Girls, need po ng advice, live-in po kami ng partner ko, may isang anak (2 yo).
Wala kaming sariling place ngayon, dati nagrerent kami, ang set up namin ngayon minsan nasa family ko
kami, minsan sa family nya, sa ngayon nasa kanila kami.
4 years na kami.
Si partner po walang work ngayon, isang taon na mahigit, nagka work sya dati pero inalisan nya..
Pagdating sa mga gawain e wala naman akong masabi, sya ang naglalaba, pinagluluto nya ako ng baon ko sa office, etc. saka sobrang
sweet nya sakin as in...hindi lilipas ang araw na wala syang i love you, siguro mga sampung i love you
sa isang araw...bawat text may i love you...e hindi ko maibalik sa kanya yung ganung klaseng kasweetan
(konti lang) kasi may pinaghuhugutan ako...
Sex? He's the best...walang halong echos...
The problem is...sobrang mama's boy nya, lahat ng pangangailangan nya pati ng anak namin hinihingi nya
sa nanay nya, naiintindihan ko sya sa part nya na gusto nya maibigay yung needs ng bata na masasabi nyang sya
ang gumawa ng way at hindi ako. Pero para sakin kasi nakakawala or nakakabawas ng respect bilang pagiging isang lalaki
at pamilyado. Problem din e kinukunsinti lang sya ng nanay nya, bigay gadgets, bigay ng ganito,ganyan...so ang tendency
nagiging kuntento na lang sya sa buhay na ganon, why not, e nakukuha naman nya mga gusto nya pati yung
needs ng bata. Even sa paghahanap ng work nanay nya ang tumatrabaho or hihintayin nya yung mga friends nya na alukin
sya, but yung effort na bumili ng Manila Bulletin every sunday or jobstreet..wala..walang effort
At dahil ganito ang nangyayari lahat ng hilingin ng nanay nya sa kanya hindi nya mahindian..kahit na
masira ang plans namin..
Pag may kailangang ayusin sa bahay nila si partner ang tatawagin, without even asking kung ok lang ba,
e single yung mga kapatid nya...nakakapikon, pinauwi sya 1 week straight para magbantay sa tatay nya na naospital,
sabi ko wait lang asan mga kapatid mo anong ginagawa???hindi ko pinagdadamot but 1 week?straight? tapos si partner
pa ang maghihintay hanggang hatinggabi sa GF ng kuya nya na galing sa inuman? what the F diba. Tapos sasabihin lang
ng nanay nya pag nagreklamo sya e "hayaan mo na". duh!
At nung medyo nauunfairan na ako sa ginagawa ng mga kapatid nya, dinipensahan ko na si partner, sabi ko dapat take turns
sila sa pagbabantay sa papa nila dahil hindi naman robot si partner..respect sa tatay nila na wag naman muna sana mag-
aya ng inuman sa bahay nila o makipag inuman sa labas..etc.
At ang nangyari nagsumbong si kuya nya and i don't know kung anong sinabi, pero nagtext si mudra nya kay partner na
sabi e magkanya kanya na lang daw sila, maliit na bagay lang daw yung hinihiling kay partner. At meron pa,
kinakawawa ko daw at pinapaikot lang si partner. huhuhu...ni itlog na pula hindi ako mapakain ng anak nya, mas mataba
pa sakin sya pa kawawa..kung pinapaikot ko anak nya e di sana naihiwalay ko na sya sa ilalim ng saya nya.
Pag nasa kanila kami, sya ang obligado mag alaga sa anak namin.
Pag nasa family ko kami, nanay ko at kapatid ko yung nag aalaga, sya pinapauwi sa kanila ng nanay nya, hapon na ang balik.
wala naman ginagawa...(kapikon)
Nakausap ko na si partner, ilang beses na, yung huli e nung isang araw lang, sa way na hindi mauuwi sa away, sa way na
maiintindihan nya, nilalatag ko lahat ng posibilities na pwedeng mangyari sa pamilya namin, at pag kinakausap ko sya,
yun bang may kasamang haplos para maramdaman nya na para sa kanya yung sinasabi ko, para sa anak namin, at para na rin
saming dalawa...tinatanong ko sya kung anong plan nya para amin, gusto nya maibigay samin yung magandang buhay daw...
pero hanggang dun na lang e, walang action...
Dumadating na ako sa point na nawawalan na ako ng pag asa sa kanya...ayoko ng ganito na hindi ko alam ang magiging
future naming mag ina sa kanya, hindi kalakihan ang sweldo ko, sapat lang pang share sa kung nakaninong bahay kami naka stay,
allowance ko pagpasok, budget sa pagkain ng anak ko...sakitin pa ako kasi may asthma ako, sa sarili kong bulsa hinuhugot
ang maintenance ko sa asthma, naospital ako, sarili kong diskarte kung bakit kami nakabayad sa ospital..
Naiisip ko makipag hiwalay, pero tinatantya ko din sarili ko kung kaya ko ba, kasi hindi naman madali yung
magiging desisyon ko, panibagong adjustment yun...Saka mahirap magdecide pag ganitong may galit or tampo o kung
anuman ang tawag sa nararamdaman ko ngayon...kasi baka sa bandang huli e pagsisihan ko lang...
Saka sa kitid ng mga utak, na pag nakipag hiwalay e third party lang para sa kanila ang dahilan, hindi marunong
tumingin sa ibang anggulo.
Kung sa pagmamahal lang, mahal ko sya, swear to God mahal ko sya. Pero hindi naman pwedeng mahal lang, kasi may nakakakabit
na responsibility dyan.
The reason why we're not married yet e ako ang may choice, dahil sa ganung lifestyle nya, para sakin parang hindi
pa panahon. Hindi kasi madaling matali...wala pa namang divorce sa Pilipinas.
Meron ba kayong pwedeng mai suggest sakin na pwede ko pang gawin? Kasi gigil na ako e. Kahit anong i-suggest nyo
gagawin ko (pwera suicide). Kung may nakikita kayong mali ko tatanggapin ko and ittry kong baguhin. Tuyot na kasi utak
ko. Maraming salamat mga sister.