Author Topic: DO YOU ALLOW YOUR MAIDS/YAYA TO EAT ANY FOOD THEY SEE IN YOUR FRIDGE/PANTRY?  (Read 81662 times)

iluvmysoldier

  • army wife and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 403
ok lang for them to eat whatever is there on the fridge. pero just to be sure nagpapaalam sila..for respect na lang...pero minsan ako na mismo nagsasabi na kainin nila yung laman ng ref kasi nakakapanghinayang naman kung mabubulok lang yun dahil walang kumakain...
The army has my soldier but I have his heart.

gorgeousmama

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 913
^ looks like me delicadeza ang mga maid mo kasi you were the one telling them to eat, our maids nga binigyan mo na ng share, sinabihan mo na... e wala pa din

its really irritating that when you want to eat coz you reserved it for some other time and thinking meron pa then you'l find out ,ubos na pala coz kinain na

sa amin walang nasisirang pagkain, nasisirang tiyan bec of gluttony ;D

gorgeousmama

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 913
Actually, kabaligtaran yung experience ko pero nakakainis din:

One time, nagluto ako ng sopas (yung macaroni soup). E bihirang-bihira ako magluto kasi si hubby talaga ang nagluluto sa amin. So special yun para sa amin when I find time to cook...aba si yaya ay ayaw kumain ng luto ko. As in mga tira-tirang ulam ang kinain nya para lang wag nya kainin yung sopas. HINDI BA NAKAKAIRITA???

Pero agree ako na nakakaloka nga ang mga kapalmuks.
To the point na magdadalawang-isip ka kung bibili ka ba ng mamahaling food or snacks for your kids. For instance, I'll think twice before buying nutella or lays chips kung yung mga yaya lang din naman ang uubos. E di kawawa naman ang kids ko, pati sila tuloy made-deprive ng masasarap na food.

Malamang magtago rin ako ng pagkain.


sis natawa naman ako sa reaction ni maid, hahaha ;D

sis para di ka mairita, isipin mo na lang me allergy cya sa sopas, hahaha

or pag natikman nya baka mapadami pagkain nya,,, ;D

super bratinella

  • I am officially a HomeOwner;queen of the house; a non stop
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2480
  • To God be the Glory!!!
    • Blog
Our kasambahay can eat everything that is all in our fridge, kaso siya talaga ayaw niya kumain without my go signal. So talagang happy ako sa kanya, kasi she knows her limitation without me saying it to her.
I am nobody.

Nobody is PERFECT.

Therefore, I am PERFECT!.

http://superbratinella.blogspot.com/

showermist

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 832
i am paying two kasambahay-para sa lola ko at sa daddy ko.  and they can  eat anything in the fridge.  mas gusto kong maubos ang pagkain kesa masira. 
hindi kami high and mighty para ibahin ang food nila sa food ng tatay/lola ko.  eto nama'y sa amin lang mga sis ha.
yung mga kasambahay, sila pa ang nahihiya.  hay. 

iluvmysoldier

  • army wife and a
  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 403
depende na lang talaga siguro sa ugali ng helper...yung mga amo na lang ang bahalang magadjust at magrevise ng rules...
The army has my soldier but I have his heart.

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7372
My mom is sobrang pikon na sa maid namin na may anak. When she cooks kase, maramihan thinking na may mace-carry over for the next meal. Aba, si maid sobrang lakas kumain at literal walang natitira. Now what my mom does is she sets aside a certain portion of the ulam for the maids. Pag naubos nila ehdi bahala sila. The portions naman are quite big so OA si maid kung uubusin nya talaga.

Dito sa house kase, hinde makahirit saken yung maid. Iniintriga pa nya yung yaya ng baby ko cus when we go out, she dines with us. The other day, I heard our other maid telling my yaya how lucky she is na she gets to eat out a lot.
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

oktoberfest22

  • Aggrieved.
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 666

sis natawa naman ako sa reaction ni maid, LOL ;D

sis para di ka mairita, isipin mo na lang me allergy cya sa sopas, LOL

or pag natikman nya baka mapadami pagkain nya,,, ;D

Hahaha! Sige next time yan na lang iisipin ko pag ayaw kainin ang luto ko  :D
Be careful. Big Brother is watching...

mishmish

  • I'm shy but I'm friendly... eccentric but exquisite and undeniably a....
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1097
off-limits sa kanila ang mga food sa ref, coz i provide them separate breads, spreads, coffee, milk, instant noodles, delata, biscuits...tapos yung ulam namin pareho lang din.... swerte ko lang din kasi di naman sila yung nakikialam ng food na di kanila...
** The greatest weakness of most humans is their hesitancy to tell others how much they love them while they're alive **

ceejhei

  • Super mommy!
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1728
  • i am what i am
^ hindi naman siya nakikialam ng food, pero once i gave the go signal ayun! titirahin talaga mga pagkain. like last night, hubby, baby and me went to glorietta, sabi ko, luto nalang siya ng food niya dahil baka sa labas na kami kumain, sabi niya, "kuha nalang ako ng tuyo, yun nalang ulamin ko para mabilis lutuin" sabi ko, bakit yun? may isda diyan at liempo mag prito ka.

sus... kunwari pa si ate, yun pala nag prito ng pork chop, hotdog at bacon. wow ah, tuyo tuyo pa siya!!

slovy

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 291
sa amin naman, baliktad. walang pakialam, kaya nga gustong gusto ng helper nila hubby, maid nila ng matagal na panahon na kaya mahirap umangal baka maisumbong pa sa mga sil. naiinis lang ako minsan parang ang gusto nya kasi lahat ng kunin sa ref eh alam nya mamya hahanapin nya pag hindi mahanap paparinggan ka kahit si hubby pa bumili, kaya kami didiritso na namin pagkain namin sa taas na lang, di na namin lagay sa ref kahit sarili naman namin pera iyong pinambili non, iisipin pa rin nya sa mga sil ko galing ang pera, nakakaasar lang. matandang dalaga, wala manners lalo sa hapag kainan, nagsasalita puno ang bibig kaya nagtatalsikan minsan, nakakadiri. most of the time dina nga ako sumasabay sa pagkain.


ito pa: sila hubby may kapatid na may kapansanan, aba ginagamit nya iyon, pag may pagkain kami sa ref na paborito ko like chocolate bars, ice creams, pizza o kahit na ano mga pasalubong ng mga friends ko na dumadalaw sa akin dito sa bahay, sasabihin nya, kuha daw sya para sa special child sister ni hubby, iyon pala para sa kanya iyon nahuli ko na maraming beses, sasabihin lang nya ayaw na daw kainin eh kaya inubos ko na lang, laging ganon. :o


pero ok pa rin sa akin matanda na rin eh, saka baka maisumbong pa sa taga states, mahirap na. magaling pa naman mambaliktad non. hay!
« Last Edit: December 23, 2010, 10:44:57 am by slovy »
The only way out of the labyrinth of suffering is to forgive!

veeyaa006

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 271
^ medyo OT ako pero 1 of the reasons why nagpapa alis ako ng maid. Yung gusto niya sha ang nagpapa-andar sa bahay ko. Shes the employee, not the employer

Hindi lang ako mka resist. Sorry, back to topic  ;D

letters_to_cleo

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 788
  • happy, happy. my goal is to be happy!
    • Geek Wearing Makeup
Nasanay kasi kami na open to all ang food sa house, and so far wala namang umabuso ng bonggang-bongga.  Except yung maid sa Davao, I remember one time nagpaparty kami sa younger cousin ko, may 1/2 pan pa ng baked mac sa ref.  Eh the morning after party lumabas kami, naiwan lang sya and dumating yung sister nya. So sila ang naiwan sa bahay.  When we arrived, magmerienda sana kami ng baked mac. Surprise! Nakita ko na lang yung Aluminum Pan sa trashcan.  Nainis ako na natawa, naubos nila ang 1/2 ng Family sized pan? Biniro ko na lang na, Masarap ba ang baked mac, neng? Tapos she told me pinabaunan nya ang sister nya. Sabi ko na lang, next time magtira sya. But since then natuto na rin naman, di na inuubos ang mga pagkain.

kreez

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 782
    • Intricate Thoughts
yes, lahat ng food sa house pwedeng kainin ng kahit sino :D
________________________________
http://intricatethoughts21.blogspot.co.uk/

twelvth_goddess

  • A certified ZOE-holic and a true blue
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 7372
Our maid's kid mejo abusado na when it comes to food. When we  buy donuts or other stuff, aba mas nakikipag-agawan pa kesa nephews ko and nagiinarte pag hinde na binibigyan. We give him naman kahit pano pero OA na yung gusto nya maya't maya hihingi. Napagalitan ko nga kanina kase I was eating pizza tapos umaarte sa nanay nya dahil gusto din daw nya.  ::)
Whatever I want, I get. If I can't, I don't stop TRYING.

thess

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 370
Iba iba din experience ko pagdating sa food.. may mga maid na kapalmuks talaga pero sa dami ng naging maid namin konti lang naman sila. Mostly kasi ng maid namin from province kaya kahit sabihan mo ng kain lang sila pag gusto nila, nahihiya talaga sila. Ang food din namin syempre yung mga tulad ng sustagen at nutella sa mga kids lang yun. Mostly pwede sila pag kumakain kami sa labas kasama din sila. May cabinet kaming ni lolock kasi mga kids ko kuha ng kuha tas di naman inuubos sayang naman, kaya kinokontrol ko mga kids.

ana mimi

  • Mahilig Magpaganda na
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 679
  • Queen of your Heart
omg. may mga maid talaga na garapal..

at first syempre pagbawalan nyo muna sila kung ano yung pwede at hindi pwede.

next naman, kung di pa rin umepekto, buy them their own grocery.

kahit mga 500 lang naman per month, yung mga pwede nilang kainin.

kapag talagang wala pa ring epekto, magtago na kayo ng food.

kapag super garapal na-- TERMINATION>>
"Life is short. Even if Patience is a Virtue, Time is still Gold."

DV

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 812
Help naman please.  How do you set your food rules without sounding madamot at sa pananalita na hindi magdadamdam ang maid?  Paano sasabihin?  I have never had to set food rules with past maids kasi but this new one has a really big appetite at hindi marunong magpaalam bago kumuha ng pagkain that's why I have to include this new set of rules/limitations.
"The more that you read, the more things you will know. The more that you learn, the more places you'll go."    --Dr Seuss, I Can Read With My Eyes Shut!

marose17

  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 3940
^ What I do is I buy the maids their own bread and spreads, coffee, creamer or 3-in-1 coffee and put them in a place separate from the food of the family.  For meals, we have the same ulam.  The family gets to eat first.  I buy just enough for one meal, hindi sobra-sobra.  Kung may leftover, they can eat them on the next meal.  Basta yung bagong lutong ulam, sa family ang priority.  If yung lunch ulam niyo is the same as the ulam for dinner or vice versa, magsandok ka na sa isang container/dish ng para sa maid.  Tell her nicely na ulam pa rin mamaya yung ulam ngayon so kailangan marami pang maitira para hindi na magluto ulit.

Regarding food reserved for the family, I always tell the maids na etong fruits, biscuits, chocolates, milk, [fill in the type of food], ay para sa kids lang, sa amin, etc.  I make it a point to tell them nicely but firmly.  Kaya nga, may food para sa kanila na pang-breakfast at merienda para hindi na nila galawin ang snacks ng mga bata.

My point is, hindi ko hinahayaan magpakasasa ang helpers sa food namin kasi may food budget din ako.  Kailangan maimis tayong mga mommies.  Basta explain lang natin mabuti at maging mahinahon sa pag-explain.  It also helps to make lists and to do spot checks para alam natin kung anong laman ng ref at pantry.

ana mimi

  • Mahilig Magpaganda na
  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 679
  • Queen of your Heart
tama ka dyan sis marose17, wag natin hahayaan ang mga maid kase sinuswelduhan naman natin sila e. kahit na kasama sila sa food budget natin, it doesn't mean na family na talaga sila na dapat nating pagsilbihan..

tell them nicely sis DV , I am sure they won't mind. kailangan lang naman nila maintindihan yung point mo para di nila isipin na nagdadamot ka.
"Life is short. Even if Patience is a Virtue, Time is still Gold."

 


Latest Stories

Load More Stories
Close