grabe meron pa akong almost 2yrs bago mag-P1 pero mega research na ako about primary school. at syempre natutunan ko din sa mga ka-chikahan kong pinoy sa dating school ni ela.
at the P1 orientation, pede kang humingi sa school ng letter/application for MT exemption. then submit it to MOE. then wait for the approval (or rejection) from MOE. pero sabi nung isang mom, sa school ng anak nya walang binibigay na application sa P1. but dont worry, you still have until P4 to apply for MT exemption. madami ang nag-a-apply (meron nga ding ilang locals) para hindi mahila ang grade ng bata pagdating PSLE. madami kasi talagang bata na struggling sa MT - kahit mga locals. kasi nga hindi naman ginagamit sa bahay. pero marami din naman foreigners na nakaka-survive sa MT at matataas pa nga ang grade sa MT.
pero kung ma-approve ka na exempted from MT, kailangan pa din mag-enroll ng bata sa ibang language school. yon ang condition ng MOE. you would say, bakit pa magpa-exempt eh kukuha din naman ng iba pang language. we would like them to be exempted para hindi kasama sa calculation ng grades ang MT. nakakahila kasi pababa ng average kung lagpak sa MT. yung other language class naman, kailangan lang ipasa ng bata.
kaya hindi pa ako masyadong OC sa Mandarin ni Ela. kasi may option pa naman na ma-exempt sya sa MT. kung hindi ma-exempt, sa P1 na lang kami mag-enrichment sa Mandarin. hindi pa naman sya huli kasi sa P1, wala nang parang final exams (yey!). so ok lang na medyo nangangapa pa sya sa MT.

ang MT exemption, case by case basis. may mga nagsasabi na mahirap maka-exempt kung PR (syempre lalo na kung local). may nagsasabi na madali lang kung dep pass/student pass ang bata (kahit pa dito nag-preschool). iba-iba daw eh... pero may mga kilala na akong PR ang bata pero napa-exempt sa MT.

tapos kung ma-exempt sa MT, buong primary years na nya yon. panibagong apply na lang sa secondary

re:MBS
total $300 ($255 yung rate + TAX) ang binayaran namin for overnight stay. nakigamit kasi ako ng friends/family discount ng pinsan ko na nag-work sa MBS.
re:singlish accent
dont worry kasi kaya nating i-correct ang accent nila habang bata pa. basta pag narinig nyong singlish, i-correct nyo na kagad. syempre importante din na hindi tayo singlish magsalita pag kausap natin sila. hehe. im saying this kasi meron talaga akong naririnig na ibang pinoy na singlish din accent pag kausap mga bata. ang awkward!!
meron din akong friend na around P3 at P2 na anak nila dito. pag kausap namin bata, maganda ang accent, hindi singlish. pero sabi ng magulang, pag kausap mga kaibigan nila from school, ang lutong ng singlish accent. hehe.
re:preschool magazine
bili kayo nito. i highly recommend it. para din may idea kayo kung paano ang preschool dito sa SG. may articles din sila about enrichment classes. meron ding ilang advertisements from schools. meron ding list of schools sa likod. dun ko lang nakita yung iba pa palang malalapit na school dito sa amin na hindi ko mahanap sa internet.
