@k heart, they dont have a child, kasi before they're together may prob na si SIL sa ovary, nagkaendometriosis sya, hanggang sa tinanggal na ito. kaya wala silang anak. Nobody expects naman na ganun yung hubby, kasi nung narito pa sa pilipinas, caring at loving naman kay sil, pag nagbalikbayan sila sil, ipinagdrive sila kahit san gusto pumunta, sweet din sya. Mafefeel din naman na mahal nya talaga si sil, even myself can attest to that. Kasi naging bridge bridge pa nila ako dati. Pero tama nga, makikilala lang talaga ang tao kung makasama mo ito ng matagal. Ang pagkakamali lang ni sil, nagpadalos dalos sya sa decision nya at di sya nakinig sa ibang mga kapatid nila at mga kaibigan nya. Even hubby reminded her before na too early pa daw, another year pa sana. Kaya lang matigas ulo ni sil. So pinabayaan na lang ni hubby, total si sil naman daw ang makisama, hehe. She's in her late 30's na rin kasi sa mga time na yun kaya yata eager na nya talaga mag-asawa. Yup sis, pinapanalangin din namin na sana magbago yung hubby nya, na sana totoo yung mga sinabi nya kay sil before sya bumalik dun na pina promise nya na pagbalik daw ni sil, punan daw nya yung mga pagkukulang nya, pinagsisihan na raw nya yung mga ginagawa nya. Sana talaga sincere sya dun kasi if not, naku kawawa si sil, apektado na nga sa recession dun, dumagdag pa sya.
@peninsula, actually sis, habang narito sya sa Pilipinas, decided na sya na i-break na nya talaga, kasi lahat daw ng nakapaligid sa kanya sa amerika, yun ang sabi sa kanya. Maging mga co-workers nya, sabi daw 'not a husband material' puro lang anak ang iniisip. Sa lahat daw ng mga babaeng kasamahan nya, sya lang daw ang hindi hatid-sundo ng asawa. Iyak sya ng iyak pa nga, wala daw utang na loob blah blah. Kaya lang, we don't know kung anong tumatakbo sa isip nung guy, basta bigla na lang tumawag, iniiyakan lang sil sa telepono, kesyo di daw nya sinasadya at miss na miss na raw sya. Yun na, bumigay na ulit si sil. Syempre naintindihan ko sya, babae rin kasi ako, talagang mahal lang nya yung tao. Kaya pinayuhan na lang namin sya ni hubby na kung uulitin pa, let him go na. Ayaw din naman kasi namin na isipin nya na pati kami, pinipressure sya. Dahil sabi nya, kaya nga daw sya umuwi ng Pilipinas para makapagdecide ng mabuti dahil sa amerika daw puro pamimressure na hiwalayan na nga. Sabi naman ni hubby, dahil nga kasi nakikita din siguro, malamang ang aim lang naman ng iba pa nilang mga kapatid e para hindi sya maagrabyado at magamit. Pero at the end, sabi pa rin ni hubby, kahit pa naman ano sabihin nya, decision pa rin naman ni sil ang masusunod kaya hindi na raw sya makikialam, wag lang daw masyadong magpaka bulag. At nag promise naman si sil na one more chance na lang daw, pag ulitin pa, talagang i-pursue na raw nya.
@evilwoman: hindi pa sya citizen sis, may 2 yrs pa bago sya maging U.S citizen, 3 yrs pa lang sila ni sil. 5 yrs after marriage daw kasi need nilang buuin magkasamang mag-asawa bago maging permanent resident din ang hubby nya. Hindi ako magsasalita na baka ginamit lang nya si sil kasi sinabi daw naman ng lalaki nung nag-away sila na "baka kala mo gusto ko rito? ayaw ko dito, hirap ng buhay.. para pang naddegrade ako, hindi katulad sa Pilipinas, doktor ako". well, we don't know sa motive nya.. kung sabi lang nya ba yun or what. Basta wish ko rin for sil is to find her true happiness kasi hindi nya deserve ang masaktan. Pagkabait bait na tao, yun pa igaganti.. Sad

kung pagandahan naman, aba! sophisticated din naman sya, she doesn't look like her age, mas matured pa nga akong tingnan, e she's 10 yrs older than me. Sabi ko nga, kung ako lalaki at naging asawa nya, mahiya akong mambababae! Yun nga lang wala na syang chance magkaanak. pero kung yun lang ang reason para mambabae, naku hindi yun katanggap-tanggap.