^ pag ganon na may nakalimutan ka na special day ng namatay, usually ganyan di ba, bigla niyo lahat naaalala or nagpaparamdam sa inyo sa panaginip.
naikuwento ko na nga to dati e. nong LRT bombing, nasa office ako non at dapat pauwi na ko, buti pala nagstay pa ako sa office at naisipan na umuwi ng boarding house para umidlip kasi napuyat sa gimik. paguwi ko ng Bulacan, tinawagan ko tita ko na nasa cavite, yong nag-alaga sa aming lahat na magpipinsan. relieved daw siya na I am ok kasi nagaalala sila sa nangyari non na bombing. E di ba pa-xmas yon. Tinatanong niya kung uuwi daw ba kami ng Ilocos, sabi ko hindi. Sabi niya, oo daw, ok daw yon kasi baka daw me panggagamitan na importante next year.
Come Jan 8 ng madaling araw, around 1am, tinatawagan pala ako ng sister ko sa Ilocos. naka-off cell ko so sa pinsan ko sila tumawag na kasama ko sa boarding house. Namatay daw yong tita ko na yon. She has been suffering from diabetes na for long at inatake daw habang natutulog. Ayoko maniwala non, so I was calling my tito na don nakikitira tita ko. Di ako masyadong makausap kasi they were in the hospital, madaming inaasikaso. E was in a shock. Then, habang nakahiga at naguguluhan, me parang humawak ng paa ko na malamig. Nagtalukbong ako agad kasi nga alam ko tita ko yon. She was telling us dati kasi na pag nagloko daw kami or what, hahawakan daw niya mga paa namin.
A day after ng burol niya, sister ko kasi di naka-attend nong 'hugas' sa ilog kasi nag-entrance exam sa university sa amin, nilagnat siya nong dumating ng bahay. sabi namin baka nagtatampo yong tita namin na yon sa kanya. then when I was back in the boarding house na nong gabi, napanaginipan ko siya. andon daw kami lahat na pamangkin niya, nakapalibot sila sa akin at sa isang favorite din niya na pinsan ko, she was telling us daw na wag daw kami malulungkot kasi andon pa rin daw siya binabantayan kami.
After a week, namatay naman yong pinsan ni lolo na kapitbahay namin sa Ilocos, napanaginipan ni Mama ko at ng tita ko na isa na giniginaw daw yong tita namin na yon sa place niya. Ang ginawa ng mama ko non at tita, nagpabaon sila ng kumot don sa kabaong ng lolo ko, ayun, di na nila napanaginipan.
Tapos, siguro mga May non, bago magpasukan, I dreamt of her na naman. Sa bahay daw sa Ilocos, sa may kwarto niya, she was asking me daw kung san mag-aaral sister ko ng college. Then she gave me money na isama daw sa tuition niya. Nong nagising ako, nagulat ako kasi before ko siya mapanaginipan, kakasabi din lang ng sister ko na nakapasa siya non sa Mapua.
Weird lang. Ngayon, pag nakakalimutan death anniversary niya or kahit birthday, nilalagnat sister ko or kahit sino sa amin na di nakaalala.
Nakakamiss tuloy siya