Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182618 times)

Wifey19

  • Guest
I don't have the confirmation yet pero hindi ko na kinakaya yung depression. The fact that may hubby has a low sperm count, slow motility and abnormal morphology.... Na what if buntis yung kerida...nasa reconciliation process pa rin kami ng hubby ko. Pero hindi ko kakayanin Pag nabuntis pa yung girl na yun...they ended their affair last April 2016...I cried always and ended to a hard prayers na Sana hindi totoo....

stylus

  • Guest
^ Why sis? Claiming ba si kabit na preggy sya at hubby mo ang ama?

Girltalker2

  • Guest
^ and ^^ mahirap sa situation na iyan if he claims Wala na. Sometimes it is hard to believe Kung totoong wala na. After nila gawin and go out of their way to lie to you for the sake of the affair, ganun lang ba Yun kabilis na wala na sila?
« Last Edit: July 20, 2016, 08:08:36 pm by Girltalker2 »

jaja27

  • Guest
Ako ang stand ko dito, kung nakuha nyang magcheat sayo before, what assurance you have na di na niya gagawin yan ulit. Before I got married, I told my husband gawin mu na lahat ng pede mong gawin except for these 2 things: mambabae at saktan ako at ang mga magiging anak ko physically. And until now yun pa din sinasabi ko sa kanya after 5 years of marriage.

Cheating is a choice, it only means na mas pinili mu [textspeak!] babaeng yun over us. Becoz kung importante kami sayo kahit sino pa yan, kahit asan ka pa di mu magagawang magloko.

Un naman sa pag pumatol sa OJT or prostitutes, sorry ha pero khit asawa ko na hihiwalayan ko sya. Whatever reasons he may have di ko na kayang tingnan siya straight sa mata coz for sure mababa na tingin ko sa kanya.

shinies

  • Guest
gawin mu na lahat ng pede mong gawin except for these 2 things: mambabae at saktan ako at ang mga magiging anak ko physically

Pareho tayo.

Buti di ka nasasabihan na, baka magiba gagawin mo pag nasa sitwasyon ka na?

jaja27

  • Guest
Pareho tayo.

Buti di ka nasasabihan na, baka magiba gagawin mo pag nasa sitwasyon ka na?

Naku sis naexperience ko na before yan sa ex bf kong verbally and physically abusive kya ko hiniwalayan, kaya when I met my husband I made sure na di ko na dadaanan un pinagdaanan ko dati so before kami ikasal binigay ko na agad yung mga conditions ko and thank God for the past 5 years never ko naman nakita na he is capable of doing those things.

kim28

  • Guest
^ hanga ako sa u sis naka move on ka na talaga.

Soon to be single parent ako and right now emotional pa rin ako.  Konting tiis na lang lalabas na si baby sa November. Nakakapagod na din masaktan di ba ang gusto lang naman natin maging masaya ang buhay.

xhien

  • Guest
sis kim28  kaya mo yan..you have to be strong for your baby..i know mahirap sobra emotionally pray lang lagi..anjan din nag family and friends sa kanila ka humugot ng lakas ng luob..di kayo pababayaan ni GOD.. time will come magiging maayos lahat para sa inyo ng baby mo.. anyway congrats magiging momy ka na totaly..GOD BLESS YOU

kim28

  • Guest
^ thanks sis xhien

Yup prayer lang talaga everyday mahirap pero alam kong need kong kayanin lahat para kay baby.

kim28

  • Guest
^ 4 years kaming kasal he cheated on me last December. 

Ang nakakaasar pag ok na ako ng ilang months nagpaparamdam asawa ko nanadya talaga ang hirap ipaliwanag kaya nag backslide ako. 

Now eto start na naman ng pain at hirap. Lalo na stress wala na nga syang natutulong sa amin ng anak ko binibigyan pa ako ng problema.

Hayz kung katangahan lang quota na ako. Gusto ko lang matapos na. Pero ang need ko tulungan sarili ko. Alam ko naman yun pero napakahirap ng pinagdaraanan ng katulad natin.

izabelle

  • Guest
Ako ang stand ko dito, kung nakuha nyang magcheat sayo before, what assurance you have na di na niya gagawin yan ulit. Before I got married, I told my husband gawin mu na lahat ng pede mong gawin except for these 2 things: mambabae at saktan ako at ang mga magiging anak ko physically. And until now yun pa din sinasabi ko sa kanya after 5 years of marriage.


Same here. Although I haven't experience this (and hopefully hindi), sabi nila iba daw kapag naexperience mo na, magbabago daw isip mo.

Pero sa pagkakakilala ko sa sarili ko, sobrang importante sa akin ng trust and hindi ako yung tipo na matulog lang sa gabi, iyakan lang ng konti e Ok na ako. Matagal ako makalimot lalo na kapag na betray ang trust.

My opinion is, bakit ko ipaglalaban ang marriage kung niloko na ako? ano pa dapat ko ipaglaban don?
The time na lokohin ako, it's like telling me as well na hindi worth fighting for ang isang marriage.

I have no plans of fighting for my husband if ever mambabae sya. bakit ko paglalaban ang sa akin in the 1st place?


NiceWife

  • Guest
Hindi kami kasal ng partner ko, we've been together for almost 4 years.
2 years palang kme nung nabuntis ako, masaya naman kami kahit nag aaway minsan, tapos nung nanganak ako mas sumaya kami, pero hindi akalain na dadating sa buhay namin yung magkaka gusto sya sa iba, na mababaling yung atensyon nya sa ibang girl kahit na kakapanganak ko palang. Siguro dahil na din sa mas nafocus yung attention ko sa baby namin at hindi na sa kanya. Super nasaktan ako na feeling ko ano bang kulang? Kung kailan may anak na kami saka sya gumawa ng ganon. Dumating sa point na ayoko na, itigil nalang namin dahil wala na akong tiwala sakanya, miski yung pag mamahal nabawasan. Pero ayaw pumayag ng pamilya namin. Ilang bwan na napuno yung bahay namin ng puro away kahit sa maliliit na bagay lang. Then I gave him a second chance, pinilit kong hwag ungkatin lahat lahat ng nangyare kahit araw araw ayun yung nasa isip ko. Inisip ko nalang para sa baby ko. Unti-unti dahil na din sa ginagawa nya, sa mga panunuyo nya saken. Naibalik yung dati naming samahan. Matagal yung proseso.

Then eto kami ngayon masaya at tama yung desisyon ko na bigyan sya ng second chance. Kahit nagkaka problema kami sa ibang bagay nairaraos padin. Hindi naman po masama magbigay ng second chance sa asawa naten, basta po makitaan naten sya ng effort ng pagbabago at bukal din po sa loob naten na bigyan sya ng isa pang pagkakataon.

I'm not saying po na gayahin nyo ako mga mommy's I'm just sharing my exoerience lang po.  :)
Thank you po sa mga makakabasa!  :)

Agirlhasnoname

  • Guest
I haven't experienced being cheated before pero kung mangyari man sa akin na magcheat ang aking boyfriend or hubby, I might be able to forgive him in time but I wouldn't be able to forget it which may put strain sa amin relationship. Sabi nga nila, ang trust parang salamin kapag nabasag you can still put it back together pero may lamat n yun.

kim28

  • Guest
^ ok yung nangyari sa  iyo sis kasi both of you are willing na ayusin

Paano maayos yung problema kung isa lang sa amin ang willing umayos? so wala din mangyayari di ba :(

hotbabe925

  • Guest
i agree, pero keep this in mind.. ang mga lalake gusto sila naghahabol. kung nagusap na kayo at ayaw nya ipaglaban ang meron kayo then let him go. he wont realize your importance unless wala ka na. kapag  pinabayaan mo sya saka sya makakaisip habulin ka ulit lalo na pag kasama ka na sa old habits nya.  it may be cliche but if he doesnt come back then its his loss not yours.

NiceWife

  • Guest
I'm sorry to hear that sis kim28, sana po makisama si hubby para maayos yung relasyon nyo, para na din po sa mga baby nyo. I will pray po na maging okay na kayo ulit sis...

izabelle

  • Guest
Then I gave him a second chance, pinilit kong hwag ungkatin lahat lahat ng nangyare kahit araw araw ayun yung nasa isip ko. Inisip ko nalang para sa baby ko. Unti-unti dahil na din sa ginagawa nya, sa mga panunuyo nya saken. Naibalik yung dati naming samahan. Matagal yung proseso.

Then eto kami ngayon masaya at tama yung desisyon ko na bigyan sya ng second chance. Kahit nagkaka problema kami sa ibang bagay nairaraos padin. Hindi naman po masama magbigay ng second chance sa asawa naten, basta po makitaan naten sya ng effort ng pagbabago at bukal din po sa loob naten na bigyan sya ng isa pang pagkakataon.



Good for you, sis. I think it also depends on the tolerance of a person and kung gano kabigat ang mistake na nagawa ng asawa.

Example, kung nambabae na nga, nagka anak pa sa labas. Para sa akin no second chance na talaga sa ganito.

Marami kasing klase ng cheating. Meron chat chat lang, meron nakikipag meet talaga and meron grabehan like having sex  and even having a child with another woman.

i think at the end of the day, it depends on the tolerance of the person and sa bigat ng cheating na ginawa.

also, depende din syempre kung gaano kagusto magbago ng isang tao na nanloko. Meron kasi na sila pa galit kapag nahuli at paulit ulit ang kalokohan na ginagawa.

NiceWife

  • Guest
xhien oo nman sis kung ginawa mo na lahat at nagloko paden pang iwan na talaga yun, atleast napatunayan mo na wala kang mali. Ang importante na sayo yung baby nyo at nagbibigay sya ng sustensto. Kasi I have a friend of mine na ever since na nabuntis sya hanggang ngayon parang walang pakialam yung lalake, ewan ko ba kung bakit may mga ganun na natitiis yung anak nila. Maswerte ka padin sis, hehe ang hirap kaya ng may asawa ka nga pero puro sakit ng ulo binibigay sayo.. :)

Sis izabelle Yes sis, ginawa ko yun para sa baby namin, pinilit kong hwag ungkatin lahat. Kasi kawork nya yung girl, shifting yung sched ko saka may tiwala ako sakanya kasi hindi naging issue samin yung babae nung mag jowa palang kami eh, kaya nung nangyare yun parang hindi ako makapaniwala na magagawa nya yun lalo na at kakapanganak ko palang... Pero pinilit kong kalimutan yun, unti unti naman dahil na din sa tulong din nya naging okay yung family namin. Pero kung may nangyare siguro sakanila at nagka anak nako goodbye na talaga. hehe

kim28

  • Guest
^ganyan situation ko now eversince nabuntis ako wala talagang support from him emotionally, physically and financially.  First time makita ng husband ko sa ultrasound si baby ng 5 months na pero di ko makitaan ng glow or something sa kanya. Kaya never na ako nagsabi kasi di rin naman sya interested sa kalagayan namin ng anak ko.

Dati sabi ko pag niloko ako iiwan ko dahil hindi naman worth it pa na ipagpatuloy ang relasyon pag ganun.  Pero nung ako na nasa situation na ganito eto sobrang daming chances na binigay sobrang daming effort na ginawa at the end ikaw pa rin nasasaktan.  Kasi gusto mo mabuo pamilya mo sino bang tao may gusto na separated ka di ba?

Kaya ayaw ko may makaranas nito kahit sino kasi sobrang hirap at sakit. Yung feeling na paulit ulit kang pinapatay sa sakit. Now nga natatakot ako na girl si baby kasi yung trauma sa nangyari feeling ko makakapatay ako ng tao pag ginawa un sa anak ko.  Kaya siguro ayaw pakita ni baby gender nya last check up kasi kasama ko tatay nyang walang kwenta or nagtatampo kasi girl sya (lagi ko kasing sinasabi sa mga tao na boy para may sasapak sa daddy nya).



kaiz

  • Guest
how did I move on? I don't know if I have totally moved on already. it's been a month pa lang. but i'm quite okay naman. nakak work pa rin ng maayos, nakaka beat pa rin ng deadlines and I go on days without talking about it. I think yan yung naka help saakin. kept talking about it with a friend for a week or two para mailabas yung nararamdaman ko. but to 3 intimate friends lang. after that, I stoppedtalking about and analyzing what happened. eh sa ganun eh..
and iniisip ko na lang, ganun talaga eh.. move on na lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close