Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182425 times)

eimerej5

  • Guest
Re: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?
« Reply #460 on: December 22, 2016, 11:54:02 pm »
Hello missclary! Tama ang sabi ng mga sisters natin dito sa GT. That is a form of cheating kahit na wala pa talagang sex or touching. Cheating have different forms kahit nga magisip ka lang ng ibang tao na may nafeel ka dun is cheating. Flirting is cheating kahit pa sabihin na clean fun, no strings attached, etc! Bantayan mo asawa mo but don't nag and don't tell him na binasa mo messages niya kasi baka maglihim n siya sayo. And for u to know kung ano insites niya or ano iniisip nya about that situation, magkwento ka sa kanya, make up a story n almost kapareho nung sayo then ask him in the end kung ano sa tingin niya kapag ganun ang nangyari sa kanya? Ano gagawin niya... it worked for me, I don't know ur husband but it might work too. Atleast nalaman mo kung ano ang gagawin niya kapag ganun.
Goodluck sis! Sana hindi naman talaga gawin ni hubby un at saka sana ur relationship will be ok. God bless!

missclary

  • Guest
Re: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?
« Reply #461 on: December 28, 2016, 11:15:24 pm »
hi mga sis! nagreply na ko dati pa but i don't know bakit lagi needs to be approved by a moderator ang note sa mga replies ko? anyway, I told my husband everything na, and ayun nga, nagkaheart to heart talk kami. ang sinasabi nya sakin eh yun nga, di dae cheating yun kasi di naman daw nya tinuloy. nakailang explanation pa ko bago ko naparealize sa kanya na emotional cheating naman yung ginawa nya since may intention sya, in the end, feeling ko naman nagets na nya kung bakit ako nasasaktan, and nagsorry sya. he said nadala lang daw sya nung time na yun and he would never do it naman. that he wasn't himself that time. hays. then he cried and asked for forgiveness, natakot daw sya na baka iwan ko sya. after nun mas malambing sya lalo, mas understanding etc. feeling ko may improvement samin, pero yung trust ko, nawala na. natatakot ako baka mangyari pa ulit. Ano sa tingin nyo mga sis?

Girltalker2

  • Guest
Re: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?
« Reply #462 on: December 31, 2016, 03:44:37 am »
ang sinasabi nya sakin eh yun nga, di dae cheating yun kasi di naman daw nya tinuloy. nakailang explanation pa ko bago ko naparealize sa kanya na emotional cheating naman yung ginawa nya since may intention sya, in the end, feeling ko naman nagets na nya kung bakit ako nasasaktan, and nagsorry sya. he said nadala lang daw sya nung time na yun and he would never do it naman. that he wasn't himself that time. hays. then he cried and asked for forgiveness, natakot daw sya na baka iwan ko sya. after nun mas malambing sya lalo, mas understanding etc. feeling ko may improvement samin, pero yung trust ko, nawala na. natatakot ako baka mangyari pa ulit. Ano sa tingin nyo mga sis?

Nadala lang sya nung time na Yun?
He would never do it?
He wasn't himself?

So in the future, he can do it IF he is not himself...

That's why nahihirapan ka to trust him.

I think the key is matuto dapat sya umiwas sa situations na may temptations. He should set boundaries with the opposite sex. Gaya nyan, what led to the situation? He is talking with a girl, not his Wife, about her sex life! Hindi iyan Gawain ng matinong babae or ng isang taong may asawa na. He should be aware and conscious of these traps/temptations para matuto syang umiwas. That is, if he is really sincere on not doing anything extra marital.

eimerej5

  • Guest
Hello Missclary! Mabuti naman kung naintindihan na ni hubby mo ang about sa emotional cheating and sana hindi na niya ulit gawin yun. And no matter what his reasons are, whether he is himself or not, still it is not right and sana umiwas na siya sa mga ganun temptations and situations. Cheating is a choice like any other things that we decide on. Kaya ako, I don't believe in the reason na "it just happened" or "hindi ko alam nafall na pala ako sa kanya", I don't know that ganito na pala kami",  etc... I hate those reasons... kaya nga may choice ang isang tao to do or not do a certain thing... sana lang laging tama ang Piliin.

Godbless!

shinies

  • Guest
Dapat talaga meron seminar na nagtuturo ano yung mga dapat at di dapat gawin bilang may asawa.

Para sa mga nagsasabi na hindi cheating, ipagoogle niyo at nang malaman nila hindi guniguni yung issues ng mga misis.

POGI69

  • Guest
I am a widower and have a gf. My GF cheated on me and had an affair last   2016. I love her so much that i have forgiven her. She promised not to do it again.
The worst part is, that what she did still haunts me every now and then. And trust on her  has lessened. Though I continue to love as much as i can, trying to forget what happened, but it keeps coming back.
Sometimes I think of getting even, but I know it won't correct the past.
Hope someone can help me to get over this or help me go through this.
« Last Edit: January 16, 2017, 09:30:50 am by POGI69 »

missclary

  • Guest
Thank you mga sis sa mga advice. I'll keep those in mind. sa ngayon, ok na ok kami. kaso nga lang, eto. may contact sila ulit, kasi, yung friend ni hubby, naghahanap ng kaone night stand, so etong asawa ko sinuggest yung girl. at ngayon parang ang dating nagiging middle man pa sya para maghookup friend nya at si girl. pero kasi nabbother ako, parang bumabalik na naman sakin although alam ko (siguro?) na wala na dahilan magselos dahil sya na nga nagsset dun sa friend nya at kay girl. naiinis parin ako knowing na dati gusto nya sya nga makihookup dun. feeling ko ngayon gusto nya pa rin. or feeling ko lang ba yun? and is it reasonable na sabihan ko sya na ayaw ko na na may contact pa sila ni girl? or ayoko na sila magusap ng tungkol sa sex/hookups ni girl? or will it cause na mas magtago sakin si hubby? please help.

shinies

  • Guest
Natural lang na ganyan ka kasi sorry pa lang ginawa ng mister mo.
Kulang yan. Kung talaga nagsisisi siya, lalayuan niya na yang babae.
Sabihin mo na ayaw mo may kahit anong connection dun. Idetalye mo gano kasakit yung nararamdaman mo.

Pag ayaw niya gawin, alam na...

kvandenhaak

  • Guest
^^Ganon, he is helping a friend find a one night stand? Malabo yan kasi kung ganyan ang moral compass (kung meron man) ni guy friend, what will keep him from doing it also? Nagtatakipan lang yang mga yan. Trust your intuition, you know there might me something going on behind your back. Tell him that you are not comfortable being with people like that na pwedeng bad influence. Dapat sya na mismo ang iiwas sa apoy kung ayaw nya mapaso. 

missclary

  • Guest
Yes nagpapahanap kay hubby yung friend nya ng no strings attached sex buddy, whom is, actually in a relationship and kilala namin si girlfriend. matagal na gawain ni guy friend yun at alam ni hubby. kumbaga daw, living the life etong si boy. pero sure na daw sya na papakasalan naman nya is yung gf nya. kaya mahirap iwasan ni hubby tong friend nya kasi bestfriends sila. hay. naiinis lang ako kasi sinuggest pa ni hubby si girl. edi parang bumalik na naman sakin yung issue namin dun. na imbes na ayaw ko na ng sana magkacontact sila, o maisip man lang ng asawa ko, eh eto bumabalik naman kasi parang sya nga nagsetup sa friend nya at kay girl. so etong si guy ask ng ask kay hubby about kay girl. edi naiisip din tuloy ni hubby si girl. medyo red alert na naman sakin to. hanggat maaari ayaw ko na sana nga magkausap sila.  pero mga sis kinwento sakin ni hubby tong ginawa nyang setup, i dont know kung bakit, sabi nya kasi gusto nya daw maging open sakin. na if ever may mabasa akong chat nila ni girl, wala daw syang ibang purpose kundi yung pagsetup sa kanila then pag may communication na  si guy friend nya at si girl, labas na sya dun at di na nya kokontakin si girl. nagalit ako kasi sabi ko, ok lang na may alam ka sa pambabae ng kaibigan mo, pero yung ikaw pa ang magbigay ng babae sakanya, pangungunsinti na yun. to think na kaibigan dn namin ang gf nun. hay. kaya sabi ko, bakit nya naisip na ibigay pa yung si girl, pwede nya naman sabihin sa friend nya na wala syang kakilala na pwede. wala lang daw, si girl lang daw kasi kilala nya na open sa ganun. sabi ko wag na sana, kasi kilala namin both parties, at parang nakokonsensya ako dahil pati ako alam ko na tuloy. ang dami ko tuloy kinaiinisan sa asawa ko ngayon, inis at selos. pero alam ko mga sis na di pa sya nagccheat sakin ever, muntik lang. nagbago na daw sya. kaso eto parang temptation na naman. hay. sorry sis napahaba. at magulo, sobrang gulo kasi ng isip ko ngayon, di ko alam kung tama ba na nagagalit at nagseselos ako, or deadma ko lang dapat ito.

kvandenhaak

  • Guest
^I am not suggesting na eto gawin mo but if I am in your position, I will talk to the guy friend. I will tell him, don't drag other people with his immorality. If he wants to have a one night stand then grow some balls to do it himself. @#$%^ina naman yan! Pati tuloy ako nainis...LOL!

missclary

  • Guest
True nakakainis talaga. Pero in a way, parang may kasalanan din asawa ko, kasi he suggested the girl. Alam namin na matagal nang ganun gawain ni guy, di ako nangingialam kasi not my business yun, pero yung makasex buddy nya yung kakilala mismo namin, (at yung girl na naging issue samin magasawa dahil nga kamuntikan na rin alukin ng asawa ko ng one night stand yun) may guilt feeling ako towards sa girlfriend nya kasi this time, i know who the b**ch is. And ngayon, imbes na mabaon na sa limot yung kasalanan na muntik na magawa ng asawa ko noon, bumabalik na naman sakin kasi eto na naman at si guy friend naman ang magaalok ng ONS. hay. wish ko lang sana di matuloy, para matanggal na ang guilt sakin.

hermione28

  • Guest
missclaryI - sis I hate to say this pero feeling ko may nangyayari behind your back.

sabi nya kasi gusto nya daw maging open sakin. na if ever may mabasa akong chat nila ni girl, wala daw syang ibang purpose kundi yung pagsetup sa kanila

This is b***s**t. I won't buy this crap. Defensive na agad, para nga naman pag may nabasa ka, which already happened before diba? Preventive na tong move na to kaya nya sinasabi sayo.

Make a move, kausapin mo na yung best friend nya, takutin mo. Sabihin mo i don't care kung nambababae ka it's none of my business pero wag mo idamay asawa ko, sabihin mo susumbong mo sya sa gf nya kung idadamay nya yung asawa mo sa kalokohan nya.
« Last Edit: January 24, 2017, 04:30:29 pm by hermione28 »

ficklemind

  • Guest
@missclary sis, I agree dun mga posts above,
you have the right na magalit, mabother at magselos, ay sus! issue na sa inyo eto before then nagsorry na si hubby, magbabago na ek ek tapos ngayon nasa eksena na naman si girl sa buhay nyo? ok! it's for a friend pero kahit na! bakit kasali pa husband mo sa kung ano man kabalbalan na yan? Totally alisin na sa buhay ng hubby mo si girl.
Ang haharot, nakakainis!! sorry sis pero kasali si hubby mo sa maharot.
Ok sige kung super bff sila at sobrang desperado na si friend sa kakatihan niya eh di ibigay na lang ng hubby mo # or fb ni girl, that's it! bahala na si friend dumiskarte. Wag na sumali sa bolahan, usapan.  Hinde yung ibebenta pa ni hubby mo si girl kay friend at lalong maguusap pa si girl at hubby mo para ilakad si friend,

oh ayan sis may disclaimer na agad hubby mo na pagnahuli mo sila ni girl na kachat eh para kay bff yun  hinde para sa kanya, ows???

Hinde maiiwasan talaga na meron tayong mga friends na gumagawa na mga ganitong kalokohan. Kung hinde talaga maiwasan yung tao eh di iwasan na lang makisali sa gulo, wag makipagkwentuhan about dun, wag magtanong, wag makitawa etc in short dedmahin ang topic!

hermione28

  • Guest
missclaryI - One more thing, kung si hubby pinagtatakpan si bestfriend dun sa gf. How sure are you na hindi pinagtatakpan ni bestfriend si hubby mo sayo? For all you know, para sakanya talaga yang one night stand na yan, pero sinasabi nya sayo na kay bestfriend yan, which is aagree lang si bestfriend na kunyari para sakanya.

PS. Sorry I didn't mean to say na talagang niloloko ka ni hubby mo, I am just stating the what-if.
« Last Edit: January 25, 2017, 12:10:20 pm by hermione28 »

shinies

  • Guest
Red flags!
- kaibigang cheater
- si mister ay enabler (alam niya naman mali pero kinukunsinti ang kaibigan niya)
Actually sis, pasensya na pero parang kasali ka din dito... Accessory to the crime
- bridge kuno (pwede naman ibigay lang ang number tapos bahala na sila di ba? tutal sex lang gusto nila ano pang dapat na itanong? pwera na lang kung natuloy pala si mister makipagsex sa babae at yun pala ang tinatanong ::))
- ang rason ni mister ay "nadala siya"
- hindi naman talaga narealize ni mister ano ang mga kamalian niya sa buhay

pero alam ko mga sis na di pa sya nagccheat sakin ever, muntik lang. nagbago na daw sya. 
Yung pagbabago sis ginagawa, hindi sinasabi.
Uulitin ko, pag ayaw niya gawin ang kailangan mo at ang mag sacrifice para maka-move on ka, either nakasex na niya yan o magbabalak pa din yan pag di ka na nakabantay.

Nakakainis mister mo

Girltalker2

  • Guest

^ I agree

Para sakin, Ang pag iwas sa girl is not the solution to this eh. Ang pagiging bridge nya sa ONS (kung bridge lang talaga sya) is a symptom on how Low his morals are. Sorry ha pero nakakahiya magkaron ng ganyang asawa. Di ba sya nahihiya sa sarili nya? Bago mo sya pinakasalan, ganyan na ba sya? Di sya dapat nagpakasal in the first place if he simply cannot avoid flirting or talking about sex with the opposite gender.

barcode

  • Guest
Re: talking about sex with the opposite sex

Sa office kasi ni hubby medyo bastos sila magbiruan, tapos meron isang girl na nagkkwento na pumatol sya before sa may asawa (hubby said narinig lang daw nya habang nagkkwento si girl sa isa pa nyang girl na ka officemate). Napa isip ako, bakit sila nagkkwentuhan ng ganun?  Totoo kayang narinig lang nya? Baka sakanya mismo kinwento!!!

missclary

  • Guest
hay thank you mga sis sa advice! nakakainis at kumukulo pa rin dugo ko hanggang ngayon. Actually, nakalimutan ko lang imention before, simula nung nagkaissue kami ni hubby dun kay girl. Hindi na nya kinontak si girl ( from what i read sa history ng chats nila) actually minsan lang talaga sila magkachat, eto lang talaga ulit yung time, at yung chat sa kanya ni hubby ganito, "uy, ok lang ba na ibigay ko number mo sa friend ko? bigay ko lang tapos kayo na mag-usap, bahala na kayo" ganyan chat nya. tapos ayun reply ni girl is puro mga questions kung ano itsura nung guy etc, but hubby said "kayo na mag-usap haha". ganyan. so medyo naibsan yung red flags ko kay hubby. he also told me before na wala syang gusto kay girl. so ayun. pero nakakainis pa rin isipin di ba na once upon a time eh naisip ng asawa mo makipagsex sa iba, kahit di natuloy kasi narealize nya na mali. Ang iisipin mo ang sakit kasi.. san ako nagkulang?? kaya nagalit talaga ako nung eto na naman si girl ngayon, sa friend naman ni hubby. Pinagsabihan ko na rin asawa ko, sabi ko, maling mali yang ginawa mo. pero wala na hindi na yata mababawi kasi may communication na si guy friend at girl. At nakikita ko na umiiwas na si hubby na maging involved pa, sabi ko hanggang dyan ka na lang, mainvolve ka pa lalo eh magaaway na talaga tayo. mukang natakot naman sya at sinabi ko nga yung nasa mga advice nyo mga sis, na, 'kung kaya mo pala tulungan gawin yan ng friend mo, edi ikaw kaya mo din?' but he said No. hindi nya daw gagawin at alam nya na wala na kong trust sa kanya, but he'll prove it to me daw. Should I believe him? sorry ang gulo pa rin ng thoughts ko until now :(

shinies

  • Guest
Sa office kasi ni hubby medyo bastos sila magbiruan

Nasa tao naman kasi yung pakikipagbiruan ng bastos. Pwede naman makisali na hindi on a personal level. Nakita ko yun sa opisina namin dati kasi puro mga lalaki pero yung green jokes eh hindi umaabot on a personal level (walang tirahan ng sex life nila mismo).

Isa pa, kung sa grupo yung biruan eh ok lang pero kung 2 lang kayo at members of the opposite sex, naku!!!

he also told me before na wala syang gusto kay girl.

Asus bakit naisipan makipagsex kung di niya gusto?

san ako nagkulang??

Tanungin mo sis. Paexplain mo sa kanya bakit siya "nadala".
Hindi ka makaka-move on hanggat di mo nalalaman ano yung problema sa inyo at bakit nakayanan niya gawin yan.

Hindi sapat yung "di natuloy". Kailangan maresolba yung puno't dulo bakit ba siya tumingin sa iba in the first place.

sorry ang gulo pa rin ng thoughts ko until now :(

Matagal na proseso mabalik ang tiwala. Kailangan din malaman ng mister mo yan. Kasali na yung maalala alala mo yung ginawa niya. Kung talagang nagsisisi siya, gagawin niya lahat maibsan yang pagdududa mo. Kailangan din niya ng matinding pasensya kasi di ganun kabilis mawala yung mga agam agam mo.

Ituloy lang ang mga heart to heart talks sis. Tapos dun maghanap ng mga gagawing solusyon.
Posibleng may problema kayo o may problema siya kaya niya nagawa yan.
At the worst, sigurado ka naman sis ano na hindi siya babaero?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close