watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 180007 times)

chacha.12

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #540 on: August 11, 2011, 05:12:20 pm »
wahhh! scary sis, lalo na yung kwento sa elevator!  :o

nagsearch ako about doppelganger just now. sabi something bad may happen dun sa taong ginaya. buti na lang walang nangyaring masama dun sa dormmate ko. i hope okay rin yung roommate mo sis.

cuppie_cake

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #541 on: August 12, 2011, 07:46:16 am »
^I had this same experience sis. When I was in 1st year highschool, my classmates all claimed that they saw me at some point during that day (kaso pano nangyari yun eh I didn't go to school ng araw na yun), Throughout the day wala naman akong nafeel na kakaiba sa bahay, ang naremember ko lang I had a dream that morning that I attended the school's flag ceremony and that was it. Talagang shock ako, kasi at 4pm (3:30 ang uwian namin) sunod sunod ang tawag sa house, mind you this were my classmates na asking me kung asan ako, kung kamusta ako, and then they've told me what happened, one said they saw me raise my hand sa recitation namin sa isang subject, yung isa naman she saw me attend a p.e class, what bothered me the most is yung isa nakasabay daw niya ako sa CR and I was continously washing my face and puro bruise daw ako sa arms, she didnt asked me daw kasi nagmamadali din siya to go back to class. Grabe I was in total shock, I don't think naman gagawa sila ng stories kasi hindi lang isa ang nakakita sa akin that day. What I did?! I cried, kasi sabi nga nila it might mean na baka something bad will happen to me and my time is near. Sobrang naparanoid ako, but eventually it pass. Anyway, its been how many years and nandito pa din naman ako.

tiggerlily

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #542 on: August 12, 2011, 08:48:33 am »
^ nangyari din sa kin to before sa office. 3PM pa ang shift ko pero sabi ng ka-officemate ko andun na daw ako ng 1PM. Nagulat daw sya kasi ang aga ko dumating. nagtatype lang daw ako sa computer ko. kaya gulat na gulat sya nung dumating na talaga ako ng 3PM.

pangalawang beses na nangyari sa akin nito. palagi ako kinukuhanan ng shades sa bakasyon. tuwing aalis kasi hindi ko ibinabag yun. kasi paalis na dahil gagamitin ko nga. ipinatong ko lang sya sa mesa. after packing wala na. di na namin palagi mahanap. hay naku. sayang shades ko. kaya hindi ako bumibili ng mamahalin kasi kapag nawala, sasama lang ang loob ko. buti mura lang yun.

carmichael18

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #543 on: August 12, 2011, 11:15:05 am »
I had my own share of creepy stories...

doppleganger.. i think I have one.. kasi may nakakita na sa kamukha ko twice.. parehong instances sa bahay namin..

1st, yung cousin ko.. nagising siya ng madaling araw to pee, tapos nakita niya daw ako nasa dining table nag-aayos ng food.. looked at her and didn't say a word, pero kinausap daw niya ako.. tapos pag-akyat niya sa room namin, nagulat siya, dahil isa ako sa mga katabi niya..

2nd, yung ex ko sinundo ako sa bahay, pero hindi pa ako prepared, so sabi ko nuod ka muna TV, tapos naligo na ako.. nung natapos ako magbihis, sabi niya, "ang tagal mo naman, ano bang ginagawa mo sa hadgan, tumambay ka pa!" nagulat ako kasi hindi naman ako tumambay sa hagdan, dumaan ako sa stairs paakyat sa room para magbihis, pero wala naman akong naramdaman..

sabi ng mga kapit bahay, our house used to be a "talahiban" kung san may rumors na dun tinatapon ang mga sina-salvage nung martial law (1979 kami nagpagawa ng house) kala ko nung una hindi totoo.. pero nung nagpa-extend kami ng bahay, nagpahukay ng bagong poso negro ang papa ko.. and then the manongs have collected 2 sacks of bones.. I mean nilipat nila sa sako mga nakita nilang buto habang naghuhukay.. though walang "skull" feeling nila sa tao yun kasi malalaki ang bones...

tapos dami pang tsismis ng mga kapitbahay sa house namin.. pero kami naman hindi ginugulo.. though maraming beses na rin akong nabangungot sa bahay namin..

babykiss_625

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #544 on: August 12, 2011, 04:18:09 pm »
Ang creepy...

Well I had my share of stories din. I was first "introduced" to spirits as young as 5 y.o. When my great grandma died, on her 40th day, nagpakita sya sa akin, kumakaway as if waving goodbye. since then medyo aware na ako and nakakaramdam na din.

fast forward..college days.I stayed in a dorm. On my 1st year, while reviewing for midterms, i decided to sleep early and left my roommate (there are only 2 of us) still reviewing. Around 2 am, nagising na lang ako bigla and saw my roommate na nakadukdok na sa study table so i told her na sleep na. she answered na sige sunod na. the next day, i asked her what time na siya natulog, she told me na siguro mga 30 min after ko matulog, natulog na din sya. told her na 2 am na gising ka pa and sinagot pa nya ako. creepy.

sa second dorm ko (all girls), dun talaga madami. major event (talaga!) sa buhay ko so far happened at this dorm. this time 4 namin kami per room sa dorm. one night, sarap ng sleep ko, then suddenly bigla ako nagising kasi may something na air sa ears ko, literal na hinihipan yun ears ko. hindi naman ako nanaginip that time, was widely awaked na dahil may bumubulong nga sa akin. bigla ako nilamig, lumaki ulo, goosebumps everywhere. he's saying something, like babbling. i prayed our father, and to my surprised, sinabayan nya ako in praying, babbling in between. so parang our father, thou art then bigla nya sabihin blahblll blahhll and then continue again kung nasan part na ako. hindi ko iniopen ang eyes ko kasi takot ako. after praying, told that something na umalis na sya pero hindi pa, may pahabol pa na hissing sound then nawala. hay di na ako makatulog and makadilat nun so bonggang eyebags the next day. madami pa creepy events sa room ko na madalas ako nakakaexperience. pero one thing na notice ng roommates ko is that palaging may kumakalabog sa cabinet ko, or nahahawi yun hangers eh wala naman ako saka imposible may hangin sa loob kasi nakalock. every weekend kasi umuuwi ako ng province.

until now na working na ako, maski sa boarding houses where i stayed in ganun din may mga naririnig ako naglalakad, umaakyat ng stairs, umuupo sa tabi ng bed ko. hayst. maski sa office meron din ako nararamdaman.


carmichael18

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #545 on: August 15, 2011, 11:01:54 am »
sa office naman, meron lang ako na-feel sa tektite..

nasa 16th floor kami, west tower nasa PM shift ako nun 11PM out namin.. mga 10PM, nagkayayaan kami bumaba ng friend ko para magyosi.. madalas naman namin ginagawa yun.. kwentuhan kami habang nag-aabang sa elevator, suddenly may narinig kaming bata na sumigaw.. weird kasi kami na lang ang tenant na open ng ganong oras sa 16F... sa takot namin hindi na kami nagyosi.. hehe

nung 2009 lumipat ako ng work sa laguna.. I stayed with my sister for about a month and rented my own place for another 2 months.. then nagka-bf ako tapos we decided to live together.. nagrent kami ng bahay just right across the house of our manager.. mga 3 months na sigurong bakante yun.. ewan ko ba, mabigat na loob ko sa bahay pero tumuloy pa rin kami.. unfortunately for me, on our first night there, may work si ex at ako off.. so naiwan ko dun nung gabi kasi sa cc kami nagwork.. nung nakahiga na ako, hindi pa ako masyadong nahihimbing, nagising ako kasi may naglalagay ng unan sa mukha ko.. isang babae... as in she was trying to kill me.. hindi ko nakita mukha niya, but sure it was creepy...

wala pang 1 KM yung office from our new place, gusto ko pumunta sa office at dun na lang matulog.. kaso too bad, i've had nightmares din sa office namin... so I decided to stay sa bahay.. pray lang ako, at hindi na dumilat kahit na masakit na mata ko kakapikit.. the next day we told our manager na neighbor namin, sabi niya, pati daw sa kanila, may kinakausap yung anak niyang 3 years old.. tapos palaging may nagbubukas ng pinto nila.. the next week, nagpa-bless na sila ng bahay...


carmichael18

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #546 on: August 15, 2011, 11:06:00 am »
yung sa office naman sa laguna, (well konti lang call centers dun, baka alam niyo na yun..) almost everyday ang nightmares ko dun.. kasi hindi kami magkasabay ng sched ni ex, so minsan natutulog ako dun sa araw para hintayin siya.. kahit tirik ang araw dami ko pa ring scary experiences sa "sleeping room" na yun...

1. nagkkwentuhan kami ng friend ko, before matulog, tapos nakita ko siya tumingin sa likod ko.. eh di lumingon din ako pero wala akong nakita.. nung pagka-gising namin, sabi niya, she saw shadows moving sa likod ko.. eh wala namang tao dun kundi kami lang dalawa..

2. I had a creepy dream na naligaw daw ako, tapos nung may nakita akong taxi, the driver was a tyanak!!! when I went home, baby pa rin ang bangungot ko... nakakatakot...

3. eto talaga ang nakakaloka, malalim na tulog ko, tapos nagising ako (akala ko lang pala) kasi hindi raw ako makahinga kasi I was having a nightmare, tapos yung katabi ko raw nagising at tinulungan ako gisingin.. tapos naghysterical siya kasi may babaeng lumulutang na papalapit sa amin.. 2 na kaming taranta.. feeling ko hindi na ako makagalaw at makahinga... tapos nung totoong nagising na ako, wala akong katabi sa kabilang kama..

4. eto kwento lang ng officemate.. natutulog daw siya sa sleeping room, tapos hindi siya makabangon kasi parang mabigat daw.. naka tagilid siya matulog.. tapos nung lumingon siya, may kabaong na nakapatong sa kanya.. yung parang mga coffin ng mga katawan na inuuwi sa pinas ng mga namatay sa ibang bansa... nagdasal din siya para gumaan at makabangon siya...

5. yung isa kong trainee, sabi niya sa training room daw may bata na naglalaro habang may training, tapos tatagos sa white board.. hehe.. katakot lang...

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #547 on: August 23, 2011, 03:38:41 pm »
more stories please......

supertears

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #548 on: August 25, 2011, 04:49:12 pm »
hello! share ko lang sa inyo itong nabasa ko.

 3 kaming magkakasama na kumain doon. Treat ng isa sa amin an naka-commission sa real estate. Bago kami naghiwahiwalay, kaming 2 babae ay nagpunta sa CR. Tama namang bakante lahat yung 3 CR. So in occupy ko yung first at sa kabilang dulo naman ang kasama ko. so bakante yung nasa gitna.       Lumabas agad yung kasama ko at nag retouch na siya sa harap ng salamin. Then nakita ko me pumasok sa gitnang CR nakauniform na blue skirt, naka white socks and black shoes. Estudyante. Pero sandaling sandali lang siya doon. para bang nag step in then step out din agad.        Yung kasama ko nagpapatuyo ng kamay malapit sa may pinto. Nasa loob pa ako ng CR tinanong ko na siya kung nakaalis na yung estudyante. Sabi niya, wala naman daw siyang nakitang pumasok. Eh kakaalis lang talaga niya kaya takbo kami para sundan at kilalanin yung tao pero walang namang tao doon sa area (nasa 2nd flr kasi yung CR at medyo gabi na.) So nagdali dali na kaming lumabas kasi kinikilabutan na ako. Buti na lang may kasama ako kundi naku baka nagkandahulog ako sa hagdan.

 

2. Ito naman ay noong nag decide akong makipagkita sa isang psychic (kasama sa grupo yata ni Frank Regis, babae siya) at yung kanilang lugar ay nasa me Edsa Central yung dati bang Uniwide Sales noon pero parang naging palengke of sort na.     Sa tinagal-tagal kong magpabalik-balik sa Alabang, alam ko kung saan talaga ako pupunta. Alam niyo bang nakalampas ako? So balik ako. At alam niyo bang nakalampas uli ako at sa Robinson's ako nakababa. Hindi ko maintindihan kung bakit. Pero pakiramdam ko noon, me kasama ako talaga. So kahit na mag-isa ako, nagsalita ako na kahit anong mangyari pupunta ako doon. At di ako mapipigilan. Minura ko pa nga, eh!      So finally, nakarating ako sa place. Ginalugad ko yung place at least 3x di ko makita. So pumunta ako ng Edsa Central at naghanap ng phone at tumawag ako for direction. Nasa tamang lugar naman ako so balik uli ako. Pumunta ako don sa lugar. Nung makita ko yung lugar, sabi ko sa sarili ko narating ko na ito pero bakit di ko nakita na ito nga yung place?

 

      So, kinausap ako nung psychic. Sabi niya sa akin, me kasama daw ako. Sabi pa nga , Lima daw ang pangalan niya. Isang ligaw na kaluluwa na gusto akong gamitin for a purpose.Natakot ako noon. Nung  mga panahon na iyon, nagtataka ako kung bakit parang mabigat ang pakiramdam ko kung aalis ako ng bahay. Lagi ng nawawala ang suklay ko, o kaya naman yung kaparis ng isusuot kong sapatos hanggang sa late na ako sa appointment ko o kaya naman tatamarin na ako.      Minsan kailangan ko talagang magmura patungkol sa di ko nakikitang kasama. Ginagawa ko nagwiwisik ako ng asin sa paligid ng bahay tuwing hapon.

http://www.pinoymoneytalk.com/forum/index.php?topic=4747.15

 

supertears

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #549 on: August 25, 2011, 04:52:29 pm »
eto pang isa,


paulphoenix

sa lumang house namen me maliit kameng farm puno ng saging, kulabasa at yung isang puno na gumagapang.. ginawa namen nilagyan naman ng parang mga kahoy sa taas para dun gumapang ayun puno yun parang me bubong farm namen.. eto ang kwento dumaan ako dun ng mga 6:00pm para bumili sa tindahan di pa ako nakakalahate me pumito saken... kinilabutan kagad ako bigla ko naalala kwneto ng lola ko na pagnagpakita ka ng takot lalo ka nila tatakutin, ginawa ko sinigawan ko ANNOOO!!!!!!! bwisit bigla ba naman nagpituaan napakadame!!! ayun napatakbo ako ng mabilis nung nasa daan nako pinatawga ko dady ko para sunduhin ako kase takot na takot ako!!! pito niya ganio pst!!!! sabay sabay mga tantsa ko 20 pumipito!!! lumaki talaga ulo sa takot iba pala pakiramdam...

http://www.philippinepetfinder.com/forum/viewtopic.php?f=53&t=79843

 

supertears

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #550 on: August 25, 2011, 04:54:37 pm »
linoleic

I remember, I was still a junior intern nun, Pedia rotation, we were having our endorsement rounds with the residents and consultants. We entered the room, pang isahan lang [textspeak!] room, leukemia patient ang admitted dun. Then tuloy ang rounds...then biglang nag react [textspeak!] consultant telling everyone (JI, PGI, Residents on duty), "Bat pinagsama nyo dalawang patient sa room na ito? Immunocompromised ang pasyente ko so dapat mag isa lang sha na andito sa loob. Bat naghalo pa kayo ng isa?" We were all surprised coz mag isa lang naman talaga ang patient na andun. Then one resident bravely asked the consultant, "Sir, ano po ba mukha and hitsura nung sinasabi mo na isa pang pasyente?" The consultant replied, "Ayan o, nakatingin pa sa atin, nakasando na puti, naka shorts, tapos hawak ang iv fluid nya, wala man lang kayo isa pang iv stand na nilagay [textspeak!]." We were all silent. After the rounds, we all were still quiet. The consultant thought na we're hurt kasi nagalit sha, so he approached us and sabi "Hindi ako galit ha, ayaw ko lang kasi na may ka share sa room patient ko, lam nyo naman sakit nya dba." Then one resident said, "Sir, hindi po un ang dahilan bat tahimik kami, wala naman po talaga kasama ang patient nyo, kahit check nyo po sa list of patients sa station." Imagine the shock nung consultant, mabait pa naman un...

 

We also found out na the person whom the consultant saw was the previous patient who occupied the room, apparently, succumbed also 2 days prior nung admission ng patient nya.

http://pinoy.md/ipb/index.php?/topic/2592-scariest-ghost-stories/

KrisKulit

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #551 on: September 06, 2011, 07:35:45 am »
I don't know if this one is scary..

sabi ng mom ko nung bata pa daw si ate lagi daw siyang may kalarong di naman daw nila nakikita, minsan pa nga daw nagtatagu-taguan tapos silip daw ng silip sa mga ilalim ng upuan, mesa at kung saan saan pa tapos minsan daw sinasabi ni ate na "ang daya daya nyo naman". Dati pa raw kalaro ni ate yun nung andun pa sila nakatira sa bahay nila mama sa laguna, tapos nung lumipat sila sumama pa daw ata yung mga kalaro ni ate at takot na takot daw yung kapitbahay namin nung nakitang naglalaro si ate ng taguan. alam nga rin ni mama yung mga pangalan kasi madalas daw ikwento  ni ate, lima sila na sumama kay ate. tapos nung buntis na daw si mama sa akin lagi daw pinipilit ni ate kay mama na "Tadinta" raw ang ipangalan sa akin pagbabae tapos "Henvie" naman daw paglalake. Eh ayaw naman pumayag nila mama tapos nung pinanganak na ako tapos hindi yun yung pinangalan sa akin hindi na daw nagpakita pa yung  mga kaibigan ni ate sa kanya. Tapos noong pinatawas daw nila yung anak ni ate nagulat daw sila kasi yung anak daw ni ate binabantayan ng mga kaibigan nya tapos nakuha pa nung mangtatawas yung pangalan nung kaibigan nya, syempre nagulat si ate. pero sabi naman ni ate sa amin dati na hindi daw nya maalala na may kalaro siyang mga ganun basta ang naaalala lang daw nya yung mga pangalan tapos gustong gusto lang daw nya nung time na yun yung pangalan na Tadinta at Henvie, pero sabi ni mama kambal daw yun na kaibigan ni ate.

At ako? maraming weird na pangyayari na meron ako.. pero sabi ni mama special gift daw yun.. simula pa kasi nung bata ako sobrang dami kong weird na nakikita, naaalala ko pa nga hindi ko ma-distinguish kung ano ang reality sa visions ko.. kasi madalas akong magkaron ng mga visions lalo na nung bata pa ako.. ang nakakatuwa ko lang na vision ay nung pumunta kami sa bahay ng classmate at close friend ko nung high school tapos first time ko lang pumunta dun sa kanila, nasabi ko sa bestfriend ko nung time na yun na familiar sa akin yung place, tapos after ilang years yung classmate na close friend ko na yun naging bf ko and now dito na din ako sa kanila nakatira, inampon ako ng dad nya, hehe.. tapos dati nakwento ko sa bf ko na may babaeng umiiyak na nakasuot ng puti tapos nagbigti sa may bintana akong nakita habang andun ako sa may likuran ng bahay nila, yun nakwento nga nya na may nagbigti nga daw dun sa bahay na nasa likuran nila.. tapos noong nakasakay na kami sa tricycle pauwi nagulat na lang ako kasi may narinig akong putok ng baril tapos may nakita akong lalake na tumatakbo na tinamaan, tapos kinwento ko kay bf alam kong vision lang yun pero di ko lam kung past or future yun tapos pag dating namin sa bahay kinwento nya sa mom nya, yun kwento nga ng mom nya may nabaril nga daw sa lugar na yun.. noong bata ako mas madami akong ganon pero katagalan sobrang bihira na lang or siguro kasi pinipilit ko sarili ko na huwag na lang maniwala sa mga ganung bagay.. nakakatakot kasing makakita ng past at future, at the same time may mga ilan ilan pang nagpapakita sa akin at ayaw ko lang dumating yung time na may makita akong morbid o kaya yung mga tipong kadiri..  >:(

ichivan

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #552 on: September 06, 2011, 12:51:31 pm »
Grabe ang mga stories ninyo. I'm the type na mahlig magbasa or manood ng mga ghost stories but not alone. Hindi ko kaya, kasi na-iimagine ko. Habang nagkkwento kayo, naglalaro na sa utak ko lahat.

Btw, I'll share my own story: Back when I was in 4th year high school, meron kaming retreat (w/c is palagi ng ginagawa for graduating students and since, Parochial School kami) somewhere sa Antipolo. Peaceful yung retreat house na napuntahan namin.


Pagdating dun, nagtalaga na ang teachers namin kung san room kami. Yung 2 kong bestfriend (girls) with one classmate (girl) katabi ng room namin. Peaceful naman ang gabi sa pagtulog, siguro dahil na din sa antok at pagod sa activities. Paggising gulat kami na wala yung 3 sa room nila, yun pala nakitulog sa room ng teachers namin.


Kuwento nila, tawa daw sila ng tawa bago matulog ng parang may narinig silang ingay. Yung parang may malakas na ingay ng hangin. Dominant siyang pakinggan. Nung tumahimik sila, may malakas na buntong hininga silang narinig at mula sa isang lalaki (eh puro girls sila) tapos ang room ng mga boys ay upstairs so imposibleng magloko sila dahil may mga bantay din sila. Sinubukan ulit nilang pakinggan, tapos mas malakas pa sa narinig nila.


So, bilang magkakaibigan sa isang section (boys and girls), sama sama kaming pumasok sa room nung tatlo para ma-prove kung totoo. Ang ingay namin, kaya hindi namin marining. Pero parang may naririnig na din ako. Bumilang yung President namin ng hanggang tatlo para tumahimik kami, after nun narinig namin yung sobrang lakas na buntong hininga. Karipas ng takbo lahat kami. kahit lalaki nakipag-unahan sa pinto.


Narinig ng retreat teacher at subject teachers namin yung pagsigaw at ingay ng pagtakbo namin. Napagalitan pa kami dahil siesta nun. Nung sinabi namin yung nangyari, pinuntahan nila. Bilang may alam sa mga spiritual yung reatreat teacher namin, pumunta siya at na-prove niyang meron nga. Binless na lang niya yung room at nawa'y wag ng mangambala ng mga susunod na pupunta. Nag-alay din kami ng prayers dun sa entity, lalo na yung 2 kong bestfriend at 1 klasmeyt.


Kaya kasama na lang namin yung 3 sa isang room.

ichivan

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #553 on: September 06, 2011, 03:18:04 pm »
^ usually sis me mga instances din na mananaginip ako tapos madedejavu ako, yong pala napuntahan ko sa panaginip ko. hehe...


Ganyan din ako eh. Madalas ang mga deja vu.

Share ko lang yung tungkol sa hindi ko makalimutang panaginip:

Meron kasi kaming kapitbahay na best friend ng mama ko. Pareho kasi sila ng business ng mama ko kaya most of the time sila ang nagkakausap at magkasama. Inaanak din ni mama yung pangatlo sa apat niyang anak (who is nag-iisang babae at gusto kong maturuan dati dahil baka mabarkada, sayang naman para siya na lang ang tutulong sa pamilya pag nakatapos). Madalas namin silang tulungan pag may kailangan sila, mostly money matters. Dumating yung time na nagkasakit ng malubha yung kapitbahay naming yon. Minsan, nasa bahay din siya pag bored siya sakanila kahit na maysakit. After months of medication, namatay siya. Umuwi ng province yung bunso at yung pangatlong anak, naiwan sa Maynila yung dalawa. After a year na namatay siya, madalas ko siyang mapanaginipan. Ang lakas daw niya at mataba (pumayat kasi nung maysakit).

Pero ang pinakatakot ako is, sa panaginip ko magkausap sila ng mama ko at isa pang kapitbahay. Bigla na lang siyang tumakbo sakin at sinabing "Si ________(name nung pangatlo niyang anak na babae) ikaw na ang bahala sa kanya". Natakot ako kasi parang buhay siya nung kinausap ako. Saka lang pumasok sa utak ko pagkagising na patay na siya. Kinuwento ko sa mama ko, yun pala parang day ng kamatayan niya. Hindi ko pa nakamusta sa ngayon yung pangatlong anak, baka kasi nasa hindi magandang kondisyon kaya humihingi ng tulong. Pero bakit ako? Yun lang tanong ko.


ms.messed_up*

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #554 on: September 11, 2011, 05:20:05 am »
re dreams..
meron akong gradeschool batchmate who committed suicide.tinago nya sa parents niya na buntis siya,all the while alam pala ng mother niya and hinihintay lang magsabi..nung manganganak na siya,crowning na yung baby ayun,nagbaril siya. (how tragic..) sobrang tahimik lang nung girl,soft spoken..totally opposite ng character ko kaya hindi kame naging friends talaga..but thing is,napapanaginipan ko siya,maraming beses na. there were times,sa dream ko na alam ko that shes dead.merong times na makikita ko complete name nya,tombstone niya etc. basta sobrang creepy kasi,why me? parang after gradeschool,we lost contact na. creepy lang.

babykat

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #555 on: September 11, 2011, 02:36:17 pm »
yung owner ng first cellphone ko, namatay right after selling me her phone.  di kami close pero nagkakakwentuhan naman kami.  sobrang insistent nya for me to buy her phone that saturday.  by sunday, nadidial ng ilang beses yung number nya and i was dreaming of her.  monday, i found out she died on sunday.  kwento is that she fought with her bf, then to get back at him, she tried to hang herself.  she was always doing that daw - hurting herself to get back at her bf. kaso that time, natuluyan sya.  she was found hanging sa closet nila.  afterwards, i kept seeing her and feeling that she was there behind me, lalo na pag gabi.  i sold the phone soon after.

snowflakes

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #556 on: September 20, 2011, 09:45:55 am »
about doppelganger palage nangyayare sa akin yan at may nangyayareng masama sa taong nakita ko. dati yung daddy ko nakita ko sa tindahan eh alam ko nasa work sha naisip ko baka maaga lang sha umuwe kaya nandun kaya di ko pinansin at pag uwe ko sa house sinabi ko sa mami ko na i saw dad sa tindahan sabi ng mom ko pauwiin mo nga. pumunta ko tindahan wala na sha, i asked the tindera sabi ko nasan dadi ko, sabi nya anong dadi eh wala naman tao dito kundi ako. sabi ko nakita ko kausap mo dadi ko kanina eh, sabi nya uyy masama yan magdasal ka. after one week naaksidente dad ko na muntik na nyang ikamatay. nakita rin sha ng uncle ko sa labas ng bahay nila ng madaling araw pero wala din dad ko nun kundi nasa work.

experience ko naman sa bahay namin ngayon, aalis hubby ko ng madaling araw so ginising nya ko to prepare his food. after that i went back to my baby sa bed para paltan ng diaper, bukas ang pinto kase nasa kitchen pa hubby ko, i saw a flash going to the bathroom nakita ko talaga pero mabilis. sabi ko honey! kinakausap ko pa kase alam ko talaga asawa ko yun, pero wala palang tao kundi nasa baba pa hubby ko. pag alis ni hubby i blessed the house with holy water. that night, naman while i was in the kitchen si hubby naman kasama ni baby, iniwan daw ni hubby si baby sa bed ng wala pang 10 seconds at sa gitna pa ng bed. nahulog baby ko sa bed narinig ko na lang iyak sa baba. i ran upstairs and asked hubby what happened sabi nya di din daw nya alam kase nasa gitna daw talaga baby ko. hinala ko talaga hinila ng nakita ko sa bathroom. problem ko din kase may third eye ako eh. pag alis ni hubby pinag mumura ko talaga yung multo kung sino man sha. im not scared, talagang kinakausap ko at minumura ko. lalo na nung ayaw paawat ng anak ko tumingin sa may door kung san nandun ang bathroom. sabi ko talaga pu@#%%^ lumayas ka sa bahay na to!!!

ishickle

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #557 on: September 21, 2011, 05:29:06 pm »
dun sa dating bahay namin, may something din. Once, nakulong ako sa bathroom. as in i unlocked it na ayaw bumukas ng door. Hindi ko gawain sumigaw but thet time i wanted too. tinutulak ko na talaga yung door, ayaw. tapos nagsabi na lang ako, "tapos na ako maligo, pwede ng lumabas?" ayun bumukas. Tapos minsan may maririnig kang naglalakad sa taas. yung helper dati nagsabi one time daw may narinig syang naglalalakad na parang may chain sa paa. may kumakatok sa mga rooms namin. minsan pag dumadaan ako sa room ng sis ko, may makikita akong nakatayo dun. deadma na lang.:)
sa gabi, pag may nafefeel akong something, inoON ko yung light. yung mga doors biglang magsasara ng malakas kahit wala namang hangin.

sa school meron din. One afternoon, usap lang kami mga teachers. then napunta sa mga creepy stories. Yung isa napatingin sa akin. tapos tumango ako. ask ng mga teachers bakit, yung isa nagsabi may isa pa kaming kasama. Tapos nagask sya sa akin where, sabi ko between namin. I didn't know na nakakakita din sya. so deadma ulit.

Next day (still in school), i was combing my hair then i saw someone sa shoulder part ko na mestisa. spanish, mahaba buhok, maganda and told the other teacher. she said "oo nga maganda sya." :)

A month ago, pagpasok ko sa building, computer lab agad makikita mo. Then, i saw someone in white guy sya. eh wala namang students or teacher sa loob. umatras ako to peek if may tao, ayun wala naman.  :o

pomegranate

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #558 on: September 26, 2011, 10:15:20 am »
babykat, creepy . . . naku, how about yung may-ari ng phone na yung ngayon

pretty_in_victorian

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #559 on: October 29, 2011, 09:51:21 pm »
babykat ang creepy ng story mo!!

ako naman, 2 halloweens ago, may nakita akong silhouette ng guy na naka upo sa couch namin.. sinarado ko door ko then after 3 seconds binuksan ko ulit, binuksan ko yung lights, wala na.. sana wala this year.. last year wala eh.. sana wala na for ever.. :P di ako nakatulog nun eh..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close