Sana may makatulong sakin, actually nalabas ko na ang nararamdaman ko, pero gusto ko sana iopen up lang at makakuha na din ng advise from you guys...
9years kami mag bf/gf ng asawa ko ngaun, bali kakakasal lang namin. Actually hindi pa ko handa magasawa at magbaby, pero ayun binigyan kami nanganak ako nung january...
So nang nalaman namin na preggy na ko inaya niya ko magpakasal, una ayaw ko kasi ayoko magpakasal sa church ng buntis but sabi niya kahit west lang para maging legal na talaga kami at magstay kami sa kanila. January nanganak na ko.
What i found out sa mismong birthday ko nahuli ko siya na nagbabasa ng forum about sa mga prostitute, mga massage parlor etc sobrang broken na broken ako non. Reason niya nagbabasa lang siya

at may nagtatanong para daw hindi siya ma Out of place "OP" sa office nila. Mas masakit pa don kinuha ko syempre yung account, una ayaw niya sobrang galit ko sinigawan ko siya at sabi ko lalo kami magaaway pag hindi ko nakita yang account na yan, yung din oras na yon binigay niya at may isa siyang post, sobrang broken ako kasi 2012 nagask siya sa massage parlor magkano daw ang rate ng girl kasama ang room. Reason naman niya nacurious lang kaya nag post siya non at nakita ko pa 2011 member na siya don. Oo isa lang post niya pero nakita ko kasi yung cellphone google map niya may nakalagay na "place ng massage parlor na nagbibigay ng Extraservice"
gulat na gulat ako, ang sakit sakit kaya...
Araw araw nagaaway kami tipong ayoko na at gusto ko na talaga sa kanya makipaghiwalay, kasi naman hindi pa siya nakuntento , lahat siya na naka first sakin tapos makikita ko yung mga bagay na yon sa cellphone Niya, umiyak at nagconfess siya sakin nasa room kami. Pumunta daw sila sa spa na may Aquarium but tumingin lang daw sila don pero mga 5years ago na daw. Nagbabasa nalang daw talaga siya ng forum.
Then konti nalang hiwalay na talaga kami dahil hindi na ko makatiis sa kanya, feeling ko lahat ng sinasabi niya kasinungalingan nalang. Inaya niya ako mag simba sa baclaran, he confess again... Sabi niya pumunta siya sa Spa na may Aquarium twice but totoo na tumingin lang daw siya tapos umuwi na. Tapos hindi na daw ulit siya bumalik don. Never daw may nagalaw siyang iba simula nung naging kami. Niask ko na din habang nasa church kami, kung ano pinakamalalang ginawa niya don simula ng naging kami. Tumingin lang daw.. Pero hindi pa din ako naniniwala.
So now trying to move on pa din ako pero hindi mawala sa isip ko na imposibleng hindi siya nakagalaw ng iba, basa ng basa siya ng ganon ano nakukuha niya don 😔... Hindi ko alam if mababalik pa yung tiwala ko sa kanya. Pag wala siya sa tabi ko parang kung ano ano pumapasok sa utak ko at susuko na ko sa knya pag pag nandyan siya to comfort me medyo nagcacalm ako, eto pa ang kakaibang feeling ko, para bang gusto ko araw araw kami mag DO. Pero pag may time na sabihin niya pagod siya from work kahit magsorry siya iba nagiging mood ko at maaaway ko nanaman siya. Nababadtrip talaga ako. Ngayon parang mas hyper ako mag DO sa kanya feeling ko hindi siya na sasatisfy kaya ngayon nagbabasa basa ako ng mga tips and technique sa about Love Making. And mukhang may kakaiba sa kanya and mas naging Open kami at naging sweet siya na para bang lahat na sabihin ko sasamba siya, na bigla papasok sa isip ko na guilty talaga siya.
Hirap ibalik ng tiwala. Lalo na if 10years ng buhay mo binigay mo iniwasan lahat ng pwedeng makasira sa relationship namin. Actually 15 lang ako naging kami at 24 siya, medyo malayo ang gap. Ngayon 25 na ako madaming lalake na nireject Ko lalo na sa school. madaming bisyo at iniwasan ko para wala siya maisumbat sakin pag nagaway kami dahil takot din naman ako sa karma.
Nakakalungkot lang...
Makikilala mo lang talaga ang isang lalake pag naging asawa mo na at kasama mo na siya sa iisang bahay. Sobrang bait ang tingin ko sa kanya wala kasing bisyo un. Yun pala iba ang bisyo 😔
Masyadong mahaba yung nobela ko paensya na... Salamat sa matyagang nagbasa...
Pasensya na din sa moderator hindi ko na pansin na may text chat pala ako.