Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196779 times)

drag0nfly

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #500 on: April 18, 2016, 02:37:45 am »
Sa office din namin ang kakapal ng mga married guys nagyayabangan pa that they're on Tinder.

NinaSarah

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #501 on: April 18, 2016, 03:51:54 am »
malapit na kami lumipat sa new house namin sa cavite, bigla sinabi hub papa renovate/ reconstruct nya yung bahay, saka ko lang nalaman na isasama nya mother nya samin. wala ko idea at nag decision na sila magkakapatid. hindi na ko nag salita, dahil alam ko wala na ko magagawa. nakaka inis lang na nag decision sya na hindi ako tinanong if ok lang ba sakin or gusto ko ba. siguro dahil alam na nya isasagot ko ayaw ko.

nakaka inis pa ok lang sana kung si MIL lang isasama sakin, kasama pa ang yaya nya at driver nya. napaka dami naman, 3 rooms lang yung bahay. at hindi ako sanay na marami kasama sa bahay.
saklap pa baka gamit pa lang ng MIL ko mapuno na yun.

hindi ko alam pano approach sasabihin ko sa asawa ko na sarado ang utak.
im planning to go back to work, para wag lang sila makasama, so ending, mag rent ako sa manila. para naman ako nakipag hiwalay sa asawa ko nito, though, wala si hub sa pinas.


drag0nfly

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #502 on: April 18, 2016, 10:36:00 pm »
^Sis, ano daw ang reason bat isasama sa house nyo MIL mo?  Dahil abroad ang asawa mo and para may makasama kayo full time?


imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #503 on: April 19, 2016, 04:37:19 pm »
Is it OK/normal sa mag-asawa kung humiram (hindi humingi ha) ako ng allowance kay husband pag na-short ako? Hindi ko kasi talaga ugali iyong humiram/ humingi since working din naman ako kaya lang minsan hindi maiwasan na ma-short ako. Pero madalas hindi nya ako ina-allow na pahiramin para matuto daw ako magbudget. Minsan iniisip ko parang ang damot nya. Am I being childish?

Girltalker2

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #504 on: April 19, 2016, 05:19:32 pm »

^ depends siguro kung para saan or bakit nash-short.

If to begin with? You spend most for the house bills, ok lang naman siguro humingi ng regular support, tutal mag asawa naman kayo. Pero Pag pang luho shopping, parlor or massage gimik, Baka nasa sa kanya na yung decision.

drag0nfly

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #505 on: April 20, 2016, 12:35:57 am »
^You're not being childish.  Para saken very normal na pag na-short yung isa, tutulungan ng isa.  Kaya nga kayo mag-asawa eh, sino pa ang magtutulungan kungdi kayo?  Siguro kung madalas kang na-sho-short and in huge amounts, yun pwede pang gawing rason ng asawa mo na teka, hinay hinay lang.  Pero kung reasonable naman yung amount and hindi madalas nangyayari, hindi sya dapat. magdamot. 

j.adore

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #506 on: April 20, 2016, 01:11:28 am »
Well it depends on the agreed set-up prior marriage. Different strokes for different folks..

So questions are, bakit nashoshort? Fair ba yung hatian ng expenses? Bakit gusto ni husband matuto magbudget? Magastos ba masyado kaya ganon?

Agree with drag0nfly na part of marriage is helping each other out. But to understand where your husband is coming from, need to gauge first ano ba yung situation at ano yung mga nangyayari leading to being short on cash.

yannuh

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #507 on: April 20, 2016, 06:41:13 am »
Is it OK/normal sa mag-asawa kung humiram (hindi humingi ha) ako ng allowance kay husband pag na-short ako? Hindi ko kasi talaga ugali iyong humiram/ humingi since working din naman ako kaya lang minsan hindi maiwasan na ma-short ako. Pero madalas hindi nya ako ina-allow na pahiramin para matuto daw ako magbudget. Minsan iniisip ko parang ang damot nya. Am I being childish?

normal naman sissy. diba sabi nga ni Father, kung ano ang sayo, sa kanya na din and vice versa. Understandable naman if paminsan minsan nanghihingi ka sa kanya. Pero pag palagi, baka tinetrain ka din ni hubby maging wise pagdating sa paghawak ng pera kaya minsan di ka nya pinagbibigyan sa gusto mo. kausapin mo sya sis if ganun nga yung purpose nya and if hindi naman, ask him ano reason.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #508 on: April 20, 2016, 11:09:05 am »
@Girltalker2 hindi naman sya luho pero kasi ako muna nag-shoulder dun sa ni-ride ng friend ko sa cc ko para walang interest. Sayang naman kasi. Iyon lang medyo kinapos ako sa allowance ko.

@dragonfly once in a blue moon lang naman sya nangyayari kaso kasi gusto nya singilin ko na lang iyong kapatid ko na may utang sa akin 3 years ago pa. Kaso wala talaga yata pambayad. Ang mali lang kasi sa kanila (sister at bro in law) pag naniningil ako DEADMA sila sa text ko. Pag nakikita ko sila wala man lang silang sinasabi na wala pa sila pambayad.

@j.adore wala akong regular support sa kanya. kanya kanya kami since we are both working naman. pero pag lumalabas kami (fare at food) sagot nya lahat iyon. Iyong bills namin kanya kanya because we live separately (parang magjowa lang). May family issues between him and my fam. Kaya every other day ako ang umuuwi sa kanila. Need ko din kasi tingnan tingnan si Mother due to health reasons.

@yannuh paminsan minsan lang iyon kaso kasi laging na-bro-brought up iyong utang ni kapatid at bayaw kasi matagal na hindi pa nababayaran. It's been 3 years I think imagine 15k lang naman iyon.More often talaga hindi nga ako binibigyan kasi baka kung kanino lang mapunta iyong pinagtrabahuhan nya (pissed off sya sa niece ko na nakatira sa amin with my mom kasi pag inuutusan ayaw sumunod madalas nagdadabog pa o nakasimangot pag inuutusan, sa kanila kasi hindi pwede iyong ganun, masyado kasi na-spoiled iyong pamangkin ko kay mudrabels).

Partly, naiintindihan ko naman sya pero minsan I felt parang pinapahirapan nya ako parang ganun iyong feeling pero I know where he's coming from. Sobrang naiipit ako because it's between family and my husband.

j.adore

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #509 on: April 20, 2016, 12:31:59 pm »
Ahhh then there you go..
para matuto daw ako magbudget.
mukhang ang totoong ibig sabihin nito ay para hindi ka magpahiram.. If you don't want financial trouble, rule is, magpapahiram ka lang ng pwede mo mailet go. Extra money na sure ka hindi ka kukulangin..

Yan si friend, nagbayad na ba? Dapat on or before due date sana. Kung di pa, singilin mo siya naman pala cause ng pagkashort?

Oo nga pala mahirap ang setup niyo at may family differences :-\ But you're married kasi.. At any point in time na maipit ka between anything/anyone and your husband, your choice needs to be your husband. I guess kaya carino brutal siya sayo is because hindi siya ang priority mo ngayon. In turn, di ka din niya priority at naapektuhan pati finances niyo.


imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #510 on: April 20, 2016, 12:50:18 pm »
^Friend will pay next month in full naman so no problem with that. Iyong utang ni kapatid at bayaw ang lagi nya binabanggit sa akin. Nagtetext naman ako sa kanila but no reply from them. Nakikita ko sila sa house paminsan minsan pag dumadalaw sila pero no feedback from them DEADMA forever. Kaloka! Ako pa nga nahihiyang maningil. Sabi ko nga sa sarili ko I will never ever tell my hubby my financial trouble/problem, tama ba iyong kaisipan ko?

j.adore

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #511 on: April 20, 2016, 02:59:18 pm »
Paano kung siya din, never magsasabi ng financial problem, ok ba yun sayo?

Bakit daw ayaw magbayad ng mga relatives mo? Unfortunately, utang yun at ang usapan ay usapan. Lagi mo nalang sila kulitin at magpatulong ka sa iba kung deadma.

But more than these, build on a better financial plan such that you won't have financial troubles again. Check Savings and Investment section and also join online groups. Madami learnings on how to, regardless of financial status.
This is for you and your husband lalo if planning to make a family na kayo. As always suggested here, wives need secret funds as well for the rainy days.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #512 on: April 20, 2016, 04:36:57 pm »
^Thank you for your suggestions sis j.adore. Maybe we are still in the period of adjustment kaya ganito ang kaisipan ko.

j.adore

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #513 on: April 20, 2016, 06:47:37 pm »
Kaso kung hindi pa kayo nagkakasama daily at lagi may issues sa mga family niyo, pwedeng long adjustment period yan :(

imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #514 on: April 21, 2016, 08:36:02 am »
^Ganun talaga yata. You cannot have it all. Makakahanap ka ng mabuting asawa pero may magiging mga issues both sides. That's life.

JhaineC

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #515 on: April 22, 2016, 12:05:50 pm »
Sana may makatulong sakin, actually nalabas ko na ang nararamdaman ko, pero gusto ko sana iopen up lang at makakuha na din ng advise from you guys...

9years kami mag bf/gf ng asawa ko ngaun, bali kakakasal lang namin. Actually hindi pa ko handa magasawa at magbaby, pero ayun binigyan kami nanganak ako nung january...

So nang nalaman namin na preggy na ko inaya niya ko magpakasal, una ayaw ko kasi ayoko magpakasal sa church ng buntis but sabi niya kahit west lang para maging legal na talaga kami at magstay kami sa kanila. January nanganak na ko.

What i found out sa mismong birthday ko nahuli ko siya na nagbabasa ng forum about sa mga prostitute, mga massage parlor etc  sobrang broken na broken ako non. Reason niya nagbabasa lang siya :( at  may nagtatanong para daw hindi siya ma Out of place "OP"  sa office nila. Mas masakit pa don kinuha ko syempre yung account, una ayaw niya sobrang galit ko sinigawan ko siya at sabi ko lalo kami magaaway pag hindi ko nakita yang account na yan, yung din oras na yon binigay niya at may isa siyang post, sobrang broken ako kasi 2012 nagask siya sa massage parlor magkano daw ang rate ng girl kasama ang room. Reason naman niya nacurious lang kaya nag post siya non at nakita ko pa 2011 member na siya don. Oo isa lang post niya pero nakita ko kasi yung cellphone google map niya may nakalagay na "place ng massage parlor na nagbibigay ng Extraservice"
gulat na gulat ako, ang sakit sakit kaya...

Araw araw nagaaway kami tipong ayoko na at gusto ko na talaga sa kanya makipaghiwalay, kasi naman hindi pa siya nakuntento , lahat siya na naka first sakin tapos makikita ko yung mga bagay na yon sa cellphone Niya, umiyak at nagconfess siya sakin nasa room kami. Pumunta daw sila sa spa na may Aquarium but tumingin lang daw sila don pero mga 5years ago na daw. Nagbabasa nalang daw talaga siya ng forum.

Then konti nalang hiwalay na talaga kami dahil hindi na ko makatiis sa kanya, feeling ko lahat ng sinasabi niya kasinungalingan nalang. Inaya niya ako mag simba sa baclaran, he confess again... Sabi niya pumunta siya sa Spa na may Aquarium twice but totoo na tumingin lang daw siya tapos umuwi na. Tapos hindi na daw ulit siya bumalik don. Never daw may nagalaw siyang iba simula nung naging kami. Niask ko na din habang nasa church kami, kung ano pinakamalalang ginawa niya don simula ng naging kami. Tumingin lang daw..  Pero hindi pa din ako naniniwala.

So now trying to move on pa din ako pero hindi mawala sa isip ko na imposibleng hindi siya nakagalaw ng iba, basa ng basa siya ng ganon ano nakukuha niya don 😔... Hindi ko alam if mababalik pa yung tiwala ko sa kanya. Pag wala siya sa tabi ko parang kung ano ano pumapasok sa utak ko at susuko na ko sa knya pag pag nandyan siya to comfort me medyo nagcacalm ako, eto pa ang kakaibang feeling ko, para bang gusto ko araw araw kami mag DO. Pero pag may time na sabihin niya pagod siya from work kahit magsorry siya iba nagiging mood ko at maaaway ko nanaman siya. Nababadtrip talaga ako. Ngayon parang mas hyper ako mag DO sa kanya feeling ko hindi siya na sasatisfy kaya ngayon nagbabasa basa ako ng mga tips and technique sa about Love Making. And mukhang may kakaiba sa kanya and mas naging Open kami at naging sweet siya na para bang lahat na sabihin ko sasamba siya, na bigla papasok sa isip ko na guilty talaga siya.

Hirap ibalik ng tiwala. Lalo na if 10years ng buhay mo binigay mo iniwasan lahat ng pwedeng makasira sa relationship namin. Actually 15 lang ako naging kami at 24 siya, medyo malayo ang gap. Ngayon 25 na ako madaming lalake na nireject Ko lalo na sa school. madaming bisyo at iniwasan ko para wala siya maisumbat sakin pag nagaway kami dahil takot din naman ako sa karma.

Nakakalungkot lang...
Makikilala mo lang talaga ang isang lalake pag naging asawa mo na at kasama mo na siya sa iisang bahay. Sobrang bait ang tingin ko sa kanya wala kasing bisyo un. Yun pala iba ang bisyo 😔

Masyadong mahaba yung nobela ko paensya na... Salamat sa matyagang nagbasa...

Pasensya na din sa moderator hindi ko na pansin na may text chat pala ako.

stylus

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #516 on: April 22, 2016, 03:17:40 pm »
Hi sis. Medyo may ganyang issues din ako. Pero sa case namin.. feel ko ako ang madamot. Super bait kasi ni hubby. Kahit walang wala na sya ginagawan pa nya ng paraan pag nangangailangan family nya. But now that we're married.. di na sya masyado..  Ako naman ang nagbabawas ngayon sa pagkagalante sa mga relatives ko kasi ayaw ko isipin nya na pag sya magpapahiram.. kailangan namin pag usapan. So dapat ako.. ganun din. Priority muna namin mag ipon para kay baby..

xianmoms

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #517 on: April 24, 2016, 05:46:10 pm »
Hello sisterettes.

However, the only issue I have with him is that I felt na he gave more importance sa family nya kesa sa amin. Ako kase when I decided to get married, I focused sa kanya and I made him my priority on top of everything - carreer, family & friends. Pero sa kanya parang mas priority nya talaga ang family above me. Isang text lang ng family nya, aligaga sya. I told him already na learn to say no but still ganun pa rin sya. It's becoming so frustrating.


Sigh




alam mo sis, yan din ang problem ko.. sobra akong nasasaktan sa tuwing ipinararamdam nya sa akin na mas importante ang Family nya keysa sa akin.. i'm 4 months pregnant at super sensitive ko mag buntis.. and i'm still working kase wala sya work now.. hatid at sundo ako sa opisina kase hirap ako maglakad ng matagal.. may reunion ang family ng father in law ko.. before sila umalis sumasakit ang tyan ko, akala ko magbabago isip nya at hindi nya ako iiwan sa ganitong sitwasyon.. pero pinili parin nya sumama sa mga inlaws  ko kahit maiiwan ako sa bahay na mag-isa.. madaming beses na nangyari ang mga sitwasyon na kelangan nya mpumili between me and his Family pero never nya ako pinili.. ok lang sa akin noon kase ibang case naman yun or iba ang reason pero now buhay ko at ng bata ang nakataya pero pinili nya paring umalis at 1 week pa sila sa province.. Gusto ko na ding mag give up..

India_george

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #518 on: June 09, 2016, 01:47:51 pm »
Married 9 years

4th year nambabae si husband. Pinatawad ko kasi para sa anak namen. Our child was 4 years old that time.


9th year, present, he lost his job. Nagresign siya kasi nainis siya sa boss niya. 6mos na siya wala work. We have a business na maliit lang and he does logistic. Ako lahat sa iba. I also work fulltime.

The other day, i found out he has been spending our profit to casino.natalo siya malaki. Almost walang natira sa profit. Galit na galit ako. I feel betrayed again. I trusted hum. Pero since medyo tamad siya ayun umasa sa sugal.

Now, I want to leave him kaso di pede may 2 kids na kami and special pa yung isa. Hay!

India_george

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #519 on: June 09, 2016, 04:22:16 pm »
And now I called our bank to know the status of our car loan, 6mos behind and nasa legal dept na..... 2 and half na namen paid yun and now pinabayaan niya....

 

Latest Stories

Load More Stories
Close