Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196835 times)

babycandies

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #480 on: March 07, 2016, 07:00:11 pm »
Hi sisters, question..
My MIL is a strong hardworking (SAHM) with small businesses.. She insists always na after I give birth, I work asap (30-45 days daw after). I'm not working now bec the pregnancy was very delicate during the 1st trimester.. Now she's very eager for me to work asap after my delivery.. actually even during my bedrest days she was suggesting na I should work.. She also lives nearby. My husband is not pushing me to work and I would really love to take care of my first child.. How do I deal with this? She's kind naman pero I just can't tolerate this behavior of hers.

ayi0119

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #481 on: March 08, 2016, 03:29:47 pm »
^bakit ka nya pinu-push magwork? pagusapan nyo ng asawa mo, kung ano mapagdesisyonan nyo is out of you MIL's business.

babycandies

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #482 on: March 09, 2016, 07:09:58 pm »
Thanks sa reply sis Ayi.. The way I see it is gusto niya siguro na I earn my own money to help hubby. Pero hubby naman actually wants me to care for the baby muna at di naman nya need pa ng extra income from me. Pero the pressure from MIL is really stressing me out. Siguro I should learn how to assert myself to MIL.

hyder0926

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #483 on: March 10, 2016, 04:07:29 pm »
Hi babycandies,

i see 2 things in your situation:

1. your MIL pities her son for having to work so hard for his young family. natural sa magulang na maawa sa anak kase baka nakikita nya na nahihirapan anak nya at gusto nya tumulong ka sa anak nya para gumaan un burden ng anak nya.

2. she wants to push you to be more than just a housewife and mom.. maybe she is trying to get you interested in doing business kahit nasa bahay ka lang..

best to have your husband bridge the gap. and let him tell his mom that its a mutual decision to just let you stay at home and care for the baby. =) maybe your hubby can also ask his mom bakit gusto ka nya work.. para malaman nya ano un reason ng mama nya bakit sya pushy sayo.

babycandies

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #484 on: March 11, 2016, 11:49:48 pm »
Thanks sis hyder0926. Yup, that's how I understand MIL din.. Hopefully my husband nga can explain to her our decision.. Medyo introvert at di kasi vocal si hubby eh..

juicebox13

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #485 on: April 01, 2016, 11:49:28 am »
Girls, need po ng advice, live-in po kami ng partner ko, may isang anak (2 yo).
Wala kaming sariling place ngayon, dati nagrerent kami, ang set up namin ngayon minsan nasa family ko
kami, minsan sa family nya, sa ngayon nasa kanila kami.

4 years na kami.

Si partner po walang work ngayon, isang taon na mahigit, nagka work sya dati pero inalisan nya..
Pagdating sa mga gawain e wala naman akong masabi, sya ang naglalaba, pinagluluto nya ako ng baon ko sa office, etc. saka sobrang
sweet nya sakin as in...hindi lilipas ang araw na wala syang i love you, siguro mga sampung i love you
sa isang araw...bawat text may i love you...e hindi ko maibalik sa kanya yung ganung klaseng kasweetan
(konti lang) kasi may pinaghuhugutan ako...
Sex? He's the best...walang halong echos...

The problem is...sobrang mama's boy nya, lahat ng pangangailangan nya pati ng anak namin hinihingi nya
sa nanay nya, naiintindihan ko sya sa part nya na gusto nya maibigay yung needs ng bata na masasabi nyang sya
ang gumawa ng way at hindi ako. Pero para sakin kasi nakakawala or nakakabawas ng respect bilang pagiging isang lalaki
at pamilyado. Problem din e kinukunsinti lang sya ng nanay nya, bigay gadgets, bigay ng ganito,ganyan...so ang tendency
nagiging kuntento na lang sya sa buhay na ganon, why not, e nakukuha naman nya mga gusto nya pati yung
needs ng bata. Even sa paghahanap ng work nanay nya ang tumatrabaho or hihintayin nya yung mga friends nya na alukin
sya, but yung effort na bumili ng Manila Bulletin every sunday or jobstreet..wala..walang effort

At dahil ganito ang nangyayari lahat ng hilingin ng nanay nya sa kanya hindi nya mahindian..kahit na
masira ang plans namin..
Pag may kailangang ayusin sa bahay nila si partner ang tatawagin, without even asking kung ok lang ba,
e single yung mga kapatid nya...nakakapikon, pinauwi sya 1 week straight para magbantay sa tatay nya na naospital,
sabi ko wait lang asan mga kapatid mo anong ginagawa???hindi ko pinagdadamot but 1 week?straight? tapos si partner
pa ang maghihintay hanggang hatinggabi sa GF ng kuya nya na galing sa inuman? what the F diba. Tapos sasabihin lang
ng nanay nya pag nagreklamo sya e "hayaan mo na". duh!
At nung medyo nauunfairan na ako sa ginagawa ng mga kapatid nya, dinipensahan ko na si partner, sabi ko dapat take turns
sila sa pagbabantay sa papa nila dahil hindi naman robot si partner..respect sa tatay nila na wag naman muna sana mag-
aya ng inuman sa bahay nila o makipag inuman sa labas..etc.
At ang nangyari nagsumbong si kuya nya and i don't know kung anong sinabi, pero nagtext si mudra nya kay partner na
sabi e magkanya kanya na lang daw sila, maliit na bagay lang daw yung hinihiling kay partner. At meron pa,
kinakawawa ko daw at pinapaikot lang si partner. huhuhu...ni itlog na pula hindi ako mapakain ng anak nya, mas mataba
pa sakin sya pa kawawa..kung pinapaikot ko anak nya e di sana naihiwalay ko na sya sa ilalim ng saya nya.
Pag nasa kanila kami, sya ang obligado mag alaga sa anak namin.
Pag nasa family ko kami, nanay ko at kapatid ko yung nag aalaga, sya pinapauwi sa kanila ng nanay nya, hapon na ang balik.
wala naman ginagawa...(kapikon)

Nakausap ko na si partner, ilang beses na, yung huli e nung isang araw lang, sa way na hindi mauuwi sa away, sa way na
maiintindihan nya, nilalatag ko lahat ng posibilities na pwedeng mangyari sa pamilya namin, at pag kinakausap ko sya,
yun bang may kasamang haplos para maramdaman nya na para sa kanya yung sinasabi ko, para sa anak namin, at para na rin
saming dalawa...tinatanong ko sya kung anong plan nya para amin, gusto nya maibigay samin yung magandang buhay daw...
pero hanggang dun na lang e, walang action...

Dumadating na ako sa point na nawawalan na ako ng pag asa sa kanya...ayoko ng ganito na hindi ko alam ang magiging
future naming mag ina sa kanya, hindi kalakihan ang sweldo ko, sapat lang pang share sa kung nakaninong bahay kami naka stay,
allowance ko pagpasok, budget sa pagkain ng anak ko...sakitin pa ako kasi may asthma ako, sa sarili kong bulsa hinuhugot
ang maintenance ko sa asthma, naospital ako, sarili kong diskarte kung bakit kami nakabayad sa ospital..

Naiisip ko makipag hiwalay, pero tinatantya ko din sarili ko kung kaya ko ba, kasi hindi naman madali yung
magiging desisyon ko, panibagong adjustment yun...Saka mahirap magdecide pag ganitong may galit or tampo o kung
anuman ang tawag sa nararamdaman ko ngayon...kasi baka sa bandang huli e pagsisihan ko lang...
Saka sa kitid ng mga utak, na pag nakipag hiwalay e third party lang para sa kanila ang dahilan, hindi marunong
tumingin sa ibang anggulo.

Kung sa pagmamahal lang, mahal ko sya, swear to God mahal ko sya. Pero hindi naman pwedeng mahal lang, kasi may nakakakabit
na responsibility dyan.

The reason why we're not married yet e ako ang may choice, dahil sa ganung lifestyle nya, para sakin parang hindi
pa panahon. Hindi kasi madaling matali...wala pa namang divorce sa Pilipinas.

Meron ba kayong pwedeng mai suggest sakin na pwede ko pang gawin? Kasi gigil na ako e. Kahit anong i-suggest nyo
gagawin ko (pwera suicide). Kung may nakikita kayong mali ko tatanggapin ko and ittry kong baguhin. Tuyot na kasi utak
ko. Maraming salamat mga sister.







ri-anne

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #486 on: April 06, 2016, 03:45:02 am »
^sis, your partner seems like a very nice guy. Mukha namang matino, maaasahan at responsable pagdating sa family nya (and i mean sa mother & father nya)...
Pero sa inyo ng anak mo, parang hindi sya gumagawa ng effort na maghanap ng work at maging good provider at umaasa lang sa nanay nya.

Ano ba pwede mong gawin? Kinausap mo na sya, pero wala pa ring action.
Good thing is you're not married to him yet at pwedeng pwede mo syang iwan.

Dalawa lang naman talaga option mo that's within your control eh --either stay with him or leave him.

Think long and hard, maganda isulat mo sa papel ang pros and cons if you stay; then yung pros and cons if you leave him.

If you can't leave him, pagtyagaan mo iencourage mo or kung ano pang sa tingin mong pagna-nag gagawin mo, pero bigyan mo lang ng time limit.
Kasi kung hindi, it can go on for another 4 years...kaya mo? Will you be able to accept him as is? Because if he hasn't chnaged or hasn't done anything to make an effort in the last year (even months), what makes you think he will do it now? But if he really loves you like he says, he will (and should).

I hope you can work rhings out with him. Good luck sis!

 



imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #487 on: April 15, 2016, 10:27:05 am »
Mga sis ano ba talaga ang money setup kapag married na? Kanya kanya o dapat pagsamahin?

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #488 on: April 15, 2016, 10:42:32 am »
^ depende sa napagkasunduan niyong mag-asawa sis..

ako kasi no work ako. i take care of my son full-time. so ang set-up namin is bibigyan ako ni hubby ng allowance.. ako na bahala kung paano gagamitin pero doon ko na kinukuha yung pang-grocery, pang food at pambayad ng bills..

simang

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #489 on: April 15, 2016, 10:48:19 am »
Mga sis ano ba talaga ang money setup kapag married na? Kanya kanya o dapat pagsamahin?

Whatever works for you. I think wala namang magiging problem dito kung transparent kayo sa isa't isa.

yannuh

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #490 on: April 15, 2016, 12:03:32 pm »
Mga sis ano ba talaga ang money setup kapag married na? Kanya kanya o dapat pagsamahin?

depende sa gusto nyo sis at sa agreement nyo. kami kasi pinagsama namin monthly salary namin ni hubby tapos dun na babawas ng savings, utilities, food, rent, etc. pero syempre iba pa din pag me separate savings ka :)

imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #491 on: April 15, 2016, 01:08:09 pm »
Thank you sa mga reply sis. Para lang kasi kaming magjowa kanya kanya. Then kapag may bibilhin its either 50/50 or 70/30. Wala pa kasi kaming sariling bahay kaya iba kami ng inuuwian na bahay. Every other day I stay in hubby's home. Ayaw kasi ni hubby magstay sa bahay namin (where I grew up), ayaw nya ng palakad sa bahay where one of my niece is staying na masyadong na-spoiled sa mother ko na kahit utusan mo ayaw sumunod (I am helping my niece financially pero walang utang na loob). Ayaw nya din makita iyong kapatid ko at bayaw ko na hindi marunong magbayad ng utang (ni-loan ko iyong hiniram nila, na-fully paid ko na until now hindi pa din nababayaran siguro mga 2 years ago na). Hindi nya daw kasi kayang makipagplastikan kaya kahit medyo naiipit kaya ako na lang gumawa ng way para makasama sya which is every other day. Mahirap kasi pag may ganitong klaseng conflict within family. Kahit ako aloof na sa kapatid ko kasi pag naniningil ako deadma lang sila. Wala man lang pasabi kung mababayaran ako or hindi. Inaanak ko pa naman ang anak nila. Magbi-birthday next Friday si inaanak. Ok lang kaya kung hindi ako umattend sa birthday celeb ni inaanak? Problema ko din kasi na kung umattend ako tatanungin naman nila ako kung bakit hindi ko kasama si hubby. Iwas si hubby dun sa mag-asawa kahit ako beast mode na sa kanilang dalawa. Ok lang ba na magpakatotoo ako at hindi na umattend?

simang

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #492 on: April 15, 2016, 01:46:59 pm »
^sis ask ko lang, why do you still have to stay sa house where you grew up? Hindi ba pwedeng sa house ka na lang ni husband magstay para magkasama kayo? I believe you're TTC also so siguro mas advantage din kung magkasama kayo everyday. Regarding hatian ng expenses, married couples do that. And tendency naman kasi kahit pagsamahin nyo yung income nyo, eh ganun pa din, technically magkahati pa din kayo sa kelangan bilhin, the only difference is combined na yung income nyo. Well may valid reasons naman si husband mo for not liking your relatives. Kung ako ang nasa situation mo, I'd rather not go sa birthday ng inaanak mo. You don't owe anything naman to them. For me ha, mahirap kasi pag hindi kasundo ng husband ang family, pero if I were to choose, I'd always be in favor of my husband.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #493 on: April 15, 2016, 01:52:05 pm »
^I have to look after my mom who has hypertension. Separated na si mom sa father ko. Si niece at my mom na lang nakatira sa house. My sis and my bro in law stays in the same subd pero mga 3 blocks away medyo malayo. Ayaw ko din kasi magstay sa house ni hubby everyday most esp pag weekends dahil sa maldita nyang kapatid na bunso saka ang dami kong pakikisamahan (I am not used to it kasi sanay ako kami kami lang sa house) sa kanila parang compound.
« Last Edit: April 15, 2016, 01:56:24 pm by imprincessfiona »

simang

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #494 on: April 15, 2016, 02:05:27 pm »
^aww, so both families pala have issues sa inyo. well the only thing to do is find a way to compromise, which I think yun na ang ginagawa ngayon -- na alternate ka mag-uuwian sa house nyo and house nila.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #495 on: April 15, 2016, 02:27:52 pm »
^Pag nakaipon, plan namin kumuha ng sariling house somewhere in the South (Cavite or Laguna) para malayo pareho sa family namin. Sana matuloy na din lumipat si kapatid at bayaw sa house namin (where I grew up) para makaalis na ako sa amin. At least may titingin kay mother kahit wala ako.

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #496 on: April 15, 2016, 02:44:57 pm »
^ sis, bilib ako sayo. sacrifice yang ginagawa mo.. kahit may asawa ka na, mabuti ka pa ring anak. at buti si husband mo, naiintindihan ka at pumapayag siyang di kayo araw araw magkasama.

imprincessfiona

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #497 on: April 15, 2016, 03:50:55 pm »
^Mabait naman kasi si husband (wag lang topakin LOL) kaya kahit mahirap at nakakapagod, gagawan ng paraan hanggat maaari. Ayaw ko din naman kasi na pilitin si husband na gawin ang isang bagay na ayaw nya. Kahit pa hindi ko masyadong FEEL sa kanila wala naman ako magagawa kungdi TIIS TIIS lang muna until makakuha kami ng bahay.
« Last Edit: April 18, 2016, 09:42:10 am by imprincessfiona »

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #498 on: April 15, 2016, 05:16:01 pm »
^ i know the feeling ng nakikitira.nung pregnant ako nakitira kami sa in laws ko. mabait sila, peri iba pa rin kasi yung may pinakikisamahan.

 buti nalang nakabukod na ulit kami. mas maganda talaga pag nakapagsarili na kasi mas naging strong yung relationship naming mag asawa. i hope makalipat na kayo soon sa sarili niyong bahay. kaya niyo yan sis!:-)

redsh0es

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #499 on: April 18, 2016, 02:23:42 am »
naloka ako ng bongga nang nalaman kong may tinder account siya, grabe ang feeling. may mga katext na pala siya na akala ko officemates niya yun pala mga tinder buddies niya. we had a fight, as in fight, as in literal na umabot sa pagpapalayas ko sa kanya pero hindi siya lumayas lol. buong araw kami naguusap at nagpapaliwanagan. malandi lang talaga siya sa text but im sure he never had the gutts na makipagmeet, bilang unang una wala siyang budget haha and second i can track him down kahit nasan pa siya. ang hirap iexplain pero halos ilang buwan din kaming strangers kahit kaming dalawa lang sa bahay. nag eeffort naman siya na ma-gain ulit ang trust ko. chill lang ako, wala pa naman kaming anak so go with the flow lang ako. sa ngayon I think he's going through some rought times sa work so tingin ko karma na niya yun. I'm doing my best to be the old me na nakilala niya but syempre there these things na hindi mababago. I just pray to God na bumalik yung dating kami.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close