Nananadya si misis.. Matagal siyang nagdusa noon kaya ngayon ikaw naman magdusa.. Immature man eh wala ka magagawa yan ang asawa mo..
Yung totoo bro, ang mga problema na reklamo ni misis noon, naayos na ba? O inaayos pa lang at pumapalya pa din (di naman kasi pwedeng overnight di ba)?
Wag mo isali ang ibang tao sa problema niyo.. Dito ka na lang bro tutal di naman namin kayo kilala

Di kasi dapat sinasali iba sa problemang mag-asawa (di naman kayo abuse level).
At wag ka na mag-isip ng suicide kuya huhu... Kung di man para sa sarili mo, isipin mo mga anak mo. Wala naman silang kasalanan dito bakit kailangan mawalan sila ng ama

Gaya ng sinabi nila - GIVE IT YOUR ALL
Kahit maubos ka pa, yung alam mo sa puso mo eh talagang ginawa mo na ang lahat. Kahit ano pa ang reasksyon niya o gaano ka pinababayaan, wag kang tumigil magpursige na maging mabuting asawa (gaya nung ayaw ng sexy time, try and try until you succeed kumbaga ng hindi siya inaaway basta maglambing o manukso ka pa din sa kanya).
Bakit? Kasi andiyan ka na sa road to recovery eh di lubusin mo na. Yung walang masasabi sayo na ginawa mo talaga ang dapat mong gawin. Mahirap? Oo naman pero parte yan ng buhay magasawa.. Kahit gaano kasakit kailangan tiisin mo.
Si misis naman, hindi mo yan makontrol. Nasa kanya kung pipiliin niya yang online life niya o ang pamilya niya. SANA magising na siya sa katotohanan at makita niya mga effort mo (kaya nga sinasabi give your all).
Kung hindi man, maging ready ka na lang bro at tanggapin mo kung ano ang kinahinatnan ng mga problema niyo nung nakaraan.. Minsan may mga asawa talaga na sumuko na eh

KUNG dun man kayo mapunta, alam mo ginawa mo ang lahat at si misis talaga bumitaw.
Kausapin mo ulit asawa mo. Sabihin mo gagawin mo lahat ng makakaya mo kasi ganun ang pag-aasawa. Walang sukuan! At hingin mo sa kanya na wag din siya sumuko at magtulungan kayo na maayos ang buhay niyo di lang para sa inyong 2 kundi para sa buong pamilya niyo.
my mom asked me if I want to go there with them kahit daw bakasyon na kasi mag reretire na papa ko sabi ko mom i have to look after my family.
Tingin ko kailangan mo din ito. Sandali lang naman ang bakasyon di ba?
Una, kayang ibigay ng magulang mo yung pagmamahal na hindi binibigay sayo ng asawa mo.
Pangalawa, kung matanda na sila, isipin mo din onti na lang oras na makasama sila (pasensya na kung morbid pero mga magulang at matatanda kasi sa amin mahilig humirit na mawawala na sila kaya lagi kami nagsasama).