Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196289 times)

214

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #720 on: December 16, 2018, 04:25:55 pm »
I badly need help. Warning you in advance that this is a long post.

My husband and I have been married for almost a decade. We spent those years living with my family. We moved out from my family's house just this October. The reason we moved was because my youngest sister accused my husband of sexually molesting her. My sister told me that it happened since she was 10 yrs old ( she's 18 now). She told me that it did not really happen continuously, there'll be months and years that she will not have any unfortunate encounter with my husband. She was never raped, she assured me, but was still molested. When my dad and my other sister confronted me about this, I told them that my husband can never do things they are accusing him. My husband also talked to them saying that he is innocent. During that time, I was really firm in my belief that my husband was innocent.  I confronted my husband about it and he said he can never do such things.  He moved out of the house the next day. Hindi ako mapakali nun, gusto ko malaman kung ano talaga yung nangyari. Kahit natatakot ako, kinausap ko yung kapatid ko para ipakuwento sa kanya yung side nya. Nung una, I told her I don't want to know the details pero as we progress dun sa pag-uusap namin sabi ko sa kanya ikwento nya lahat. I asked her bakit ngayon lang sya nagsabi, she said natatakot sya akala nya magagalit ako. Hindi ako nagalit, I understand her situation kasi I was also a victim of molestation nung  bata ako na never kong kinuwento kahot kanino. We were both crying the whole time. Despite hearing her side of the story, I decided that I will stand with my husband. Ayokong masira ang pamilya ko. We have two kids. My kids love their dad so much. Wala din naman akong masasabi sa asawa ko pagdating sa pagiging tatay nya sa mga bata. I also felt lucky kasi never kaming nagkaron ng problem with money, vices, third party and the likes na usual pinag-aawayan ng mag-asawa. After he moved out of the house, he stayed with his family. A friend of mine helped us financially for DP of the condo that we are renting now. We have been living on our own now for two months.

Akala ko okay na ko. I thought the solution to our problem was just to moved out from my family's house pero nagkamali ako. I cannot look at him the same. Palagi kong naiisip yung mga sinabi sakin ng kapatid ko. Laging nagfla-flash back, laging narereplay sa isip ko. My husband and I talked about this and he said kasi naniniwala ako sa kapatid ko na ginawa nya yung mga bagay na yun. I told him na nagsisimula na kong maniwala na ginawa nga nya yun kasi paiba-iba yung kwento nya dun sa last incident na nangyari.  He said mas mabuti pa daw na mamatay sya kaysa di ako maniwala sa kanya.

Di ko na alam ang gagawin ko. I feel trap with the situation I'm in. In my heart I know na nagawa nya yun. He asked me recently kung mahal ko pa sya, I said hindi ko alam. Hindi ako sigurado.

Help me mga sis. I'm in a really dark place right now.

Girltalker2

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #721 on: December 16, 2018, 05:36:21 pm »
^ naawa ako sa sis mo.
Sorry ha, alam ko lahat tayo hangad buong pamilya. Pero hindi mo mapaglaban ang katarungan for your sis, kadugo mo pa naman. And she is only 18yo.

You can never have peace of mind talaga for something that is wrong. You can try fooling yourself, but sorry, it will haunt you talaga.

Masakit man isipin, nagkasala asawa mo. Hindi man sayo personally, Pero kelangan nya harapin ang consequences ng action nya.

May babae ba kayong anak? Hindi ka ba natatakot na baka nabgyayari din sa anak mo ang nangyari sa sis mo? If di pa naman, what if mangyari sa future? If you are in your mom?s shoes, ok lang sayo? Kung sayo mismo nangyari, ok lang sayo?

Sorry again sis, but I really think you made the wrong decision. You should have stayed with your family. Through thick and thin, sila dapat kasama mo. Then file a case against your Husband. It?s not about vengeance but it?s about doing what?s right for your sis.
« Last Edit: December 16, 2018, 05:40:52 pm by Girltalker2 »

214

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #722 on: December 16, 2018, 08:39:31 pm »
^thanks sis for replying to my post.

dun sa pagfile ng kaso kay husband, i told him that to test him kung talagang nagsasabi sya ng totoo. he said he's willing to be imprisoned to prove his innocence. hindi ko din hinadlangan yung pamilya ko na magsampa ng case against him but hindi naman nila ginawa. i don't know the reason why they did not pursue but honestly hindi ko alam kung kakayanin ko na makita na nakakulong sya and makita sya ng mga anak namin sa ganun sitwasyon.

never naging okay sakin yung nangyari. like i said, i, too was a victim of sexual molestation by an uncle years ago. i never said it to anyone even my family except here. naawa din ako sa kapatid ko. alam ko trauma yun sa kanya. never akong nagka- idea na may nangyayari na masama sa kanya na gawa ni hubby kasi they are close. pag may problema yung sister ko, minsan mas nauuna pa nyang i-confide sa asawa ko kesa samin na ate nya. also, whenever may mga assignment sya sa school, madalas syang humingi ng tulong kay hubby. never ko talaga nakita na iba yung treatment nya sa asawa ko, na parang lumayo or nagalit or umiiwas. yun din ang tinanong sakin ng hubby ko, kung ginawa daw nya yun bakit hindi nagbago treatment ng kapatid ko sa kanya. he even said na dapat nilayuan sya or iniwasan sya, pero hindi naman nangyari yun. wala akong masagot nung binalik nya yun sakin. ang sabi nya isipin ko daw yun.

for now, titiisin ko muna na magkasama kami. ayoko kasi talaga na masira ang pamilya ko. i can't bear the thought na lumaki ang mga anak ko na hindi nila kasama ang tatay nila.

to answer your question, yes we have a daughter. she's 3 yrs old. to tell you honestly, i know deep down na hindi magagawa yun ng asawa ko sa anak namin.




TomHansen

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #723 on: December 16, 2018, 09:54:26 pm »
^ Legit question sis, may naiisip ka bang dahilan bakit kaya magsisinungaling si sister mo? may mag-gain ba sila kung nagsisinungaling siya?

Siguro iniisip rin ng family mo kayo ng mga anak mo kaya ayaw nilang magfile ng kaso at pwedeng dahil alam nilang mahirap patunayan based sa kwento lang yung mga nangyari. Hindi mo rin masasabi na walang instances na umiwas si sister mo kay husband mo dahil di mo naman sila kasama 24/7. Maraming reasons bakit hindi niya pinaalam agad ang nangyari lalo bata pa siya ng nagstart pero ang mahalaga is sinabi niya ngayon at kung para sa iyo believable ba yung sinasabi niya. Ngayon lang siya nagkalakas ng loob because im sure hindi niya rin alam kung may maniniwala ba sa kanya dati.

Wag ka ring maniwala sa sinabi ng hubby mo na he's willing to be imprisoned to prove his innocence, madali lang sabihin ang mga yun lalo kapag ipit ka na sa situation at alam mong hindi naman mangyayari. At wag ka ring mapressure sa sinabi niyang mas mabuti pa daw na mamatay siya kaysa di ka maniwala sa kanya, those are movie lines na wala namang meaning in real life. Kung inosente siya hindi sa ganyang way niya dapat ipagtanggol ang sarili niya. Madali lang ipagtanggol ang sarili kung alam mong wala kang ginawang masama, at hindi ka magsasawa.

Nakapagdesisyon ka nang makisama uli sa kanya ngayon pero kapag hindi mo na talaga kaya at hindi mo na maibalik yung dating pagtingin mo sa kanya wag kang matakot na humiwalay sis. Hindi porket walang ama ang bata ibig sabihin mapapabayaan na siya or incomplete na pagkatao niya. Huwag kang matatakot magkabroken family kung tama naman ang dahilan, i'm sure your kid will thank you paglaki niya...

kvandenhaak

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #724 on: December 16, 2018, 11:47:48 pm »
That is a very difficult situation to be with...wow! How do you move on from this experience? The only thing I can say to moms with young kids is to attend a course about sexual abuse if its available in your area. It's extremely important. It tells you how to train children to speak up and how to spot signs of sexual abuse in young children. She was probably showing signs early on but no one noticed. Imagine the confusion, shock and being terrified everytime the perpetrator is around her? Imagine being robbed of innocence? I can't imagine. I hope everything goes well with everyone of you but like I said, how do you move on from this?

Girltalker2

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #725 on: December 17, 2018, 12:15:17 am »

Tama din Sabi ni tom Hansen
If I?m your hubby and I?m innocent, magagalit ako talaga if I?m accused of something I did not do.

As for your sis, puede mo rin naman itanong ulit sa kanya na nung nakaraang mga nangyari, ano naging reaction nya and ano Iniisip nya. Did she attempt to tell, to avoid, to get back or what.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #726 on: December 18, 2018, 12:42:17 pm »
Big deal sa akin ang ganyan issue Lalo na kung may anak akong babae di ko isusugal un future safety ng anak ko para sa reason na you know in your heart na di nya magagawa un sa anak nyo. You can never be sure hindi naman ikaw ang may katawan at kung anong nasa isip ng husband mo. Ngayon nga diba di mo rin akalain magagawa un sa sister mo. Kaya nga may kasabihan na sa huli ang pagsisi. Asawa napapalitan ang kapatid o anak hindi.

lilu

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #727 on: December 19, 2018, 12:50:41 am »
Isipin mo na lang sis na kung nagawa nya nga yun sa kapatid mo, kadugo mo, "bata" pa... (nag start ng 10?!!!) hindi malayong mangyari na pwedeng magawa nya yun sa anak mong babae.. maraming cases yung ganyan sis. Yung iba na inignore, malalaman na lang sa huli buntis na... hindi mo nga sya maicacategorize as infidelity eh mas worst pa.. once na malaman mo yan, hindi ka na patatahimikin ng isip mo sa kakaduda.. kasi pati treatment nya sa daughter mo pagiisipan mo pa.. haaaaays

TattaNech

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #728 on: January 01, 2019, 09:06:17 pm »
Oh my Gosh! The only thing that may help is attending a psychologist.

imtired14

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #729 on: January 03, 2019, 01:02:36 am »
hi everyone!

this is my first time to post something here. kasi feeling ko kelangan ko naman ilabas kung ano yung nararamdaman ko. i have a 11 year old kid with my 12 years live-in partner.

to get straight to the point, hindi perfect relationship namin. and mostly ako yung nagkakaron ng problema or sakin nag sisimula yung problema ng relationship namin. habang nasa relationship ako sa partner ko, nagkaron ako ng ibang partner. partner for weeks lang. siguro dahil napasaya ako ng ibang guy at naparamdam sakin nung ibang guy yung hindi ko makuha sa daddy  ng anak ko. dati sweet yung partner ko, after a few years mas nakikita ko nagiging sweet sya sa friends namin. dati sobrang gentleman. at dun ako talaga na fall in love sa kanya. pero after a few years mas nagiging sweet sya sa mga kaibigan namin. inintidi ko na lang din. nagkasala ako. naghanap ako ng iba. humingi ako ng patawad sa kanya at tinanggap naman nya ako ulit.

nagkaron ulit ako ng kasalanan sa kanya. magkasama kami sa isang office. meron kami savings dun. dahil ako ang kanang kamay ng boss ko, sa akin nya pinagkakatiwala lahat ng pera na ipon ng opisina. sabihin na natin sa kagustuhan ko makatulong at magkaron ng marangya buhay, nagalaw ko ang pera. na sa ngayon partner ko yung nagbabayad. hindi nya nakuha yung pera inipon nya sa loob ng isang taon at nagbabayad pa sya dahil sa kalokohan nagawa ko.

hinarap ko yun kasalan ko yun. halos nadurog ako nung humarap ako sa opisina at inamin ang ginawa ko. alam ko nagkamali ako. alam ko nadapa ako. gustong gusto ko na bumangon. ayaw ko na ng gantong buhay. pinagsisihan ko na lahat. sawa na ako magkamali pa. sawa na ako madapa sa buhay.

bumabangon ako ngayon sa mga maling nagawa ko sa buhay. gusto ko sumandal sa partner ko pero sya yung nagpapa mukha sa akin na wala akong kwentang tao. na hindi ko kayang magbago. na napaka bobo ko at wala ako mararating sa buhay. napapagod na din ako. gusto ko na din mabuhay ng maayos alang alang sa anak ko. ayaw lumaki sya katulad ko. gusto ko sya mapalaki ng tama.

advise please. kelangan ko talaga sya.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #730 on: January 03, 2019, 05:24:45 am »

mostly ako yung nagkakaron ng problema or sakin nag sisimula yung problema ng relationship namin.

Aminado ka naman na laging ikaw simula ng problema so hindi natin masisisi kung bakit di kagandahan ang treatment ng partner mo sa iyo. Tingnan mo din anong pinanggagalingan niya, kasi for sure kung baligtad sitwasyon ninyo most likelyn iniwan mo na siya or pinagsasalitaan din ng di maganda.

habang nasa relationship ako sa partner ko, nagkaron ako ng ibang partner. partner for weeks lang. siguro dahil napasaya ako ng ibang guy at naparamdam sakin nung ibang guy yung hindi ko makuha sa daddy  ng anak ko. dati sweet yung partner ko, after a few years mas nakikita ko nagiging sweet sya sa friends namin. dati sobrang gentleman. at dun ako talaga na fall in love sa kanya. pero after a few years mas nagiging sweet sya sa mga kaibigan namin. inintidi ko na lang din. nagkasala ako. naghanap ako ng iba. humingi ako ng patawad sa kanya at tinanggap naman nya ako ulit.


Sabi mo inintindi mo lang na hindi na siya sweet sayo, sa mga friends ninyo nalang. Saan banda mo siya inintindi? E naghanap ka nga ng iba. Yung sarili mo ang inintindi mo hindi yung partner mo. Be thankful pinatawad at tinanggap ka pa. Maski sa babae ang hirap tanggapin uli ng bf or mister na nagloko.

nagkaron ulit ako ng kasalanan sa kanya. dahil ako ang kanang kamay ng boss ko, sa akin nya pinagkakatiwala lahat ng pera na ipon ng opisina. sabihin na natin sa kagustuhan ko makatulong at magkaron ng marangya buhay, nagalaw ko ang pera. na sa ngayon partner ko yung nagbabayad. hindi nya nakuha yung pera inipon nya sa loob ng isang taon at nagbabayad pa sya dahil sa kalokohan nagawa ko.

Jusqqqq! Umulit ka pa. Yung mga kasalanan mo yung mga ayaw na ayaw pa ng lalake. Pera at Pagtataksil. Bakit ka naman kasi nag-Social Climbing 101 gamit ang pera na di sa iyo?! If babad ka sa socmed iwasan mo para di ka nakakakita ng kung ano-ano. Or iwasan mo muna mga gastador mong friends.

Kawawa partner mo nadamay pa sa kalokohan mo. Yung ipon na dapat para sa pamilya ninyo nauwi pa sa pagbabayad ng utang, kinulang pa. Di ka na nakatulong nakabigat ka pa.

hinarap ko yun kasalan ko yun. halos nadurog ako nung humarap ako sa opisina at inamin ang ginawa ko. alam ko nagkamali ako. alam ko nadapa ako. gustong gusto ko na bumangon. ayaw ko na ng gantong buhay. pinagsisihan ko na lahat. sawa na ako magkamali pa. sawa na ako madapa sa buhay.

bumabangon ako ngayon sa mga maling nagawa ko sa buhay. gusto ko sumandal sa partner ko pero sya yung nagpapa mukha sa akin na wala akong kwentang tao. na hindi ko kayang magbago. na napaka bobo ko at wala ako mararating sa buhay. napapagod na din ako. gusto ko na din mabuhay ng maayos alang alang sa anak ko. ayaw lumaki sya katulad ko. gusto ko sya mapalaki ng tama.

Di ka pa ba nakasandal sa partner mo ng lagay na yan? Siya na nagbabayad ng perang nadispalko mo - hindi ka iniwan at pinabayaan na pasanin yung pagbabayad. Yung partner mo ang kailangan maghanap ng masasandalan dahil sa laki ng problema na binigay mo. Kung pagod ka, mas pagod siya. Isipin mo yung papasok siya sa trabaho pero yung kikitain niya pangkain ninyo lang at pambayad ng utang. Isama mo pa yung pinag-uusapan yung kalokohan mo sa opisina at maging ng mga kamag-anak ninyo. Sa totoo lang di ka maayos na katuwang sa buhay.

Ngayon sabi mo bumabangon ka sa maling nagawa mo sa buhay, ano naman ang ginagawa mo para makabangon? Tumutulong ka ba sa partner mo? Sa nabasa ko kasi puro reklamo ka lang tungkol partner mo. Saka yung mga salitang yun nasasabi niya sa iyo kasi malamang gigil pa partner mo sa iyo kaya ganyan ang treatment sayo, lalo na kung bago pa lang nangyari. Wag ka mag-expect na chummy-chummy kayo agad.

Kung ayaw mo matulad sayo anak mo at mapalaki siya ng tama, gawin mo ang tama. Konting sakripisyo. Wag temporary na kasiyahan ang inuuna.

ficklemind

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #731 on: January 03, 2019, 04:04:26 pm »
@imtired14
tama si sis mysterioza_me, wag mo i-expect na parang walang nangyari at happy happy lang kayo ng partner mo.  eto na consequences ng mga naging kasalanan mo, you have to deal with it.
Oo bumabangon ka  na, eh pano naman si partner mo? bigyan mo din siya ng time makarecover sa mga ginawa mo. sabi nga nila it is easy to forgive but hard to forget.


 
« Last Edit: January 05, 2019, 12:04:34 am by ficklemind »

lilu

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #732 on: January 04, 2019, 11:56:54 am »
Tama mga sis natin dito, may I just add na alam mo sa sarili mo na ikaw ang at fault here... yes, may pagkukulang si partner mo pero di naman nya deserve yung pagtataksil mo (kahit na weeks lang yun). Sa nabasa ko you and your partner are not married, kung sa iba nangyari ito sis may possibility pa na iwan ng lalaki ang babae, yet yung partner mo nag stay and naging responsable o umako pa sa mga damages na nagawa mo sa office. I think napakaswerte mo pa nga dahil di ka iniwan ni partner.

Sis tutal New Year ngayon, ikaw ang bumawi at alam mo naman yan sa sarili mo na hindi basta basta yang pinasok mong problema. Infidelity and Money issues are truly major prob sa isang relationship. At kung pinanghihinaan ka ng loob because of the way he treated you, this may sound harsh pero you just have to accept it or suck it up kasi you deserve it somehow. Time lang ang makakapag heal sa inyo.. Godbless you sis. Kaya nyo yan.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #733 on: January 05, 2019, 01:22:25 am »
Sis 214, grabe yung situation mo ang bigat bigat naman niyan. May 8-year-old daughter din ako pero kung ako yung nasa situation mong ganyan. Sorry sa asawa ko pero iiwan ko talaga siya. Are you a working mom? Umaalis ka from Monday to Friday? Hindi ko alam kung paano ako magiging at peace talaga. Ang daming instances na ng incest. Meron pa sinasabi noong tatay na rapist "dahil ang lambing daw ng anak niya" ang BS sobra. Kaya sa kwento mo naisip ko tuloy na close si husband mo sa sis mo "kasi they are close". Baka it is sending a wrong message kay husband.

Sa mga parents dito please please turuan natin ang mga anak natin about sexual abuse. Dapat alam nila na sila lang ang pwedeng humawak sa private parts nila. Kahit nga parents at a certain age bawal na bawal na yan. Tipong no sitting sa lap ng kung sino pa man yan.


pinkarrow

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #734 on: March 02, 2019, 11:48:04 am »
Hello sissies, just want to vent out here and get some opinion. 

my husband loves his mother so much to the point na feeling ko kahati ko sa love mother nya or mas mahal nya mother nya. Im just his second priority. He talks to his mother too much like minsan no filter. Nung magwork from home ako wala na ko health card, inask ko sya kung pwedeng ako na gawin nyang dependent tapos nung sinabi nyang dependent nya kasi mother nya at alam ko naman daw na importante yun sa mother nya i felt hurt. Although sinuggest naman nya na kuha nalang kami ng healthcard ko pinaride nya ko sa credit card nya tapos i pay him nalang every month. I still feel hurt kasi mas inuna nya mother nya. Tapos i notice na every weekend he calls his mother to check kung kumusta na,ok lang naman pero ayun nga hindi pa sya emotionally detached sa mother nya. Tapos para pa syang reporting for duty kinekwento din nya lagi sa mother nya mga ginawa namin ganyan. And kapag for example may lakad or family outing or nung new year silang 2 ng mother nya nagpplano tapos ako fyi. Pati cover photo nya kaming 3 kasama mother nya. Tapos pag mom nya nagaya out of the country ok lang sa kanya. Well maybe because sagot mom nya airfare at hotel. Pero alam mo yun mas may action basta pag sinabi mom nya unlike pag ako i have to wait kasi need ibudget ganyan. Tapos we need to go to their house every month. Naisip ko di ba pwedeng meet halfway like kain sa labas nalang once a month. Need ba talaga uwi sa kanila every 2-3 weeks monthly. Am i just jealous or my feelings about not being a priority is real? I told him about it na pero he just can?t let go because he loves his mother too much.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #735 on: March 02, 2019, 07:55:36 pm »
^ Why you feel insecure? Na memeet ba ni husband mo un love language mo? Or full ba ang love tank mo as his wife? Before ba kayo ikinasal na pagusapan nyo ba ang set up nyo as husband and wife ano un mga non negotiable nyo dalawa? Are you aware what are the things that you need to embrace and accept kapag mag asawa na kayo?

Sa aking lang wala ako nakikitang mali about pag tawag, pagkwekwento at pag visit nyo sa inlaws nyo every month unless na lang di kayo magkasundo ng inlaw mo. About sa planning sa vacation valid naman reason ng asawa mo if need nyo talaga ibudget. Malaking kabawasan din un airfare and hotel diba? About dependent existing na kasi bago ka pa dumating si mother na nya nakalagay dun. Besides for sure pag nagkasakit mother inlaw mo tutulong si hubby mo baka mas mapamahal pa kayo. Nabigyan naman ng solusyon hindi naman binalewala na wag ka na lang mag health card. About planning yan dapat idiscuss mo sa husband mo di pwede na fyi ka lang unless na lang kung un lakad ay pang side ng pamilya nya so need talaga na kasama si mother nya sa plano but if pang kayo 2 lang ang lakad dapat between the 2 of you lang un.

Hindi mo kaya basta maalis sa husband mo si mother inlaw kaya instead na makipag compete ka you need to embrace and accept ng bukal sa loob mo. Kauspin mo lang si husband mo about sa mga bagay na need nyo lang I adjust ng kaunti about his mother. Kasundo mo ba mother inlaw mo? Gusto mo ba syang biyenan?

kvandenhaak

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #736 on: March 03, 2019, 07:49:07 am »
Once a month lang naman pala ang dalaw. At least nga hindi sa inyo nakatira. If he is a good provider naman at di kayo napapabayaan. Ang tanong ko lang is bakit kelangan nyo magbayaran?

lilu

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #737 on: March 03, 2019, 01:18:16 pm »
Oo nga bakit kelangan you have to pay him? Saan ka kukuha ng pambayad? Sa kanya din naman ikaw kukuha kung wala ka work.. asawa mo naman sya. About sa MIL mo, ireconsider na lang kung: Single mom at may katandaan na. only child ba hubby mo? Mga ganung factors..




mysterioza_me

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #738 on: March 03, 2019, 07:02:52 pm »
Salute ako sa hubby mo lumaki siya na loving sa parents. Look at the brighter side nalang. Isipin mo maski ganun siya sa mom niya ka-close nakabukod pa din kayo ng bahay. Kung naibang mister yan ipipisan niya pa mother niya sa inyo. Be thankful na din na monthly visit and frequent calls ang ginagawa nila. Saka if may anak kayo nagiging magandang role model ang dad nila na dapat pagkayo naman ang tumanda ganun din ang gagawin nila sa inyo.

Naiisip lang siguro ni hubby na matanda na mother niya, ilang taon nalang itatagal nun sa mundo. If may dapat kayong pag-usapan yun e ang healthcard mo, ok lang naman na mom niya ang dependent since alam naman natin na medyo masasakitin na ang matatanda pero sana hindi na pinababayaran ng hubby mo sayo yung healthcard mo kasi kung tutuusin ikaw talaga ang dapat na dependent niya.

three8one

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #739 on: March 04, 2019, 03:35:54 pm »
@pinkarrow

pag ang guy may pagmamahal at pag galang sa mga magulang asahan mo madadala nya yun pag nag pamilya sya. he will treat you the way how he treated his mother. siguro bago palang kayo kasal? kaya hindi maiwasan yun medjo mas matimbang yung nabibigay na attention ni guy kay mother earth. isipin mo na lang, ilang taon nya nakasama yung mother nya diba. jealous lang yan mawawala din yan pag naka focus na sayo ng husto ang hubby mo.

ask mo hubs mo bat need mo bayadan yung sa credit card eh sa kanya ka rin naman kukuha ng pambayad. sya na kamo magbayad ng direkta. hehe! okay lang yan pinkarrow, magiging happy couple pa din kayo ni hubby (kung wala pa kayo anak) :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close