watch now

Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 103897 times)

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #140 on: November 18, 2011, 03:42:48 pm »
^sis baligtad ata kayo ng maid mo, di ba dapat ikaw nagbabantay sa ginagawa niya? he he....

sabi nung maid ko, yung papalit daw sa kanya if ever, ang problema lang daw eh, malakas kumain, parang lalaki daw kumain....sabi ko wala namang problema dun basta dapat may pagkain na matitira sa amo baka naman ubusin ang alloted na meal tapos magluluto na lang ulit kasi wala ng ulam....or ipagbukod na yung di pa  kumakain.  kaya lang baka hindi masunod maging issue pa sa amin, parang nag iisip pa ako kung kukunin ko or what.  kasi yung pinanggalingan niya sinasabihan siya na dahan dahan namang kumain, napapahiya daw siya..... :)

pregnantgirl

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #141 on: November 18, 2011, 04:28:56 pm »
try mo muna kung okay naman yung maid na papalit..baka naman sabi lang yon ng maid mo ngayon..pero kung nakita mo na malakas talaga kumain,dapat  i-bukod na yung ulam niya or yung ulam ng hindi pa kumakain..magastos pag ganyan ang kasama sa bahay..nawawala na yung budget..baka naman kaya pinagsabihan dahan-dahan kumain eh sunod-sunod naman kung sumubo ng food yon hehe.. ;D

kuliglig^^

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #142 on: November 18, 2011, 04:54:40 pm »
Okay lang naman siguro, but wag lang naman siguro ubusin ng bongga. Pero pag imported chocolates and chips, bigyan ko siya ng portion nya, tas tatago na the rest sa room namin.  ;D

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #143 on: November 19, 2011, 12:34:20 am »
^^ sis, wala daw problema dun, masipag kung sa masipag daw saka mapapagkatiwalaan, yun nga lang daw talaga problema malakas kumain lalo na sa kanin kaya daw mataba.  i agree, malakas makasira ng budget yung ganun, lalo na sa rice - 5kl kami in a week baka maging 2 days na lang yun, he he.... e, eto pang maid ko ngayon, sabihin pa na, "ay dito hndi nagtitipid sa pagkain." meaning, anything pwedeng kainin, kung ano pagkain ng amo pagkain din niya......

bachoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #144 on: November 19, 2011, 04:03:15 am »
sis pregnantgirl - infairness, demanding sa hatian ng ulam yung maid mo,ah. hehe.
« Last Edit: December 02, 2011, 06:37:12 am by bachoi »

sakurayayoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #145 on: November 19, 2011, 08:18:48 am »
i think mga sis, the best way pa rin kahit sobrang generous natin is for us to set limits.  Even if we are okay on the set-up na kain lang sila ng kain, baka kasi dumating yung point na umabuso.  So, ako after 8 househelps, I know better.  Pag aalis kami, binibilin ko ang kakainin nya for lunch or merienda or dinner.  That way, alam nya kung saan sya lulugar.

selyado

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #146 on: November 20, 2011, 09:25:00 am »
etong maid ko nung bago pa lang eh ang lakas sa asukal, gamit nya sa kape nya.  eh ako gamit ko lang ang white sugar kapag nagbe bake ako.  kaya after a few months washed sugar na lang binibili ko para sa kanya, mas mura nang konting konti compared sa white sugar.  eh na compute ko mas magastos yata yung binibilhan ko sya ng sugar, coffee and creamer.  so i bought a pack of 3 in 1 nescafe.  aba limang araw pa lang eh kalahati na lang ang laman nung 30 pc pack nya  :o  three times a day sya magkape???  makatarungan ba naman yun?  ok lang ba na sabihan ko sya na good for one month yung isang pack ng 3 in 1 nya? 

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #147 on: November 20, 2011, 09:45:10 am »
yeah, pwede namang sabihin na this should last for a month, dahil ang next na bili mo next month na....ngayon pag naubos yan ng wala pang isang buwan, magtiis siya ng walang kape....para madisiplina siya at hindi wantosawa ang pag consume....

IronLady

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #148 on: November 20, 2011, 09:54:45 am »
pansin ko yung mga batang yaya mas magastos. lol. di pa naturuan siguro. maswerte ko sa yaya namin kahit noon may respeto na talaga. di yun kakaen ng kung ano sa ref hanggat di mo sinabi. minsan mga kahit tira2 antagal na sa ref kasi ayaw namen di nya kinakaen kasi di sinabi na pwede na. lol.

selyado

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #149 on: November 20, 2011, 09:58:24 am »
susko anong batang yaya?  eh 40 yo na itong maid of honor ko  >:(  nung isang gabi nagluto ako ng adobong pusit, isang kilo ha.  kami lang ng 12 yo dowter ko ang nag dinner.  tapos syempre kumain din sya ng dinner.  kinabukasan hinahanap ko yung ulam eh ubos na daw.  inalmusal daw nya.  huwat, kalahating kilo sa kanya at naghati kami ng anak ko dun sa other half???

IronLady

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #150 on: November 20, 2011, 10:24:27 am »
haha! e sis bakit ayaw mu humanap ng ibang yaya? baka mayor doma talaga tingin nya sa sarili nya. try mu muna kausapin yan pag di tumino edi yun na. dapat maging considerate sya dahil pinapakaen lang naman din sya. my pamilya ba yang yaya? baka inuuwi o pinapakaen kung san, o talagang pg lang. hehe.

selyado

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #151 on: November 20, 2011, 11:57:45 am »
for more than 20 years wala akong maid.  tapos march of last year nakuha ko itong si maid of honor dun sa umalis na tenant ng mother ko.  masipag naman itong katulong ko, mahilig maglinis ng bahay which is my number one hanap talaga sa katulong.  tapos mahilig pa mag garden.  pag nag ani yan ng gulay andyang may patola, sitaw, bulaklak ng kalabasa tapos iluluto nya yun at ishe share sa amin.  eh di naman ako mahilig sa gulay, yung bunso ko lang anak ang pumapatol sa luto nya.  she's not a good cook, talagang linis at laba lang ang maaasahan sa kanya.  so i cook most of the time, sya eh pa prito prito lang.  tinola at pakbet pa lang yata ang natutunan nyang lutuin dito.  the rest eh hindi ko ipagkakatiwala sa kanya.  nung una komo di ako sanay sa katulong eh nagugulat na lang ako at kung kumain sya eh feeling nya kahit ano pwede nya kainin dito.  coke, ice cream, cake, pizza kukuha na lang yun nang walang paalam.  akala nya yata part of the family sya.  nung hindi ko na ma take eh bumili na ako ng maliit na ref at nilagay ko sa room ko.  hahaha!  seriously, natuto na ako magtago ng food sa ref sa room ko.  lalo na nung marami kaming chocolates dahil umuwi ako from abroad.  susko, pati chocolates kinakana nitong maid ko, makakakita ako ng balat ng kisses sa room nya  :o

IronLady

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #152 on: November 20, 2011, 02:08:27 pm »
wahaha. ako nagtatago ng food pero sa mga kapatid ko. lol. wala ko takot ke yaya pero mayayari ang pagkaen ko pagnaiwan ko ata nakita ng mga kapatid. hehe. sis nahihiya ka ata sya pagsabihan. baka ganun kasi gawain nya sa dating amo. sabihin mo na lang [textspeak!] kung kakaen sya ng mga certain pgkaen sa ref e magpaalam sya. yung ulam e isakto mu na lang sa 3 sa inyo paluto ka na lang ulit sa kanya ng di nya maubos ang lahat. para kung ano matira e sa kanya na. o kaya sabihin mo, bukas breakfast namin ito, pakiinit na lang po bukas. palibhasa hinahayaan kaya akala nya ok lang yung ginagawa nya. di naman sa madamot, pero wak naman mas malakas pa sya kumaen sa amo. hehe

mayshiem

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #153 on: November 29, 2011, 07:08:46 pm »
^ we can't afford to buy ref with lock pa, we are just starting pa kasi. Pero my take naman, they can eat what we eat. They can cook whatever they want kung wala kami. We remind them wag pagutom kasi katawan lang naman kasi yung capital nila in order to earn. And alam ko most of the food di nila natitikman sa kanila kaya yun ok lang for us. Ganon kasi ever since kahit sa househelp ng mama ko. Gusto ko kasi na I'll treat them like a family para i-love nila baby ko.
Pero maswerte naman ako na may common sense yung yaya namin at nahihiya din at nagddiet. :)

mayshiem

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #154 on: November 29, 2011, 07:14:30 pm »
@harlet - tama. i like your suggestion. let them know if up until yung ni-grocery mo.

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #155 on: December 02, 2011, 06:26:21 am »
^thanks sis....si maid naman nakakakain din naman ng kung ano pagkain namin....say me pasalubong from mcdo, meron din siyang burger....ang pangit lang talaga, yung umaabuso na parang anytime at kahit ano pwedeng damputin at mas marami pang nakakain....pag nakikita kong ganun, parang gusto kong sabunutan, ha ha...

one time yung younger sis ko manlilibre, eh limited lang ang budget.....so tig-iisa lang kaming order....tinanong niya yung maid kung ano gusto, sabi, burger saka spaghetti....balik sa akin ang sis ko....sabi "waaa, ate, 2 gustong i-order...." eh kasalanan nya, tanungin pa ba naman....sabi ko next time, don't ask, kung ano nandiyan yung ang ibigay mo....

and i agree na hindi nila naranasan ang kumain ng ganyan sa pinanggalingan nila kaya sige lang sila....bahala na kung ano sabihin ng amo  :P

bachoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #156 on: December 02, 2011, 06:39:04 am »
dati ang ginagamit lang ni yaya yung ufc ketchup at datu puti toyo. aba! nung natikman yung heinz at knorr ay hindi na tinantanan. as in siya na ang nakakaubos. kaya ngayon ang ginawa namin hindi na kami bumibili muna baka sakaling makahalata siya. hehe.
« Last Edit: December 02, 2011, 11:58:13 pm by bachoi »

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #157 on: December 02, 2011, 09:19:38 am »
^ahahah sis bachoi ganyan din ako di na ako bumibili ng kinakaing madalas ni HH.....yun nga lang pati kami nade-deprive sa gusto  kainin.... :(

Kitchen Goddess

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #158 on: December 06, 2011, 01:40:59 am »
yes but i tell do tell magtira din naman for us (pabiro) like if may supot ng chocolate for my daughter, i give the yaya several pieces lang para may share din sya ...

then pag nag-grocery ako, i buy yun mga items na alam kong gusto nya like milo, cookies, chips,  noodles,  juice, oatmeal, etc .. yun automatic sa kanya na talaga (may space sa pantry na for her items lang) but she's welcome to share our food

actually no problem sya with chocolates or desserts kasi di sya masyado mahilig except M&Ms na blue ... pero ang weakness nya is ruffles sour-cream and cheddar (sosyal !) ... so if mejo natuwa ako sa kanya and ok ang performance nya for the week or month, i buy her that as a treat :)

pregnantgirl

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #159 on: December 08, 2011, 10:29:32 am »
No..may sarili siyang snacks kasama sa grocery ko twice a month..kasama na rn ang breakfast niya dahil hndi naman ako nakakapag breakfast, lunchtime na ko gising while my husband naman is sa office na kumakain ng breakfast...ayoko kasi sanayin siya na pwede lahat.una pa lang may nakita na ako na pang aabuso niya,what more kung hinayaan ko?baka wala ng matira sa stock namin..mahrap kasi maging mabait sobra,ikaw rin ang magsisi sa huli..basta fair naman ako sa kanya,kung anong meron kami,bibigyan siya..pero hnd pwede na lahat ng makita niya gagalawin..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close