Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 197051 times)

glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #460 on: May 10, 2013, 01:19:31 pm »
^sis, kaya mo bang i-accept yung partner mo ng ganyan for the rest of your life? Kasi kung hindi, magiging bitter ka lang. And I don't know what's holding you back to leave him. Kung kaya mong i-accept ng magaan sa kalooban mo yung weaknesses ng partner mo, then stay.

Yes, pag naghiwalay kayo ng partner mo, maghahanap talaga ang anak mo ng daddy nya. Tatanungin ka nyan, "where's daddy?" It's heart breaking. What answer will you give him?

Pero kung ang resentment mo, bitterness mo sa relationship at buhay eh will cause your child to emotionally suffer, eh it won't do him good din. Piliin mo yung sitwasyon na may lesser negative impact sa anak mo. Ngayon, isa pa lang ang anak nyo, pag nag dalawa, baka mas mahirapan ka nang magdecide.

Lahat ng relationships/marriages may kanya kanyang challenges, since hindi pa kayo kasal, ang tanong eh, kaya mo ba to live with it for the rest of your life? if your answer is a resounding NO, then alam mo na yung sagot.


Project60

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #461 on: May 10, 2013, 02:34:38 pm »
Na coconfuse kasi ako sis. Mabait naman kasi siya. Sabi ng mga kaibigan ko i should be thankful daw na walang bisyo o hindi nambabae or what. Dapat daw bigyan ko ng chance dahil may anak na kami. Kaso sis, when do you say when it's enough? Pano ba talaga mag bigay ng ultimatum kapag ayaw naman nya pag usapan ang topic na to? Natatakot din kasi ako dahil nag rerent lang kami pano kung hindi ko na kayanin yung expenses? pag kasama ko sya pwede kami tumira sa kanila dahil may bahay sila kami wala :( Sabi ng mga kaibigan ko i should give it one last try or mag couples therapy daw kami or what kaso ang nararamdaman ko kasi kapos na kapos kami yun pa ba dapat ang pagtuunan ko? nalulungkot ako kasi parang hindi siya nabobother na hindi kami nakakaipon ng pang tuition or what. I've also tried making him move back to his parents kaso siya tong ayaw kulang nalang kaladkarin ko. Minsan i question myself kung  mukha na ba  talaga akong pera just like what he says. Nagagalit din siya kasi nag thetherapy anak ko ngayon kasi developmentally delayed sinasabihan nya ko na unecessary expense daw yon at baka pwede daw tanggalin yon kung nag rereklamo ko sa gastos. Hay. May trabaho naman sya ngayon kaso hello, parang yung sweldo nya kulang pa sa pamasahe nya. I don't know what to do anymore.

mommylyn

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #462 on: May 10, 2013, 06:03:58 pm »
sis GLAMOROSA_09, thanks for the reply. I have seen that checklist na rin (my sister's a doctor from UERM and she's the one who gave me the same checklist before kasi nga I'm suspecting na and nakikita nya hindi na maganda yun behavior ni hubby) and talagang ang maging result ng answers from that will categorically say na may ADHD sya.

sis, I'm accepting/recognizing his illness naman eh. ang mahirap kasi, sya yun in denial. Ako i'm willing to help him. But how can I help him kung sya mismo tingin nya di nya kailangan yun help ko, because he thinks he's totally fine and it's the people around him ang mga baliw or abnormal?? Natanggap ko nga yun daughter ko may ganun, so sya rin kaya kong tanggapin yun psychological problem nya. The thing that really bothers me is yun pagiging aggressive nya. Although I know na ang cause nun is yun disorder, I don't know how will I explain it to my children. Maliliit pa sila. Yun eldest namin na may adhd rin, madalas, he would hit her pag di sumusunod sa kanya. tapos yun bunso, favorite nya. ibang-iba talaga yun behavior nya and it bothers me because ayoko makalakihan ng mga anak namin na ganun sya. I feel like walang quality yun life namin. :(

quinone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #463 on: May 10, 2013, 07:23:10 pm »
is he aware that you are contemplating separation?

baka pwedeng marriage counseling muna? perhaps after you and the counselor can convince him to take adhd test/s.

Princess_Chill

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #464 on: May 11, 2013, 08:06:00 am »
@project60

hi sis almost same tayo ng situation na mas nagproprovide ako kaysa sa partner ko...most of the expenses saakin talaga..
pero saakin naman he is really working very hard para makapag provide saamin its just that hindi palang siya sinuswerte.
nakakapagod talaga na mostly ikaw lang nag proprovide para sa family best is talk to him na its not about the money naman but
may needs ang family na kailangan ninyong pagtulungan...e paano kung mawalan ka ng work paano na family ninyo?

pero sis think about it kung wala siyang drive para mag provide para sa inyo..na instead may katulong ka e mas dagdag pa siya sa pasanin mo e wag nalang diba?

marealize mo din sa kanya na nahihirapan ka sa sitwasyon also if i may suggest huwag mo ipakita sa kanya kung magkano kinikita mo kasi kampante siya na kaya mo naman e...something like that.


glamorosa_09

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #465 on: May 12, 2013, 12:19:33 pm »
Quote from: Project60
I've tried all ways to talk to him, pagalit, calm, umiiyak pero parang lagi niyang ayaw pag usapan, either ngagalit siya at sinasabihan akong mukhang pera or nag wawalk out.

Quote from: Project60
nalulungkot ako kasi parang hindi siya nabobother na hindi kami nakakaipon ng pang tuition or what.


Quote from: Project60
  Nagagalit din siya kasi nag thetherapy anak ko ngayon kasi developmentally delayed sinasabihan nya ko na unecessary expense daw yon at baka pwede daw tanggalin yon kung nag rereklamo ko sa gastos.

Sis, maaaring insensitive sya sayo (incapable of feeling your important concerns, walang pakialam) or hirap syang dumiskarte sa buhay. Mas ikaw ang nakakakilala sa kanya.

Kung wala syang pakialam sa mga hinaing mo, sasabihin ko sayo iwan mo na lang. Bakit mo pahihirapan sarili mo. Pero kung mahina talaga sya, pwede mong tanggapin yung kahinaan nya, it's up to you kung paano mo pupunan.

Hindi ko alam kung makakatulong, pero kung hindi sya madaan sa usapan, gumawa ka ng drastic move. Iwan nyo temporarily. That way, makukuha mo atensyon niya and maipaparating mo sa kanya kung gano kaimportante yun sayo. Pero it doesn't guarantee na for good yung magiging pagbabago nya (kung magbabago). If you want to stick in that relationship, be prepared for that kind of cycle. Magiging ok, tapos hindi na naman.

You mentioned about couples therapy, minsan maganda rin individual therapy rin. Dahil yung ibang malalaking marriage issues nag sisimula sa mga baggages na dinadala ng individual sa relationship nila.

Unfortunately, hindi ko alam kung sinong mga nakaka-afford nito. Pero Tanglaw ng Pag-asa from EDSA Shrine provides free counseling (not sure of schedules though), donation lang yung ibibigay mo and CEFAM too. Perhaps you can try availing their services.
« Last Edit: May 13, 2013, 08:17:36 am by glamorosa_09 »

Project60

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #466 on: May 14, 2013, 10:05:07 am »
sis princess_chill and glamorosa... thanks mga sis for hearing me out. I'll try counselling muna. Nag wowork naman sya pero tama naman si princess_chill baka hindi palang talaga siya swineswerte. Naisip ko natatamaan din siguro ang ego niya kaya ayaw niya pagusapan. I'll exhaust muna all possibilities like counselling, etc. i don't want to give up for the sake of my son. gusto ko pa rin may daddy siya... hay... titignan ko nalang muna ang strengths nya kesa mag concentrate ako sa flaws :( nagusap na kami at he's now trying to look for part time jobs (yun nga lang sakin pa din asa about sa mga applications) pray for us sis. I wish everyone in this forum a happier marriage if not a happier life without a partner. Goodluck to all! :)

yanmae

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #467 on: June 16, 2013, 12:33:49 pm »
I don't know. I am thinking of calling my mom & sis in US because I want to escape papunta sa kanila but knowing them they will advice me to stay put. Ayaw ko na talga. I know when I've had enough. I use the same instincts sa carreer ko, lovelife & sa buhay ko. If I stay in this marriage, I won't be happy. I don't knwo if its by default na once you get married nagiging submissive yung babae. I have a strong personality pero parang nag-subside yun kase you have to meet halfway sa partner mo but I know also that it's no longer me. Nawala yung sarili kong identity. I remember dun sa show ng brother & sisters, when the mother gave away her daughter, sinabi nya not to lose herself. Ako kase parang bumaba ang IQ ko and I need time to regain myself. That's the reason why I want out because it's no longer me in that marriage.

Haay ganito rin nararamdaman ko ngayon. Alam nyo mga sis maraming masasakit na salitang sinabi sa akin si hubby, ewan ko lang pero para sa akin bakit kailangan nyang sabihin yun. Kwento ko lang pero mahaba haba sana may magtyaga at mabigyan din ako ng advice. 1 year married na kame, at kapag naaalala ko yung preparation nun nastestress lang ako. Nga pala, biglaan ang kasalan namin kasi nabuntis nya ako. Right after naming kinasal sinabi ko na sa kanya na ayaw ko makitira sa kanila, hindi ako sanay ng nakikitira eh, oo inaamin ko tamad akong gumawa ng gawaing bahay at kapag makiki pisan ka lahat ng ginagawa mo sa bahay nyo eh hindi pwedeng dalhin doon at hirap ako makisama dahil sobrang mahiyain akong tao kaya ayaw ko kasi baka in the end may gulong mangyayari. Itong si hubby nung nalaman nyang buntis ako, ang responsible ng dating nya sa akin, kasi naghahanap sya ng mapagtatrabahuan at paano kame bubuhayin. Nagbago yun nung pagkatapos ng kasal namin, si hubby inoffer-an ni MIL na magbantay ng mini grocery nila na may salary na fixed 10,000 monthly kasi parehas kaming walang trabaho, lahat ng expenses nung kasal are from them sa side ko naman mga sponsors na sinagot ng mga relatives ko. 3 lang silang magkakapatid panganay puro lalaki at yung isa pa special child. Nung kasal namin malaki ang napa-kimkiman namin mga 80k plus may mga appliances kameng narecv, pwede na pang start kung tutuusin. Sabi ko sa kanya wag na sya dun maghanap kame parehas ng work dun sa province namin tutal malilibre kame sa pagkain doon sa province namin yung sasahurin nya pwede ko ibudget sa check ups, kaso ayaw ni hubby kasi makikitira din kame at may kaya sila kayang kaya syang suportahan kahit di sya magtrabaho, aalis na sya pero napilit nya ako kasi sabi nya sumama daw ako kasi nakakahiya naman na kakakasal lang namin pero di kame magkasama. So ayun sumama ako, at ayaw ko yun. Hindi naman masama ugali ng mga inlaws mabait sila sa akin at mapag bigay, kaya okay lang yun pero gusto ko parin bumalik sa amin, nagrequest ako kay hubby gusto ko ng bumalik, ayaw nya sumasama loob nya, kesho sabi nya hindi susuportahan ng magulang nya panganganak ko kasi andun daw ako sa poder namin, na kesho pag wala silang suporta di namin kaya yun. (Sa ganito nya ako tinitira mga sis! financially!) saka nahihirapan din kasi ako that time tumulong sa tindahan nila kas bumibigat ng chan ko at hinahanap hanap ko pag alaga ng mom ko. May pag aaway kame na nagsumbong sya sa mom nya, kinusap ako, alam nyang hiyang hiya ako sa magulang nya ganun pa ginawa nya, sumama loob ko nun! Pag kumakain kame at may naiwan na pagkain sa plato ko kasi nasobrhan sandok ko sasabihin nya ganyan ka pinalaki. etc. nasasaktan ako pero di ko inimikan yun. Nung nanganak na ako mas lalong tumindi, yung baby ko pinapa laro nya sa special child nyang kapatid eh may ubo sya, hayun nahawa ng ubo nya! pero gastos naman nila inlaws so okay. 1 month after, yung father ko namatay sa province nila, sabi ng mom ko uwi muna ako sa province nya para sabay sabay na at para makapag pahinga ako saglit kasi pag punta ng province ni father mas grabeng emotional stress ang pagdadaanan ko, dalhin ko si baby at may kukunin na yaya, ayaw pumayag ni hubby sa ganun iwan daw si baby, ako na daw umalis, si hubby that time hinihintay ko sabihin nya na sasamahan nya ako sa probinsya para pakiramayan nya ako, hindi nya sinabi yun, worry nya walang magbabantay sa tndahan nila nakakahiya kasi pinapasahuran sya, nakakalungkot pa dun yung inlaws ko di man lang pinayuhan anak nila na pakiramayan ako. Sinabi ko yun kay hubby na bat ganyan ka, pa hug hug ka e ni ayaw mo nga akong samahan sa burol ng tatay ko, nung sinabi ko yun sinabi naman nya na sasamahan nya ako pero itong si inlaws sabi nya kawawa daw ang anak namin kasi walang magulang na maiiwan, so yun nakahanap ng reason para di sumama. Ako kahit sama ng loob ko sa kanya [textspeak!] fine! 1 wk ako sa province ni mom kasi hinintay pa namin yung pera ni mom na gagamitin pambili ng ticket, nung pumunta na kame na manila, sinundo muna namin yung brother ko na galing abroad tapos umuwi kame dito sa bahay namin sa manila, itong si hubby nagsasabi na daan muna ako sa bahay nila kaso sabi ko hindi ko na kaya kasi almost 12mn kame nakauwi dat time at ang flight ko papuntang province ni father 1pm e diba 2 hours dapat andun ka na, hindi ako nakapunta kasi late na akong nagising sabi ko gahol na sa oras. Minasama ni hubby, nung nasa ilo-ilo kame [textspeak!] comfort sya pero may extra syang sinasabi about dun sa minasama nya, kinwento ko lahat ng stress doon, sobrang stressful doon kina father kasi may family issue din kame na si father ang main reason. So aware sya kung anong pinagdadaanan ko. Pag uwi namin sa manila hinatid ako ng family sa side ko sa house nila, pinipilit nila akong sumama pero di ako sumama. Kaso naisip ko pag alis nila na sama nalang muna ako kasi mabigat pinag dadaanan ko, hindi ako nacocomfort ni hubby kahit icomfort nya ako kasi masama din loob ko sa di nya pagsama sa akin. Alam nyo sinabihan nya akong walang kwentag nanay, kesho iniwan ko daw anak ko ganyan, na natiis ko daw wag dalawin anak ko. Pati nanay ko dinadamay nya pati tatay ko na nanahimik na nadamay nya, pati kapatid ko sabi nya mana kayo ng pagrarason sa mama mo at marami pa syang sinabe! Nag iyak ako, sabi nya hala iiyak parang bata! napikon ako sa sinabi nyan yan tinawagan ko ate ko, natakot ata sya  ayaw ibigay cp ko. Sabay nag sorry ayusin nalang ganyan. sabi ko wala kang pang unawa sa nararamdaman ko, alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon tapos gaganyanin mo pa ako. Pero nakipag ayos din ako. Marami pang lumipas na away na maliliit, pero eto na nung may taga alaga na si baby, yung yaya chismosa/traydora/sipsip may sinasabi sya na sinasabi ni MIL tapos may sinasabi ako na sinasabi nya din sa kanila, pinag awayan namin yan. Nasabihan nya pa akong baliw ka ba, etc. Ngayon naman eto nagpapaalam ako na uwi muna kame ng anak ko kasi may ibubusiness kame sa province namin at balik nalang kame kapag may result na yung aapplyan namin sa UAE, pero ayaw nya. Tinira nya ako na kapag magkasakit yang anak namin sagot ko na yan, na iuuwi ko eh nakakapulot ng sakit sa probinsya namin (Anong gusto nyang palabasin dun??) samantalang gaya ngayon may ubo nanaman anak namin, at kaya humina baga nya kasi nag ka ubo. Sinabi ko bakit hindi lang naman sa probinsya nakukuha ang sakit, basta panay ganun nya gang nainis ako sinabi ko yung pagkakasakit ng anak namin nung weeks old palang sya. Sabi nya bakit sino daw ba nag pagamot non, sino nagpapagamot kapag nagkakasakit (pertaining to his parents) Eto ang sinsukuan ko, lahat sa magulang nya, tapos sya pa malakas manumbat! Pati panganaganak ko sumbat nya, sabi ko kasi na limitahan naman pag dalaw dalaw kasi minsan 1 week buo kame dito, laging every weekend, payag ako pero wag naman ganun kadalas, ayan sinumbat nya magkaron ako ng utang na loob kasi sila lahat nag gastos. Nagsisisi ako bat pinasok ko ang ganitong buhay, dati walang nang gaganyan sa akin, ngayon yung mismong companion mo sa buhay nang gaganyan. Malapit na ako mag give up. As in gahibla nalang susuko na ako.
« Last Edit: June 16, 2013, 12:38:18 pm by yanmae »

RoyalWeddingFavors

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #468 on: June 16, 2013, 01:02:27 pm »
^ sis, ang mapapayo ko, kapag parehas di maiinit ang ulo nyo. parehas kayong calm and logical. seat down and talk about sa concerns nyo. pakinggan nyo both sides and reach a compromise.

imconfuse

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #469 on: July 23, 2013, 10:27:37 am »
i need help. somebody help me please. :(

i discovered last month my live in partner is into drugs (shabu), he use it once a week. kinausap ko na sya, pampalipas lang daw. di kame kasal, walang anak, living together for 8 years.

sasabihin ng iba hiwalayan ko na, madali lang pala sabihin, mahirap din gawin. parang depression ang nararamdaman ko ngayon. gusto ko ng humiwalay, pero di pala ganun kadali yon.

i need your input sa bagay na to. pinagdadasal ko to, di ko alam kung i-grant ni Lord ang dasal ko. maybe kung hindi Nya ma grant ngayon, baka next time siguro. napakabigat dalhin to araw araw.. :(

EllaBratin

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #470 on: July 23, 2013, 10:55:15 am »
^sis imconfuse, siguro dapat kausapin mo ulit siya at sabihin mo na itigil na yun, para sa iyo at higit sa lahat, para sa sarili niya. Instead na isipin mong hiwalayan siya, bakit hindi mo isipin kung anong magagawa mo para mapatigil mo siya. Iparamdam mo na love mo siya at handa mo siyang tulungan para makawala sa bisyong yan. Sa tingin ko sa ganyang situation, mas kailangan niya ang suporta mo para tuluyan na siyang magbago, for good.

imconfuse

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #471 on: July 23, 2013, 11:03:36 am »
thank you ha. siguro nga tama ka sis EllaBratin

di ko lang alam kung paano, andami kong tanong, napaka hirap pala ng ganitong sitwasyon. i dont know what went wrong. maayos naman kami before. mabait naman sya talaga, di umiinom, di din nag yosi, tapos bigla ko nalaman drugs na agad. di ko na alam papaniwalaan ko, kase lage naman sya nagsisinungaling. pero mabait kase sya, kaya di ko alam ano nangyari. pag naka drugs sya, lagi nya ko pinaghihinalaan, paranoid sya.

last week, umiiyak sya, naka drugs sya nun. parang gusto nya daw mag grow, parang bored sya sa buhay nya, everyday kame magkasama, we manage our own little business. ang nakita ko sa kanya, parang na bored siguro sya sa buhay nya. parang routinary na kase araw araw. umiiyak sya, sabi nya gugustuhin ko pa daw ba sya e, nag drugs nga sya.

ang hirap, ang hirap hirap talaga

EllaBratin

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #472 on: July 23, 2013, 12:27:31 pm »
^kaya nga sis kausapin mo, ipaalala mo kung gaano siya kabait, para masabi niya ang problema niya, kung ano nangyari. Mag-investigate ka rin, kung paano at sino nag-introduce sa kanya ng ganun para maiiwas mo siya.

realshaddy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #473 on: July 24, 2013, 09:38:14 am »
napaisip tuloy ako sa situation ni sis imconfuse, if your husband starts using drugs and started being paranoid, should you leave him or help him? ano ba ang dapat kapag ganun? ang hirap naman

quinone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #474 on: July 24, 2013, 11:29:35 am »
^tingin ko dapat tulungan. pero if i were in her shoes, tutulungan ko lang kung tanggap niya na adik nga siya and he needs help; otherwise, maghiwalay na kami. minsan kasi hindi enough na mabait lang ang asawa/partner, kailangan maabilidad lalu na ngayon ang hirap ng panahon.

sa case ni imconfuse, bored na partner niya. sabi nga diba, "idle hands are the devil's workshop"

RuChe

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #475 on: July 26, 2013, 09:43:00 am »
@imconfuse, talk to him that you want to help him. Ask him if he's willing to change and if he'll promise to  help himself. Otherwise baka sayang lang effort mo kung sha mismo ayaw magbago.  If he's really committed to change then you can ask around for support groups or rehab centers and do a lot of research about this on how this could be done. Yung mga step-by-step process.

mistycris

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #476 on: July 26, 2013, 02:03:26 pm »
I have a concern, we're 1 year married, living with my in-laws.
 hubby still always hang out with his barkada. I have an access to his FB account, which I think he does not know. They have a group there ng barkada nya and sometimes nagkaka ayaan na tumambay muna sa coffee shop in our village at night, then my husband would text me na OT daw siya sa office, pero ang totoo, nandun lang siya sa coffee shop / tambayan nila with his friends. Hindi naman ako mahigpit sa kanya when it comes to his barkadas, pero it makes me sad na simpleng bagay lang hindi pa nya masabi saken na tatambay muna sila before siya umuwi.

Last sunday dun ako natulog sa house ng parents ko and siya naman sa bahay lang ng parents niya, when I opened his FB account, naka post dun sa group nila na nasa coffee shop na sya and was waiting for the others to come..Our common friend even tagged him sa check in sa FB, then maya maya lang, nag text siya saken na sleep na daw siya.. I texted him back na pabiro, sabi ko "dyan ka sa coffee shop matutulog?" then he didn't reply na.

I know it's rude to check on his account, pero I can't help it.. nag start ito nung nabasa ko na nag suggest sya na palitan yung group name nila para maka pag invite naman daw sila ng girls sa group nila sa FB, now meron nang 1 girl na naka add (friend ng isa sa mga boys), then there's a post from him sa group page nila na he was asking the girl na mag invite pa ng friends nya na babae din.. Hay.. nakaka upset talaga.

Sorry for the long post, wala lang ako mapag share-an nito and I'm actually 8 months pregnant pa, kaya it makes me really upset na ganito behavior niya.

As much as possible ayoko gawing big deal cause it might affect the baby and
I don't want to confront him yet kasi magagalit yun if he knew that I'm checking his account and I might discover more. :(

tama pala talaga, what you don't know won't hurt you.

Any thoughts, advise on what should I do? TIA.

chedz.03

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #477 on: July 27, 2013, 06:49:26 am »
^sis ilang taon na ba ang bf mo? Kasi parang di pa sya masyadong awat sa barkada na pang binata style. Lalo preggy ka pala dapat most of his free time after work eh spend nya with you. Yung husband ko during our early years as bf/gf madami din barkada yan na mahilig naman sa inom. Pero since weekends lang kami nagkikita kasi malayo work nya kanya he made sure na nagkikita kami basta weekend. Lalo nung tumagal na kami natuto na sya tumanggi sa aya ng barkada kadalasan yung mga pinsan nalang na nagyayaya sya sumasama pero nagkikita pa din kami weekly. Napansin ko din mula ng naging deeper ang relationship namin di nadin nahiliv maglalabas kung di lang kami magkikita.

Kausapin mo ng malumanay ang husband mo. Tell him na ayos lang may barkada pero kailangan ikaw at ang soon to be baby nyo na ang top priority nya. Wala masama makipagkaibigan basta may limitasyon na since pamilyado na syang tao. Just my POV.



mistycris

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #478 on: July 27, 2013, 02:45:59 pm »
thanks for your reply, @chedz.03. Going 30 na siya this year. New set of friends din kasi ito,hindi ko pa lahat nami-meet kaya medyo worried ako na baka hindi magandang impluwensya. In fairness to him, ginagawa naman niya duties niya sa akin like driving me to work early in the morning, washing our clothes and cleaning our room kasi nga malaki na tummy ko.. Kaya hindi ko din ma confront kasi baka sabihin niya ginagawa naman niya lahat ng dapat niyang gawin.. I sometimes feel selfish na gusto ko saken lang lahat ng free time niya.

quinone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #479 on: July 27, 2013, 07:11:13 pm »
^kahit ba nung mag bf-gf kayo e sinungaling na siya? siya ba yung tipo na pwedeng ma-bad influence? maybe these are the questions you should ask yourself para makapag prepare kung paano kausapin about sa mga nangyayari.

for me kasi ok lang payagan lumabas/mag unwind ang husband with friends at tayong mga girls dapat may sariling set of friends din.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close