Im not sure, how to start... My problem was i dont know... here's the story...
We've been together (live IN) for almost 8 years, and we have a 2 year old son.. Nakunan ako twice, aminin ko, her mom was a great help to us lalo na nung nanganak ako and nakunan, she was the one who paid for all the expenses incurred during those times... It started out when i posted on FB complaining about my husband's responsibility on our son... It happened a lot of times na when i text him telling him our son is sick, i usually got these answers, "gagaling ba yan pag umuwi ako?", "madami ako ginagawa, busy, may tinatapos". I posted a status on November 7 stating my frustrations, the reason was when his mom calls him to drive them somewhere- he's there-always ready to assist. That time his SIL was on vacation at his mom, and my hubby's niece was sick, diarrhea, vomiting and fever-that started out Sunday the ff day, they had her checked up and was advised to confined to avoid dehydration. His mom texted him and told him to pick them up at UDMC and drive them to Bataan since her SIL lives there para daw dire-diretso na makapagpahinga since taga duon naman SIL niya. My husband rushed to them and drive them at Bataan. That morning our son is on fever na, until he came home past midnight. Naabutan niya ako na nagtitimpla ng milk for our son with fever. I was so mad at him, kasi ilang beses nangyari ang ganun na pag kami ng anak niya may pangangailangan sa kanya-lage kami naghihintay mostly sa wala. Kundi pa nga sabihin ng maid namin na sumuka anak namin di pa niya malalaman....
Yun ang reason ko why i posted on FB ng mga frustrations ko, my friends comment na i should be thankful since ibig sabihin malaki tiwala ng hubby ko na kaya ko yun gawan ng paraan even if i am a stay at home mom at walang work walang pera. until i explained the above situation, then my sister replied na ganun talaga since hawak daw hubby ko sa leeg. His mom comments on FB stating na wag daw husgahan anak niya since di daw nila alam kun ano talaga nangyari... my sister knew everything of whats going on with us, and his mom, before i posted on FB i have called his mom several times stating my dilemmas, asking for help since gusto ko na nga nun umuwi sa amin dahil sa nahihirapan ako... His mom told me na wala naman daw prob sinasabi anak niya (husband ko) sa knya, i also asked her kung may nakikita siya prob sa akin, wala din daw so sabi niya baka busy lang daw sa work-unawain ko na lang daw at intindihin. Wag na daw ako tumawag sa amin kasi baka kun ano daw isipin sa amin, wag na daw ako umalis at wag ko na daw pansinin muna anak niya... Sinunod ko lahat kahit na gustong gusto ko na magsalita sa parents ko... then yun lumabas sa comment ng mom niya na kesyo maayos daw niya napalaki mga anak niya, na kesyo wala di daw naglamay mga magulang ko nun naglamay sila nun nakunan ako, at nun nanganak ako eh di din daw nagtagal na dumalaw sa ospital o nagstay sa bahay namin... and worst lumabas na sabi niya may problema daw kami pinagdadaanan o baka ako daw nga me problema kaya ganun, wag daw husgahan... nagkasagutan sister ko at mom nya, at lumabas na sa tingin nila ina under ko anak niya... bumigat dibdib ko nun nabasa ko yun... dinelete ko post... and talked to my husband, asked him kun pakiramdam niya eh inaaunder ko siya-di naman daw... asked him bakit ganun, wala siya sinasagot... ang sagot niya, dapat daw di ako nagpopost sa FB ng ganun, kung may gusto daw ako paglabasan ng sama ng loob dapat dinirekta ko na sa tao... i was so disappointed... ive realized parehas sila ng mom niya, na it was okay na maging excuse na dahil may problema o di sila gusto sa akin okay na dinadamay ang bata kaya di nabibigyan ng atensyon (as what his mom comments on FB)... sumabog ako, kasi lahat pala ng ginawa ko pakikisama na akala ko totoo eh peke pala lahat... Biruin niyo, kesehodang masama pakiramdam mo pag ginusto ng mom niya kelangan sumama kami, kesehodang nilalagnat ang bata at gusto magswimming kelangan pa din namin sumama kasi gagaling daw yun lagnat sa hotspring... Sa mga lugar na pinupuntahan nila, gusto ko na umuwi para magpahinga dahil 10pm na ng linggo ng gabi di ka pwede umuwi kasi di pa sila umuuwi dahil isang sasakyan lang kami na obligado sabay sabay na... ilan taon ko yun tiniis, ngayon sabi ko nga sa nanay niya-okay lang ako kun tratuhin niya na ganun-wag lang ang bata...
To cut the story short- till now, di ko pa kinakausap mom niya, at iniiwasan ko, di ko din talaga gusto ipakita anak ko sa kanila since ilan beses ako tumawag na minu minuto nagtatae at nagsusuka anak ko-wala ako marinig na isugod ko sa ospital (dahil sabi ng husband ko-ayaw nila na pinangungunahan sila) kaya ako si ga** tumawag ng help since di naman nga gagaling anak namin kun uuwi husband ko asa na makarinig ako na isugod sa ospital pero wala, ang sabi- masigla pa naman, importante may hydrite... samantalang sa anak ng kuya niya yun taga bataan na yun eh 3 beses pa lang nasuka at 3 beses pa lang natae at wala pa nga 24 hours eh super sa ayuda, at ora orada naman segunda ng tulong husband ko samantalang anak niya- lagi hintay, lagi busy... ngayon wala civil lang kami ng husband ko, inimpake ko lahat ng gamit namin dahil ayoko na bumalik dto dahil bahay nga daw ng mama niya to sabi ng mom niya... parents ko suggested na dumuon ako at magpahinga.. ang husband ko-ayaw umalis dto, kahit na mulat sapul alam niyang di niya bahay ito at sa kapatid niyang bunsong babae... sinuggest ko si hubby na umupa para sana makapgbukod pero sinigawan lang ako na wala daw mangyayari samin, he also break up pero di naman niya binawi kahit na dito pa kami ng anak ko ngayon... sa galit niya nga sabi niya di nga daw niya ako ppigilan umalis para magbakasyon- masyado na daw kami nadadala sa mga galit... kelngan daw namin makapag isip isip... naipadala ko na kalahati ng mga gamit naming mag ina sa magulang ko.... umaasa ako until now na papayag siyang bumukod kami-pero parang wala, kasi tulad nun nakaraan na ang taas taas ng lagnat ng anak namin at puno ng rashes inwan niya pa din kami mag ina para ipagdrive mom niya sa pampanga... knina alam niya na supposedly ngayon niya kami ihahatid sa amin- nagdrive na naman siya sa laguna dahil sa tawag ng magulang niya. I asked him-gantong buhay ba gusto mo? may sakit anak mo-wala ka-nagddrive para sa kanila, paalis na lang kami wala ka pa din nagddrive para sa kanila.... sabi niya- ganun na daw talaga buhay niya dati pa... tinanung ko pa siya na pag lumipat kami mag ina ng bahay sasama ba siya sa amin-di daw niya alam...
di ko na alam gagawin ko... yun mom ko naaburido na din sa akin dahil sa problemang to... gusto ko magtago kami mag ina ng ilang buwan baka sakaling makapg isip siya, pero siempre i anticipate ko na din na maaring tuluyang matapos na din pagsasama namin... ang bigat sa isip at puso... ive been praying a lot na sana maayos na to...
