Hello mga sisses, hindi ko na kasi kaya ang problema ko feeling ko minsan sasabog ako kaya dito ko na lang I share. Sana matulungan ninyo ako, I need advice.
3 years ago, nag decide husband ko na mag resign na sa work kahit wala pa siyang lilipatan kasi sobrang na stressed siya at lagi nagkakasakit, nag worry ako sa health niya kaya sinuportahan ko siya doon. So naging bum siya at nahirapan humanap ng trabaho, something na hindi namin inasahan. Nag try kami mag business para may pagkakitaan at may paglibangan siya kasi alam kong nalulungkot siya dahil wala siyang work. In short yung support ko sa kanya kahit wala siyang trabaho, hanggang sa nagka business at nalugi andun lagi, hindi ko pinamumukha sa kanya na ako bumubuhay sa kanya. Wala po kaming anak.
But 3 ½ years ago na iyon. May mga times na feeling ko kampante na siya masyado sa buhay niya. Tingin ko minsan hindi na siya nag e effort na magka extra money dahil alam niya na pag may gastusin ako lagi sasagot.ngayon meron kaming maliit na business (maliit na tindahan) pero hindi pa namin nararamdaman ang income kasi nagbabayad pa kami ng utang doon. Naiinis ako na para kasing hindi niya priority yung business niya, nasabi ko to kasi, dati pag inuutusan siya ng pastor naming (active kasi siya sa church) isasara niya yung tindahan at di siya magtitinda kasi may pinagawa daw si pastor, okay fine, so di ko na lang pinapansin kahit marami beses nangyari yun. One time naman yung kaibigan niya na dumating galing abroad nag text sa kanya at niyaya siya, so hindi na naman siya nagbukas ng store. Buti sana kung one time lang kaso nung nagyaya ulit, at dito inaway ko na siya, sabi ko “ano ba yan, ano bang priority mo, yung business mo o kung ano ano?” naasar talaga ako umalis ako ng bahay, pagbalik ko hindi siya tumuloy sa lakad niya at nagbukas ng tindahan. At sinabihan ko pa siya na wala siyang direksyon kung saan na lang siya tangayin ng hangin doon siya. At hindi ko nakikita talaga sa kanya yung effort na gusto kong makita para lang mapalago yung tindahan niya. Pero nung sinabihan ko na siya at pinagalitan (feeling ko kasi pag sinabi ko ng mahinahon walang epekto sa kanya) na I prioritize ang tindahan, at least medyo nagbago naman siya. kaya lang lagi ko na lang siyang didiktahan ng gagawin niya?
Nakatira kami sa inlaws ko, at hirap din sila sa buhay, okay lang naman sa akin yung pera hindi issue kaso, siya kasi ang lalaki. Minsan parang di ko matanggap na yung sahod ko nauubos sa kanila samantalang mga magulang ko na nag paaral sakin hindi ko gaano matulungan dahil nga sa kalagayan namin. MInsan iniintindi ko na lang asawa ko na baka ayaw lang niya isipin yun, pero tingin ko sa kanya relaxed siya at mukhang hindi naman namomoroblema.
At eto pa, yung emotional na pangagailangan ko bilang babae at asawa ni hindi ko makuha sa asawa ko. Pag nagsasabi ako ng problema sa kanya wala man lang, support kahit salita na “okay lang yan, kaya natin to, wag ka mabahala” wala nun! Tulala lang siya at hindi magsasalita na hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Minsan pakiramdam ko talaga pasan ko lahat ng bigat. Pag uwi ko sa bahay, di man lang niya ko kausapin o kamustahin araw ko, gabi na nga lang ako sa bahay di man lang niya ko kwentuhan o ano, manonood lang siya ng tv. Bihira na nga kami mag sex, one time sinabi ko sa kanya iyon, ang sagot ba naman niya tinutulugan ko siya, sinagot ko siya ng “kasi puro ka tv, gabi ka na matulog, natural pagkatapos mo manood ng tv ako tulog na” , iyon hindi siya sumagot, nung sumunod na gabi, maaga niyang pinatay yung tv, pero tinulugan ko siya at di pinansin. ganun siya, ninga kugon, pag inaway ko magbabago sandali pero babalik sa dati...
Hay, ano gagawin ko, maraming beses ko na naisip na gusto ko na siyang hiwalayan, at ngayon gusto ko na talagang gawin. Please kailangan ko ng payo….
Pasensiya na ang haba