Pajoin mga sis...
May kwento din ako... i remembered when I was first introduced to my husband family.. Punta kami sa house nila, I was introduced to his parent, sister and cousins... Medyo late na rin so sabi ni hubby (bf pa lang on that time) dun na kami matulog... me pagka insomniac ako so late na gising pa ako, while everyone is sleeping.. Dun sa room na tinulugan namin kami lang dalawa ni hubby, buti na lang nadala ko yung magazine na kakabili ko lang, so basa basa ako, habang nagpapaantok... Heto namga past 3 am nakaramdam ako ng uhaw, since di ko [textspeak!] bahay yun, ginising ko si husband para samahan ako sa kitchen, paglabas ng room niya, there were 3 rooms na madadaanan from the hallway, yung katapat naming room was the room of his parent, then right beside our room was the room of his only sister, sa tapat nun is a vacant room, sabi nya parang plantsahan lang daw yun and stockroom, yun yung room before kami makababa to living room and kitchen, so pagdaan namin dun, medyo nakaawang yung doors, may nakita akong rocking chair and may lolo na nagbabasa ng newspaper... nakatagilid sya so parang silhouette lang yung nakita ko pero it was clear na newspaper yung binabasa nya... tuloy lang kami ni hubby pagbaba, sa kitchen, kumuha kami ng tubig sa ref, binaon na rin namin pabalik sa room, di ako nagtanong that time kung sino yung nasa room.. nung umaga na, tinawag na kami ng parent nya for breakfast, kain na kami, sabay sabay pero sa dining ako kami lang, tapos yung parents nya and yung sis nya.. sabi ko baka dahil matanda na si lolo kaya di na nagjojoin sa dining table, so ako si masid pa din sa kilos nila since bago ko pa lang nga nameet.. Around 9 am, sabi ko kay hubby samahan ako mamalengke cause I would like to cook for them.. Luto ako ng sinigang, then ako na din naghain, so sa table naghanda ako ng plates for 5, para sa parents nya, sa amin dalawa and sa sis nya, then I asked him kung dadalan ba namin ng food si lolo? Sabi nya sinong lolo? Sabi ko si lolo yung nasa first room in the right going to our room... Sabi nya, sila lang daw sa house wala daw lolo dun, medyo kinilabutan ako, sabi ko I saw him last night sitting in a rocking chair while reading newpaper... Tinawag nya mama nya, and pinaulit nya yung sinabi ko, sabi ng mom nya, tatay nya daw yung dating nasa room na yun pero patay na raw yung almost 7 years ago... Yun daw talaga hilig nun, magbasa ng newspaper habang nasa rocking chair.. takot ako grabe... hehe,...