Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 79111 times)

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
@sis DV: Like sis marose17, ganun din ako. My food budget din ako for the maids. They have their own bread, spread, instant noodles, coffee, milo (sachet), crackers for their breakfast/merienda.

So far wala akong problema sa kanila, kasi alam naman nila na may certain foods na off-limits talaga sa kanila, pero kung lets say madaming natira like mga cakes, pastries, binibigyan ko din sila, kesa naman mapanis, mas ayoko yun hehe. Basta maging firm lang sa mga rules, pero tell them in a nice way  :)
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

DV

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 812
Thanks for the advise, ladies.  Ipinag-grocery ko na sya kanina ng food at toiletries nya.  Isinama ko pa sya para malaman nya kung saan ang neighborhood grocery.  Nung naghahanap ako ng Palmolive shampoo (yun kasi ang shampoo ko for the maid), ang tanong sa akin, "Ito ba ang shampoo mo?"  Parang napataas lang kilay ko.  Kailangan bang pareho kami ng shampoo?  Hindi ko na sinagot at inilagay ko na lang sa basket.  Nung nasa fish/meat section kami, I picked up a couple of tilapias.  Maya-maya, nagtanong, "Bibili ka ba ng manok?"  Sabi ko, hindi muna.  Nung nasa fruit section naman kami tumuro sya ng saging.  Akala ko she wanted me to get some for my daughter.  Sabi ko hilaw pa yung mga saging.  Na-realize ko na sya pala ang may gusto ng saging dahil kaninang tanghalian, kinain nya yung isang saging ng anak ko.  Binilhan ko rin sya ng isang loaf ng tasty at isang jar ng peanut butter, sabi ko pang-merienda at almusal nya, pero kanina yung isang bag ng biscocho ng anak ko ang kinain nya.  Ngayong gabi, dahil sa dami ng kinain nya kanina, konti na lang ang ulam at enough na lang sa aming 2 ng anak ko.  Leftovers (of previous day) na lang kakainin nya, yan ang lesson sa kanya.  Sinabi ko naman sa kanya kanina na hanggang hapunan yung niluluto ko.

Pag nagmaramihang grocery na ako this weekend, ibibili ko na rin sya ng ibang snacks na at ilalagay ko na sa ibang place at hindi sa fridge para hindi na rin temptation sa kanya yung ibang pagkain.

Sana maging effective yung orientation ko sa kanya bukas/mamaya.  I'll mention na rin yung 2-week probationary period na nasabi kanina ni marose17 in a different thread para may way out sya (at sa akin na rin, kung hindi ko ma-take ang kanyang pagiging atribida).
"The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you'll go."    --Dr Seuss, I Can Read With My Eyes Shut!

pinkpassion

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
@gorgeosmama pambihira naman yang mga maid mo garapal kong garapal aba palitan na yan. kami naman dati may ganyan e ako maiksi pasensya ko prangka ako e madibdibin umalis mabuti naman ng diko na kelangan paalisin pa.

kumuha naman ng kamag anak kaso dahil kamag anak sympre nakakahiyang utusan minsan kahit sabihan mo walang pakialam e buti sana kung madaming budget ok lang kaso syempre madaming gastusin dapat marunong din makiramdam ang mga kasambahay

greengabby

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
Hi, just want to share my way on handling this situation. We have yaya and maid at home, ang ginagawa ko para magkaroon ng division of food supply at alam ng mga maids ang limit nila is I automatically give them nalang ng supply everytime we go to the supermarket. May cabinet doon sa kitchen kung saan nila stock yung para sa kanila tapos separate yung para sa amin para alam nila na hindi lahat ng food sa bahay pwede nila kainin, but of course  most of the time kung ano naman ang binibili ko for us, ganon din ang para sa kanila(we buy chips, chocolates, juice,cakes,biscuits/wafers, fruits for them also). When it comes to ulam naman, after cooking kuha na ako ng food for us, tapos give ko sila in a separate bowl or plate ng para sa kanila. Pero if madami naman yung niluto I always let them know na pwede pa sila kumuha if gusto nila. Ang ginagawa ko dito normally, maghihiwalay nalang ako ng separate container para sa ibang members of the family na hindi pa kumakain or if kung fave ko or ni hubby yung food at gusto pa naming ulit kumain later on. I think they appreciate what I am doing and hindi nila iniisip na pinagmamaramutan sila and yet nandon pa rin yung respect nila sa amin. Ang importante naman is, huwag silang gugutumin, kasi shempre tao din naman sila at dapat din kumain.Pero may naexperience ako na maid na sobrang lakas kumain, mas mabilis pang maubos yung food supply nya kesa sa aming family, eh 2 lang naman sila share tapos ang nakakainis super tamad pa, di bale na nga matakaw basta masipag lang di ba.  ;)

kung kaya nila, kaya ko rin! :)

alinkshel

  • now behaving...
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1787
  • chosen to be otherwise c",)
i buy them their own things except for food. pwede nila kainin lahat ng nakalabas. ewan ko ba, parang may unspoken rule na kami kung alin ang di nila pwede pakialaman. pag alam nilang mamahalin, di nila ginagalaw unless bigyan ko sila.

ang di nila pinapakialaman usually ay chocolates, coffee, chips. kahit magkakasama pa ang mga chips sa isang lalagyan, they would eat oishi or tortillos and leave lay's or pringles untouched. o di ba may isip? hehe...

sa mga canned goods, parang ganun din. yung sardines, tuna, at corned beef lang ang pinapakialaman nila. basta di nila kilala ang brand, ayaw din nila.

sa frozen food, they may cook anything they want basta ang bilin ko, make sure alam nilang lutuin properly. or else, masasayang yun at magagalit ako.
~=lost star=~ :)

kikas_head

  • Probationary
  • Posts: 7
We have not rules for food--they usually stay away from weird imported items or food brought to us from the US unless told they can eat it.  Usually they are only interested in the chocolates (as far as US items go).  We have never had any problems with it--they will not eat the last piece of something without asking or unless we have already told them they are welcome to finish it.  But for the most part, the pantry and ref are open to them and we have never had any abuses.

mavhy

  • Corporate slave and
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 273
    • Visit my world :)
Kami din walang rules sa food. Kaya tuloy one time un 4-pcs Chocolate snack ko at Nutella kinain ni yaya:P. Okay lang sana kung di inubos eh, di man lang ako nakakain:P
« Last Edit: March 03, 2011, 12:13:11 pm by mavhy »

mommy_cel

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 161
  • fab mom of 2!
NO.  first day na first day palang sinasabi ko kung ano ang pwede at hindi kainin.  lahat kasi ng naging maids ko garapal sa pagkain.  hindi kami tinitirhan kadalasan lalo na sa mga imported na snack foods at sa mga alam nilang mamahalin.

yung last maid ko kasi, sinabi ko nang bawal kainin ang mga grapes.  paborito kasi yun ng anak ko at asawa ko.  aba, one time i spent 700 pesos on grapes in one week!  reklamo ng reklamo ang asawa ko bat wala nang grapes sa ref pag uwi nya.  sabay nahuli kong kinakain ni maid.  quietly kasi akong bumaba from the 2nd floor nagulat nalang sya sakin.  super deny to death pang hindi nya kinakain, tinatapon nya dahil sira na daw.  eh bagong bili ko sa grocery.

sabi ko pwedeng kumain ng saging at apples eh.  wag na wag lang ang grapes kasi sobrang mahal.  kahit ako, hindi ako kumakain eh.  pa isa isang piraso lang kasi hahanapin ng asawa at anak ko eh.

hindi ako madamot sa pagkain.  lahat ng niluluto kong pagkain yun din ang kinakain ng maid.  hindi ako gaya ng ibang amo na GG lang ang pinapakain sa maid.  pag pork steak ang ulam namin ganun din ang maid.  ang kaso pagdating sa mga paborito ng pamilya ko, wag na silang garapal at ubusin pa.  mahal kasi ang mga yon.  tina try ko ipag kasya ang budget para mapagbigyan ang mga expensive na favorites ng hubby and daughter ko.  so kung si maid pa eh uubusin ang lahat, eh war zone na ito dahil masisira ang budget ko.

st_upid

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 282
Hay grabe mga sis, may kasambahay kami dati na sobra talaga kapal ng mukha. One time bumili ng cake yung hubby ko kasi nagcrave lang ako sa brazo de mercedez ng goldilocks. Favorite ko yung dulong part ng cake. So after namin kumain, sabi namin kain lang sila nung isa pa naming kasambahay. PAgkagising ko, grabe, wala na yung kabilang dulo tapos yung cake parang duon mismo sila kumain. Hindi man lang nag hiwa at naglagay sa platito, as in yung bandang gitna lang yung natira. Sobrang nabwisit talaga ako. Napailing na lang ako. Isa pang pangyayari, naguwi si hubby ng seafood pasta kasi galing sila sa inlaws. Nung tumikim ako sabi ko kain sila pagkagising ng mga bata. PAg check ko ulet, inubos niya lahat ng pasta, nung tinanong ko bakit hindi siya nagtira sa mga bata ang sagot niya ayaw daw nung panganay ko, eh 4 ang anak ko, yung isa lang ang tinanong niya. Sabi ko talaga, inuwi yung food hindi para sa kanya kung hindi para sa mga bata. humingi ng pasensya masarap daw kasi at first time daw niya nakatikim. Eto yung pinaka huli niyang ginawa, nag uwi kami ng kripy kreme donuts para sa mga bata, 1 dozen yun. Nuong nakakain na lahat, bago ako matulog sinilip ko yung box may natira pang isang piraso.  sabi ko sakto may midnight snack ako. And what do you know, wala na yung donut pag gising ko. Kinabukasan, siya pa unang bumati sa akin at sinabi niya, Ate grabe ang sarap ng donut. Sabi ko, malamang eh hindi kasi 10 isa nun. Mabuti na lang at after a few weeks, kelangan niya ng umuwi sa kanila kasi nag abroad yung ate niya. Sabagay, di naman talaga siya makakatagal siguro sa amin. Baka di ko din mapigilan sarili ko dahil sa sobrang takaw niya.
Is there something that you want to tell me 
Is there something that I ought to know 
Are we something that's still worth fighting for 
Or should I simply let you go

babyjapnurse01

  • a fulltime HeadTurner & BigSpender
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2424
  • the gawjus RN! :)
    • The Pink Thought Bubble
Generally, yes basta they wont finish it all up, mas okay naman na kainin nila than mag end-up sa trashcan dahil nasira na or nag-expire na. We just tell them if merong mga food items they cannot touch.

Naku, and regarding helpers naman na gluttonous, naku, we've hired several helpers before na grabe din talaga kumain, as in obvious na rin talaga minsan na "hiyang" sila coz theyre gaining weight (as in significant ha, hindi yung lumusog lang ng konti), di naman kasi kami madamot sa food, but syempre, it doesnt mean naman they can eat everything they want ng walang pagmemedya sa sarili.

Naalala ko before, i had mcdo deliver food here, i always order food for the helpers too, she ate even the desserts hubby and i ordered. the nerve.
Free speech carries with it some freedom to listen.

http://twitter.com/BabyJapDoll
The Pink Thought Bubble

BACKREAD!! NO Excuses!
[textspeak!] = MODiFY your post!

tasya

  • Probationary
  • Posts: 9
Meron nga talagang makapal ang mukha. Di naman sa madamot pero meron kasing mga stuff na para lang sa anak ko. Ako nga hinde ako nakiki-agaw sa anak ko, sya pa kaya. Like yung swiss miss ng anak ko, aba tig-isa pa sila ng anak ko everyday. Pati yung yakult. Meron din one time na nagpabili yung anak ko ng Krispy Kreme. Isa lang binili ko kasi nagtitipid ako that time, eh tulog na anak ko when I got home. Nilagay ko sa ref. Nung umaga, surprise, nung nakita ng anak ko. Parang 1/4 na lang, tapos medyo durog pa. Naiyak pa kaya yung anak ko nun.
Tsaka ayaw ko rin yung meron ako  nilutong ulam tapos pipiliin nila yung meat at ititira puro gulay. Super asar ako sa ganun. Meron din one time, me ulam na gulay sa table, nagluto sya ng egg at hotdog. Hay naku, at least aalis na sya sa katapusan.

badcoverversion

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 114
We have a yaya who housesits for us pag-aalis kami. Yung Christmas, nagbakasyon kami, nalimutan ko sabihan yung yaya kung ano yung di dapat galawin. My husband gave her enough money for food, etc. It was Christmas kaya marami food gifts ang nasa ref. When we came back, hala, kinain nya yung mga regalo, pati yung hindi pa nabubuksan, pati yung nasa gift basket. Nag ham festival sya at nag-fruit bar pa :). I was about to explode, but my husband told me na there is no good way of chiding someone who ate your food. Unless gyera daw na nagkakaubusan ng food or water. Pagkain lang daw yun, hindi naman daw nagnakaw and maayos naman yung house. I let it pass, pero days later, pag na-iinis ako ng kaunti kay Yaya, talagang lumalabas sa bibig ko "kinain mo na nga yung chocolate, tapos...". Pabiro minsan, talagang hindi ko mapigilang manumbat.

can_dice

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 364
    • this is my blog..
i have a stash for them - pwede sila kumuha don
pero yung sa amin - sa amin yun.

Pero this yaya that I have, grabe - pati yung amin pinagiinteresan!! 
Eavesdrop on my whatever thingies (BLOG), drop by:
http://candishhh.blogspot.com/
http://didimom.blogspot.com

17arci

  • Inhinyerong Tomasino
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 548
  • Babebube, boink!
Dapat may house rules. Hindi naman sa nagdadamot pero naka-budget naman kasi yun kahit papano. Lalo na kung may bata sa bahay, di pwedeng maubusan ng pagkain yung fridge.

realmofadreamer

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 484
    • That Kid at Heart
siguro nasanay na kami na sinasabi "may ganitong food sa ref, kain ka lang". And kung ano lang din sinasabi namin, yun lang din kinakain. tsaka lagi kasi sinasabi "diet" daw sya hehe
Every man's life ends the same way. It is only the details of how he lived and how he died that distinguish one man from another.
-Ernest Hemingway

aien

  • GirlTalker
  • **
  • Posts: 147
Yes. Yun nga lang alam niya kung ano ang dapat kainin at hindi dapat kahit hindi ko sinasabi. Medyo mahiyain kasi yun kya minsan sinasabihan ko pa kumain siya ng kung ano meron diyan.  Pero pag nkabalot alam niya di pwede un hehe. Hindi rin siya mahilig sa chocolates na kahit ano saka sa coke.

weird nga lang, dati bumibili ako ng milo, siya madalas makaubos. then habang kmakain kami minsan sabi ko bakit di ka kumakain ng chocolate? nagsisikip daw dibdib niya. tapos sabi ko e bakit milo umiinom ka? tapos di siya nakasagot. hay ewan  ::)
And so it seems that we have met before,
And laughed before and loved before
But who knows where or when

electricpink17

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 222
parang mahihiya naman akong magsabi kay yaya kung ano ang pwede niyang kainin kasi baka isipin nila pinagdadamutan namin. buti nalang ang yaya ko now, hindi siya garapal. kakainin lang niya ang food kapag bukas na at pag inalok ko siya.

mikelly

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 294
there are some na pwede.  may food kasi sa ref namin na may may-ari yung iba.  so sinasabi ko magpaalam before they get something. pero minsan, di ko pa rin alam kung dumudukot-dukot sila while I am not around. ganun naman talaga eh.  we cannot really say na hindi sila gumagalaw ng kahit ano pag wala tayo sa house.
You have the power to make things work.  If you want something, make it happen.

prettygurl00001

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 380
parang mahihiya naman akong magsabi kay yaya kung ano ang pwede niyang kainin kasi baka isipin nila pinagdadamutan namin. buti nalang ang yaya ko now, hindi siya garapal. kakainin lang niya ang food kapag bukas na at pag inalok ko siya.

sis, bakit naman ikaw pa ang mahihiya magsabi sa yaya? In the first place, ikaw ang amo and sya ang yaya, diba it's more appropriate na si yaya ang mahiya instead na ikaw? The more you spoil the maids/yayas, the more they'd feel na kayang-kaya nila kayo paikutin coz feeling nila takot kayong mawala sila.

We had a maid before, I was young then, high school ata ako nun. Naririnig ko lang when mom and my youngest sis was talking about her. Si maid daw pag inutusan magluto ng sinigang, she would cook all the meat inside the ref, kahit gaano pa kadami. Tapos ang lakas kumain, sya nakakaubos ng ulam and rice. Sya rin nauuna magbukas ng mga palaman from the cabinet. Tapos sya pa pinaka-tanghaling nagigising kesa sa amin. Pag naglaba, even yung hankies bini-bleach! Lahat tuloy ng hankies namin nabutas. Tapos walang ginawa maghapon kundi tumambay sa gate and magpa-cute sa neighbor namin na nagba-basketball. Nung punong-puno na si mom, nasita sya once lang. After a day or two, nagpaalam na uuwi muna daw sya ng province and nag-advance pa ng sweldo. Then hindi na bumalik.

reb_woods072683

  • A Proud Mom and a
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1648
  • I'm a blogger at heart.
    • Cook Food with Love
ako, not at all times. may mga food kasi akong binibili na gusto ko para sa aming mag asawa lang. but of course, we offer naman it to her and we don't treat her na super helper lang talaga. Pero she asks me first before eating or getting something from the fridge or cabinet.
“Never will I leave you; never will I forsake you.” - Hebrews 13:5

Follow me:
http://cookfoodwithlove.blogspot.com

 


Latest Stories

Load More Stories
Close