watch now

Author Topic: Singapore Mommies (part 9)  (Read 85961 times)

icee_star

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #180 on: March 31, 2011, 10:39:45 pm »
Kaye, haha korekek ka dyan, ang daming enrichment classes kulang sa pera. Sa time marami kami niyan haha kaya lang baka sobrang ma-stress naman ang bata so one at a time lang muna.

Interested ako sa b.c kasi hindi naman talaga kami inglesero sa bahay. Sa ngayon matatas pa rin sa tagalog si J at pure tagalog ang conversation namin. Ayoko na kasi i-stress ang sarili kong mag-english pa! Hehe. Buti nga at natututong makipagsabayan pag nasa school according kasi sa teacher, madaldal naman siya at nakikipag-participate, so di na rin ako worried masyado. Gusto ko lang maging articulate at tama ang diction kaya gusto ko talaga siya ipasok dun. Mahilig na rin siya sa cartoons kaya natutuwa din ako pag nakiki-sing along siya sa mga english songs. Dati kasi puro teleserye songs ang alam niyang kantahin eh. :D

Ang galing naman ate ela, martial arts, magandang matutunan din yan. Kaso hilig ni J magsayaw kaya ita-try namin ballet. Gymnastics sana nung una kaso parang di naman ako nagandahan nung nagtrial kami sa MyGym. Swimming naman, nag-attempt kami dati kaso takot pa siya sa tao nun kaya iyak ng iyak pag lesson na. ayun tinigil ko muna at nagka-skin asthma din siya kaya iwas swimming din. nakakadry ng balat eh.

Re: berries naman, medyo namahalan nga ako pero maganda naman daw talaga. Sulit siguro ibabayad mo. Pero other option ko is tutor lang pagka di talaga carry. Pansin ko rin medyo di pa rin interesado si J sa Mandarin kasi wala nga naman makapagturo sa kanya dito sa bahay kaya sa school lang siguro siya exposed. Pero need talaga lalo pa at may subject silang MT diba? So kailangan matutunan din talaga.

Napadaldal na naman ako :p
« Last Edit: March 31, 2011, 10:42:45 pm by icee_star »

kayesl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #181 on: April 01, 2011, 10:42:10 am »
@pau: marami talagang time kung ipipilit. pero pagod at over-enrichment naman bata. hehe
ang galing nga ni J magaling mag-tagalog. si ela super olats, may twang pa. LOL.  anong tinuturo sa B.C.?  di nyo gusto i-try reading classes na lang?  angmo naman nagtuturo like sa i can read.
mahilig lang si ela mag-flying kick. ayaw ko sana pa-martial arts pero gusto ni robert so pagbigyan. hehe.
i've also read good reviews on berries. pero di ko pa talaga gusto i-mandarin class si ela. im hoping pa muna na mapa-exempt ko sya sa MT sa P1. kung hindi, tsaka na lang kami mag-mandarin class for her. sa ngayon kasi di talaga sya interested. mas gusto din namin ni hubby na ma-master muna nya yung english language bago kami mag-introduce ng formal MT.  balitaan mo ako kung maganda sa location na enroll-an nyo ha :)

icee_star

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #182 on: April 01, 2011, 10:52:34 am »
Talaga? Pwede i-exempt ang bata sa subject na MT? Akala ko kasi part talaga ng curriculum yun. Pano gagawin dun Kaye? Para mapa-exempt ko din si J if ever. Haha.

So if ever granted yun, totally di na kasama sa pag-aaral nila yung MT? All throughout primary yun or P1 lang?

yapeegurl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #183 on: April 01, 2011, 11:15:25 am »
Ate kaye, magkano kuha nyo per night? problema ko din yang mandarin class.. ok din sana na marunong sya mag mandarin.. ang problema ko lang maacquire nya thru friends ang accent..

RE: kabilang thread, nakaka relate relate naman ako kahit papano.. may mga topics naman dun na karelate relate aketch..

Pau, ang ate ko din sa US hindi ingglisera.. striving ang english pero ang anak nya na 7yrs old this April parang amerikana na magsalita.. pag nakapikit ka di mo mapapansin na asian pala kausap mo.. so dont worry about J.. she'll get by kasi malakas influence ng school and peers.

RE: Preschool magazine, makabili nga mamaya.. cacareer-in ko ito.. haha..

I need to know pano maexempt sa mandarin at personal teacher na lang punta sa house..

kayesl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #184 on: April 01, 2011, 12:13:16 pm »
grabe meron pa akong almost 2yrs bago mag-P1 pero mega research na ako about primary school.  at syempre natutunan ko din sa mga ka-chikahan kong pinoy sa dating school ni ela.

at the P1 orientation, pede kang humingi sa school ng letter/application for MT exemption.  then submit it to MOE.  then wait for the approval (or rejection) from MOE.  pero sabi nung isang mom, sa school ng anak nya walang binibigay na application sa P1.  but dont worry, you still have until P4 to apply for MT exemption.  madami ang nag-a-apply (meron nga ding ilang locals) para hindi mahila ang grade ng bata pagdating PSLE.  madami kasi talagang bata na struggling sa MT - kahit mga locals. kasi nga hindi naman ginagamit sa bahay.  pero marami din naman foreigners na nakaka-survive sa MT at matataas pa nga ang grade sa MT. 
pero kung ma-approve ka na exempted from MT, kailangan pa din mag-enroll ng bata sa ibang language school.  yon ang condition ng MOE. you would say, bakit pa magpa-exempt eh kukuha din naman ng iba pang language.  we would like them to be exempted para hindi kasama sa calculation ng grades ang MT.  nakakahila kasi pababa ng average kung lagpak sa MT.  yung other language class naman, kailangan lang ipasa ng bata.
kaya hindi pa ako masyadong OC sa Mandarin ni Ela. kasi may option pa naman na ma-exempt sya sa MT.  kung hindi ma-exempt, sa P1 na lang kami mag-enrichment sa Mandarin.  hindi pa naman sya huli kasi sa P1, wala nang parang final exams (yey!).  so ok lang na medyo nangangapa pa sya sa MT.  :)
ang MT exemption, case by case basis. may mga nagsasabi na mahirap maka-exempt kung PR (syempre lalo na kung local).  may nagsasabi na madali lang kung dep pass/student pass ang bata (kahit pa dito nag-preschool).  iba-iba daw eh... pero may mga kilala na akong PR ang bata pero napa-exempt sa MT.  :)
tapos kung ma-exempt sa MT, buong primary years na nya yon.  panibagong apply na lang sa secondary  :)

re:MBS
total $300 ($255 yung rate + TAX) ang binayaran namin for overnight stay.  nakigamit kasi ako ng friends/family discount ng pinsan ko na nag-work sa MBS.

re:singlish accent
dont worry kasi kaya nating i-correct ang accent nila habang bata pa. basta pag narinig nyong singlish, i-correct nyo na kagad.  syempre importante din na hindi tayo singlish magsalita pag kausap natin sila. hehe.  im saying this kasi meron talaga akong naririnig na ibang pinoy na singlish din accent pag kausap mga bata.  ang awkward!!
meron din akong friend na around P3 at P2 na anak nila dito. pag kausap namin bata, maganda ang accent, hindi singlish. pero sabi ng magulang, pag kausap mga kaibigan nila from school, ang lutong ng singlish accent. hehe.

re:preschool magazine
bili kayo nito. i highly recommend it. para din may idea kayo kung paano ang preschool dito sa SG. may articles din sila about enrichment classes.  meron ding ilang advertisements from schools.  meron ding list of schools sa likod.  dun ko lang nakita yung iba pa palang malalapit na school dito sa amin na hindi ko mahanap sa internet.  :)

yapeegurl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #185 on: April 01, 2011, 12:26:34 pm »
Ate kaye, ganon pala yun.. pero idedeclare ba kaya ang reason for the exemption request?

Ang mura nga ate kaye ng MBS nyo! nung nag check kami for New Year (well kasi holiday rate kaya ang taas) ay $700.. kaya Mandarin ang beauty namin nun..

ang bilis ng panahon.. april na! april 22 pala is a holiday ano? Good friday.. nakakaasar nga hindi ako nakapunta nung ash wednesday... fasting na lang pag friday..

nakaka miss ang prusisyon sa pinas.. active kami noon dun.. and yung bisita iglesia.. tama ba term ko?

Napanood nyo ba ang EVERY SINGAPOREAN SON? sayang we missed it.. gusto ko pa man din mapanood un..

kayesl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #186 on: April 01, 2011, 12:44:25 pm »
kenis nakalimutan nga din namin yung EVERY SINGAPOREAN SON. pero naka-record na starting ep3&4. hanap na lang kami online nung first 2 episodes.

syempre kailangan i-declare yung reason kung bakit pa-exempt ng MT. kung nasa primary na, syempre dahil bumababa ang grades.  kung mag-P1 pa lang, pede ilagay na hindi yon ang MT sa bahay and would opt for other foreign language.  pagandahan din siguro ng wording sa reason. LOL  :P

kung hindi lang may discount, di kami mag-checkin doon. aabutin din kasi ng $500 kasama na tax at SC.  mas na-enjoy pa nga namin yung Rasa Sentosa.  pero next naman siguro RWS hotel. ;)

yup, apr22 is good friday.  May2 is ho,liday in lieu of May1 na Sunday.  tapos May17 Vesak day (Tue). bakasyon galore!!!  :)
may mga nagbi-bisita iglesia din dito. madami namang Catholic Churches dito sa SG.  pero nagpu-prusisyon din kami nung bata pa kami sa probinsya.  at nagiilaw sa mga nagsasagala. ehhehe


kayesl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #187 on: April 01, 2011, 12:54:14 pm »
hindi talaga obvious na ako taong-bahay dito.  :P
sensya na, medyo bored lang sa bago kong schedule.  i should instead be working out on wii/treadmill pero nakababad na naman sa internet. hay...  ka-bore itong schedule ko ngayon. katamad naman lumabas kasi gastos! nakaka-tempt ang shopping.  napapa-isip tuloy akong mag-enroll sa fitness first sa tampines...

may naka-try na ba sa inyo ng PhotoBook Singapore  OR  Snapfish?  gusto ko sana gumawa ng photobooks ni ela.  ang dami-dami naming pictures dito, lahat nasa HDD lang.  wala pa akong nagagawang album ni ela.  kahit yung 1st year nya.  since marami naman na akong oras habang nasa school sya, eh yun na lang pagka-abalahan ko.  parang mas mura ang snapfish pero ok naman kaya ang quality?  may iba pa kayong na-try na photobook shop?

yapeegurl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #188 on: April 01, 2011, 12:56:12 pm »
4 episodes ba yan ate? hihiram na lang ako sayo ng copy..

Si petrang kabayo nga di ko pa nahihiram kay lhans..

Mas ok ata ilagay ko na di namin ginagamit sa bahay :D kasi sayang din yun kung makaka pull down ng grades pero kung hindi naman, ok na din..

Oo nga ano? Meron pala May1 na holiday! woohoo! plus 1 day leave namin yun kasi it falls on a sunday :D

Isa pa yun.. yung sagala! kakamiss :D 1st week of June pa uwi namin kaya di ko maabutan..

icee_star

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #189 on: April 02, 2011, 07:53:09 am »
Kaye, super thanks! Ganun pala yun. Naku sana nga ma-exempt mga kids natin para di masyadong stressful. (Yun eh kung andito pa kami sa SG during her Primary years)..

Mukang maganda din dun sa I can Read ah, never heard or read about it kasi before. San ba banda yun? Mas prefer ko kasi malapit lang sa bahay para di kami tamarin puntahan eh.

Pia, yes nakakamiss ang Pinas ng mga ganitong months. Lalo na sa yung mga summer outing ng mga pinagtrabahuhan ko before. Dito kasi d naman uso.

yapeegurl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #190 on: April 02, 2011, 11:12:31 am »
Ang corny nga ng mga company outing dito.. sentosa na lang lagi.. sina bong sa Pula Ubin nag outing last time.. generally kasi ang KJ nila.. walang TEAM TEAM! puro "I" na lang sila.. hahaha.. makasarili amp! lol

icee_star

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #191 on: April 02, 2011, 11:23:17 am »
Naku P, buti nga sila may mga ganong ek-ek, at may mga dinner and dance. sa office namin, puro work! Hehe.

Pero in fairness may family day din naman kami. :D

keiji

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #192 on: April 04, 2011, 10:25:51 am »
Okay sana ang Mandarin kung kaya ng bata kasi mapapakinabangan din naman nya yun lalo na kung
dito talaga sya sa Sg magse-stay for a long time. I know some people na na exempted sa MT also.
Nihongo ang pinili na FL. Yung iba Malay ang MT kasi mas madali at hawig sa language natin.

I started early din sa pag research noon ng mga enrichment classes na yan. Nakakatuwa kasi parang your child can be anything he/she wants kasi andyan na halos lahat ata. Ang problema na lang
ay time, money, at readiness/willingness ng bata, pati na rin ng parents. I'm thinking of sending Kimmi to MyGym sa once a week class nila. Nag-e-enjoy sya sa 'trial' namin sa bahay thru youtube kaya mukhang pwede na sya. Si Reeze naman I'm thinking swimming lesson para lumakas ang katawan pero tingnan pa namin kung ready na sya. Or else next year na pag nakalipat na kami ng bahay.

Buti nga meron ng enrichment class sa [textspeak!]. More options for us. Sabi ng trainor sa Business English training sa office non, Lorna Whiston ang recommended nya na school for English enrichment. I checked
LW, baka okay nga kasi they only hire teachers na English ang first language. Mukhang okay kaso ang layo sa min.

@kaye, sabi n mama ko mukhang marami daw umalis sa Bethesda. Sa class kasi nina Reeze may mga nawalang pinoy classmates sya. Akala nga si R eh nag-withdraw din kasi 1 week na hindi nakapasok nung 2nd term.




keiji

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #193 on: April 04, 2011, 10:28:53 am »
I'm referring to British Council above. Na textspeak ang abbrev ko.

kayesl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #194 on: April 04, 2011, 11:10:50 am »
re:EVERY SINGAPOREAN SON
mukhang every week ito na 2 episodes. di ko lang alam kung kelan matatapos. di pa namin napapanood yung ni-record nung weekend.

kung nasa pinas lang kami, marami nang nasalihang sagala si ela sa probinsya. dun mas uso eh. sa home town ng mom ko, every street may sari-sariling pyesta. hehe.  last year nga, gusto ng mom ko na maaga kaming umuwi for june holidays kasi isasali nga si ela na angel sa flores de mayo sa simbahan. CFC kasi parents ko, active na sa simbahan. hehe. eh di naman pedeng earlier than June1 ang uwi namin. wawa naman si robert, di makaka-celebrate ng bday ni ela.

ginagamitan ko na ng "The Secret" yang MT sa P1 ni ela. gusto ko talaga ma-exempt sya. para less stress din sa amin.  kasi ang hihirap na din ng mga pinag-aaralan ng mga bata dito. parang primary nila pinag-aralan, late high school ko na nalaman. parang ganun! hay...

nakita ko yung sa British Council. ang mahalia din pala nya!  ano yung $1.3K per year naman na yon di ba?  parang ganyan din kasi sa MindChamps reading program.  isang bagsakan din ang bayad. kaya sa June na lang si Ela mag-reading class. hehe. at kung ganyan na english ang pag-aaralan, gusto ko AngMo ang nagtuturo. kahit pa sabihing magaling sa english yung local, may singlish accent pa din yon.
may I Can Read sa EastPoint, WhiteSands at bago sa CPF Tampines.  sa kanila naman, per term ang bayad.  sa nakita kong flyer sa Kovan, parang $450 per term.  pede na... sa Kovan maraming foreigner na teacher. sa WhiteSands kasi konti lang.  dunno sa tampi, di ko pa napupuntahan.

@princes: naku madami na din bang umalis sa Bethesda?  wala naman ako sinabihan noon about sa pag-alis namin. hehe. kahit nga yung mga kak-chikahan ko, last week na ng school nung sabihin namin na di na tutuloy si ela.  ayoko naman mag-mass exodus. hehe.  baka yung sinasabi ni Lola si Nash. yung cutie pinoy boy sa class nina R.  di na talaga yata mag-2nd term yon kasi lilipat na daw sila sa Seranggoon...
try mo din pa-attend si Kimmi ng 1x/wk na classes like MyGym, Gymboree, Tumble Tots. para lang masanay sa mga tao at sa ibang bata. wala naman talaga sila ibang gagawin don na di kayang gawin sa bahay.  pero yung main target is socialization.  ;)
lilipat din kayo haus? ok naman ang location nyo ah. malapit na nga sa bago nyong office. gusto ko din dyan sa Changi Court eh. sayang nga yung tiningnan ko 2yrs ago. 2br lang kasi at kasama pa namin noon dapat yung SIL ko. tapos aalis din naman pala sila... ayung naabutan na kami ng taas ng rent  :(

mamya mag-post ako ng activities for Easter.  ang alam ko pa lang dito sa downtown east at sa RWS. maghahanap pa ako ng iba pa.
rarampa muna ako. babush!


yapeegurl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #195 on: April 04, 2011, 12:22:44 pm »
Nakaka miss ang tele nobelang post mo mami kaye! it's been a while since last na nabuhay itong thread na ito.. hahaha

Grabe kahapon galing kami sa bahay ng barkada ni bong. Ang wife nya nagtatrabaho sa P&G.. sagot ng company ang tuition fee ng anak nila plus miscellaneous fees.. According to her, sa Canadian International School kasi sila, around 30k annual daw ang mailalabas kung sila mag shoulder.. gollywow! ang laki!! 4yrs old baby nila.. baby girl.. pero talagang english accent.. ang ganda ng english.. mahal daw ang food sa school.. yung maliit na juice is $2.. pero coupon ang hawak ng mga bata at hindi money.

Ang swerteng bata nun.. I really pray hard maigapang namin si kyle sa ganon.

satumom

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #196 on: April 04, 2011, 12:42:57 pm »
hello po, napadaan lang at nakikibasa, di ako masyado maka-relate sa kwentuhan pero gusto ko lang ma-update kahit papano sa buhay dyan :)  na-miss ko na 'tong thread na 'to, dati di ka makakahabol ng chikahan. 

icee_star

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #197 on: April 04, 2011, 12:54:31 pm »
Nung tinanong ko yung sa British Council mga English teachers daw talaga ang nandon. Mga taga-UK. Pag napasyalan ko, confirm ko din. Bisitahin ko din yang I can Read.

Kaye, yung 1300 20 sessions na yun. So parang 2 terms ang covered niya. 1.5 hours per class.

In-enroll ko na si J sa crestar. Pinalipat ko ng weekday ang class niya kasi yung Saturday class eh existing na before so may mga naituro na last term. Etong class niya ngayon every Thursday naman ng gabi. 192sgd/11 sessions. Mahal ng uniporme, jusmio! 60sgd.

Yaps, swerte nga. Kaming mag-asawa di kakayanin yan ganyan kamahal kahit magtumbling pa kami lol! Swerte nila at shoulder ng company.

yapeegurl

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #198 on: April 04, 2011, 12:56:57 pm »
Oo nga ate.. haha naging ghost town itey! kahit papano may paisa isa pa din kaya keri na.. inaabangan ko post ni ate kaye para sa school holiday To-Do..

Onga pala, ate kaye.. sa bday ni sander punta ka di ba? Papapuntahin ko si kyle and yaya. Sayo ko ibilin ha.. :D text and call din kita before we leave.. :)

Nakita ko sa FB na balik gym ka ah! woohoo! sexiness na!

Pau, kelangan ko mag effort sa geylang para lang maafford ata yun.. hahaha.. my gawd grabe talaga.. pero umaasa pa din kami.

Nakita ko nga pala si lhanie nung weekend sa may Lucky.. galing daw sila sa isang school.. stamford ata yun..

MauiGS

  • Guest
Re: Singapore Mommies (part 9)
« Reply #199 on: April 04, 2011, 03:13:29 pm »
Bongga naman ng school na yun Pia, at over bongga din sa gastos-- napapakanta na lang ako "I wanna be a billionaire so freaking bad..." hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close