba. More on veggies talaga kami. so yun mga food binigay namin lahat sa maid na yun. ngayon 2nd year niya dito, choosy na. yun nga, nagreklamo sa canned goods. binigyan namin ng "ma-tsang" (yun parang sticky rice na chinese). sabi niya panis na kanin binigay sa kanya, tinapon niya. super nabwisit kami, it costs P40 pa naman.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
What we eat, she eats too naman, pero kapal mukha nga lang at parang kami pa ang kumakain ng pinagpilian. If she doesnt want to eat our dinner or what we cooked for us, eh di wag siya kumain. Or bumili siya at magbaon siya ng sarili niyang pagkain. Di ko siya bibigyan ng ibang food. Either she eats or not! its her choice.Huwag niya ako paandarin ng kaartehan niya, at liligpitan ko siya ng pagkain.

quaker13

  • Guest
 ;D yung maid namin nag nanakaw ng food. Kasi nag wwork kame tapos nag babaon kmi usually hotdog/ham/nuggets tps ang ginagawa nya tuwing magluluto siya ng hotdog kunwari 4 papabaon nya 5 lulutuin niya tapos itatago sa plate na nakatakip ng kaldero.madalas ko mahuli sinabi ko sa parents ko so ginawa namin is kami na nag bigay ng hotdog kung ilang pieces para di makapag tago.
Kanina ang ginawa niya hiniwa niya 3pieces ng hotdog at nilagyan ng egg at sabi sira daw yung egg so kumuha again ng 3pieces ng hotdog at niluto at yun pinabaon sa parents ko (work kasi sila 3am umaalis) then sabi ko ipabaon mo na rin yan pinipilit niya sira daw.pilit ko inaamoy ako,kuya ko at lola ko hindi naman sira.Sabi ko sige tapon mo na d niya tinapob so naisip ko kakainin niya. Ginawa ko kinain namin ni kuya ok [textspeak!]. Haha! Pati sa nuggets papabaon nya sakin konti pero makikita mo kada mag luto isang pack. Hindi naman siya matakaw sa food gusto lang niya [textspeak!] food na kinakain ko idol ata ako!?!may share sa supplies para sa baon ko.hindi lang namin mapaalis kasi magbabantay sa lola ko (hindi siya nag aalaga para lang may nakakakita sa lola ko kc matanda na rin baka madapa) :D

Tapos yung isang maid naman namin hindi nag tayago ng food pero super takaw :)
Pero atleast di cya sosyo sa baon supplies ko


bettyboop1322

  • Guest
Si yaya naman namin panay ang pilit namin kumain, minsan di nagdidinner kasi daw nagdidiet sya... harharhar!  ;D

mommybunny

  • Guest
joining :)

naku sissies si yaya eh baka mapapalayas na ni hubs, sobrang takaw kasi and abusado na! nakakainis lang kasi siya pa ang nagtatago ng food. kunwari magpapaluto ako ng fried chicken tapos sasabihin ko sa kanya na tawagin lang kame from sa kwarto pag luto na. yun pala, nagtatago na muna siya ng para sa kanya bago iserve yung chicken sa mesa. tapos last night ako naman nagluto ng curry na sugpo and buttered prawns. medyo madami yung niluto ko kasi balak sana ni hubs na ipanglunch today. ayun, kinain na lahat nung sobra! even the ones na sinabi ko na itago for today!!!! anong gagawin ko sa kanya sissies? nakakainis na tamad pa tapos inaaway pa niya [textspeak!] yaya ni hubs (ng almost 30 years). palalayasin ko na ba???

sonia62

  • Guest
^ naku sis kung sa akin yan di pwede ganyan. sa una pagagalitan ko pero pag nasundan pa palayasin ko na agad yan. kasi the fact na binilinan mo na sya tapos kinain pa rin nya ibig sabihin di ka nirerespeto. parang di nya kinikilala pagka-amo mo ah :)

wagasnapeg

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #279 on: September 15, 2012, 12:00:37 pm »
okay lang kumuha sya basta wag lang yun para sa anak ko...anyway alam nya naman ang pwede at hindi,,buti na lang at di abusado =)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close