Share ko lang din, nangyari ito sa sister ko. Nung gumising sya, meron syang nakitang mga numbers nakasulat sa hand nya. She even took a picture sa fone nya, I dunno if she still has it coz nakakailang palit na sya ng fone. Nung time na yun isa pa lang apartment na nire-rent namin (pero bumukod na ako kasi nag-asawa na ako nung time na nangyari yun). She was sharing the room with my youngest sis, pero imposible ang sis ko ang gumawa nun kasi matagal na magkagalit yung dalawang yun and hindi talaga sila naguusap...

After that incident, my sis prays the rosary every night, she can't sleep if she forgets the rosary and katabi nya talaga ang rosary pag natutulog sya.
One time, bumili naman relative namin sa sari-sari store, eh bago lang sya dun sa area namin, tinanong sya kung saan sya nakatira, tinuro nya yung apartment, tas sabi nung nagtitinda, "ah, jan pala kayo nakatira, may white lady jan eh" nakikita daw nila sa gabi, ewan ko lang kung saang apartment nila nakikita, 6 apartments kasi dun sa area namin.
Tapos, mom ko naman, merong "manghuhula" daw na pumunta sa office, eh mom ko super curious, pumunta sya dun, and na-describe nung manghuhula anong itsura ng apartment namin, pati yung loob ng CR namin dun sa 2nd door, na may isang portion dun na pababa. Entrance daw yun ng kweba. We do believe na meron talagang entity dun, kasi mapapatingin ka talaga sa stairs kasi parang may shadown na paakyat or pababa ng stairs, at nakakarinig din kami ng footsteps, pero hindi naman kami sinasaktan. Kinakausap namin minsan or most of the time iniignore na lang namin, siguro nakasanayan na. Feeling nga namin, binabantayan kami kasi 2 apartments na yung nanakawan (3rd and 4th doors yata), eh kami yung nagooccupy sa 1st 2 doors.
Nung nanganak ako with my 1st daughter, isa pa lang apartment nirerent nila Daddy that time so super hassle talga if dun ako tumira sa kanila, nirent namin for ilang months yung 4th door. Sa 6 na apartments dun, yung sa 2nd door (kung san nakatira family ko) yun lang ang doorbell ang gumagana. Yung 5 other apartments, walang doorbell. Nakakainis nga eh, kasi mga bisita ng mga kapitbahay naming, sa amin nagdo-doorbell… Pero, one afternoon, bigla na lang nagdoorbell yung apartment na ni-rerent namin, nagulat talaga kami, kasi ilang months na kami nakatira dun, 1st time yun nangyari. To think yung wire ng doorbell hindi nakaconnect sa labas. Natakot talaga ako nun, buti na lang may kasama ako nung time na yun.
Another strange thing that happened on that apartment was when we were sleeping na, I slept there with my baby and one of my relatives, we just stay in one room, yung other room, walang natutulog dun, ginawa lang storage room. Ewan ko ba anong time na yun, meron ba naman kumatok sa door namin, eh hello, nakalock na yung door sa baba, and wala nang tao sa labas, once or 2x ata kumatok (yung katok nya is 3 knocks, then another 3 knocks), natakot talaga kami, after that, nilo-lock na namin ang pinto sa gabi. The next day, nagpasama kami sa bro ko na doon matulog, ayaw pumayag, matakutin din kasi yun hehe pero thank God talga, hindi nila sinaktan baby ko that time.
Pasensya na if mahaba.
