Author Topic: After discovering that he cheated, how did u move on? ok pa kayo or hindi na?  (Read 182513 times)

heavensent

  • Guest
^^sis super hirap ng situation mo, i don't think i can handle that

just pray sis..

december

  • Guest
@sis engroselle, buti matapang ka, ako hindi.  wala din ako trabaho umaasa lang ako sa husband ko.  wala din akong alam na pwede kong pasakan na trabaho at mahihirapan din ako maghanap kasi 32 na ako.  18 plang ako nag-asawa, si husband na nagpa-aral sa akin at kahit college graduate ako di ako pinayagan mag-work kasi sobrang seloso nya. 

kung may sariling kita sana ako baka nung araw din nabuko ko sya baka linayasan ko na.  as in wala akong pera, may konting savings ako sa mga kinupit sa kanya pero napautang ko kasi s parents ko yung pera kasi walang-wala talaga ako.  iniisip ko din ang mga bata, di ko matutumbasan ang mga bagay na kayang ibigay ng husband ko sa kanila.  mas madali mag-desisyon kung wala pang anak.  ang dami ko kasing dapat i-consider.  ni wala nga akong pera para sa plane ticket pauwi samin. 

wala pa rin akong tulog hanggang ngayon, parang lumilitaw pa din utak ko, di ako makapag-isip ng tama.  buti nalang talaga may gt kasi wala akong ibang outlet kundi dito, wala akong kaibigan kasi bawal ako lumabas at bawal din ako makipag-kaibigan.  tinanggalan na nga ako ng pagkatao , niloko pa ako.  13 years tiniis ko ang sobrang paghihigpit nya sakin.  halaos lahat ng ayaw nya binago ko, ayaw nya ang style ng tawa ko, binago ko.  kung may picture ako sa fb na ayaw nya, dini-delete ko.  ayaw nya sa make-up ko, ini-erase ko.  ayaw nya amoy ng perfume ko, pinupunasan ko.  ayaw nya sa new rebonded hair ko, ay naku wala akong magawa kasi permanent na to. 

pano ko mapapahiya yung kabit sis eh ni di ko alam ang pangalan,di ko alam kung taga saan.  malakas kutob ko na baka ibinabahay sya ng husband ko kasi dati may nabasa ako sa text a month ago na na pero ibang number, sabi: "dito na ako sa bahay. dito ka ba kain mamaya, inform mo ako para maipaghanda kita" pinabasa ko din yan sa kanya sabi nya wrong send lang siguro yan, tapos tinawagan ko yung number na yon, di naman makontak.  ni hindi ako kinutuban noon pero ngayon malakas kutob ko na baka para sa husband ko talaga ang text na yun. 
« Last Edit: August 23, 2011, 02:08:08 pm by december »

december

  • Guest
may isa pa akong na-discover, may nakita akong receipt doon sa ofiice nya dated july 10 bumili sya ng blackberry, naka-pangalan sa husband ko ang receipt worth 24k, pero wala akong nakitang bagong bb, yung luma pa din gamit nya kaya i assumed na baka niregalo nya sa honey nya.  tinanong ko sya about this sabi nya wala daw, naprapraning lang daw ako kaya kung ano-ano na naiisip ko.  last week of july ko nakita ang receipt pero kagabi ko lang sya tinanong.  mali ako kasi di ko naitago ang receipt, ini-insist nya talaga na di sya bumili, pero nasa tamang katinuan naman ko nung nakita ko yung receipt.  ang masama nito baka hinuhothutan lang ng honey na yun ang husband ko.

engroselle

  • Guest
pareho tayo ng simula ng story. i'm 32 na din, 3 kids. we got married when i was 19. college grad ako pero pinayagan nya me work. ngayon lang me hindi work kasi nawalan ako ng gana sa buhay when i found out about his cheating. pero kahit maghiwalay kami, hindi ko hahayaan na maputol ang responsibilidad nya sa mga bata financially. may batas protecting them and the wives as well, lalo na at mapatunayan mo na may infidelity at baka concubinage pa nga kung binabahay na.

if seryoso ka, hire an investigator. they'll take pics for you. nagawa ko na din yan. kasi email add lang nung girl ang alam ko. yun lang naibigay ko sa agency pero nakakuha sila info.

try mo hack email add ng hubby mo. hindi magandang pakinggan, pero for a scorned wife, ano ba ang tama?... definitely meron kang makikita.

no need na magtiis. your family will be there to support you. hindi mo kailangang lumaban mag-isa. let your family know. lalo na't walang remorse from your hubby. pati mga bata niloloko nya.

samsung

  • Guest
how did i move on? - inayos ko yung sarili ko. Minahal ko yung sarili ko saka [textspeak!] mga tao sa paligid ko na alam ko mahal din ako.

ok pa kami? - kami pa ren, pero kapag dumadating yung time na kasama niya yung babae because of work ek ek, sobrang hindi ako nakakatulog sa gabi, kung [textspeak!] anung naiisip kong baka mag landian na naman sila :( ang hirap na ibalik yung buong trust sa kanya.

sabrinaganda

  • Guest
naiyak naman ako ng mabasa ko mga comment nyo sa thread na ito. kahit sobrang tagal na rin nangyari sa akin ito. bumalik na naman mga naramdaman ko dati. grabe. ayaw ko ng balikan.

justin3

  • Guest
sis december, you should make a new thread of your own. "how did..." ang thread na to eh, yung sa yo kasalukuyang nangyayari eh. :)

ikaw yung Army officer wife na tinutukan ng 45 si hubby before, right?
wag mo nang gawin yon ha? baka makialam si Taning at makalabit mo na. :)

i don't want to get into details how and why, but reading your posts alone, confirmed nga na may kulasisi si hubby. ang mali mo lang, you confronted him too early kaya ayan, wala kang concrete evidence(s) na pwede i-present sa PM o sa IG. pumunta ka man dun para ireklamo si hubby, pagtawanan ka lang pagtalikod mo. sabihing napapraning ka nga lang o kulang sa Army dozen.

recidivist na yang hubby mo, mahirap nang ituwid yan.
wala kang income? then file for Class "E" Allotment. ubusin mo lahat sa payslip nya, iwan mo lang SA nya. yon nga lang, lugi ka kung ang dami nyang existing loans. (better get hold of his payslip muna at pag-aralan mo)
dito ka lang ba NCR? HPA?

never ever file an immorality case against him kahit natunton mo na ang kabit nya. if his rank is O-5 - below, expendable sya sa AFP, discharge kaagad sya. talo si kabit, talo si hubby, talo kayo ng kids mo. mag-usap kayo regarding Class E. dapat mag-agree kayo nyan kung magkano eh. sort of sweet blackmail na rin sa kanya yan. Class E o dishonorable discharge lang yan.

fair na yang SA lang maiwan sa kanya. kung palamunin ang kabit, problema nya na yan. bahala sya pakialaman nya MOE ng office nila kung gusto nya. ;D

NOTE: kung natunton mo si kabit, wag na wag kang mag-iskandalo sa loob ng kampo kung taga loob rin sya.

heavensent

  • Guest
@december - the way that girl texts your husband parang P*kP*k sa kanto sis and i think pera nga lang ng hubby mo ang habol nya..

its very hard to be in your situation sis and I can understand kung bakit hindi mo kaagad magawa hiwalayan sya, iba na kasi pag may mga batang dapat isipin

i'll pray for you sis, hope everything gets better soon

december

  • Guest
@sis justin, thanks sa idea.  ncr kami sis.  basta mga ganitong sitwasyon dinadala na nya mga baril sa office nila.  oo nga sis eh yun ang pagkakamali ko, hindi muna ako nag-imbestiga di ko tuloy nalaman kung sino yung pokpok na yun.  kung may matibay sana akong ebidensya pwede ko syang ipatanggal sa trabaho pero wala eh.  may dalawa syang business, nakapangalan sakin to avoid conflict interest sa work nya pero sya nagpapagalaw nito.  ano kayang move na gagawin ko kung sakaling makikipaghiwalay ako, kasi di naman talaga sahod nya bumubuhay samin kundi yung mga negosyo nya.  hindi naman sya madamot, pag meron akong gustong bilhing luho nagbibigay kaagad for as long as talagang gamitin ko yung pera. 

@sis heavensent, thanks.  extra lambing si hubby sa akin pero di pa din ako ok, 3rd time na ito pero di ako sigurado baka pang-10th na din, di ko lang nahuli siguro. 5 days na mula nung nabuko ko sya, 5lbs nawala sakin, kulang ako sa tulog at wala akong gana kumain.  sana nga maging ok na ako, hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko. 
« Last Edit: August 24, 2011, 12:49:32 pm by december »

heavensent

  • Guest
^in time sis magiging ok din lahat for sure

justin3

  • Guest
^^you confronted him kaagad kasi eh. gayong alam mo na, mag-iingat na yan magtago ng ebidensya.
makipaghiwalay? what do you exactly mean? physically out of his sight? legal separation? o annulment of marriage?

now that confirmed mo na ang extra curricular activities ni hubby, ano ba talaga plans mo para makapag move on?
i understand, gulong-gulo ang isip mo ngayon, basta, just promise that you won't resort into doing anything violent.

if one day you feel like going to HPA yet you don't know exactly where to go or who to talk to, just PM me, i still know some people thereat. ;)

justin3

  • Guest
^di ka na ata natutulog sis ah.

out of sight lang? then leave with your kids, or let him leave your abode. eh, ano ang panggastos mo? san ka kukuha?
tama, wag pa-annul ang kasal. kahit may divorce law na sa Pilipinas, wag mag divorce. how happy he would be pag nagkataon.

are you still hoping ba to save your marriage? sa tingin mo magbabago pa sya, ganung 1998 pa lang may naaamoy ka nang usok?
if so, matinding marriage counseling kailangan nyo. ayaw nya? puntahan mo immediate CO nya. nahihiya ka? kausaping mo at patulong ka kay Mrs Ortiz. :)

basta, just PM me if you feel like visiting HPA. bigay ko contact number ng E.Woman who would lead you sa mga tamang tao na dapat kausapin at sa mga offices na dapat puntahan.

december

  • Guest
di ako makatulog, ang dami kong iniisip, nagsi-self pity ako, ako ang wife pero bakit ako ang nagsa-suffer sa mga kalokohan nila.  magto-2am na wala pa ang magaling kong asawa, tinawagan ko sya ngayon lang, pauwi na daw, kadalasan yun ang sinasabi nya pauwi na pero hindi naman pala uuwi. 

hoping pa rin sis para sa mga bata at ayaw ko ng broken family.  hanggat sa kaya ko pa titiisin ko.  pero ang magbago sya, yan ang di ko alam kasi ngayon ngang may ilalaban pa ako naghahanap na ng iba eh what more pa kaya kung mangulubot na ako. 

parang nakakahiya din lumapit sa mga co nila kasi sabi parang naiinis pa daw at pinapagalitan daw pag may nagrereklamong asawa at ang tingin nila sa mga sumbungerang asawa may tuliling daw.  mas pinapanigan daw nila yung sundalo kesa sa wife at sabi pa nya na meron na daw batas sa afp ngayon na wala na daw karapatan ang wife sa pera ng sundalo, di daw tulad dati na basta-basta nalang magde-demand ang mga asawa.  kung sino daw ang nagpagod sya daw may karapatan sa sahod at kahit sa retirement daw nila di na daw pwede ngayon yung ang wife ang kukuha o hihinge ng share, yung nag-retire lang daw ang may karapatan kung kanino o kung sino bibigyan nya.  di ko alam kung maniniwala ako o hindi, basta naka-ilang ulit nya na ito nabanggit sa akin.  o baka pinaparinggan nya lang ako.

sayo talaga ako magtatanong sis, in case di ko na talaga kaya mga kalandian nya sa labas. 

smoothie

  • Guest
hi sis,
may mahahabol ka pa ba sa asawa mo? baka naman panay baon na rin siya sa utang?


december

  • Guest
@sis smoothie, meron akong mahahabol sis meron kasi syang dalawa pang business, naka-pangalan sa akin para walang conflict of interest pero sya nagpapagalaw nito.  yung sahod nya dun napupunta sa highschool & colege educational plan para sa mga bata.   yung sa sahod nya sigurado ako may mahahabol ako pero yung sa dalawa nyang business na naka-registered sa akin ano kaya gawin ko para mapwersa sya na bigyan nya ako ng share nito? 

hindi ko na alam paano mag-move.  di ko pa rin sya kayang patawarin at lalong hindi ko makakalimutan.  napaka-bitter ko, parang ayaw ko na ng ganito (sino ba may gusto?)  nag-iipon lang ako ng lakas ng loob at konting sundot nalang talaga tatatapusin ko na talaga ito

smiley327

  • Guest
sis december naiyak ako sa story mo..kung ako din nasa sitwasyon mo hindi ko rin alam pano ihahandle yan...basta sis pray lang. wag kang susuko. ikaw ang legal wife. ikaw ang niloko kaya hindi dapat ikaw ang naaagrabyado. don't let them get away with it. lumaban ka para sa mga anak mo.

we'll pray for you sis. God bless.

chrisane

  • Guest
WHAT I DID, AFTER DISCOVERING THE BETRAYAL:
 I left my in-laws house and got my own place together with my kid..although nauna cia umalis ng bahay...and never nia pinaalam until now kung san cia nakatira..

WHAT DID I DO TO MOVE ON?
Trying to move on..not totally pa..mine is still fresh..9 months pa lang..and we are together for 11 years..

IS OUR RELATIONSHIP STILL OKAY?
Civil..he calls/text kung ok ako..ako..one liner na sagot lang..oo..or hindi...i don't ask him kung ano ginagawa nia or kung ano pinagkakaabalahan nia...if he ask about our kid..sinasagot ko...

DO I STILL FEEL THE PAIN?
Sobra...masakit pa din up to now...i never saw it coming...alam mo yung 11 years of your life na magkasama kayo (7 years as GF-BF then 4 years married) and no major arguements until one day naguluhan cia and asked for SPACE..tas yun na..it goes all down to the drain..and later on ..malaman ko na pinagpalit ka sa isang babae na 2 anak..sa magkaibang lalake...ganun...tas mababalitaan mo pa na they don't care kung sino makakita sa kanila in public places...pinili nia ang magulong buhay...or i guess minahal na nia yung girl para ipagpalit kame.

DO I STILL TRUST HIM?
Trust is something to be worked for...gaya ng respect it should be earned.

DO I THINK HE IS WITH SOMEONE ELSE NOW OR THAT EX KABIT?
I think they are still together..kahit lage nia sinasabe na hindi sila...no commitment pero yung ginagawa nila is gawain ng couples.

SHARE MY THOUGHTS ON ALL THIS...
Acceptance..masakit kung sa masakit..lalo na kung di mo akalain na gagawin syo...pero you have to fight...mahirap mapag iwanan..sooner or later lahat ng tao..nakapag move on na..and you don't want to be stuck with that situation na ikaw na lang ang hindi nakaka move on.

Kung may pagkukulang man tyo or pagkakamali..it is not  enough to betray our trust...at kung ganun man...sobrang napagbayaran na natin yun sa sakit na pinaramdam nila.

PRAY...i'm not religious..i don't go to mass very often pero i know na everything happens for a reason...i always ask for strength to accept this situation kase may daughter ako who draws strength from me.

Take it one day at a time..you don't have to rush yourself..this too shall pass :-)

^nice said sis.. sanamakayanan ko din umalis and mag move on..

justin3

  • Guest
december - kakahiya nga yang pumunta ka ng office nya at mag drama sa CO. bago ka lumabas ng office ni CO, alam na ng lahat ng tao sa office ang kwento mo.
lapitan mo si CG's wife. may OLC naman kayo, right? isang bulong lang ni madame kay Art nyan, orderan kaagad si hubby mo mag comply para magpa counseling kayo.

as for his salary. anong walang karapatan? kino-condition ka lang nun. sorry, but he is simply making a dumb out of you. eh 2 ang minor dependents nyo, ano yon, gugutumin nya? may copy ka ba ng latest payslip nya? how much EOM pay natatanggap nya? dapat minimum 7k lang maiwan sa kanya, 2.7k na SA at buffer na 4k. sipsipin mo lahat ng kita nya thru Class E.

ayaw nya? nagmamatigas? then tablahan na lang kayo, pa discharge mo. patiktikan mo muna. take the name and address of the mistress, take some pix and present it to the Provost Marshall o sa Inspector General. after a month e-ESB na yan sya. di nya na abutin ang Christmas bonus. ;D

madaling araw na umuuwi? madalas di umuuwi kesyo may trabaho daw? helloooooooooooooooo! since 2004, nagko-close shop na mga offices sa HPA at 1700H oy. wala nang natutulog na duty sa offices. pag mag OT magpaalam pa kayo sa OD.  why, assigned ba sya sa OG3? sa intel? ano ka, natutulog rin ang kalaban oy, at ang mga officers di nagbababad sa labas yan para mag stake-out/surveillance. palusot nga bulok pa.
kaya bilangin mo how often di sya umuuwi, chances are, nasa kabilang bahay sya o natulog sa motmot.

Quote
nag-iipon lang ako ng lakas ng loob at konting sundot nalang talaga tatatapusin ko na talaga ito
what do you exactly mean by this? i hope it's not something violent.

Quote
hoping pa rin sis para sa mga bata at ayaw ko ng broken family
i'm sorry to tell you sis, but umpisa nung nangabilang-bahay na sya, broken family na kayo. :(

sa ngayon, para umpisa ka na makapag move-on, advice kita na i-ACCEPT mo na na may kabit si hubby. wag na mag alinlangan kesyo di mo pa nakita si kabit. yon na yon. tama ang hinala mo.
baka naman maniwala ka pa pag sinabi nyang "asset daw" si kabit at ginugoodtime nya lang para mahuli ang kalaban ha? sauce!

1 - magpa-byuti ka. shed off another 5 pounds.
2 - gumawa ka ng Resume
3 - as you log-in dito sa GT, you might as well search for job openings na angkop sa course mo.
(wag kang maging plain housewife lang. dumiskarte ka. si Mrs Ligot nga nagpa 5-6 sa mga sundalo eh)
4 - listen to classical music para cool ka palagi
5 - learn how he manages his businesses, the INs and OUTs of it
6 - mangupit ka sa kinikita nya to the max while concocting your evil plans ;D
7 - abstain from having sex with him. pag di maiwasan, let him use the rubber (not for you to take contraceptives ha?) sige ka, pag may STD ang kabit, baka mahawaan ka pa at ikaw pa mapagbintangang nagtataksil. ;) at malay mo ba kung si kabit lang? baka suma-sideline pa sya sa Gate 3 o sa C-5. ;D

as you religiously follow steps 1-5, learn to FORGIVE. mahirap man gawin, pilitin mo. promise, gagaan pakiramdam mo.

andi_mom

  • Guest
sis december, im sorry to hear about your story. sumakit talaga dibdib ko reading it. inis na inis ako sa hubby mo at kabit niya. buti na lang may girltalk, at least naillalabas mo yung hinanakit mo at may outlet ka. baka mabaliw ka na diyan kung wala kang outlet. i hope you'll have your peace of mind soon. sana malaman mo na din kung ano talaga magiging decision mo.

december

  • Guest
sis justin3, di ko lam kung pano kita papasalamatan ang dami ko napupulot sayo.  nakakabilib ka talaga sis ;)

yung sabi kong tatapusin sis, yung relasyon hehe nothing violent sis baka ako pa ang makulong.  oo nga sis parang broken na rin kami kasi wala na din yung trust ko sa kanya pero atleast naman nakikita pa sya ng mga anak namin. 

ahahaha sis ang talino mo talaga, kasi minsan nahuli ko sa text na nagti-take care at mwuah mwuah pa sa kanya, sabi ng malandi kung asawa wala daw yun para maka-penetrate daw sila sa target nila.  sabi ko nga dapat sa mga tauhan na ng intel yan o sa mga agent kasi.  pero di naging issue masyado sa akin iyon, si t**** at si uto-uto kasi ako.  minsan sabi nya di sya uuwi kasi  sasama daw sya mag-surveillance, maniwala man ako o sa hindi wala din naman ako magagawa kung ayaw nya talaga umuwi.  wala n talaga akong magagawa para magbago sya kaysa i-accept ko nalang na malas ko at napangasawa ako ng malokong lalaki.

yes sis yun talaga ginagawa ko nangungupit ako, malaki-laki na din nakupit ko kaya lang napa-utang ko yun sa parants ko. 

@sis andi_mon, thanks.  o yes sis laki talaga tulong ng gt at ng mga sisses natin dito.  atleast ngayon medyo ok na ako ngayon, sabi nga ni sis justin accept ko nalang  na may kabit talaga si hubby kahit di man nya aminin sa akin.  sa mga bata nalang ako magfo-focus, parang natauhan kasi ako nung isinugod namin si bunso sa hospital nung thursday (taas ng lagnat nagkaroon sya ng viral infection, kakalabas lang namin kanina) kasi parang di ko masyado sila naalagaan simula nung na-discover ko na may kulasisi si hubby kasi ilang days din lutang utak ko.

 simula ngayon di ko na iindintdihin extra curricular activities ng husband ko kasi kahit ano man ang gawin ko kung gusto talaga nyang magloko, wala din naman ako magagawa.  sa mga bata ko nalang itutuon attention ko kasi mas importante sila sa akin (kahit di sila galing sa tummy ko) kesa sa husband ko.  for as long as di nya ilalagay sa alanganin mga gastusin dito sa bahay.  in fairness kay hubby naman, spoiler sya sa amin at kahit sa mga luho ko kaso di lang talaga sya nagbibigay ng cas\h sa akin naitatambay ko lang sa palad ko.  siguro ayaw nya na ako hahawak ng pera baka magkalakas ako ng loob na sya.   yun ang sabi nya dati eh na ang mga babae daw na may kinikita o may pera malakas daw ang loob mang-iwan.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close