watch now

Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 103915 times)

ecnarfoj

  • Guest
Not any.... sinasabihan ko sila kung ano yung pwede....
Ayoko kasi magkaroon ng conflict between my husband and them.
Minsan kasi naghahanap yung husband ko ng food, so talagang may nakatabi for him para hindi na rin magluto. Mabuti na alng yung mga kasama sa bahay eh mahilig sa gulay at kami hindi.

May sarili naman silang groceries so hindi naman sila na-de-deprive.

Hindi man sila basta-basta nakakakuha ng kahit na ano sa fridge, pagdating naman sa grocery/supermarket, pwede sila kumuha ng mga gusto nila.

dolly

  • Guest
Yes, ayoko madamot sa food. Naranasan ko na rin kasi magutom.  ;) Good thing, si yaya hindi naman matakaw. Alam ko mga favorites nya kaya pag nagluluto ako ng paborito nya dinadamihan ko para busog to the max si yaya!

dara_01

  • Guest
yes, we share it to her...we treat her as a family member...

selyado

  • Guest
pambihira naman itong maid ko pati yung minute maid ko na juice eh kinakana.  mas marami pa yatang naiinom kesa sa akin.  mausisa nga mamaya  >:(

hmist

  • Guest
We recently got a new stay in HH... medyo ilang months din kaming walang HH sa bahay, nakayanan naman. Pero lapit na kasi ako mag give birth kaya kumuha na kami. Though timing din yung stay out namin na maid before biglang bumalik, so naisip namin itong new HH baka pwede na ring maging yaya sa son ko who is turning 3 after I give birth.

Medyo bata pa itong bagong HH, and lately napapansin namin na bumabawas yung food namin sa ref. Yung mga HH kasi may sariling food... share sa mga kanin and ulam, pero binibilhan namin ng sarili nilang bread, coffee, sandwich spread, biscuits, etc para merienda. They have a separate refrigerator sa kitchen, so dun yung sa kanila, while yung food sa refrigerator in the dining room is off limits to them.

So we thought the rules were clear, pero yung new HH, mukhang kumukuha nung mga food. Recently, when my husband had to get some things na nasa room nung stay in HH (medyo storage room din kasi yun), nakita na lang niya na may mga chocolate wrapper sa sahig, and this was from the chocolates we had sa ref namin. And yung one bar ng chocolate na binili ni husband, gulat na lang siya bigla na lang maliit na piraso na lang natira. Also yung nuts na nasa isang big container, from 1/2 full naging 1/4 na lang bigla.

So hubby and I are a little bit stressed. I have to remind the HH of the rules again. Hindi naman sa pagdadamot, but di naman namin sila dinedeprived sa food, and I'm just worried na ang pangungupit sa food namin magprogress sa ibang bagay. Lalo na plano ko pa sana gawing yaya ng son ko eventually, e baka snacks namin niya ang mapagtripan.

Gusto na rin pauwiin ni hubby, kasi medyo matigas din ulo, mahirap turuan. Pag duty si hubby, nagpapatulog ako paliguan yung son ko, pero di maayos trabaho, parang nandidiri siya hawakan yung ibang parts ng anak ko, like wash ng butt, ganun. Well, it's only been a month, so we'll see kung matuto.

iceebaby

  • Guest
I don't unless I tell them.

I don't treat them as family, I treat them na they are working for me as a profession na what they do is important to run a household.  So, di talaga pwede sila makialam ng stuff namin like I don't pilfer or getting my bosses or colleagues personal stuff in work.

Madaming na kaming naging matagal na maids and may iba sa tagal feeling family kasi fault din namin to treat them like that.  So, pag may bago... they treat them like dirt din when same lang naman sila.  Ends up, masakit sa loob mo and sila tapos susumbatan kapa as if mas kilala niya ang anak mo kesa naging ina ka sa anak mo.  yikes! Then, hirap kana paalisin kasi nga lumaki na ang ulo.

Now, I adapted and treated them as service providers - no strings attached.  Bonus nalang for job well done. :)
« Last Edit: October 23, 2011, 11:46:52 am by iceebaby »

xiansmom

  • Guest

walang problema samin sa food
basta kung ano yung pagkain namin
yung din pagkain nila,

JVCAV

  • Guest
sakin ok lang kumain sila...wag lang food ng bata..kung ano nasa ref kainin kesa masira at itapon...kaso ang hirap naman sa maid ko di talaga kinakain grrrrr.....kaya mas madami natatapon!

vanj19

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #128 on: November 15, 2011, 10:41:23 pm »
no, they have to ask pernission first, kumbaga personal property yun.  pero once nilabas ang food pwede sila kumain, kung ano ulam namin yun din kanila ;)

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #129 on: November 16, 2011, 06:55:00 am »
ang maid ko mas gusto yung queensland na butter kesa sa magnolia....mas madalas pa siya magpalaman nun kesa sa amin....hayz....di ko alam kung pano ko sasabihan, di na lang ako bibili next time.... :)

bachoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #130 on: November 16, 2011, 06:56:33 am »
dati kahit anong laman ng fridge pwede niya kainin kaso nahalata namin na hindi na siya nagtitira. isa pa, may niluto na kaming ulam, magluluto pa siya ng iba.

pregnantgirl

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #131 on: November 16, 2011, 01:01:08 pm »
vanj19- correct! magpaalam muna sila kasi sa inyo pa rin yung food na yun..

harlet -- sosi naman ng maid mo huh..ako binilan ko yung maid ko ng sariling spread saka snacks niya at bread..pinalagay ko sa kwarto niya,,understood na naman niya na it means hindi na niya gagalawin yung nasa ref na snacks..pero minsan nakaka puslit pa rin,kaya sa kwarto ko na nilalagay snacks namin total hindi ko siya pinapa pasok dito except kung maglilinis ng cr..mahirap nga sabhin ano..pero kailangan mong gawin..hindi kasi nila malalaman na mali sila kung hindi mo pagsabhan..basta maayos naman saka mahinahon..pero parang ang hirap nga hehe..o kaya ilagay mo sa kwarto yung spread niyo,itago mo wag mo na ipakita..ang i display mo yung spread na mura lang hehe


bachoi- sobra yata yun..dapat nga magpaalam muna siya kung ano ang food na pwede niyang galawin..dapat nga wag na niyang galawin eh..wag niyo hayaan na may ulam na palang nailuto,magluluto pa siya ng iba..oh well kung ayaw niya ng ulam,pwes bumili siya sa sarili niyang pera hehe..joke.....ahh hindi..totoo noh! hehe..bakit ba ganyan ang mga inday nakaka loka naman..choosy sa pagkain pero sigurado sa province nila kamote lang pinapag tiyagaan nila maghapon..kaka loka sila talaga :o  :o

freeswan

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #132 on: November 16, 2011, 01:19:13 pm »
i let them eat kung anong meron sa ref. the good thing with our househelp, pag halimbawang kumuha siya ng pancit canton sa bahay, papalitan din niya. one time kumuha siya ng lucky me pancit canton tapos nagulat si hubby pinagluto siya nung Shangai na pancit canton ni Kim Chiu. tapos sabi ni hubby busog daw siya, sabi niya bayad daw niya sa kinuhang pancit canton. tapos narealize ni hubby masarap daw yung shanghai, yun na lagi binibili namin. hahaha

bachoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #133 on: November 17, 2011, 01:50:12 am »
pregnantgirl - nung minsan nga umuwi ako. nag-aalmusal siya ng sinigang na hipon. hindi pa siya nakuntento at nagluto pa ng hotdog at itlog. nung tinanong niya ko kung kakain ba ko, sabi ko sa kaniya na hindi, matutulog na ko. ang ginagawa ko ngayon, kung ano lang ang kakainin namin today, un lang ang binibili ko. kaya araw-araw akong namamalengke. dati, nagkakape pa un kaso nung minsan sabi niya ayaw na daw niya kasi hindi daw siya makatulog, milo na lang ang pinabibili niya sa akin. ayaw na rin niya ng ordinaryong kape, ang gusto [textspeak!] 3-n-1 pa. one time, may dalang pasalubong [textspeak!] hubby ko, sabi sa kaniya ng hubby ko na ilagay niya muna sa fridge. after a few minutes, bumalik uli siya sa amin then sabi ko kumain siya ng pasalubong. sagot ba naman sa akin na tapos na daw siyang kumain. ang loka! hindi man lang hinintay na alukin ko siya or paunahin muna kaming kumain. eto pa, dahil sagot namin ang toiletries nya, ang pinabibili niya talagang sabon sa amin [textspeak!] whitening soap na silka. hehe.

bachoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #134 on: November 17, 2011, 01:51:49 am »
freeswan - swerte mo at mabait [textspeak!] HH mo. sana ganyan din yaya ng anak ko.

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #135 on: November 17, 2011, 03:20:01 am »
sis pregnantgirl, oo sis kalokey talaga ang maid ko...pinasok ko na nga sa pinakaloob looban ng ref yung butter, at yung magnolia ang inilagay ko sa madaling kunin, pero talagang yung isa ang ipinapalaman....di ko talaga alam pano approach para sabihan na etong magnolia gamitin niya....

choosy talaga siya, one time naman bumili ako ng chocs, m&M na nasa maliliit na pack...saka cloud 9 na small bars, aba, yung M&M ang kinakain.... :)

bachoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #136 on: November 17, 2011, 03:55:48 pm »
harlet - mas gusto ng maid mo ang imported. hindi na siguro sanay [textspeak!] sikmura nya sa local. hehe.

harlet

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #137 on: November 18, 2011, 01:54:42 am »
^sis bachoi, ha ha, korek ka diyan....kaya nga mga food ko ngayon nasa bedroom sabi ko na lang need ko ng pagkain para  sa work ko ng madaling araw....

she's scheduled to leave na kaya siguro ninanamnam na lahat, he he....

bachoi

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #138 on: November 18, 2011, 03:26:30 am »
sis harlet - ganyan na din ang ginagawa ko now lalo na pag chocolate. talagang tinatago ko na sa room namin kasi pag andun sa fridge, nilalantakan ng yaya ko. hehe.

sinusulit lang ng maid mo ang natitirang araw niya sa inyo na nakakakain siya ng masarap.

pregnantgirl

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #139 on: November 18, 2011, 03:07:25 pm »
yung maid ko malakas kumain..kaya nagbubukod ako lagi ng ulam niya pagtapos ko magluto kasi pag nakalimutan ko,wala ng matitira sa niluto ko..ang style niya noon,habang nag luluto ako,bibilangin niya kung ilan yung chicken or longganiza na lulutuin,tapos sasabhin agad sa akin na 3 sa kanya..o kaya pag nagpa prito ka ng chicken,6 piraso,dapat hating kapatid lagi..3 ang chicken niya dahil 2 lang kayo at 6 yung manok..kailangan hating kapatid kayo sa pinapaluto mo o sa kahit ano kakainin mo na bbgyan mo siya...malalaki pa naman yung manok..ngayon may bago siyang style,,binabantayan na naman ako sa pagbubukod ng ulam niya................

pagtapos ko magluto sa kitchen,or after niya magluto, palagi ko sinasabi na ipasok na sa dining yung ulam,isa pa malangaw sa lutuan..pansin ko ndi na niya ginagawa yon ngayon..kasama niya yung ulam dun sa labas hangga't nagliligpit siya ng pinaglutuan,hanggang ndi pa siya kakain,hindi niya ipapasok yung ulam..kaya minsan gutom na gutom na ako,nasigawan ko siya..kasi may ulcer ako at na feel ko na masakit na tiyan ko,,nakatago pa yung lutong ulam sa labas kasama niya dahil niligpit niya yung pinaglutuan..ang nagyayari ngayon pag magbubukod ako ng ulam,naka bantay na naman siya..talagang titig na titg sa ginagawa ko..


 

Latest Stories

Load More Stories
Close