Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182194 times)

chibbyme

  • Guest
Ang hirap hirap mag move on.. Kahit anong gawin ko, bumabalik lang ng bumalik sa isipan ko na kinaya niya akong lokohin.. Dati nababasa ko lang itong thread na ito, diko akalain na magpopost ako dito  :'(

undecided2

  • Guest
Sis chibbyme, alam ko na fe feel mo kase until now ganyan din ako. Araw araw na lang naiisip ko na nagawa saken yon na nabaliwala lahat ng tiwala ko. Kahit everyday pa saken mag sorry husband ko, wala naman nagbabago sa feelings ko.
 I'm always praying na lang na sana matapos na at maging maayos na din ako.

chibbyme

  • Guest
Sis undecided, bakit kaya ganoon no, kahit nag uumiyak na siya at humingi ng sorry, parang diko pa din matanggap. May 7 ko nalaman affair nila, sabi niya sa chat lang yun, pero ang nabasa ko mukhang malalim na relasyon nila. 2 months palang daw sila tapos ganoon na agad nila kamahal ang isat isa?? Tapos neto lang last week ng may magkasama nanaman sila na itinatanggi ng husband ko. Parang piansakay lang ako ng husband ko na wala na sila pero ang totoo nag uusap at nagkikita pa sila. Ang hirap.

leelee_

  • Guest
Sis undecided, bakit kaya ganoon no, kahit nag uumiyak na siya at humingi ng sorry, parang diko pa din matanggap. May 7 ko nalaman affair nila, sabi niya sa chat lang yun, pero ang nabasa ko mukhang malalim na relasyon nila. 2 months palang daw sila tapos ganoon na agad nila kamahal ang isat isa?? Tapos neto lang last week ng may magkasama nanaman sila na itinatanggi ng husband ko. Parang piansakay lang ako ng husband ko na wala na sila pero ang totoo nag uusap at nagkikita pa sila. Ang hirap.

Hugs, sis. Your story sounds familiar. Ganyang ganyan din nangyari sa ken... Haay. How are you and your husband now?

Ann_2128

  • Guest
Ann 2128 nakakagalit naman yan asawa mo.  Mga girls ba yan online?  >:(

Nope.. mga babaeng pu*a. Pero mga bata at magaganda. Naka relasyo talaga ni hubby ng 3 mos..ginawa syang sugar daddy..weekly may allowance...nabasa ko nga sa text messages nagrereklamo pa one time at bakit malilit lang daw ang padala.. ang kapal din mg mukha.. di pa makarma at magka sakit ng AIDS.

Nagpa test na nga ako at baka nahawaan pa ko ng sakit nila.. buti at negative.

Nung pinalayas ko nga si hubby..naglulumuhod at nag iiyak na wag ko daw syang palayasain at hiwalayan.. ang kapal ng mukha.. pagkatapos mong patawarin, ga****hin ka lang pala ulit.

Pero ba't ganun ano, obsession kong malaman ang lahat lahat sa kanila.. parang mas nakaka release ako ng emotion ko kapag nalalalman ko..

plumpolka

  • Guest
^ Ann_2128
no na sis. wag mo na sila pag aksayahan ng oras. pero masarap nga din malaman yung mga baho sa buhay nila. masama man, pero may sense of fulfillment na malaman mong di hamak na mas angat ka naman talaga sa kanila. masarap pagtawanan yung mga misfortunes nila sa buhay at masarap na may tao kang sinisisi na nanakit sayo (bukod sa asawa mo). hayaan mo na lang sila ang maging interesado sa buhay mo. live your life to the fullest, love yourself more. ♥

Ann_2128

  • Guest
yes sis, titigilan ko na.. I am set to see a Counselor this week, para matulungan ako kung paano mag move on... hirap ng ganitong sitwasyon..

bakit tayo lang ang nahihirapan ano?

Ms. Undecided

  • Guest
I want to know what did you do after you discovered that he cheated on you?

Sinampal ko siya. Actually ang nangyari is pinaglihiman niya ko sa maraming bagay. Dunno if counted as cheating. Argh hirap i-explain. Hahaha. Nakatext niya kasi yung close friend niya nung HS then itinago niya sa akin. Tapos lahat ng convo nila binura niya. Diba, sinong matutuwa dun? Kung wala kang ginagawang masama, why delete those messages? bakit mo itatago? At naulit ng maraming beses, 7x to be exact. T*nga ko noh? pero I still accept him kahit pa nung nanghingi siya ng space sakin (Kapal ng mukha siya pa nanghingi ng space) eh pinuntahan niya si girl to comfort her habang ako mamatay-matay na sa kakaiyak sa bestfriend ko.

what did you do to move on?
 
Not yet moved on March lang nangyari yun. Tas alam mo yung feeling na nandun ka na sa 'tama na, move on na' stage eh saka naman siya magpaparamdam na 'oy mahal pa kita'. Badtrip! so ayun, less communication. Hindi nawala communication pero lesser na. Magttxt or chat siya kapag may itatanong lang. Sasagutin ko lang tanong niya then end of convo. Hindi ko siya inunfriend pero inunfollow ko siya, I also change the settings of my fb para sa mga taong makaka-view lang ng status ko. Ang hirap kasi napamahal ako sa family niya at ako lang yung gf niya na ipinakilala niya sa kanila.


Is your relationship still ok? Are you still together?

No. 7x bes, tama na. Wala ko plano palitan si Rizal sa pagiging bayani.

Do you still feel the pain of what happened?

Of course! actually, araw-araw siya parin laman ng isip ko. Yung masasayang memories tas ayun iiyak na naman si ate mo. Pero kailangan ko gawin yun para naman maimmune ako. Minsan nga pag naiiyak ako, gusto ko umiyak kaso walang natulo na luha. hahaha

Do you still trust him after that? what did you do to bring the trust  back?

I don't think so.

do you still feel that maybe he is still with someone else or still with the old sl*t that broke your trust and faith in him?

OO. YES. SURELY.
Last time may pinakita siyang convo sa co niya. Classmate ulit niya nung HS, iba naman to sa girl na nauna. Bes, sakit sa mata ng usapan nila hahaha. May pa-'kain ka na jan ha' si ate mo. Take note: may anak na yung girl dalawa, Hahaha naisip ko, wow instant daddy. hahaha. Masyado lang daw ako malisyoso, pero duh? kahit kanino ko ipabasa yun, sasakit talaga mata. Oh well, keber ko eh wala naman na kami.

Naaalala ko yung sinabi niya na di daw niya ko niloko. Oo daw nagsinungaling siya pero di daw siya nanloko. Hala! sabi ko magbasa siya ng bible nang kilabutan siya. HAHAHA. Hindi daw panloloko yun, magkaiba daw kasi kami ng pananaw, edi wag siya makipag-gf kung ganun yung thinking niya. Sabi pa niya, gusto daw niyang maging single pero ayaw daw niya ko mawala. Edi wow ulit. Nakakaasar! hahaha pero masakit parin talaga. hayyy

chibbyme

  • Guest
Hugs, sis. Your story sounds familiar. Ganyang ganyan din nangyari sa ken... Haay. How are you and your husband now?

Magkasama pa kami ngayon sa bahay, ang anak namin walang kamalay malay. Sa kanya parang wala lang nagyare, pero sa akin ewan ko ba hindi talaga ako maka move on, gabi gabi pa din ako umiiyak. Parang nawawalan na ako ng pagmamahal sa kanya. Kagabi sinabi ko na sa kanya itong hinanakit ko, na nagkikita nanaman sila nung babae, pero dinedny lang niya, di daw niya alam ang sinasabi ko. Ang feeling ko ngayon, babaeng uuwian nalang kung anong oras niya gusto, ibibigay ang "pangangailangan" niya kase yun nalang ang silbi ko sa kanya, yung pag mothers day puro pagbati at paphoto pero pag ordinaryong araw wala. Sabi niya mahal niya ako, pero diko talaga alam bakit ganito pakiramdam ko sa kanya.

plumpolka

  • Guest
^pag trust kasi talaga ang nasira, mahirap na ibalik. tsaka once nalaman mo na din na niloko ka, palagi mong maiisip na niloloko ka parin e. yang ang mahirap sa ating mga naloko. pero nasa sayo parin naman yan if kaya mo ba sya talaga tanggapin na di mo ibabalik sa kanya lahat ng mga nagawa nyang kasalanan. pero dapat sure na din sya na hindi na sya magloloko. ako kasi, nung niloko ako ng bf ko sa ex-gf nya, hinayaan ko na lang sya. nung iniwanan ko na sya, sa akin parin naman sya bumalik. pero wala na nga lang ako tiwala sa ex-gf nya or sa kanilang 2. so non-negotiable na sa akin na nag uusap pa silang 2.


wag mo na lang muna ibigay yung mga "pangangailangan" nya at panindigan mo sa kanya na talagang hindi mo gusto mga ginawa nya.
« Last Edit: June 15, 2017, 04:46:38 pm by plumpolka »

chibbyme

  • Guest
thank you sis plumpolka..  :'(

Ann_2128

  • Guest
Magkasama pa kami ngayon sa bahay, ang anak namin walang kamalay malay. Sa kanya parang wala lang nagyare, pero sa akin ewan ko ba hindi talaga ako maka move on, gabi gabi pa din ako umiiyak. Parang nawawalan na ako ng pagmamahal sa kanya. Kagabi sinabi ko na sa kanya itong hinanakit ko, na nagkikita nanaman sila nung babae, pero dinedny lang niya, di daw niya alam ang sinasabi ko. Ang feeling ko ngayon, babaeng uuwian nalang kung anong oras niya gusto, ibibigay ang "pangangailangan" niya kase yun nalang ang silbi ko sa kanya, yung pag mothers day puro pagbati at paphoto pero pag ordinaryong araw wala. Sabi niya mahal niya ako, pero diko talaga alam bakit ganito pakiramdam ko sa kanya.

Alam mo Sis, ganyan din ang drama ko nung unang nalaman ko ang pagtataksil ng asawa ko. lahat ng luha nailuha ko na.. Only to find out this time, nung second time na nagloko sya.. di pala nya tinigil ang pambabae at ang akala daw nya eh ok lang ako,.. di ko kasi pinakita sa kanya na nahihirapan ako.. once lang ako umiyak nung confrontation namin tapos nun civil na kami. so sabi ko so gusto mo makita na nahihirapan talaga ako.. yung umiiyak ako sa harapan mo.. Feeling nya yata robot ako... walang damdamin


fashtag

  • Guest
Nope.. mga babaeng pu*a. Pero mga bata at magaganda. Naka relasyo talaga ni hubby ng 3 mos..ginawa syang sugar daddy..


Would you care to privately share sino sila and anong sites?  My husband is going through the same thing ngayon.  Ang papangit naman in my opinion.

angese10

  • Guest
yes if husband ko na. no if bf pa lang.

Girltalker2

  • Guest
Cheaters usually give all sorts of excuses. Point of the matter is, kung gusto nila magloko, nothing can really stop them.

And if they really are willing to work it out, you will definitely see it in them. Which I think is very rare. If super rare na makahanap ng guy who doesn't cheat, then it is even more scarce to find a cheater who would suddenly be willing to change overnight (unless na baldado sya or comatose, yun definitely can stay put with you all throughout the rest of his life).

undecided2

  • Guest
Ako din halos lahat gusto ko malaman kung sino san nakatira pano nag simula. Kahit ang sakit sakit gusto ko pa din maki tsismis. Pero tinigil ko na din kase kahit hindi ko malaman kusa dumadating yon mga tanong ko or gusto malaman na sagot. Nakaka stress. Lalo lang dumadagdag galit ko sa husband ko na hanggang ngayon hindi ko pa din magawang magpatawad. Parang hindi enough yon pinapakita niya saken. Ganon ba talaga yon kahit na naka ilan sorry,reach out or kung ano ano para lang ma prove na nagbago na siya or wala na si kabit eh hindi pa din naten agad magawa i accept yon nangyari? Ako ang hirap. Hindi ko pa din matangap. :(

undecided2

  • Guest
Sis undecided, bakit kaya ganoon no, kahit nag uumiyak na siya at humingi ng sorry, parang diko pa din matanggap. May 7 ko nalaman affair nila, sabi niya sa chat lang yun, pero ang nabasa ko mukhang malalim na relasyon nila. 2 months palang daw sila tapos ganoon na agad nila kamahal ang isat isa?? Tapos neto lang last week ng may magkasama nanaman sila na itinatanggi ng husband ko. Parang piansakay lang ako ng husband ko na wala na sila pero ang totoo nag uusap at nagkikita pa sila. Ang hirap.

Bakit nagsinungaling na naman husband mo sayo?at sino ba talaga guato makasama ng huaband mo ikaw or yon babae niya?

Girltalker2

  • Guest

 Tapos neto lang last week ng may magkasama nanaman sila na itinatanggi ng husband ko. Parang piansakay lang ako ng husband ko na wala na sila pero ang totoo nag uusap at nagkikita pa sila. Ang hirap.

I was in this situation before. Sabi wala na, pero ganun parin - sometimes biglang nawawala, ayaw pagamit ang phone nya, etc.

Nakakasira ng ulo kasi akala mo wala na, pag nagduda ka, ikaw pa ang mali Lagi at sya ang tama. Ikaw ang i -a-accuse na laging mali ang duda.

Then the lies... lahat need to be consistent pa, and they can remember! Lahat lies day after day.

Yung nagsasabi na wala na but meron pa, chronic liar na iyan.   nagtiis ako thinking na magiging ok pero Hindi pala. babait minsan Or Pag may occasion, with bouquet and i love you's pa iyan  and nice dinner. Then same story na akala ko ok na, Hindi pa pala. Hanggang na realise ko I was stuck in this cycle for 10 long years!!!

Shineshare ko lang sa inyo na sana you won't let this happen to you. Have the courage to fight for what you want in a marriage and if he cannot provide that, be ready to walk out. It's not the end of the world. Walking out is fighting for your own self respect, for your kids narin na this treatment is unacceptable sayo at di dapat papayag mga Bata na tratuhin sila ng ganyan by anyone. Then also for your loved ones (like your parents na naghirap to raise you up).

Tapos lagi ko din pinapayo, always pray for His guidance and some enlightenment and courage. Kelangan natin iyan in times like these.
« Last Edit: June 21, 2017, 12:54:37 pm by Girltalker2 »

tischarmedlife

  • Guest
My only ex (prior to my husband) cheated on me too. Siguro more than a year na kami nun, and nakipaghiwalay na ako agad. No more second chance kase I know na hindi ko kayang mag-forgive lalo't ma-forget yung ganung kasalanan.

Bilib ako sa mga babaeng kaya nila magpatawad and mag-move on kase sobrang tibay ng loob ang kailangan mo to accept the fact na nag-cheat si guy sayo and to still take the risk after you caught him.

fashtag

  • Guest
I thought this only happens with people i don't know.  Needless to say, its so common i couldn't even fathom how stupid i am to think my husband is incapable of doing something like this to me.

Same feeling, I think he will just do it again once he gets a chance and once i have calmed down kasi sa ngayon on guard pa ang lolo mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close