It’s been a while since I made my last post here. Medyo naging busy. We moved to a new house kasi. This time, it’s our own house na. we used to live with my in-laws…
I could say that I am happy. New house, living independently, freedom kasi kami lang talaga sa house (mahirap makisama,e… ;p), my own house rules, hindi mahirap gumalaw, controlled yung house bills, the works talaga.

But sometimes, sumasagi sa isip ko yung anak nya dun sa kabila. And everything that he did to me. Why is it that parang hindi ako makamove on? Yung sakit, parang kahapon lang? parang may switch na pag wala akong ginagawa, yun ang pumapasok sa isip ko. Na niloko ako…
In fairness kay hubby, matino na sya. Nasa oras ang uwi at palaging nagtetext. Takot din kasi sya sa pwede kong gawin. At ayaw nyang magkahiwahiwalay kami. The girl doesn’t demand anything. Ayaw nya ng gulo pa. kaya naman nya suportahan ang kid…the girl did not know na married na si hubby...
What keeps bugging me is yung mga days na alam kong sila ang magkasama dati… I made a moviemaker presentation for him, 3 xmasses yata ago. I browsed thru his laptop to find more pics of him… I got one na isinama ko sa presentation… only to find out later that it was taken sa girl’s house…
Hindi ako galit sa kanya, pero galit ako sa mga ginawa nya sa akin… is that really possible? Naguguluhan nako. I cant talk to him about this kasi wala ring nangyayari… we’re coming from different ends,e. nag-uungkatan lang daw kami ng nakaraan…
How do I move on? Mahirap kasi tanggapin ang nangyari kasi may anak sila… she has a hold on my husband… yes, he’s with me pero he left a big part of him with her… pinagkaiba lang namin, kasal kami, sila hindi…
i've read na you should focus on the things that you have, than on what you have lost... pero ang hirap,e... how?
di ko alam san magsisimula... o kung kaya ko ba talaga tanggapin ang mga nagyari...
i need help...
