We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
mostly ako yung nagkakaron ng problema or sakin nag sisimula yung problema ng relationship namin.
habang nasa relationship ako sa partner ko, nagkaron ako ng ibang partner. partner for weeks lang. siguro dahil napasaya ako ng ibang guy at naparamdam sakin nung ibang guy yung hindi ko makuha sa daddy ng anak ko. dati sweet yung partner ko, after a few years mas nakikita ko nagiging sweet sya sa friends namin. dati sobrang gentleman. at dun ako talaga na fall in love sa kanya. pero after a few years mas nagiging sweet sya sa mga kaibigan namin. inintidi ko na lang din. nagkasala ako. naghanap ako ng iba. humingi ako ng patawad sa kanya at tinanggap naman nya ako ulit.
nagkaron ulit ako ng kasalanan sa kanya. dahil ako ang kanang kamay ng boss ko, sa akin nya pinagkakatiwala lahat ng pera na ipon ng opisina. sabihin na natin sa kagustuhan ko makatulong at magkaron ng marangya buhay, nagalaw ko ang pera. na sa ngayon partner ko yung nagbabayad. hindi nya nakuha yung pera inipon nya sa loob ng isang taon at nagbabayad pa sya dahil sa kalokohan nagawa ko.
hinarap ko yun kasalan ko yun. halos nadurog ako nung humarap ako sa opisina at inamin ang ginawa ko. alam ko nagkamali ako. alam ko nadapa ako. gustong gusto ko na bumangon. ayaw ko na ng gantong buhay. pinagsisihan ko na lahat. sawa na ako magkamali pa. sawa na ako madapa sa buhay.bumabangon ako ngayon sa mga maling nagawa ko sa buhay. gusto ko sumandal sa partner ko pero sya yung nagpapa mukha sa akin na wala akong kwentang tao. na hindi ko kayang magbago. na napaka bobo ko at wala ako mararating sa buhay. napapagod na din ako. gusto ko na din mabuhay ng maayos alang alang sa anak ko. ayaw lumaki sya katulad ko. gusto ko sya mapalaki ng tama.