I don't know. I am thinking of calling my mom & sis in US because I want to escape papunta sa kanila but knowing them they will advice me to stay put. Ayaw ko na talga. I know when I've had enough. I use the same instincts sa carreer ko, lovelife & sa buhay ko. If I stay in this marriage, I won't be happy. I don't knwo if its by default na once you get married nagiging submissive yung babae. I have a strong personality pero parang nag-subside yun kase you have to meet halfway sa partner mo but I know also that it's no longer me. Nawala yung sarili kong identity. I remember dun sa show ng brother & sisters, when the mother gave away her daughter, sinabi nya not to lose herself. Ako kase parang bumaba ang IQ ko and I need time to regain myself. That's the reason why I want out because it's no longer me in that marriage.
Haay ganito rin nararamdaman ko ngayon. Alam nyo mga sis maraming masasakit na salitang sinabi sa akin si hubby, ewan ko lang pero para sa akin bakit kailangan nyang sabihin yun. Kwento ko lang pero mahaba haba sana may magtyaga at mabigyan din ako ng advice. 1 year married na kame, at kapag naaalala ko yung preparation nun nastestress lang ako. Nga pala, biglaan ang kasalan namin kasi nabuntis nya ako. Right after naming kinasal sinabi ko na sa kanya na ayaw ko makitira sa kanila, hindi ako sanay ng nakikitira eh, oo inaamin ko tamad akong gumawa ng gawaing bahay at kapag makiki pisan ka lahat ng ginagawa mo sa bahay nyo eh hindi pwedeng dalhin doon at hirap ako makisama dahil sobrang mahiyain akong tao kaya ayaw ko kasi baka in the end may gulong mangyayari. Itong si hubby nung nalaman nyang buntis ako, ang responsible ng dating nya sa akin, kasi naghahanap sya ng mapagtatrabahuan at paano kame bubuhayin. Nagbago yun nung pagkatapos ng kasal namin, si hubby inoffer-an ni MIL na magbantay ng mini grocery nila na may salary na fixed 10,000 monthly kasi parehas kaming walang trabaho, lahat ng expenses nung kasal are from them sa side ko naman mga sponsors na sinagot ng mga relatives ko. 3 lang silang magkakapatid panganay puro lalaki at yung isa pa special child. Nung kasal namin malaki ang napa-kimkiman namin mga 80k plus may mga appliances kameng narecv, pwede na pang start kung tutuusin. Sabi ko sa kanya wag na sya dun maghanap kame parehas ng work dun sa province namin tutal malilibre kame sa pagkain doon sa province namin yung sasahurin nya pwede ko ibudget sa check ups, kaso ayaw ni hubby kasi makikitira din kame at may kaya sila kayang kaya syang suportahan kahit di sya magtrabaho, aalis na sya pero napilit nya ako kasi sabi nya sumama daw ako kasi nakakahiya naman na kakakasal lang namin pero di kame magkasama. So ayun sumama ako, at ayaw ko yun. Hindi naman masama ugali ng mga inlaws mabait sila sa akin at mapag bigay, kaya okay lang yun pero gusto ko parin bumalik sa amin, nagrequest ako kay hubby gusto ko ng bumalik, ayaw nya sumasama loob nya, kesho sabi nya hindi susuportahan ng magulang nya panganganak ko kasi andun daw ako sa poder namin, na kesho pag wala silang suporta di namin kaya yun. (Sa ganito nya ako tinitira mga sis! financially!) saka nahihirapan din kasi ako that time tumulong sa tindahan nila kas bumibigat ng chan ko at hinahanap hanap ko pag alaga ng mom ko. May pag aaway kame na nagsumbong sya sa mom nya, kinusap ako, alam nyang hiyang hiya ako sa magulang nya ganun pa ginawa nya, sumama loob ko nun! Pag kumakain kame at may naiwan na pagkain sa plato ko kasi nasobrhan sandok ko sasabihin nya ganyan ka pinalaki. etc. nasasaktan ako pero di ko inimikan yun. Nung nanganak na ako mas lalong tumindi, yung baby ko pinapa laro nya sa special child nyang kapatid eh may ubo sya, hayun nahawa ng ubo nya! pero gastos naman nila inlaws so okay. 1 month after, yung father ko namatay sa province nila, sabi ng mom ko uwi muna ako sa province nya para sabay sabay na at para makapag pahinga ako saglit kasi pag punta ng province ni father mas grabeng emotional stress ang pagdadaanan ko, dalhin ko si baby at may kukunin na yaya, ayaw pumayag ni hubby sa ganun iwan daw si baby, ako na daw umalis, si hubby that time hinihintay ko sabihin nya na sasamahan nya ako sa probinsya para pakiramayan nya ako, hindi nya sinabi yun, worry nya walang magbabantay sa tndahan nila nakakahiya kasi pinapasahuran sya, nakakalungkot pa dun yung inlaws ko di man lang pinayuhan anak nila na pakiramayan ako. Sinabi ko yun kay hubby na bat ganyan ka, pa hug hug ka e ni ayaw mo nga akong samahan sa burol ng tatay ko, nung sinabi ko yun sinabi naman nya na sasamahan nya ako pero itong si inlaws sabi nya kawawa daw ang anak namin kasi walang magulang na maiiwan, so yun nakahanap ng reason para di sumama. Ako kahit sama ng loob ko sa kanya
[textspeak!] fine! 1 wk ako sa province ni mom kasi hinintay pa namin yung pera ni mom na gagamitin pambili ng ticket, nung pumunta na kame na manila, sinundo muna namin yung brother ko na galing abroad tapos umuwi kame dito sa bahay namin sa manila, itong si hubby nagsasabi na daan muna ako sa bahay nila kaso sabi ko hindi ko na kaya kasi almost 12mn kame nakauwi dat time at ang flight ko papuntang province ni father 1pm e diba 2 hours dapat andun ka na, hindi ako nakapunta kasi late na akong nagising sabi ko gahol na sa oras. Minasama ni hubby, nung nasa ilo-ilo kame
[textspeak!] comfort sya pero may extra syang sinasabi about dun sa minasama nya, kinwento ko lahat ng stress doon, sobrang stressful doon kina father kasi may family issue din kame na si father ang main reason. So aware sya kung anong pinagdadaanan ko. Pag uwi namin sa manila hinatid ako ng family sa side ko sa house nila, pinipilit nila akong sumama pero di ako sumama. Kaso naisip ko pag alis nila na sama nalang muna ako kasi mabigat pinag dadaanan ko, hindi ako nacocomfort ni hubby kahit icomfort nya ako kasi masama din loob ko sa di nya pagsama sa akin. Alam nyo sinabihan nya akong walang kwentag nanay, kesho iniwan ko daw anak ko ganyan, na natiis ko daw wag dalawin anak ko. Pati nanay ko dinadamay nya pati tatay ko na nanahimik na nadamay nya, pati kapatid ko sabi nya mana kayo ng pagrarason sa mama mo at marami pa syang sinabe! Nag iyak ako, sabi nya hala iiyak parang bata! napikon ako sa sinabi nyan yan tinawagan ko ate ko, natakot ata sya ayaw ibigay cp ko. Sabay nag sorry ayusin nalang ganyan. sabi ko wala kang pang unawa sa nararamdaman ko, alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon tapos gaganyanin mo pa ako. Pero nakipag ayos din ako. Marami pang lumipas na away na maliliit, pero eto na nung may taga alaga na si baby, yung yaya chismosa/traydora/sipsip may sinasabi sya na sinasabi ni MIL tapos may sinasabi ako na sinasabi nya din sa kanila, pinag awayan namin yan. Nasabihan nya pa akong baliw ka ba, etc. Ngayon naman eto nagpapaalam ako na uwi muna kame ng anak ko kasi may ibubusiness kame sa province namin at balik nalang kame kapag may result na yung aapplyan namin sa UAE, pero ayaw nya. Tinira nya ako na kapag magkasakit yang anak namin sagot ko na yan, na iuuwi ko eh nakakapulot ng sakit sa probinsya namin (Anong gusto nyang palabasin dun??) samantalang gaya ngayon may ubo nanaman anak namin, at kaya humina baga nya kasi nag ka ubo. Sinabi ko bakit hindi lang naman sa probinsya nakukuha ang sakit, basta panay ganun nya gang nainis ako sinabi ko yung pagkakasakit ng anak namin nung weeks old palang sya. Sabi nya bakit sino daw ba nag pagamot non, sino nagpapagamot kapag nagkakasakit (pertaining to his parents) Eto ang sinsukuan ko, lahat sa magulang nya, tapos sya pa malakas manumbat! Pati panganaganak ko sumbat nya, sabi ko kasi na limitahan naman pag dalaw dalaw kasi minsan 1 week buo kame dito, laging every weekend, payag ako pero wag naman ganun kadalas, ayan sinumbat nya magkaron ako ng utang na loob kasi sila lahat nag gastos. Nagsisisi ako bat pinasok ko ang ganitong buhay, dati walang nang gaganyan sa akin, ngayon yung mismong companion mo sa buhay nang gaganyan. Malapit na ako mag give up. As in gahibla nalang susuko na ako.