watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 179824 times)

edhel_espyn

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #560 on: October 31, 2011, 11:50:12 pm »
For doppelgangers, cousin ko na nasa itaas na window nakita niya ako lumabas sa taxi sa ibaba and went in the house. Then fifteen or twenty minutes after that, same scene happened and ako na talaga yun. Needless to say, he freaked out. heheh.

Sa dorm naman, I saw my roommate nakatalikod and washing her face on an outdoor faucet while I was on my way to take a bath sa CR. After I was done, nakita ko same roommate ko sabi nya she just came back from classes. o.O

Eto naman kwento ng friend ko:
In her room, since forever, meron talagang naka-protrude na paa na nakahiga (from the calf to the toes) on one of the walls. Like parang nasimento yung paa sa wall, pero kung tingnan mo naman sa other side ng wall  (sa labas ng house nila), of course wala ang rest of the body...

Friend ko lang nakakakita nun and she's used to it na... para nalang daw part ng room niya, like furniture. heheh Minsan din it moves daw from wall to wall but favorite spot nya yung wall separating the backyard. From what she can deduce from how it looks, it's male feet. With red spartan slippers. But however used to it, she never once tried to touch it, baka daw gumalaw (but how after 10+ years of living there? Syempre patay na yun diba?) Ano kaya meaning nun? May ghosts ba na paa lang? o.O
« Last Edit: November 01, 2011, 02:33:34 pm by edhel_espyn »

yndy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #561 on: November 04, 2011, 04:59:43 pm »
Makikisali ako

Last Oct 31, dun kami natulog sa house ng inlaws ko. Me, SIL and my cousin. Wala kasi si hubby and MIL and F.I.L dahil sa work nila. We slept sa room ng parents in law ko. 3 kami sa bed. Nauna natulog si SIL then nun papatayin ko na yung lights, ayaw mamatay. 5 times ako nag on/off ng switch pero wala, ni hindi nagflicker yung lights. Then eventually pag off ko ulit namatay na. Nagising yung SIL ko ng madaling araw kasi super init daw. Ako and my cousin sarap ng tulog kasi pagod. Nagbukas ng electric fan, kasi namatay daw yung AC. Isip niya baka nalamigan daw kami kaya pinatay namin yugn AC.

The next morning nagtanong siya bakit nagpatay kami ng AC so gulat kami ni cousin kasi wala nagpatay ng AC. Ask ko siya baka sa timer lang yung namatay, kasi alam ko timed yung AC nila MIL and automatic yun pagnamatay mag oon yung electric fan. Sabi niya, hindi kasi naka off pati yung switch. Alam namin may something dun sa house nila MIL. Lokohan namin ayaw nun something sa cousin ko kasi madalas kami matulog sa room nila MIL pagwala sila eh.


sugardrop

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #562 on: November 11, 2011, 08:02:05 pm »
Sa office, madami talaga. Sa supplies room, pag kukuha ako ng office stuff, super eerie. First ko lang sa work that time, naramdaman ko na yung little girl and may name na pala employees sa kanya.

Then na-experience ko yung may 4 spirits na sumama sa akin hanggang sa bahay namin. Nag-practice kami ng play and may Ouija board saa story. Kahit pala makeshift Ouija board and pointer, nakaka-attract pa din ng spirits. Kasi yung maintenance man sa amin, nakakakita. Naglapitan daw samin during practice. Then hinatid kami lahat pauwi since past 10pm na natapos practice namin, kaya pala bigla bumaba yung si manong maintenance, baka daw bumaba at sumama sa kanya yung 4 kaso sa akin daw sumama. Pag-uwi ko, maya maya, pumasok tita ko sa room, naiiyak na sa takot kasi may mga palakad-lakad daw sa room nya and hinahawakan sya (though sanay na sya maka-experience), first time daw nya natakot. Naramdaman daw nya mga yun nung dumating na ako.

Then Halloween party namin, may isang spirit ng guy daw na sunod ng sunod sa akin, naaaliw daw sa akin pero lumayo din. Worse, may girl na bumulong sa right ear ko when I was alone sa washroom. Anyway, nothing that creepy naman na so far after the H party.

maika14

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #563 on: November 12, 2011, 08:00:55 pm »
Eto, may personal hospital experience naman.

Sa area daw namin, may isang matandang babae na ikot ng ikot. They fondly call her Manang/Lola.

The other day, night shift ako. 11pm-7am. I am a huge water drinker so around 2:30-3am, I went to the nurse's quarters to refill my tumbler. Maliwanag yung area namin pero nung pagliko ko sa hallway papuntang quarters, nakita ko na patay yung ilaw sa hallway. Hindi naman ako agad natakot kasi pwedeng may nagpatay talaga  ng ilaw kasi madaling araw na nga at wala naman masyado nagpupunta sa area na yun ng mga ganong oras.

So ako, hinanap ko yung switch para magbukas ng ilaw, talking aloud I said "asan na yung switch?". At syempre, hindi ko nakita. :P Since hindi naman ako natakot at nagmamadali din ako, hinayaan ko na lang na madilim yung hallway at dumiretso na ako sa quarters and did what I'm supposed to do. Get a refill.

Paglabas ko ng room, as in pagtapak na pagtapak ng isang paa ko sa hallway, biglang nag-on yung ilaw!  :o Eh diba nga, gusto kong buksan yung ilaw? Ayan, binuksan nya. Nyay! In response to that, I loudly said "thank you po" then off I walked very very fast towards my co-nurses.  ;D

Tapos kagabi lang, I was stationed in the recovery room. RR was located just beside the fire exit and far far away from the rest of the world. LOL! Basta, malayo sya sa ibang division ng area at ako lang ang tao dun, (well of course bukod sa patients kong bangag pa sa anesthetic) Naka upo ako noon at nagsusulat ng nurse's notes. Nakaharap ako sa pinto ng RR. Then after a few moments, I saw a black form walk in the hallway coming from the fire exit. Ok, thank you po ulit, sinasamahan nyo ako. :P

Madami pang kwento sa area namin. May mga eerie spots na kahit yung mga manong, ayaw puntahan unless may kukuhaning equipments, may room na iniiwasan, etc.

BAISANAN

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #564 on: November 12, 2011, 09:00:48 pm »
yung sister ko nagwawalis sa kusina nakita nya father namin nakaupo at nakatingin sa kanya..inangat paraw ang paa kasi wawalisan nya yung ilalim ng upuan kung san nakaupo ang papa ko.after nya magwalis naisip nya nakaburol on that day yung papa namin takbo agad sya palabas ng bahay saka sya nagpunta sa chapel kung san nakaburol si father.

BAISANAN

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #565 on: November 12, 2011, 09:13:23 pm »
another kwento yung pamangkin ko at mga pinsan bumisita sa bahay nakaupo sila lahat sa sala at tamang chika then dumaan yung sister ko dirediretso naglakad tinatawag nila hindi daw sila pinapansin hanggang makarating sa gate at makalabas di man lang lumingon. then after ilang mins. lumabas ang sister ko galing sa kwarto this time pinansin na sila. nagtataka lang sila kasi hindi naman nila nakitang pumasok o bumalik ang sister ko galing labas. saka di rin sila umaalis sa kinauupuan nila dahil chika to the max nga sila.sabi ng sister ko pano mangyayaring lumabas sya eh nakatulog daw sya sa kwarto so nung nagkaalaman nagkatakutan. bakit kaya may pangyayaring ganon?

ravena

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #566 on: November 12, 2011, 09:29:51 pm »
it was my first time to see a black figure face-to-face at talagang nagsalita pa. pero it's not my first time to see one. the first one when i was still a child 4/5 year old lang naka black shirt pero nakahilatag tapos dinadaanan lang siya. Most of the time puro mga black merong woman in an all black gown, kulot, at naka belo nagulat lang ako unlike yung black figure na nakaharap ko kahit walang mukha. hay, nakakainis! puro black.. nakakatakot!

OT:  na experience niyo ba na kapag may magpapakita sa inyo ng malapitan may nararamdaman kayong force na parang humahatak sa inyo pababa?

showermist

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #567 on: November 13, 2011, 02:06:30 pm »
nope.

pero hindi ako makatulog ng nakahilata. may feeling ako na para akong umaangat sa sarili kong katawan. 'feeling' lang. yung humahatak wala pa naman

daveigh

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #568 on: December 16, 2011, 11:36:59 am »
Mukhang may doppelganger ang mister ko sa bahay. Yesterday morning I woke up hearing him calling me 3x, with his usual jovial voice. Alam kong hindi panaginip kasi boses lang narinig ko kaya ako napabalikwas ng gising. Nagalala tuloy ako pero I calmed myself by praying that nothing will happen. Nung nagkita kami sa bahay kinuwento ko sa kanya & warned him, at naniwala naman sya sa kwento ko. May one time na rin kasi na nakita sya ng sister ko na bumaba nghagdanan yun pala hindi sya.

Do you have any links for must read for this? Do I have to do something? Parang magtaboy ng bad spirits?

sweetrebel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #569 on: December 16, 2011, 12:39:16 pm »
Pajoin mga sis...

    May kwento din ako... i remembered when I was first introduced to my husband family.. Punta kami sa house nila, I was introduced to his parent, sister and cousins... Medyo late na rin so sabi ni hubby (bf pa lang on that time) dun na kami matulog... me pagka insomniac ako so late na gising pa ako, while everyone is sleeping..  Dun sa room na tinulugan namin kami lang dalawa ni hubby, buti na lang nadala ko yung magazine na kakabili ko lang, so basa basa ako, habang nagpapaantok... Heto namga past 3 am nakaramdam ako ng uhaw, since di ko [textspeak!] bahay yun, ginising ko si husband para samahan ako sa kitchen, paglabas ng room niya, there were 3 rooms na madadaanan from the hallway, yung katapat naming room was the room of his parent, then right beside our room was the room of his only sister, sa tapat nun is a vacant room, sabi nya parang plantsahan lang daw yun and stockroom, yun yung room before kami makababa to living room and kitchen, so pagdaan namin dun, medyo nakaawang yung doors, may nakita akong rocking chair and may lolo na nagbabasa ng newspaper... nakatagilid sya so parang silhouette lang yung nakita ko pero it was clear na newspaper yung binabasa nya... tuloy lang kami ni hubby pagbaba, sa kitchen, kumuha kami ng tubig sa ref, binaon na rin namin pabalik sa room, di ako nagtanong that time kung sino yung nasa room.. nung umaga na, tinawag na kami ng parent nya for breakfast, kain na kami, sabay sabay pero sa dining ako kami lang, tapos yung parents nya and yung sis nya.. sabi ko baka dahil matanda na si lolo kaya di na nagjojoin sa dining table, so ako si masid pa din sa kilos nila since bago ko pa lang nga nameet.. Around 9 am, sabi ko kay hubby samahan ako mamalengke cause I would like to cook for them.. Luto ako ng sinigang, then ako na din naghain, so sa table naghanda ako ng  plates for 5, para sa parents nya, sa amin dalawa and sa sis nya, then I asked him kung dadalan ba namin ng food si lolo? Sabi nya sinong lolo? Sabi ko si lolo yung nasa first room in the right going to our room... Sabi nya, sila lang daw sa house wala daw lolo dun, medyo kinilabutan ako, sabi ko I saw him last night sitting in a rocking chair while reading newpaper... Tinawag nya mama nya, and pinaulit nya yung sinabi ko, sabi ng mom nya, tatay nya daw yung dating nasa room na yun pero patay na raw yung almost 7 years ago... Yun daw talaga hilig nun, magbasa ng newspaper habang nasa rocking chair.. takot ako grabe... hehe,...

ysa.belle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #570 on: December 16, 2011, 07:17:13 pm »
^kinilabutan ako sa post mo...

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #571 on: December 17, 2011, 11:58:49 am »
^me too, kinilabutan sa kwento mo, sis sweetrebel. :)

Amphitrite

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #572 on: December 20, 2011, 01:59:57 am »
@sweetrebel... parang sinabihan ka na "welcome to our house" nung lolo.

Ako nung first time ko pumunta dito sa bahay nila hubby nung bf ko pa lang siya, paakyat kami sa room nila para dun na lang tumambay. May party kasi, eh puno na yung bahay kaya kaming teenagers nasa room nila kumakain habang naglalaro sa computer. May nakita ako na lalaki sa itaas ng stairs, nakatingin lang sa akin. Alam ko na madadaanan ko siya kaya sabi ko kay hubby, "wait, hindi ko makita yung hagdan, hehe." Pag-angat ko ng ulo ko wala na yung lalaki.

Nung tumingin kami ng pics nilang lahat, nakita ko yung lalaki na nasa stairs, lolo nya pala yun. His lolo died even before I was born, ang tagal na diba? Sinabi ko na yan kay hubby at sa mama nya pero wala pa ni isa sa kanila na nakikita yung nakita ko.

sweetrebel

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #573 on: December 20, 2011, 03:17:56 am »
     ^ oo nga sis, parang sabi ni lolo, "nice meeting you"

        sabi nga ni hubby nung kinukuwento ko daw sa kanya yun, nanlalamig sya, kasi favorite sya ng lolo nya... Before daw, sabi sa kanya ng lolo nya na kung mag aasawa sya, dapat ipakilala muna sa kanya bago niya pakasalan.. Hehe.. In my case, nagpagood shot daw kaagad ako dhil tinanong ko kung hahatiran ba nmin ng food si lolo.. Hehe.. Sipsip daw ako! :D

bluez

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #574 on: December 20, 2011, 07:12:51 am »
dito sa amin sa bacoor
lagi na lang may kumakatok tuwing 2-3 am
sa room
2004 pa ang house namin
napa blessed naman
lahat naman kami nasa loob ng kwarto
sino kaya yun ligaw na kaluluwa?

At saka lately panay negative naiisip ko
[textspeak!] kaka panood ko final destination movie


Beng01

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #575 on: December 26, 2011, 04:27:13 pm »
Grabe nagbabasa ako ng mga posts ninyo, sobrang nakakatakot! Wala pa kong na eexperience na nagparamdam sa kin sa white lady, multo or kahit anong element na nagparamdam or nagpakita. Buti na lang. And I am not praying to experience any.  :o

thebratinella

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #576 on: December 28, 2011, 11:16:29 pm »
this happened hours ago. pinag-awayan pa namin ng husband ko. pagpasok niya sa house from the yard after feeding our pet dog, tamang-tama naman na naopen ko yung yahoo and sabay kuwento ko sa brother ko yung article na binabasa ko about a fan na nahulog sa stadium after trying to reach for a ball na hinagis ng baseball player. sumabat yung husband ko na nakuwento ko na sa kanya. i insisted na hindi ko alam yung story until that time kasi kakaopen ko lang ng yahoo. sabi niya no, hours ago lumabas ka ng room para ikuwento sa akin yung away ng politicians sa imus, cavite at yang baseball accident na yan. i remember telling him about the incident in imus but not the baseball story kasi kakabasa ko lang. hindi ko pa nga tapos basahin yung article eh. ayaw niya maniwala sa akin kasi ako daw yun. weird lang kasi alam ko ang doppelgangers hindi nagsasalita. yung nakita niya kinausap pa siya. at mas lalo naman hindi puwedeng nakalimutan ko lang na naikuwento ko yun kasi kakabasa ko lang ng article. as in binasa ko pa hanggang sa dulo to find out if tugma sa details na supposedly kinuwento ko sa husband ko hours ago. may mangyayari bang masama pag ganun? omen ba yun? natatakot tuloy ako.

carmichael18

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #577 on: January 12, 2012, 12:38:00 pm »
naku andito naman ako sa thread na to.. kasi meron na namang kababalaghan sa bahay..

the night before pista ng nazareno -- umorder kami ng mineral water sa malapit na water station. around 9pm na naipasok yung tubig kasi hindi ko kaya wala pa kaming kasama.. ito yung 5 gallon na container na malaki.. so nung pinasok na, nilagay sa ibabaw ng kitchen counter.. around 12:30am I went to bed na... bago yun ni check ko pa yung doors, yung gas, yung ref.. hindi ko naman npansin yung container ng tubig... then 10 mins na nakahiga ako may narinig akong malakas na kalabog.. pagbaba ko, nagkalat na ang tubig sa kusina namin at nasa sahig yung container, ubos ang laman.. naisip ko bakit naman malalaglag yun? kung pusa yun imposible ako nga hindi ko kaya buhatin yun eh, pusa pa.. saka unless na hindi maayos yung pagkakalagay, pwede siya mahulog, pero hours na yung dumaan mula nung nilapag siya dun.. the next day dumating tita ko at knwento nangyari.. sabi niya baka raw lola ko yun, kasi she's a devotee of black nazarene, and she wanted to remind us na bilhan ng bulaklak yung mga santo niya dito..

kanina lang at 5:40 am, nagising ako sa bangungot... hindi na ganon kalalim tulog ko kasi hinatid ko ang asawa ko ng 5am sa labas ng kwarto at nag-alam ang phone ko ng 5:30 para gisingin naman pamangkin ko... pero sa 10 mins na unconscious ako, napanaginipan ko yung isang client namin (bride & groom) yung groom, lumalapit sa akin -- walang ulo... i recognized him dahil sa suot niya.. he was wearing the same suit he wore sa wedding niya less than a month ago.. then next scene was in a hospital.. yung kuya ko daw ang pasyente, pagdating ko dun I asked the nurse kung tumakas ba kuya ko, sabi niya hindi raw and pagdating ko sa room andun kuya ko, and tito yung nagbabantay tulog din.. pero nagising daw si tito sa pagdating ko.. while we were talking may nagtext sa akin, pero hindi ko maintindihan kasi reddish yung screen ng phone ko..when I scrolled down nakita ko yung parang eyes ni sadako pero bleeding, tapos everything sa background ko nagbago.. dumilim tapos parag red light lang, tapos yung tito ko nagsmile na parang smile ng devil.. basta ang creepy... hindi na ako makahinga, at makakilos, I know in my dream na gising ako.. kaya kinakausap ko sarili ko, I remember telling myself na "eto na naman" nung nagiba pa lang yung setting ng dream ko..

and just know while I am typing this story, may ungol sa kabilang room.. waaaa!! ako lang mag-isa dito sa bahay naiiyak na ako...

jhandee

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #578 on: January 13, 2012, 05:12:26 pm »
naku sis kung ako yan , kakaripas na ako ng takbo, ang tapang mo naman :o

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #579 on: January 16, 2012, 05:27:32 am »
nung isang araw, papasok na ako sa room, di kasi nakasara yun, may lumawit na paa na maputi at maputla sa pintuan. I thought kapatid ko, pero narealize ko nasa dorm kapatid ko. Pagpasok ko sa room, walang tao.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close