watch now

Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 103822 times)

babyjapnurse01

  • Guest
^ ay pag may kids, ibang usapan naman yun, dun na talaga papasok delicadeza ng HH, kung gagalawin pa ba or hindi even yung pagkain ng bata. :D

mishmish

  • Guest
^^Same tayo ng style sis marose17 :) Every month, may grocery ang mga HH - milk, canned goods, breads, snacks, coffee, instant noodles, etc. Kung may gusto sila sa ref, they should ask me first kung pwede kunin yun. Tama nga na part yun ng disiplina sa kanila. Before nasabi ko sa kanila, kung ang anak ko nga need niya paalam sakin kung may gusto siyang kainin, sila pa kayang mga HH (but of course, I said this in a nice way naman :) )

simplykristine08

  • Guest
Yes. Allowed sya na kainin kung anong nasa fridge and mga stocks namin. 3 lang kame ng hh at baby ko sa house. Pero may pinsan ako na madalas dito samin. Pag naggrocery kame, I let her choose yung mga chicha and bread na type nya. Kumukuha naman sya. Kasi mahilig ako sa chicha eh. Yung pinili nya, okay lang kainin nya anytime, pero yung mga binili ko, kapag ako ang nagbukas, ayun share naman kame :)

harlet

  • Guest
grabe, eto rin problema ko, ang lakas kumain ng maid ko.....ang lakas din sa kanin at ulam...imagine pag nag-snack, 3 turon..... di ko pa maintindihan kung bakit nauubos ang 1 loaf of bread namin, nung kami kami lang, inaabot ng ilang araw ang tinapay, ngayon isang araw lang.....di ko alam kung ibinabalot pauwi sa kanila (stay out kasi siya).  wala rin siyang pakialam kung me kumain na.....me time pa na di siya kakain pero ibabalot yung ulam niya pra iuwi na lang....ano ba yun?  di ako madamot sa pagkain pero wg naman sanang ubusan yung mga tao dito sa bahay.


bellapot

  • Guest
^Sis, we used to have a stay out helper too. Ganyan din, she tended to get food/stuff that she thought hindi ko mapapansin. But when she started getting food that was supposed to be for my daughter, nainis na talaga ako. I swore never to get a stay out helper again. Kahit kasi pagsabihan mo sila, they'll still consider it their right to get stuff from you because you have "more" daw. Now that I have stay in na yaya and all around, I buy them their own food, although food from lunch and dinner share namin sa kanila. What I buy for them are mostly snacks and breakfast food. When we do have extra though, we give it to them. So far, I haven't had a problem with either of them when it comes to food, kahit pa medyo matakaw yaya ko.  ;D

hunny_ally

  • Guest
thankfully, my maids know na hindi sila basta basta puwedeng kumuha ng pagkain sa ref.

ganyan yung maid ng mom ko. my friend dropped off a box of chocolates for me sa house ng mom ko. my dad asked if he can open it and get a few. sabi ko okay lang. ayun ni hindi umabot sa akin dahil sa kakakupit ng maid ng parents ko.

harlet

  • Guest
sis bellapot, yes, that is the price to pay pag stay out ang maid.  i got rid of her na, not because of that issue.  One time nagpaluto ako ng 1/4 na giniling with diced potatoes......napansin ko, wala pang kumakain, mas marami pa yung patatas kesa sa giniling to think na 2 pirasong patatas lang yun.....so alam ko na me ginagawa talaga.

nung makausap ko yung nag refer sa kanya.....nalaman ko na talagang salat sa pagkain ang pamilya nila, most of the time humihingi sa kanila ng bigas or ulam, even kape.....so talagang mate-temp nga siya na kumuha ng pagkain.   wala pa siyang 4 days noon sa akin ibnili ko ng isang bucket na biscuit para sa kanila.....at saka di pa nakakahawak ng walis nung day 1 niya, ini-advance na yung sahod for the week (weekly kasi gusto niyang sahod).

kahapon ko lang na-check yung lalagyan ng butter, kalahati na lang, eh ang mga tao sa bahay di nagpapalaman nun, pang luto ko lang yun....i can't remember naman na nagluto siya na butter ang inihalo nya.....oo nga naman, siyempre kinuha yung tinapay dapat me palaman, he he....
oh well, sorry for her, mas lalo siyang nawalan sa ginawa niya. 

bratty

  • Guest
Ang lakas din namin sa food ngayon, si HH ang laki ng tinaba ha. Yung para sana food namin sa breakfast ng eldest ko sya kumakain. Ngayon, tinatago na ng papa ko yung mga monay, hopia, etc na binibili nya. Kasi para daw sa apo nya yun tapos si HH ang umuubos. Nung si yaya pa lang ang andito, wala kami problema sa food kasi hindi daw sya pala-kain, hala nung dumating si HH, jamming pa yata sila sa pag-ubos ng food dito.

Napag-usapan namin ni hubby yung food, sabi nya, baka daw hindi pa nakakatikim ng mga ganun o hindi palagi nakaka-kain, kumbaga salat sila (taga-province sila), hayaan ko na lang daw. Ako din naman ayoko maging madamot sa food, pero dumating kasi sa point na nung ako na ang kakain, wala na, kasi naubos na nila.

At pati snacks ng anak ko, pansin ko, nauubos na lang, syempre alam ko kung ilan nakain ng anak ko, kaya ang ginawa ko, binibilang ko na sa harap nila, para di na nila galawin.

emeenem

  • Guest
No.

pillowski

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #109 on: September 08, 2011, 09:24:29 am »
No. SInabi ko na sa kanya...there are food/snacks na i will share with you, but everything inside the fridge is not for her, pero aalukin naman sya everytime na kakain. Mahilig sa coke, kapag buy ako 1.5 liter sandali lang ubos, ngayun nag didiet ako no coke allow na sa bahay...

nikkiz.

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #110 on: September 21, 2011, 10:46:41 am »
They can eat bread, rice and ulam but not the other stuff in our fridge esp. my DD's food since she's my parents' helper.  The helper's kids live here too and they also eat our bread, rice and ulam - at sobrang lakas pang kumain!  One time nahuli ng dad ko yun son ng helper getting from my DD's jar of Nutella for his snack, ayun, napagsabihan.  Sila na nakikitira, sila pa nag-uubos ng food namin, heelllooo!!!!!

florencejoy

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #111 on: September 21, 2011, 03:09:57 pm »
yes. kasama sa budget. we treat our helper like a family. kasi tagal na din naman siya samin kaya ganun yung trust.

reb_woods072683

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #112 on: September 22, 2011, 02:21:30 am »
malakas din ang HH ko kumain, nakakaloka. mas madami pa nakakain niya kesa sa akin! at pag naguuwi ako ng pandesal sa umaga, siya ang unang kakain! nakakaloka talaga! lakas namin sa bigas ngayon dahil sa kanya, pati sa ulam. ang niluluto kasi naman na ulam pang hanggang gabi na, pero minsan konti na lang natitira sa gabi. tapos kagabi pa, ang ulam namin isda, yung malaming isda talaga ang kinuha niya considering na kaunti ang natira nung tanghali. grabe. ako nahiya eh, kinuha ko yung maliit na isda. hay.

myleia27

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #113 on: September 22, 2011, 05:20:42 am »

our HH eats my daughter's foods! Yung Chuckie, Zest-O, Breadsticks, Butter Coconut cookies etc. tuwing bubuksan ko yung ref, laging may bawas yung stocks. I'm so sure na siya lang kumakain nun kasi I only take those stuff out kapag mag memerienda kami ng sabay ng daughter ko. Nagtitimpla naman ako ng juice pero yung Zesto at Chuckie ng daughter ko pa rin iniinom.

Also, nangyari na I'll make 1L of iced tea or any juice, lalagay ko sa freezer para malamig. Pagbalik ko to get it, yung juice ang natira 1/2 ng glass na lang malalagyan. I share the juice to everyone naman pero may ugali siya na magtitira ng super konti tapos ilalagay ulit sa ref para hindi nya hugasan muna yung pitcher.

My hubby is on a low sugar diet pero yung sugar free coffee and Equal sweeteners nya yun rin ang ginagawang kape ng HH namin kahit na meron akong binili na brown and creamy coffee for her because I don't drink coffee naman. Also, yung mga chips and peanuts na binibili ko, kapag kami na kakain, ubos na pala. Less than 1 week ko pa lang binili yun.

Hindi naman ako madamot na amo. Kapag may treats ako na binibili, I give and let her eat what we eat too. Sana considerate sila sa consumption nila, and matuto sila magtira para sa mga amo nila. Kahit ayokong magtago ng groceries, nagagawa ko na rin.

reb_woods072683

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #114 on: September 26, 2011, 10:15:58 pm »
ano bang pwedeng gawin sa mga ganyang HH?

meztiza

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #115 on: September 28, 2011, 10:41:55 pm »
We allow our maids to eat whatever foods na makikita nila in the fridge but we always make sure naman na pagsabihan sila na magtira. Kung meron naman na hindi nila pwede galawin, sinasabihan din namin sila na wag nilang pakialaman, so far, sumusunod naman sila. Nadadaan naman sa usapan yan eh.

sachism

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #116 on: September 29, 2011, 10:56:53 am »
kung hindi uubra ang pagsasabihan, no choice but to lock your pantry.

when i used to stay on my uncle's house, he keeps the grocery sa room nila, nilalabas lang nya kung ano ang  kelangan. kasi i heard na yung sa kabilang bahay na mga inlaws nya, kuha lang ng kuha ng walang paalaman.

badcoverversion

  • Guest
Re: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?
« Reply #117 on: September 29, 2011, 07:27:31 pm »
Pansin ko they don't eat bahaw na kanin. Gusto nila lagi yung bagong luto. Lahat ng naging yaya namin ganun.

sachism

  • Guest
choosy sila sis! sino kumakain ng bahaw?

guilleanne

  • Guest
naku yan ang number 1 rule ko sa bahay, laging uunahin yung bahaw before the newly cooked rice. kasi pag kami kami lang at walang HH, we always eat the bahaw first, if my hh naman I'l tell them na bago sandukin yung bago yung bahaw muna.

Yung dati kong yaya, ayaw din ng bahaw, so what she does eh hinahalo yung bahaw sa bago, pinagalitan ko, ang ginawa naman, sasandok ng konting bahaw tapos she'll let us finish the bahaw then saka ulit sasandok ng bagong kanin, so maliit na portion lang ng bahaw yung nakain nya, mas marami pa kami, matandang HH ko to nuon, 56 years old, matakaw sa meat ayaw sa gulay, ang lungkot nya pag gulay ang ulam, halos ayaw kumain.

with my current hh wala akong problema sa bahaw, kasi wala na kami laging dinadatnang bahaw, ubos sa kanya kasi snack nya rice.

sa ref hindi naman din nangingialam, nagpapaalam kasi sabi ko dapat paalam muna, yung mga ketchup, sarsa ni mang thomas at chili sauce ang naglalaro, short live lang sya kasi yun ang inuupakan with the rice.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close