Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196768 times)

Antigone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #280 on: November 16, 2012, 06:57:22 am »
I would like to share you my favorite sister-in-law's situation right now. sobrang hirap ng pinagdaanan nya to the fact na it causes her lot of stress na talagang nagkaroon pa sya severe depression at nagpapatheraphy pa sya dahil halos hindi na daw nya kaya.


Ito po story nya..


Way back 2006, nakilala nya ang napangasawa nya who is a general practitioner, an MD dito sa Pilipinas. Dati ng may-asawa ngunit hiwalay na pero may anak na isa na nasa custody ng lalaki. Nung bago pa lang sila, mabait naman at maalaga kay SIL kaya after 6 months she made up her mind na ipetition na nya, she's an RN in the States. Lahat daw ng mga kaibigan nya at ibang mga kapatid, tutol sa plano nya, dapat daw kilalanin pa ng lubusan kasi baka magsisi sya. Kaya lang dedma si SIL, wala syang pinakikinggan kahit na sino. Kaya yun after another 6 months of waiting naipetition nya talaga kasama ang anak, pagkarating sa states, nagpa civil weeding agad sila. Hindi dumalo ang ibang kapatid at mga kaibigan ni sil, galit daw sila. Ika-nga daw nasa huli ang pagsisisi. Ngayon na lang narealized ni SIL, after 3 years of being together natutuklasan na raw nya yung mga negative traits, sana daw nakinig sya blah blah.
Mantakin nyo naman mga sis, si sil naoperahan sa ovary, nagkaron kasi sya endometriosis sabi daw ng dok nya wag syang magpagod masyado baka daw mag bleeding within the next 2 months after the operation, pero may isang beses na hinayaan syang mag grocery mag-isa, nung nagpapasundo na sya dahil sobrang kapal ng snow, takot syang magdrive mag-isa, naku sabi daw na hindi pwede dahil susunduin yung anak sa school. Eh may 1 hr pa naman daw bago sunduin yung anak, pwede naman daw daanan na lang nila after sya sunduin. Sobrang tamad daw, SIL works 16 straight hrs a day, kayod kalabaw daw talaga doon.. habang ang lalaki 8 hrs a day lang, ang pakiusap lang nya sana daw pagpasok sa work, ihatid sya at after work sunduin sya, bakit di nagagawa sa kanya, pero sa anak ok lang naman, na kung tutuusin mas malayo daw ang eskwela na pinapasukan kesa sa hospital na pinagtatrabahuan ni sil. Yung anak 15 yrs old na. Uuwi daw sya ng bahay sa halip na magpahinga na lang, maghahanda pa sya ng kakainin nila. Pag off nya saturdays and sundays, naglilinis naman sya ng bahay. Daig pa daw nyang katulong. Pero yung lalaki, pabanjing banjing na lang kasama ang anak. Samantalang lahat ng luho nila pati anak, si sil daw lahat bumili.. Pero mga expenses sa bahay hindi man lang nagsishare, madamot daw. Eh diba dapat, mag-asawa na sila dapat nagkocontribute din? Tapos nung isang beses daw na sabi ni sil pakasalan sya sa church, sinabi daw na hindi na, gastos lang daw. Tama ba naman yun? Kaya galit iba pang inlaws ko, masyado daw bulag si SIL. Tapos may isa pa daw ginawa na matindi daw, kaya lang ayaw na ishare ni SIL sa'min. Duda namin baka me babae. Sobra kasing breakdown nya nung sinabi nya na hindi pa daw nya kaya ishare. Kaya sya napauwing bigla last month dahil grabe daw talaga pinagdaanan nya. Need daw nya ng space. Naawa ako sa kanya talaga. Nung sinabi daw nya nun maghiwalay na lang sila, ang sagot daw, 'sige kung yun ang gusto mo, yun na REGALO ko sayo sa pasko' tas nung sabi nya na uwi sya ng Pilipinas, sabi daw 'edi umuwi ka?' sakit diba? parang napaka insensitive nung lalaki talaga.
Sabi na lang namin kay SIL, since marami naman ang ayaw sa kanya, e pag-isipan nya ng mabuti. Kung feeling nya hindi sya importante, edi i-divorce na nya, actually nakapag-appoint na daw syang lawyer, pirma na lang yata kulang, pinagbakasyon lang sya ng 1 month para makadecide sya.. kaya lang 1 week before she returned back to U.S, nagsurprise call yung asawa nya ayun mukhang nabola ulit, nagbago na ulit ang isip. Sabi nya, mahal pa daw nya, bigyan daw muna nya ng another chance. ika-5th chance actually.


Oh well papel, sana maging maayos na ang lahat sa kanila. kasi kawawa naman si SIL.







Panong magiging comfortable life niya sa Pinas eh GP pala siya?

Hay naku. Mga ganyang lalake iwanan na.

quinone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #281 on: November 16, 2012, 08:49:54 am »
@ysa.belle maybe yung paglabas nya ng madalas is temporary dahil nga sa business (?) at hindi ka sanay na umuuwi siya ng madaling araw na. sa experience ko naman, my hubby drinks 2-3 times a week. earliest na uuwi yan 1am; maaga na yun. on average 3-4am na ang uwi. bihira naman siya umuwi ng lasing na lasing, kundi lasing lang lol. normally, i don't call him kapag nasa labas siya, tine.text ko lang siya na nami.miss ko siya when i remember him. yun lang suggestion ko sayo...i text mo na lang ng sweet nothings, baka you just miss him. sa totoo lang hassle kasi yung nakikipag-kwentuhan ka tapos biglang may tatawag diba, kasi nagwoworry if his ok. parang strict na nanay lang :D kung talagang worried ka, then pray for him. wala rin naman magagawa ang tawag mo if he is in danger pero your prayer might save him from whatever evils or temptations are out there while he is away from you.

ysa.belle

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #282 on: November 16, 2012, 07:38:09 pm »
ok
« Last Edit: January 06, 2013, 07:23:12 pm by ysa.belle »

beatrize zuri

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #283 on: November 16, 2012, 09:17:25 pm »
@slovy-sis kamusta na yung sil mo? sila pa ba nung husband niya? grabe yung effect sa kanya nag karoon pa siya ng depression. sana makapag start siya ng new life na wala yung lalaking yon!

ikaela

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #284 on: November 17, 2012, 06:19:10 pm »
^kung ako man ang nasa lugar mo sis maiinis din ako. I value my privacy very much. tuwing may bisita nga kami na magstay sa bahay ng matagal, i couldn't last more than a month na andun sila kasi gusto ko talaga nagagawa ko lahat ng gusto ko like lalabas sa sala ng walang bra at nakasuper ikling shorts. di mo kaya magawa iyon ng may ibang tao.  Hope your hubby will understand your concern. try to talk to him again and maybe isip kayong dalawa ng alternative solution

@rockyroad: Thanks for sympathizing with me. I had the talk with my husband na. By nature, he is a very friendly person and I am a very private one. Dun kami clash.

Oh well at least yung guests, they come and go and thankfully, no one has stayed more than a week. Pero itong new cook, wala kasing "deadline". We'll see how it goes! One misstep lang talaga, ako na magpapaalis!

rumplehuey

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #285 on: November 29, 2012, 01:22:05 am »
My husband's seems to be grumpy most of the time. Minsan napapagod na ko magpa sensya at hindi ko na din maintindihan kung baket sya ganun sa akin. Kahit simpleng bagay naiinis na sya at madalas ako sinisisi nya pag naiinis sya kahit hindi ko naman kasalanan. Basta palagi nalang sya naiinis. Its either to something that I do, or something that I didn't do na nakakainis para sa kanya. Tapos pag lumalaban na ko sa kanya or pag ako na yung nagpapakita ng inis eh mas lalo syang naggalit sa akin. Sinabihan ko na din sya na kaya ako natuto na maging mainisin na din dahil sa ginagawa nya sa akin, tapos deadma lang sya. May mga times nga na minsan mas gusto ko na hindi nalang kami nagkikita araw araw para hindi kami nagkakainisan kasi feeling ko parang lagi nalang may mali akong ginagawa na hindi nya gusto or sya yung may mga maling ginawa na hindi ko din gusto.


Should I be worried?

miminibebe

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #286 on: November 29, 2012, 09:58:41 am »
sis ysa.belle nangyari din yan sa min ni  hubby, siya naman, nagpapapabango sa boss.  Kaya halos every week basta Friday, may gimik sila.  Tipong magpapaalam yan sa kin hapon ng Friday na, so ako naman mega bilin na wag masyado magpaumaga ng uwi at magtext kung nasan na.  Sinunod ba? Hindi! Eh ang mga kasama pa naman nya eh puro mga mahilig sa babae, kaya ako worried na worried bukod sa iniisip ko baka malasing at mapano, andyan pa yung baka matempt at mainggit mambabae!  ;D Kaya giyera patani kami lagi... Hanggang sa nagsawa na ko makipag away dahil dun kaya hinayaan ko na lang sya.  Tutal tiwala naman ako na hindi siya magloloko dahil kinukwento niya sa kin lahat eh. Ayun, parang naappreciate naman niya na di ko na siya inaaway at di na ko parang nanay na lagi siya tinatawagan pag may gimik. 

Tama si sis quinone, pagpray mo nalang sis.  Dahil minsan talaga dyahe for them yung lagi hawak ang phone pag may ibang kasamang guys.  Si hubby kasi nakakantyawan na andres daw, naawa din naman ako kaya ayun.  ;D

ceejhei

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #287 on: November 29, 2012, 03:43:08 pm »
My husband's seems to be grumpy most of the time.

Should I be worried?

Yes sis. This happened to me like a year ago. ganitong ganito. mainit ang ulo at lahat ng bagay ginagawan ng pag aawayan. yet i found out that my hubby has another girl. please pray that hindi ganun yung nangyayari sainyo ngayon..

rumplehuey

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #288 on: November 29, 2012, 09:43:52 pm »
@ceejhei, kinabahan naman ako bigla. Parang wala kasi sa ugali ng hubby ko na mangaliwa eh. Pero I am not sure. I will pray na wag naman sya gawin sa kin yun kasi walang kapatawaran :(

How did you found out that he's been cheating?

mae18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #289 on: November 29, 2012, 10:39:12 pm »
Im not sure, how to start... My problem was i dont know... here's the story...

We've been together (live IN) for almost 8 years, and we have a 2 year old son.. Nakunan ako twice, aminin ko, her mom was a great help to us lalo na nung nanganak ako and nakunan, she was the one who paid for all the expenses incurred during those times... It started out when i posted on FB complaining about my husband's responsibility on our son... It happened a lot of times na when i text him telling him our son is sick, i usually got these answers, "gagaling ba yan pag umuwi ako?", "madami ako ginagawa, busy, may tinatapos". I posted a status on November 7 stating my frustrations, the reason was when his mom calls him to drive them somewhere- he's there-always ready to assist. That time his SIL was on vacation at his mom, and my hubby's niece was sick, diarrhea, vomiting and fever-that started out Sunday the ff day, they had her checked up and was advised to confined to avoid dehydration. His mom texted him and told him to pick them up at UDMC and drive them to Bataan since her SIL lives there para daw dire-diretso na makapagpahinga since taga duon naman SIL niya. My husband rushed to them and drive them at Bataan. That morning our son is on fever na, until he came home past midnight. Naabutan niya ako na nagtitimpla ng milk for our son with fever. I was so mad at him, kasi ilang beses nangyari ang ganun na pag kami ng anak niya may pangangailangan sa kanya-lage kami naghihintay mostly sa wala. Kundi pa nga sabihin ng maid namin na sumuka anak namin di pa niya malalaman....
Yun ang reason ko why i posted on FB ng mga frustrations ko, my friends comment na i should be thankful since ibig sabihin malaki tiwala ng hubby ko na kaya ko yun gawan ng paraan even if i am a stay at home mom at walang work walang pera. until i explained the above situation, then my sister replied na ganun talaga since hawak daw hubby ko sa leeg. His mom comments on FB stating na wag daw husgahan anak niya since di daw nila alam kun ano talaga nangyari... my sister knew everything of whats going on with us, and his mom, before i posted on FB i have called his mom several times stating my dilemmas, asking for help since gusto ko na nga nun umuwi sa amin dahil sa nahihirapan ako... His mom told me na wala naman daw prob sinasabi anak niya (husband ko) sa knya, i also asked her kung may nakikita siya prob sa akin, wala din daw so sabi niya baka busy lang daw sa work-unawain ko na lang daw at intindihin. Wag na daw ako tumawag sa amin kasi baka kun ano daw isipin sa amin, wag na daw ako umalis at wag ko na daw pansinin muna anak niya... Sinunod ko lahat kahit na gustong gusto ko na magsalita sa parents ko... then yun lumabas sa comment ng mom niya na kesyo maayos daw niya napalaki mga anak niya, na kesyo wala di daw naglamay mga magulang ko nun naglamay sila nun nakunan ako, at nun nanganak ako eh di din daw nagtagal na dumalaw sa ospital o nagstay sa bahay namin... and worst lumabas na sabi niya may problema daw kami pinagdadaanan o baka ako daw nga me problema kaya ganun, wag daw husgahan... nagkasagutan sister ko at mom nya, at lumabas na sa tingin nila ina under ko anak niya... bumigat dibdib ko nun nabasa ko yun... dinelete ko post... and talked to my husband, asked him kun pakiramdam niya eh inaaunder ko siya-di naman daw... asked him bakit ganun, wala siya sinasagot... ang sagot niya, dapat daw di ako nagpopost sa FB ng ganun, kung may gusto daw ako paglabasan ng sama ng loob dapat dinirekta ko na sa tao... i was so disappointed... ive realized parehas sila ng mom niya, na it was okay na maging excuse na dahil may problema o di sila gusto sa akin okay na dinadamay ang bata kaya di nabibigyan ng atensyon (as what his mom comments on FB)... sumabog ako, kasi lahat pala ng ginawa ko pakikisama na akala ko totoo eh peke pala lahat... Biruin niyo, kesehodang masama pakiramdam mo pag ginusto ng mom niya kelangan sumama kami, kesehodang nilalagnat ang bata at gusto magswimming kelangan pa din namin sumama kasi gagaling daw yun lagnat sa hotspring... Sa mga lugar na pinupuntahan nila, gusto ko na umuwi para magpahinga dahil 10pm na ng linggo ng gabi di ka pwede umuwi kasi di pa sila umuuwi dahil isang sasakyan lang kami na obligado sabay sabay na... ilan taon ko yun tiniis, ngayon sabi ko nga sa nanay niya-okay lang ako kun tratuhin niya na ganun-wag lang ang bata...

To cut the story short- till now, di ko pa kinakausap mom niya, at iniiwasan ko, di ko din talaga gusto ipakita anak ko sa kanila since ilan beses ako tumawag na minu minuto nagtatae at nagsusuka anak ko-wala ako marinig na isugod ko sa ospital (dahil sabi ng husband ko-ayaw nila na pinangungunahan sila) kaya ako si ga** tumawag ng help since di naman nga gagaling anak namin kun uuwi husband ko asa na makarinig ako na isugod sa ospital pero wala, ang sabi- masigla pa naman, importante may hydrite... samantalang sa anak ng kuya niya yun taga bataan na yun eh 3 beses pa lang nasuka at 3 beses pa lang natae at wala pa nga 24 hours eh super sa ayuda, at ora orada naman segunda ng tulong husband ko samantalang anak niya- lagi hintay, lagi busy... ngayon wala civil lang kami ng husband ko, inimpake ko lahat ng gamit namin dahil ayoko na bumalik dto dahil bahay nga daw ng mama niya to sabi ng mom niya... parents ko suggested na dumuon ako at magpahinga.. ang husband ko-ayaw umalis dto, kahit na mulat sapul alam niyang di niya bahay ito at sa kapatid niyang bunsong babae... sinuggest ko si hubby na umupa para sana makapgbukod pero sinigawan lang ako na wala daw mangyayari samin, he also break up pero di naman niya binawi kahit na dito pa kami ng anak ko ngayon... sa galit niya nga sabi niya di nga daw niya ako ppigilan umalis para magbakasyon- masyado na daw kami nadadala sa mga galit... kelngan daw namin makapag isip isip... naipadala ko na kalahati ng mga gamit naming mag ina sa magulang ko.... umaasa ako until now na papayag siyang bumukod kami-pero parang wala, kasi tulad nun nakaraan na ang taas taas ng lagnat ng anak namin at puno ng rashes inwan niya pa din kami mag ina para ipagdrive mom niya sa pampanga... knina alam niya na supposedly ngayon niya kami ihahatid sa amin- nagdrive na naman siya sa laguna dahil sa tawag ng magulang niya. I asked him-gantong buhay ba gusto mo? may sakit anak mo-wala ka-nagddrive para sa kanila, paalis na lang kami wala ka pa din nagddrive para sa kanila.... sabi niya- ganun na daw talaga buhay niya dati pa... tinanung ko pa siya na pag lumipat kami mag ina ng bahay sasama ba siya sa amin-di daw niya alam...

di ko na alam gagawin ko... yun mom ko naaburido na din sa akin dahil sa problemang to... gusto ko magtago kami mag ina ng ilang buwan baka sakaling makapg isip siya, pero siempre i anticipate ko na din na maaring tuluyang matapos na din pagsasama namin... ang bigat sa isip at puso... ive been praying a lot na sana maayos na to...  :'( :'( :'( :'(

rumplehuey

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #290 on: November 29, 2012, 10:56:45 pm »
^ I think your husband must learn to decide for himself and his own family. Its obvious na mas sinusunod nya ang family nya kesa sa inyo mag ina. Or baka napepressure din sya sa mommy nya at baka nasusumbatan sya kapag hindi nya sinusunod ang utos ng mommy nya

Antigone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #291 on: November 30, 2012, 08:31:31 am »
^^i think din sis, next time try not post on FB yung mga ganyan ka private na bagay. Mas mabuti if you talk to your husband and the people concerned. Kasi nakakasakit din talaga ng damdamin yung sa facebook mo mababasa yung hinanakit ng tao sa yo. Advice lang sis.

murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #292 on: November 30, 2012, 11:21:57 am »
Wala ako katulong sa bahay ang Mama ko ang nagbabantay sa mga bata, nagluluto, naglalaba at naglilinis ng bahay. May aso pa kmi kaya sya na din nagpapatae sa labas at pa weewee.

Matagal tagal na din sya nasa amin. Nakailang katulong na din bago sya nagstay samen for good habang wala pa katulong. Medyo mahirap na sya ang kasama sa bahay kasi medyo palengkera sya. Kung ano ang nasa isip nya sinasabi nya at matigas ang ulo. Ayoko na din magtiwala sa katulong kasi natatakot na ko lalo na sa mga pinalalabas sat v. kaya hanggat maari kadugo ko ang magbabantay sa mga bata. At mapagiiwanan. Para mawala ang stress nya every weekend umuuwi sya sa bahay nya. She’s living alone dati kasama nya pamangkin ko pero namatay na sya at a very young age 6 y.o. dahil sa sakit na dengue.

Maliit lang ang house namen bale kasama ang mama ko 4 kami plus a puppy. Husband is working from 4pm-1am.
Ang panganay ko is stepdaughter ko 8 y.o. at ang anak ko 3 y.o. nasa peak ng kakulitan.

nitong Wednesday(11-28-2012) nung pauwi na ko around 530pm tumawag ako kay mama kung kailangan ko  pa ba bumili ng sibuyas para sa lulutuin. Iba ang tono ng sagot nya dun pa lang alam ko na na may problema at malalaman ko yung pagkauwi ko. Nung time nay un wala si husband nasa work na.

Kagabi naglaba si mama na inabot na ng umaga. Nagtitiklop si mama ng labahan. Ang kalat ng bahay nakakalat ang mga laruan at yung mga ticket na nakukuha sa worlds of fun. Si mama na mahilig tumalak inumpisahan nya na ang pagdadasal saken (pagkukwento ng nangyari). Nung umaga bago ako pumasok nagising ang panganay since may ubo sya sabi ko sige bumaba ka na dyan at kumain na para makainom ng gamut. Pero sabi ko after nya uminom ng gamut matulog sya ulit. Sabi ni mama pagkaalis dawn amen ng husband ko (ihahatid nya ko sa work) pagkatapos na pagkatapos kumain ng panganay dun na sya nagsimula maglaro. Hinanap nya yung mga ticket at nagsimula maglaro. Nanghihingi daw ang bunso pero hindi binibigyan ng panganay. Binigyan nya lang nung malakas na ang iyak ng bunso ko.

Hindi lang yun ang eksena, nagbike ang magkapatid sa labas may maliit na bike at yun ang sinakyan ng panganay habang tinutulak sya ng bunso. Paulit ulit nila ginawa yun hanggang sa basang basa na daw sa pawis ang bunso. Habang pasarap na nagpapatulak ang panganay. Sinabi ng mama ko na itigil na nila pero ang ginawa ng panganay tinignan lang ang mama ko at tumatawa tawa pa daw. Hindi makasaway ang mama ko na malakas ang boses para matakot ang panganay kasi nandun ang husband ko. Ayaw ni mama ko na magkaproblema sial ni husband. Ang sabi ng mama ko yung tingin ng panganay sa kanya eh yung para bang pang asar na “Nandito ang Papa ko kaya hindi mo ako masasaway” kaya lalong nainis ang mama ko.

Nagtuloy tuloy ang katigasan at kakulitan ng panganay. Nakatulog si mama hinanap nya ang bunso, nalaman nya na lang nasa loob ng banyo ang bunso at yung panganay ay naliligo. Tinanung nya ang bunso kung sino ang nagpapasok sa kanya. Yung panganay daw. Sinita nya ang panganay ganun ulit parang balewala lang at ngingiti ngiti pa na para bang nakakaloko.

Habang naglalaro sila ng mga ticket ng WOF at dahil nga sa ayaw bigyan ng panganay ang bunso kinurot daw ng panganay ang bunso at may tadyak pa daw.

Ganito ang pagkakasabi ng Mama ko “ parang sinapian yang si E^* sa katigasan ng ulo, parang baliw kung ngitingitian ako parang nakakaloko” “nagaalaga ka ng matigas ang ulo at may sayad”.

Bago itong araw na ito may mga pagkakataon na nagsusumbong saken ang mama ko tungkol sa panganay, na makulit matigas ang ulo. Kung ano ano ang sinasabi sa bunso para lang magawa o makuha ang gusto nya. Pag ganun sinesermunan ko sya at sinabi ko sakanya na wag sya masyado matigas ang ulo dahil pag umalis si mama ng dahil sa kanya magagalit ako ng husto sa kanya.

Dumating na nga ang kinatatakutan ko. Umalis ang mama ko nang dahil sa panganay (stepdaughter). Nung nagkukwento pa lang si mama gusto ko na mapaiyak sa nangyari. Nakalimutan ko pala ikwento nagsumbong ang panganay sa husband ko yung bunso daw inaaway ata sya. Ang kwento naman ng mama ko yung panganay daw ang may kasalanan. Kaya kung pinalo daw ni husband ang bunso talagang aalma daw sya(si mama). Ang pinakaayaw ko na mangyari ang magtalo sila sa bahay.

In the edn umalis si mama. At pagkaalis na pagkaalis nya ginising ko ang panganay . bago ako nagalit sa kanya tinanong ko muna kung totoo ang mga sinabi saken ni mama. OO daw. Napaiyak ako sa sama ng loob at napalo ko sya. Ilang beses kami nagkaron ng sermunan at ilang paalala din ang ginawa ko.

May mali din ang mama ko , matanda na sya pero maigsi ang pasensya nya lalo na sa panganay. Obviously hindi nya naman kasi apo ang panganay kaya siguro ganun. Pero sana man  lang inintindi nya na lang para sa bunso ko.

Para sa panganay. Sobrang tigas na ng ulo habang lumalaki ka lalo tumitigas ang ulo mo. Dati rati hindi naman kita napapalo pero kailangan mo na ng kinatatakutan dahil ako mahihirapan paglaki mo.

Sorry kung masama ako pero madalas napapahamak na ang anak ko sa kanya.  Dun ka na lang sa mama mo.

Nagvevent out lang mga sis


mae18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #293 on: November 30, 2012, 09:38:35 pm »
^ I think your husband must learn to decide for himself and his own family. Its obvious na mas sinusunod nya ang family nya kesa sa inyo mag ina. Or baka napepressure din sya sa mommy nya at baka nasusumbatan sya kapag hindi nya sinusunod ang utos ng mommy nya


lahat ng nakausap ko- yan ang sinasabi... last night my hubby hugged me, i asked him if he loves me and our son ang sagot  niya "mahal ko naman kayo" ganun lang, it was like bitin, parang me karugtong na di niya masabi... Di ko din alam kun sinusumbatan siya, pero alam ko na everytime na lumalapit siya sa mama niya eh sinasabihan siya na dapat mag ayos na siya dahil may anak na... Di ko alam, pero one thing for sure, his parents do not like me at the very first time, kasi aminado ako na it was a bad move... Naglayas kasi ako sa amin, and hubby took me in before na makalipat ako nalaman na ng mom niya, until naging alam na sa lahat na we are living together... Isa pa, kasi nun talaga, everytime isasama nila ako on their gala o lakwatsa o kun ano man, lagi kasi na almost midnight na kung umuwi, and di ko nakasanayan na ganun na tipong pagod ka na or masama pakiramdam mo eh para lang sa pakikisama sasayaw ka sa hilig nila... nun kasi pag ginusto ko na umuwi, kesehodang di sila pumayag dahil sa antok at pagod ko or sama ng pakiramdam umuuwi talaga ako-and they dont like it... kaya nun nga ginawa ko sumabay sa agos nila thinking na akala ko was maayos at mabait at higit sa lahat totoo na pakikisama nila sa akin din.. yun pala yun pa din walang bago...

sa tingin ko kasi ang prob hubby ko, i dont know why di siya makapagsalita sa akin na bubukod, or iclarify man lang na di ganun ang nangyayari o di kaya i justify na di pwede ang bata kasi gabi na or may sakit... basta pag mom niya, nasa office man siya, or anywhere or elsewhere- andun siya-isang text at tawag lang.....

quinone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #294 on: November 30, 2012, 09:39:29 pm »
at murasaki:

anung sabi ng hubby mo sis? i think hinayaan ninyong maging medyo bratty yung panganay. bago pa maging brat ang isang bata sa mga nababasa ko, tine-test muna nila kung ano yung mga things that they can get away with. apparently, allowed pala siyang magsalbahe. kawawa naman bunso mo. i'm so sorry, pero sa kwento mo, parang nabu-bully. sana ma-solve ninyo ng maayos ng hubby mo & you feel better soon. :)

mae18

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #295 on: November 30, 2012, 09:44:13 pm »
^^i think din sis, next time try not post on FB yung mga ganyan ka private na bagay. Mas mabuti if you talk to your husband and the people concerned. Kasi nakakasakit din talaga ng damdamin yung sa facebook mo mababasa yung hinanakit ng tao sa yo. Advice lang sis.

yep, i know it was really a very bad move yun nagawa ko-pero at least ngayon lumabas na lahat, nalaman ko at this early na isa pa lang anak namin-ganun siya... thankful na din ako kahit papanu, kasi kundi malamang di ko malalaman agad na wala pala siya disposition sa buhay para sa sariling pamilya... kun later on ko pa to malaman, ppwedeng worst 2 or more kids of ours ang nasasakripisyo... good thing God opened me to this, medyo mabigat at msakit pero at least isa lang ang batang naapektuhan and magiging madali sa akin magtaguyod at magsarili kun dumating man yung time na yun...


hay ewan.... till now- undecided and no words of plan akong naririnig sa kanya... im praying hard na matauhan siya before matauhan ako at sumuko....  :( :( :(

murasaki

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #296 on: December 03, 2012, 06:44:30 am »
@quinone

Salamat ng marami sisi. hindi ko nasabi kay husband kung bakit umalis ng biglaan si ama ko. dahil  iniisip ko baka mamisinterpret nya ang pagalis ni mama. nakesyo naiinis si mama kay panganay. eh may dahilan naman para mainis at hindi na kayanain ang panganay. ayoko lang din kasi magkaron sila ng gap.

masunurin naman ang panganay saken yun lang pag iba na ang nagbabantay lumalabas ang tunay na kulay. sabi nga ni mama pag wala kami panalo sa katigasan ng ulo pero pag nandun kami parang anghel. feeling ko tuloy sinungaling ang batang ito. minsan tuloy hindi ko alam kung maniniwala ba ako pag sinasabi nya sakin na "mama ilove you".

Mahirap magkaron ng SD lalo na kung matigas ang ulo goodluck saken. :(


quinone

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #297 on: December 03, 2012, 12:54:16 pm »
^ok lang sana kung di type nung kid yung mama mo, pero paano yung younger kid mo? mabait ba siya sa nakababata niyang kapatid? para lang inisin yung mommy mo nakaya niyang ibully yung baby mo, parang kapag iisipin mabuti nakakatakot. sana you figure out soon ano iniisip ng step daughter mo, if she's being true to you and your kid. mahirap magpalaki ng taong may sama pala ng loob. tingin ko turning point ito, para after mo malaman what's in her heart smooth sailing na kayo. :)

hyder0926

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #298 on: December 04, 2012, 09:33:38 am »
my husband drinks a lot.. not all the time but when he does go out he stays out till 3-5am then comes home drunk and sleep almost half the day.. he falls asleep on the couch most of the time when this happens because my son co-sleeps with us.. i don't want my son to see his drunk daddy.

i always remind him to go home earlier because my son waits for us.. my son will fall asleep due to exhaustion from waiting but will wake up from time to time to look for his daddy. this frustrates me.

i can't understand why he'd rather be with his friends/ workmates than be with his family for some quality time.. he tells me he needs this? i don't get it at all? NEED is a big word for me like FAMILY TIME.. =(

theanonymous

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #299 on: December 04, 2012, 09:42:56 am »
He's too attached to his Mom, Dad and siblings that until now he follows whatever they wanted him to do. I mean it's a good thing cause he really is a family-man but I guess its coming to a point that I feel its too already too much. We live with them cause they told us we couldn't afford to live on our own just yet. He relies to what they think.

There was a even a time when I posted negative things (not related to them) on my facebook and mother-in-law completely didn't like those status updates and she told her son about it. He said her  mother told her that it wasn't nice to be posting those kinds of words on facebook because she cares about what other people might say about me. like WTF. really?!

and there's too much story and dramas way way back.. :/

I just can't wait to move out next year! *fingers-crossed!*

 

Latest Stories

Load More Stories
Close