Author Topic: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...  (Read 196876 times)

peninsula

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #260 on: January 16, 2012, 03:44:21 am »
^  Baka gusto nyang sabunutan ko sya at ingud ngud yung mukha sa gitna ng Camp ______.

lol...natawa ako kasi yan din sinasabi ko sa asawa ko pag kunwari nanonood kami ng Pakabas sa TV tapos may babae yong lalaki...sabi ko pag nakita ko yong girl, hindi lang sabunot, ira-razor ko ang ulo hanggang makalbo, tapos magsasama ako ng taga-video...parang yong eksena sa market-market if napanood mo yon sa you hehe

harlet

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #261 on: January 16, 2012, 09:11:12 am »
bakit ba yang mga best friend at close friend ng wifey yan ang mga nagiging kabit ng hubby nila?????

k_heart

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #262 on: January 16, 2012, 11:01:23 am »
^^Ha!ha!ha! Nakakainit ng ulo di ba sis? he!he! Yah,napanood ko yan sis! Super funny!

slovy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #263 on: January 17, 2012, 01:30:58 am »
I would like to share you my favorite sister-in-law's situation right now. sobrang hirap ng pinagdaanan nya to the fact na it causes her lot of stress na talagang nagkaroon pa sya severe depression at nagpapatheraphy pa sya dahil halos hindi na daw nya kaya.


Ito po story nya..


Way back 2006, nakilala nya ang napangasawa nya who is a general practitioner, an MD dito sa Pilipinas. Dati ng may-asawa ngunit hiwalay na pero may anak na isa na nasa custody ng lalaki. Nung bago pa lang sila, mabait naman at maalaga kay SIL kaya after 6 months she made up her mind na ipetition na nya, she's an RN in the States. Lahat daw ng mga kaibigan nya at ibang mga kapatid, tutol sa plano nya, dapat daw kilalanin pa ng lubusan kasi baka magsisi sya. Kaya lang dedma si SIL, wala syang pinakikinggan kahit na sino. Kaya yun after another 6 months of waiting naipetition nya talaga kasama ang anak, pagkarating sa states, nagpa civil weeding agad sila. Hindi dumalo ang ibang kapatid at mga kaibigan ni sil, galit daw sila. Ika-nga daw nasa huli ang pagsisisi. Ngayon na lang narealized ni SIL, after 3 years of being together natutuklasan na raw nya yung mga negative traits, sana daw nakinig sya blah blah.
Mantakin nyo naman mga sis, si sil naoperahan sa ovary, nagkaron kasi sya endometriosis sabi daw ng dok nya wag syang magpagod masyado baka daw mag bleeding within the next 2 months after the operation, pero may isang beses na hinayaan syang mag grocery mag-isa, nung nagpapasundo na sya dahil sobrang kapal ng snow, takot syang magdrive mag-isa, naku sabi daw na hindi pwede dahil susunduin yung anak sa school. Eh may 1 hr pa naman daw bago sunduin yung anak, pwede naman daw daanan na lang nila after sya sunduin. Sobrang tamad daw, SIL works 16 straight hrs a day, kayod kalabaw daw talaga doon.. habang ang lalaki 8 hrs a day lang, ang pakiusap lang nya sana daw pagpasok sa work, ihatid sya at after work sunduin sya, bakit di nagagawa sa kanya, pero sa anak ok lang naman, na kung tutuusin mas malayo daw ang eskwela na pinapasukan kesa sa hospital na pinagtatrabahuan ni sil. Yung anak 15 yrs old na. Uuwi daw sya ng bahay sa halip na magpahinga na lang, maghahanda pa sya ng kakainin nila. Pag off nya saturdays and sundays, naglilinis naman sya ng bahay. Daig pa daw nyang katulong. Pero yung lalaki, pabanjing banjing na lang kasama ang anak. Samantalang lahat ng luho nila pati anak, si sil daw lahat bumili.. Pero mga expenses sa bahay hindi man lang nagsishare, madamot daw. Eh diba dapat, mag-asawa na sila dapat nagkocontribute din? Tapos nung isang beses daw na sabi ni sil pakasalan sya sa church, sinabi daw na hindi na, gastos lang daw. Tama ba naman yun? Kaya galit iba pang inlaws ko, masyado daw bulag si SIL. Tapos may isa pa daw ginawa na matindi daw, kaya lang ayaw na ishare ni SIL sa'min. Duda namin baka me babae. Sobra kasing breakdown nya nung sinabi nya na hindi pa daw nya kaya ishare. Kaya sya napauwing bigla last month dahil grabe daw talaga pinagdaanan nya. Need daw nya ng space. Naawa ako sa kanya talaga. Nung sinabi daw nya nun maghiwalay na lang sila, ang sagot daw, 'sige kung yun ang gusto mo, yun na REGALO ko sayo sa pasko' tas nung sabi nya na uwi sya ng Pilipinas, sabi daw 'edi umuwi ka?' sakit diba? parang napaka insensitive nung lalaki talaga.
Sabi na lang namin kay SIL, since marami naman ang ayaw sa kanya, e pag-isipan nya ng mabuti. Kung feeling nya hindi sya importante, edi i-divorce na nya, actually nakapag-appoint na daw syang lawyer, pirma na lang yata kulang, pinagbakasyon lang sya ng 1 month para makadecide sya.. kaya lang 1 week before she returned back to U.S, nagsurprise call yung asawa nya ayun mukhang nabola ulit, nagbago na ulit ang isip. Sabi nya, mahal pa daw nya, bigyan daw muna nya ng another chance. ika-5th chance actually.


Oh well papel, sana maging maayos na ang lahat sa kanila. kasi kawawa naman si SIL.






k_heart

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #264 on: January 17, 2012, 02:03:04 am »
^Hay,kawawa naman ang SIL mo sis! Siguro biglang narealized nung lalake na pag nawala ang SIL, tapos na rin ang comfortable life nya. Talagang insensitive  para sabihing, yung paghihiwalay ang Regalo. Nakakalurkey talaga ang mga ganyang lalake. Sis, hindi ba sila nagkaroon ng anak?
Siguro, yung SIL mo is hoping na magbago talaga yung husband nya. Although sa tanda nung lalake, mukhang malabo na yon. Divine Intervention na ang kailangan. Hay,hirap pa naman ng buhay sa US.
yang pag- aasawa talagang sapalaran din. At yung lalake talagang makikilala lang pag nagpakasal na kayo.
Hoping that your SIL will find her happy ever after! : )

peninsula

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #265 on: January 17, 2012, 04:08:49 am »
wawa naman sister in law mo. hopefully mkapagdecide na sya. consolation na lang nya may divorce sa states. at sana madivorce nya bago pa maging citizen. baka natauhan ang guy kaya inamo-amo. nakakagigil. kung ako yan, hihiwalayn ko na.

evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #266 on: January 17, 2012, 08:58:02 am »
@slovy - US citizen na din ba si brother in law at yung anak? (sorry wala ako alam sa ganyan). kasi kung hindi pa, baka maya hinihintay lang na maayos ang papel nila then saka papayag makipagkalas kay sister mo. di naman sya gamit na gamit nang lagay na yan..

slovy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #267 on: January 17, 2012, 04:34:36 pm »
@k heart, they dont have a child, kasi before they're together may prob na si SIL sa ovary, nagkaendometriosis sya, hanggang sa tinanggal na ito. kaya wala silang anak. Nobody expects naman na ganun yung hubby, kasi nung narito pa sa pilipinas, caring at loving naman kay sil, pag nagbalikbayan sila sil, ipinagdrive sila kahit san gusto pumunta, sweet din sya. Mafefeel din naman na mahal nya talaga si sil, even myself can attest to that. Kasi naging bridge bridge pa nila ako dati. Pero tama nga, makikilala lang talaga ang tao kung makasama mo ito ng matagal. Ang pagkakamali lang ni sil, nagpadalos dalos sya sa decision nya at di sya nakinig sa ibang mga kapatid nila at mga kaibigan nya. Even hubby reminded her before na too early pa daw, another year pa sana. Kaya lang matigas ulo ni sil. So pinabayaan na lang ni hubby, total si sil naman daw ang makisama, hehe. She's in her late 30's na rin kasi sa mga time na yun kaya yata eager na nya talaga mag-asawa. Yup sis, pinapanalangin din namin na sana magbago yung hubby nya, na sana totoo yung mga sinabi nya kay sil before sya bumalik dun na pina promise nya na pagbalik daw ni sil, punan daw nya yung mga pagkukulang nya, pinagsisihan na raw nya yung mga ginagawa nya. Sana talaga sincere sya dun kasi if not, naku kawawa si sil, apektado na nga sa recession dun, dumagdag pa sya.


@peninsula, actually sis, habang narito sya sa Pilipinas, decided na sya na i-break na nya talaga, kasi lahat daw ng nakapaligid sa kanya sa amerika, yun ang sabi sa kanya. Maging mga co-workers nya, sabi daw 'not a husband material' puro lang anak ang iniisip. Sa lahat daw ng mga babaeng kasamahan nya, sya lang daw ang hindi hatid-sundo ng asawa. Iyak sya ng iyak pa nga, wala daw utang na loob blah blah. Kaya lang, we don't know kung anong tumatakbo sa isip nung guy, basta bigla na lang tumawag, iniiyakan lang sil sa telepono, kesyo di daw nya sinasadya at miss na miss na raw sya. Yun na, bumigay na ulit si sil. Syempre naintindihan ko sya, babae rin kasi ako, talagang mahal lang nya yung tao. Kaya pinayuhan na lang namin sya ni hubby na kung uulitin pa, let him go na. Ayaw din naman kasi namin na isipin nya na pati kami, pinipressure sya. Dahil sabi nya, kaya nga daw sya umuwi ng Pilipinas para makapagdecide ng mabuti dahil sa amerika daw puro pamimressure na hiwalayan na nga. Sabi naman ni hubby, dahil nga kasi nakikita din siguro, malamang ang aim lang naman ng iba pa nilang mga kapatid e para hindi sya maagrabyado at magamit. Pero at the end, sabi pa rin ni hubby, kahit pa naman ano sabihin nya, decision pa rin naman ni sil ang masusunod kaya hindi na raw sya makikialam, wag lang daw masyadong magpaka bulag. At nag promise naman si sil na one more chance na lang daw, pag ulitin pa, talagang i-pursue na raw nya.


@evilwoman: hindi pa sya citizen sis, may 2 yrs pa bago sya maging U.S citizen, 3 yrs pa lang sila ni sil. 5 yrs after marriage daw kasi need nilang buuin magkasamang mag-asawa bago maging permanent resident din ang hubby nya. Hindi ako magsasalita na baka ginamit lang nya si sil kasi sinabi daw naman ng lalaki nung nag-away sila na "baka kala mo gusto ko rito? ayaw ko dito, hirap ng buhay.. para pang naddegrade ako, hindi katulad sa Pilipinas, doktor ako". well, we don't know sa motive nya.. kung sabi lang nya ba yun or what. Basta wish ko rin for sil is to find her true happiness kasi hindi nya deserve ang masaktan. Pagkabait bait na tao, yun pa igaganti.. Sad  :(  kung pagandahan naman, aba! sophisticated din naman sya, she doesn't look like her age, mas matured pa nga akong tingnan, e she's 10 yrs older than me. Sabi ko nga, kung ako lalaki at naging asawa nya, mahiya akong mambababae! Yun nga lang wala na syang chance magkaanak. pero kung yun lang ang reason para mambabae, naku hindi yun katanggap-tanggap. :P

evilwoman

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #268 on: January 17, 2012, 05:14:43 pm »
^ echosero BIL mo. dami ko kaya kilala na mga manager dito then magmmigrate at ang mapapasukan e mabibigat na trabaho. puro rason nila is para daw sa future ng mga anak nila. mas ok daw kasi na doon mapagaral, mas ok ang healthcare, etc. so di talaga maggarantyahan na ayaw ni BIL mo dun. sana kung nagpapanggap sya e di tumagal ng 2yrs para naman di nya makuha ang pakay nya.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #269 on: January 19, 2012, 11:11:55 am »
Naging issue na samin years back na nagpapahiram ng money si hubby without telling me at sa joint account pa namin kumukuha ah. He did it twice, yung una, nabalik kagad kaya hinde ko napansin when I checked our online accounts. Yung pangalawa, super late nagbayad kaya napansin ko. Tapos pagpa-update ko ng bank books namin, aba nakita ko yung withdrawals. No-no to, kase pera namin parehas to. Hinde lang to sa kanya and we are both working for it. So far never nang naulit.

euwie

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #270 on: January 30, 2012, 07:15:07 am »
hay ngayon hindi kami bati ni hubby. days off nya ng 2days at andito rin ako sa bahay pero walang nangyari. naglaro kasi basketball maski alam nyang ayaw ko kasi depressed ako. para bang araw ko talaga ng depression e, when it rains it pours talaga e. lagi ko sinasabi sa knya maghiwalay na lang kami pero mahirap rin pala. feeling ko neglected feelings ko. mabait sya sa akin pero feeling ko kasi alam nyang ayaw ko sya laro kaya ambait nya. hindi tuloy ako makatulog maski na may pasok pa mya. tapos sya humihilik pa. ayaw kong hawakan nya ako sa pagtulog or maski dikit ng body part sa asar ko. kanina pa ako iyak ng iyak ng hindi nya nalalaman or sadyang dedma lang sya. sabi kasi nya kagabi, 8pm daw sya uwi para manood sine. monthsary namin kahapon, wala man lang kami ginawa. 9pm na sya nakauwi. super asar ko talaga namang tumutulo na lang luha ko basta e. i feel so down  :'( pagbalik ko pa halos di rin kami magkikita kasi sa shift nya. tapos pagbalik ko ulit from work days off nga nya pero may laro na naman basketball. parang wala na kaming quality time napupuno na ako!!!! :'(

peninsula

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #271 on: January 30, 2012, 09:28:37 pm »
^sis euwie...ganyan si hubby dati. basketball pag weekend. actually hindi sya naglalaro kundi siya nag-aasikaso.  sabi ko puro na lang basketball ??? hindi ko sya inaway during the season but i told him, tama na. next time, don't get involve...sumunod naman.

then naloko naman sa photography. every weekend din, parang overnight kasi gabi na kung umuwi. mga weekend shoot, officer's meeting...paskong-pasko overnight pero pinaka pinag awayan namin yong pagiging officer nya kasi puro meeting, events...etc. so ganun din pinalipas ko yong term nya tapos sabi ko, do not accept anymore position. eh after elections, pag-uwi officer pa rin pero minor position na lang. di ako pumayag. inaway ko talaga. hinamon ko ng hiwalayan, etc. as nag-iyakan kami. nag-usap pero di naman naghiwalay.

ako kasi i pick my fights. may mga bagay na pinapalampas or nakikipagcompromise ako pero meron ding pinapanindigan ko. medyo iba approach ko kasi sa relationship namin. ako kasi yong tipong, sige lang hangga't kaya. pag small things pinapalampas ko na. pero if it's something that really affects me, i fight for it.

for me, kung talagang di mo na kaya yong sobrang time nya for basketball. pag-usapan nyo. tell him how you feel, ilabas mo lahat ng sama ng loob.  baka naman kailangan nyo na mag baby. sa amin kasi yon ang lumalabas na reason kaya lagi sya umaalis. naiinip sya, nabobore kasi tagal na wala pa baby.

sa ngayon, walang ibang extra-curricular activity si hubby.  pero may ugali rin ito na pag lumalabas nagdadahilan ng iba. gaya kagabi. magpapa gas daw sya.  pero ang tagal nya salabas, mga 2 hours siguro. hindi ko na pinansin. wag ko lang malalaman na may ginagawa siyang milagro :)

zaracu

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #272 on: October 30, 2012, 02:00:44 pm »
Hindi ko akalain na makakapag-asawa ako ng lalaking hindi ako pagkakatiwalaan kailan man. Malas ko lang, naniwala ako sa "masayang buhay may-asawa" na pangarap ko, kabaligtaran naman pala ang mangyayari. The best thing about my husband is he loves me so much. Worst is, minamahal niya ako sa maling paraan. Before we got married, I told him eveything about me, lahat lahat. When we got married, everytime we fight, binabalik niya lahat sa akin yung past ko. Verbally, inninsulto niya ako at binabababa niya ang pagkatao ko. Dumating na din sa point na he physically abused me. I always "almost" give up but I always ends up being with him because we have a child and "maybe" because I have this faith that he will change.

Nawalan ako ng kaibigan the moment I marry him. Pinaiwas niya ako sa mga kaibigan ko, inalis niya ang karapatan kong makausap sila sa kahit na anong paraan. Pilit niyang inalam from me ang lahat ng passwords ko sa fb, emails etc. Pinabura niya ang mga accounts ko. I did everything he wanted, para sa ikatatahimik ng relasyon namin. But still, up to this day, pinaghihinalaan niya ako na I discreetly communicate with my friends through ym etc. Aminin ko man sa kanya ang totoo o hindi, galit siya, saan ako lulugar?

Sad to say, the moment I marry him is the moment I lose my own self. The only best thing that happened in my married life is my son.

realshaddy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #273 on: November 13, 2012, 12:14:19 pm »
my question ako mga sisses, di ko na kase alam kung ano pa mai-advice ko sa friend ko,

live-in sila, before lahat ng sahod ng "hubby" nya derecho sa kanya, they both have work, naka bukod sila before, now kase libre na sila lahat sa parents ng girl, so wala na silang gastos, yung personal na lang nila ang gastos nila, wala pa silang anak, nag change daw kase yung guy, wala naman 3rd party, pero ang nangyari daw kase yung sahod ng guy, iniipon nung guy, nakatago sa guy. yung sahod ng girl yun ang ginagastos nila if lumalabas sila and minsan sa grocery or if may kaylangan bilhin. yung pera nung guy, intact lang daw dun sa lalake. paano ba kaya pag ganon mga sisses?

sabi kase ni girl friend ko, nag start daw yun nung nag away sila minsan tapos pina alis nya yung guy sa house nila, si guy kase, wala ipon yun, si girl ang mapera. parang natakot daw siguro yung guy na pag pinalayas sya, wala talaga sya pera. 6 months na daw na ganun ang set up nila. kinausap daw nya si guy na bakit ganun, ang sagot : ikaw naman ang madaming pera e. paano ba ito?  ???

hisana

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #274 on: November 13, 2012, 04:30:01 pm »
^
I get why the guy got "scared" and suddenly decide to manage his money differently. Hirap nga naman yung mapapalayas tapos walang ipon. But since nakikitira sya dun sa parents ng girl, I think dapat lang na may contribution sya sa expenses since may job naman sya. Pwede naman hindi lahat ng sahod ibigay.; some reasonable amount will do. IMO.

realshaddy

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #275 on: November 13, 2012, 06:51:06 pm »
sa ibang house sila nakatira sis. naka bukod sila, pero sagot lahat ng parents nung girl yung gastos nila, mas malaki yung sahod ni girl compared sa guy, halos doble yata sahod ni girl kesa sa guy. di naman nya inoobliga magbigay si guy, kase she has more than enough naman na daw, nagtataka lang sya bakit daw ganun, e di ba dapat daw si guy ang provider hindi sya. di ko din kase alam kung ano ba mai-advise ko sa kanya e. iba naman kase ang set up namin ni hubby ko.

mslcgrey

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #276 on: November 13, 2012, 08:03:41 pm »
why don't you suggest to your friend na wag na tanggapin yung tulong ng parents niya? first of all, your friend and her partner decided to live together and separate from their family so dapat tumayo sila sa sarili nilang paa. next, both of them have work so siguro naman kaya nila. kasi parang laro lang yang ginagawa nila. unless na lang yung ipon ni guy eh wedding budget nila. if yun ang budget nila for the wedding then ok lang.
if your friend wants her partner to be a provider then give him the chance to be one.

peenitokss

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #277 on: November 14, 2012, 09:08:06 am »
eto naman problem ko sa husbang ko. napapadalas ang pag inom inom nya. Before naman, hindi siya talaga umiinom. pero simula nong makapasok sya sa service, natuto. Once a week ang off nya. LDR kami and every other week lang kami ngkakasama. Ang kinakasama ng loob ko, every dayoff na nga lang nya kami nakakapagusap thru text or call, umiinom pa sya. So yong time na dapat para sana makapgkumustahan naman kmi, napupunta pa sa drinking sessions nya.

Ilang beses ko na syang kinausap tungkol dito. Ilang beses na din syang nangako na babawasan nya at ibabalik nya yong dating siya na walang bisyo. Pero lahat ng pangako nya, hindi nya tinupad. Just last monday, ayun nag inom na naman at inabot na ng 10:30 ng gabi. Ang kinaiinis ko pa, tawag ako ng tawag hindi nya sinasagot. Ni hindi magtext. hindi ko alam kung asan sya at ano ang ginagawa nya. Yun pala nasa inuman na naman at 10:30 na umuwi sa kanila.  >:(

ikaela

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #278 on: November 14, 2012, 05:24:45 pm »
My problem now with my husband is not a conventional problem, but a problem nonetheless.

He likes to make our house an extension of his businesses. First, he turned a room in our house into an office for the graphic/web designers he's hired. Syempre sagot namin computers, office equipment, internet, electricity, food and snacks. In fairness to my husband, he did not allow them to use our personal bathroom. Since it's earning us money, fine, I tolerated it. But still, it's people at our private residence using our own resources in our private space.

Then now, since he's running a restaurant/bar, every time they have an event, he volunteers for the band and performers to stay at our place. Eh we only have one small spare room with two single beds. The people he invites to stay are usually 5 or more! Nightmare! Ako na nag-offer to pay for their hotel accommodation but husband would not hear of it.

Ngayon, he's hired a person from some far-flung place to train as a cook. Of course, dito niya i-tr-train sa house and dito na rin patitirahin. He did NOT talk to me about this. And he doesn't understand why I'm mad about why he brought a stranger into the house whom we have to "pakisama" and live with indefinitely until he's trained and finds a place to stay.

My husband's reasoning every time is he's trying to save money and make his businesses work. But at the expense of our own privacy, money, space and security? NO!

Sana siya lang nagsasacrifice but he's bringing our whole house into it. I can't deal with this anymore and may hangganan lang pasensya ko for this!

rockyroad

  • Guest
Re: Marriage problems/issues/ complaints etc. pasok dito...
« Reply #279 on: November 16, 2012, 06:20:19 am »
^kung ako man ang nasa lugar mo sis maiinis din ako. I value my privacy very much. tuwing may bisita nga kami na magstay sa bahay ng matagal, i couldn't last more than a month na andun sila kasi gusto ko talaga nagagawa ko lahat ng gusto ko like lalabas sa sala ng walang bra at nakasuper ikling shorts. di mo kaya magawa iyon ng may ibang tao.  Hope your hubby will understand your concern. try to talk to him again and maybe isip kayong dalawa ng alternative solution

 

Latest Stories

Load More Stories
Close