Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196974 times)

evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #380 on: April 03, 2013, 07:02:46 am »
Sis kapag nagalit or nataranta na pumunta ka ng office, most likely tama ang hinala mo..

sweetsorrow

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #381 on: April 03, 2013, 09:41:35 am »
hi mga sis... wala kasi ako masabihan ng problema dito sa office.. kasi nasa inlaws ko ang baby namin dahil wala kaming yaya.. instead of quality time with hubby, palagi nalang kami nagtatalo.. may times na ipad or cellphone lang iniintindi namin kesa magkwentuhan.. nawawalan ako ng gana makipagusap sa kanya about sa birthday party ni baby.. all set na na dito sa pasig kami magcecelebrate ng birthday niya this april 27. pero he decided sa laguna nalang.. siyempre naiinis ako pero dahil sabi niya sayang ang pera kung ihahanda ko ng party dito, doon nalang daw sa kanila. ang ayoko kasi may attitude mga tao sa kanila na magtatake out pa ng handa o magiimbita ng mga hindi ko kakilala. at magiging inuman lang ang first birthday ng baby ko.

ang ayaw ko lang kasi nakaplano na ko tapos babaguhin niya. magkaibang magkaiba kami sa mga plano.

tulad ng kasal, ang nangyari kasalang bayan nalang kami. sa panganganak ko pinaglaban ko na huwag sa lying in kundi sa hospital ako. ngayon naman sa birthday ng anak ko. nakakapagod na.. sobrang iba kami ng plans..

nagtalo kami kanina and pinapalayas niya ako..parang gusto ko nalang lumayo total feeling ko he was my biggest mistake!

evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #382 on: April 03, 2013, 10:02:44 am »
^ang lakas ng loob nya kasi nasa kanila ang bata. Kahit ako sis,ayoko na ganung party. Mas magastos nga ang ganyan dahil sobrang dami pumupunta na di invited.i assume kasi type ng asawa mo ng inuman kaya bigla kung kelan nakaplano na,saka sisingit ng ibang usapan. Asahan mo pag natuloy kayo ng party doon,makukulot lang ang buhok mo sa asar. Ginatungan lang kita.sorry..

beijhing

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #383 on: April 03, 2013, 11:04:11 am »
sis khayzee, sis trendy ang sakit lang kasi isipin na these pictures were from May 2012 pa. kung totoo ngang he's cheating on me, ganon katagal nya na pala ko niloloko and his workmates are tolerating it. sa pagkakaalam ko may asawa't mga anak din yung babae. hindi lang kasi mawala yung pakiramdam ko na baka nga there's something going on kahit na napagusapan na namin. tinatanong nya ko kung ano ba gagawin nya para maniwala akong wala pero hindi ko rin alam kung ano kailangan nyang gawin. i already told my guy friends sa office and sabi nila being a guy mukhang may something nga. kasi kung friend mo lang, parang hindi naman kayo po-pose ng ganong sweet. yung picture with their fingers touching ay super red flag din daw.

Sis beijhing-naaalala mo pa ba voice nung tumawag sayo?

sa totoo lang sis hindi ko na masyado matandaan. i was so confused that time eh, hindi rin ako maka-concentrate. hindi ko rin kinausap ng matagal yung caller kasi nga nandon ako sa haus ng parents ko, at nandon mga kapatid ko sa tabi ko kaya ayoko may mahalata sila. hindi ko rin alam kung mabobosesan ko sya sakaling makausap ko sya uli.

i tried to talk to hubby, twice na about it. i gave him a chance to tell me the truth pero lagi nya lang sinasabi sa kin na marami talagang tsismosa sa trabaho. hindi na bago sa kanila yung mga gumagawa ng kung ano-anong tsismis. he can also look me in the eye and tell me na mahal nya ko. pero nabasa ko sa net na liars can do that kahit pa nagsisinungaling na talaga sila. sobrang sakit lang mga isipin mga sis na kaya nya yun gawin sa kin after all we've been through  :'( :'( :'(

khayzee

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #384 on: April 03, 2013, 11:29:22 am »
about sa pic, baka nga po since guy friends mo na nagsabi na may something nga sa pose nila. nasabi ko lang din kasi i already experience working na super close yung team, wherein akbayan is not an issue, we even called one of our teammate na papa, eto naman as in lahat kami. kaya nga sis, investigate. find ways  :) goodluck sis sana hinde guilty  :)

beijhing

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #385 on: April 03, 2013, 11:38:56 am »
^ thank you sis! ipinagdadasal ko rin yan  :'(

EllaBratin

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #386 on: April 03, 2013, 11:55:54 am »
Sis sweetsorrow, if he really wanted to have your baby's party at their place, aba, e di mag-isa siyang gumastos!  ;D Tapos ituloy mo ang plano mong party diyan sa Pasig.
Ayaw na ayaw ko rin yung children's party tapos may nag-iinuman sa tabi, kaya I always tell my hubby na it's OK to invite his friends as long na walang inuman, kasi hindi naman siya ang may birthday di ba. Sabi ko rin kung magpipilit siya e sorry na lang at mapapahiya siya sa akin kasi hindi ko sila ieentertain. Ang maldita lang no, pero effective naman yun sa amin. Wag ka masyadong ma-stress sis, malapit na ang birthday ng baby mo. Kailangan magpaganda!  ;)

Napagdaanan din namin yan, sa April 14 naman ang birthday ng baby ko...  :)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #387 on: April 04, 2013, 09:49:09 am »
^magkaaway pa din kami at sinusuka ko na siya. sa totoo lang when he told me to leave the house, part of me sobrang saya!

hindi daw kasi ganoon ang nakaugalian nila. basta nagkita-kita alam na daw inuman. sabi ko ibahin nila ako dahil hindi ako papayag iba kasi ako pinalaki kapag party wala talaga kahit anong beer o liquor.

selfish siya na isipin kasayahan niya. childrens party nga eh!

sistah!

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #388 on: April 04, 2013, 11:20:55 am »
dapat pinagusapan nyo talaga yung plano for the party before you started planning. i suggest you keep firm on your stand. hindi naman talaga kailangan ng inuman eh children's party yun. kung gusto nya, maghanda na lang kayo sa laguna na may inuman for the adults but convince him to push through with your orginal plans. naayos mo na rin.

medyo naiinis ako sa ganyan ha, ang lakas ng loob nya kasi siguro alam nya hindi mo naman iiwan yung anak mo sa in laws mo kung lumayas ka nga.

EllaBratin

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #389 on: April 04, 2013, 11:38:10 am »
^^sis, ang hirap i-spell ng hubby mo, pero try mo ulit kausapin. Sabihin mo na pareho kayong excited sa birthday ni baby, kaya sana ibigay ninyo na lang kay baby ang araw na yun. Kung hahayaan mo kasi silang mag-inom, baka hindi ka na rin niya sundin kung magbibigay ka ng limitations. Kausapin mo na di ba matagal na yung plano ninyo, sana yung dating plano na lang ang masunod. Saka i-respect niya ang desisyon mo para sa baby ninyo.

beijhing

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #390 on: April 04, 2013, 05:17:50 pm »
parang gusto ko na talaga mag-hire ng private investigator. i need solid evidence bago ko i-confront si hubby  :'( :'( :'( :'(. I don't think enough yung call na na-receive ko and the pictures i got from FB. gusto ko yung mapu-push ko sya sa corner hanggang sa wala na syang ibang gagalawan, yung kahit pa i-deny nya the evidence says it all. kahit masakit at aminin nyang totoo, kakayanin ko. basta ang goal ko lang is know the truth pra matapos na paghihirap ko. baka may alam kau mga sis, ang mamahal naman kasi nung mga nasa net.

sean-yugie

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #391 on: April 06, 2013, 10:16:37 am »
Mga sis I need your advise please....
  Ive been married for 7 years and we have 1 baby and shes 1 year old pa lang..I'm working and my hubby's job was not stable.
 May business kami before which ang puhunan any galing sa brother ko. Lahat ng peak season namin tumutulong ang family ko para hindi kmi mahirapan but we pay them small amount at imagine lumuluwas sila from province para lang tumulong sa amin. Tinulungan ko sya pag aralin para naman hindi sya lagi ganun n lang.
 Last 2009 i found him na may karelation syang iba then sa madaling salita nahuli ko sila thru text, nag away kmi pero nag end pa rin ng maganda. I forgive him..
 Again nahuli ko uli na may katext at yun babae kapitbahay nila at matanda na, minsan pinatuloy ko sya sa bahay namin nung wala sya matulugan ng lumuwas sya dito sa maynila but eto ang ginanti nya. They are talking about sex sa phone pa ng mother ko at nakita ng nanay ko sa sent items nya na hindi nya nadelete but nauwi na naman sa forgiveness.
Napressure ako kasi naghahanap na sya ng baby kaya ganun ang ginagawa nya lalo na ng may nagtext sa akin na pinapabayaan daw nya anak nya at bkit daw takot sa akin eh hindi ko naman daw mabigyan ng anak..
2011 when I got pregnant, twice nya lang me sinamahan na magpacheck up at lagi pa nauuwi sa away. Nung una sabi nya wala mangyayari sa buhay natin kung lagi tayo magkasama at sa 2nd time ayaw nya kausapin yung doctor ko kya gumawa sya ng paraan na umalis kya umiyak ako by that time bumuka na cervix ko and he told me wala sya pakialam kung mapaanak ako..eh 6 mos pa lang po tyan ko nun..
 Minsan inalalayan me ng mother ko sa pagbubuntis ko kaya lumuwas sya from province to manila nagluto at naghain ang mother ko ng food. Sa hindi maexplain kung saan galing yung ipis na gumagalaw sa tasa ng soup ay katakot takot na salita ang inabot ng nanay ko at umiyak sya ng umiyak..
 Pinabayaan ko lang sya lalo na at napaanak ako ng premature..Nagwork uli ako..nalipat ang office namin sa bulacan gusto nya na me magresigned kaya nagaaply ako at luckily natangap agad ako. Last week last birthday ko na sa company na pinapasukan ko for 6 years kaya nagpaalam me sa kanya na kakain kami ng mga kasamahan ko sa work..as usual lagi me nakamonitor sa pag uwi. Nalate lang me ng konting oras at nasa probinsya sya nun minura mura nya ako at kung ano ano masasama salita ang pinagsasabi nya na sa akin.. Umiyak na lang ako sa pag aakala na ganun lang yun. Biglang pinaaudit me sa branch namin sa province at nagpaalam din me sa kanya at sa madaling salita..mas worse yung narinig ko sa kanya ngayon at wala na sya respect sa akin. pati parents ko kung ano ano na ang mga sinabi nya.. Halos hindi ko na malunok ang pinagsasabi nya at pati mga kaopisina ko pinagttxt nya rin..Bumalik na sya sa bahay at we confronted at ayun sabi ko maghiwalay na lang tayo tutal wala ka naman na respect sa akin even my parent hindi nila me ginganito tapos ikaw gingawa mo sa akin. Nawala na ang love ko sa kanya..pinapalayas ko na sya pero ako daw ang lumayas at kung aalis daw sya dadalhin nya anak namin.. Last week ko na dito sa pinapasukan ko at lilipat na me sa kagustuhan nya kaso magulong magulo ang utak ko. Pero dito sa pinapasukan ko ayaw nila me umalis ng ganito sitwasyon ko..kung sa lilipatan ko hindi ako pwede umabsent para ayosin ko problema ko dahil bago pa lang ako at bago adjustment..naguguluhan ako..
Syanga pala ayaw ng pamilya ko sa asawa ko pero sinuway ko sila pero ano ang ginanti nya sa akin puro paghihirap..nalaman ko rin na ngdadrugs sya at lagi pa lang ngpapadala sa magulang nya at kapatid ng hindi ko alam samantala ako nagpapakahirap sa kakatrabaho at natatakot na walang pambayad sa mga bayarin...huhu...gusto ko wag na muna me magwork para malaman nya ang responsibilidad pero nagdadalawa isip ako..please help..thanks.

evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #392 on: April 06, 2013, 08:46:43 pm »
^sis ano pa kinakagulo ng isip mo?addict na masama pa ugali.natatakot ka ba sa banta nya?wag ka papadala doon.kung takot kang baka saktan kayo or itakas ang bata,i think given ang circumstances pwede ka magfile ng protection order kahit from baranggay lang. Try to check kung yung verbal abuse nya pasok sa violence against women and children.mabigat kasi pag yun ang naikaso mo sa kanya.

trendy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #393 on: April 10, 2013, 06:04:10 pm »
sis beijhing, wala ka bang friends among his officemates na pwede mong mapagtanungan para once and for all e matapos na yung issue na yan. kung wala kang friends sa kanila, maybe you should start befriending them, sumama ka sa mga lakad/parties nila kung kelangan.

beijhing

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #394 on: April 11, 2013, 01:51:00 pm »
^sis trendy sa totoo lang, wala ko close friend sa mga ka-trabaho nya. i met them sa mga company event pero ganon lang. isa pa, sabi ng mga kaibigan ko wag na ko umasa sa mga ka-trabaho nya. the pictures were taken by one of them so sa tingin ko daw ba kakampihan nila ko. might as well think na tinotolerate nila ang asawa ko at yung babae.

until now wala pa rin akong mapiga sa asawa ko. stick pa rin sya sa kwento nyang maraming tsismosa sa trabaho. already showed him the pictures but then again sabi nya wala lang yun. nalason na daw ng tsismis ang utak ko kaya may nakikita kong kakaiba sa mga pictures.

I decided to let it go. pabayaan ko na, benefit of a doubt na lang. sabi nga ng mga kaibigan ko, parang pointless na rin kung wala ko makuha sa kanya. tinigilan ko na ang pag-confront sa kanya.  im praying na wala na ko malaman/makita in the future. si God na bahala kung may ipapalam pa sya sa kin, pero until then subukan na lang muna bumalik sa normal. narealize ko rin na tama si chiqmom (galing sa kabilang forum), sabi nya:

what i learned from my previous experience is to never consume yourself looking for evidence kasi in the end, what you sought might destroy you. and come to think about it, humans have the tendency to always find what they are after. so if you spend most of your time trying to look for evidence, soon it will crop up and you will regret that the times you were spending on the hunt game, you could have just used it to let your man see your worth.

im not saying that i know better. but sis, you can focus on better things than get consumed by this emotional torture. relax, and let it go.

peenitokss

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #395 on: April 15, 2013, 09:43:11 am »
My husband strikes again.  :(

Nagsinungaling ulit sya about money matters. My SIL texted me and was asking if she can deposit na lang sa account ko yong hulog nya sa ni-loan ni hubby sa trabaho together with the utang na hiniram nya 3 months ago. Nasaraduhan daw sya ng landbank (hubby's payroll account). I said no, kasi nga tingin ko ayaw ni hubby makialam ako dun. So i told her ask na lang nya si hubby sa bpi acct na lang nya ideposit. So nadeposit nya. Last friday, i asked hubby kung nagbayad na si SIL dun sa utang na hiniram nya 3mos ago. Hubby said, HINDI PA. BAKA DAW HINDI PA NAKAKAPAGPADALA ASAWA NI SIL (dami pa reasons nya). Pero ichecked online na pasok na payment ni SIL. Kaya naasar ako pero nagpigil pa rin ako. I let him read my SIL's text sakin wherein tinatanong nya ako kung pwedeng sa account ko na lang nya ideposit. So ayun, sabi kesyo hindi naman daw kasi nya alam na natuloy yong deposit. Pero ang point ko, kung talagang yon ang nasa isip nya, e di sana ang sagot nya sakin nong magtanong ako is hindi nya alam kung natuloy yong deposit ni SIL kasi nagtanong ng acct nya sa bpi. Nakita ko kasi meron ulit syang intensyon na itago yon.

I asked him bakit ba ganun sya?? Sabi hindi daw nya talaga intensyon na itago yon. Pero sabi nya may time daw na gusto nya meron syang hawak na pera na pag may gusto syang bilhin, mabibili nya. Nagdadalawang isip daw sya mgsabi o manghingi sakin.

Sa totoo lang, naiinis ako sa kanya. Ganun ba talaga mga asawa? HIndi ba talaga natin mae-expect na hindi sya maglilihim satin???

lqmom

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #396 on: April 16, 2013, 09:49:58 pm »
I NEED AN ADVICE FROM ANY OF YOU GUYS :(

Hi, beginner lang ako dito sa forum.
my problem is about my husband. married na kami for more than 6 years & merong 2 kids.
ofw sya ako naman housewife.
more than 4 months na kaming di nag-uusap dahil gusto nya na maghiwalay na kami. the only reason is "me" daw. di nya kasi matanggap sa sarili nya na nagboyfriend ako before him. lahat pinagdudahan nya na kesyo may nangyari samin ng ex ko before, which is not true, na niloloko ko pa din daw sya hanggang ngayon.di sya makamove-on sa past ko.sakin kasi pag tapos na, tapos na talaga wala na kailangan balikan pa. mahirap talaga intindihin asawa ko.sobrang mataas ang pride.
gusto ko na syang kausapin or sulatan para magkaayos kami, kaso natatakot ako kung ano yung kalalabasan pag ginawa ko yun.
ayoko kasi na lumaki yung mga anak na namin na di buo ang pamilya. galing din kasi ako sa broken family kaya ayoko na maranasan nila ang pinagdaanan ko.
tama ba na ako ang gumawa ng move kahit na alam kong madaming beses na kong nasaktan for the sake of our family?

may isa pa kong gustong hingin na advice.
of all people,yung ex ko pa ang nakita ko sa city hall. sya ang unang lumapit sakin. meron kasi akong inaayos.ngayon tinulungan pa nya ko sa process. kumbaga di ako nag-ask ng help from him.napag-usapan pa namin about our past, together with his cousins pero puro kakatawanan. sya lahat nagsimula sa kwento. nahihiya na nga ko sa mga tao sa paligid namin. he's happily married na.
my question is, do I have to tell about everything to my husband if ever magkaayos kami?
gusto ko kasi maging transparent sa kanya dahil nga iniisip nya lagi na niloloko ko sya.minsan nga sabi ko sa kanya kung gusto nya iharap ko sa kanya yun pra sabihin sa kanya na wala talagang nangyari, kaso di naman siguro maganda. pagdating kasi sa mga past nya, wala lang sakin. iniisip ko din minsan kaya siguro ganun si husband dahil madami syang naging past and minsan sabay-sabay pa.kumbaga hinahunt na ba sya or takot lang sya na gawin ko yun sa kanya.




jjqxiv

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #397 on: April 16, 2013, 10:38:19 pm »
Hello sis lqmom! We're almost in the same boat, but my husband cheated on me and he's not an OFW. Based on your story, I think gumagawa nalang sya ng reason para magkahiwalay kayo. No offense meant ha, it's just my opinion. And IMO, sya talaga yung may problema. He's an OFW sis, and you said 4 months na kayong walang communication, maraming pwedeng nangyayari kung nasan man sya ngayon. Ilang years na ba sya dun sa country nya ngayon?

Re your kids, that's what I want too before, ayaw kong lumaki sila na hindi buo yung pamilya. When he first cheated on me, we have 2 kids that time. Bata pa sila nun, parehas pang girls. Pero naayos yung marriage namin kasi parehas kaming nag-effort. Pero sis, I don't think tama pang gumawa ka ng first move kasi based on your story, yung hubby mo na mismo bumibitaw sayo. Gumagawa lang sya ng dahilan para magmukhang ikaw yung may problema, sobrang babaw ng dahilan nya na about lang yun sa past mo. Pero pag-usapan nyo din sis pag-uwi nya, mahirap kasi pag sa phone/skype lang kayo mag-uusap.

Anyway, don't forget to pray sis. Ask for His guidance. Be strong for you and your kids. :) God bless!

honey_koh

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #398 on: April 17, 2013, 04:45:25 am »
hello mga sis i need advice si husband kasi pang gabi sa work from 10pm -6am pag galing nya work sleep na siya kaagad. samantalang ako puyat kasi 2weeks old palang yung bunso namin at meron pa kaming 1 2 yrs. old panganay namin. dapat ba ko magdemand sa kanya na sana mag alaga naman sya sa baby namin kahit ilang oras lang makatulog lang ako ng kahit 2-3 hrs. straight hindi na nga siya kumikilos dito sa house minsan nagluluto siya pero bihira dapat ko pa siyang sabihan. minsan din kumikilos siya dito sa house pero dapat utusan mo una siya bago siya kumilos. napapagod din kasi ako. lalo na kapapanganak ko palang ako na lahat kilos dito sa house. ngayon hindi pa ko ganun kapagod paano na kung tapos na maternity leave ko at pumapasok na ko. baka mahimatay nalang ako sa pagod at puyat. naaawa din naman ako kay husband kasi puyat siya sa work pero paano naman ako tao din ako napapagod. pag sinisita ko kasi siya sa pagtulog niya sinasab niya lagi ilang oras lang daw tulog nya eh nakakatulog nga siya ng 6-8hours. eh ako? swerte na kung maka 4-5 hours na sleep hindi pa dirediretso yun. tama ba na sabihan ko siya na sana maawa naman siya sa akin mag karoon siya considerasyon nag asawa at nag anak siya kasama yan sa sakripisyo namin lalo na nandito kami sa ibang bansa wala kaming ibang asahan kundi kami lang. pls help me ano gagawin ko. ayoko naman mag away nanaman kami dahil lang sa pag sita ko sa kanya thank you

mslcgrey

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #399 on: April 17, 2013, 09:38:35 am »
^ sis honey_koh, wala ba kayong yaya or a relative na mapag-iiwanan ng baby? kasi paano kung may work ka na, sino maiiwan sa mga babies mo? what did you guys do when you had your first baby?

night shift din sa work ang husband ko and halos wala rin siya nagagawa sa bahay pag-kauwi niya. almost 2 hours din kasi ang travel time going to his work so that is 4 hours balikan. ang nirerequire ko lang sa kanya kapag weekdays, siya ang maghuhugas ng pinagkainan namin sa dinner. minsan siya naman ang nagluluto. kapag weekends siya medyo bumabawi kasi siya ang taga-laba. wala pa naman kami baby so i know relatively easy pa but i understand your situation na may work ka rin tapos pag-uwi mo you still have to do a lot of household chores plus nag-aalaga ka pa ng newborn and a 2 year old na for sure super kulit na.

mag-usap kayo and find solutions that will work for you. iba rin kasi ang demands sa katawan kapag pang-night shift ka compared sa day-shift na work.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close