watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 179597 times)

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #440 on: June 01, 2011, 08:02:52 am »
^so ok wala mirror pala sa room? hehe wala kase kami mirror sa bedroom...nasa labas (sa sala, sa cr etc). In my parents room, I get so praning when I was little to sleep there. They have this life-sized mirror na cabinet nila e. Before I was sleeping in their room beside the big mirror then on my foot yung dresser naman ng mom ko. Grabe! Ang hirap matulog! Swear! Makatulog man ako pero mababaw and hindi talaga yung mahimbing. Thank God wala naman ako nakikita sa dreams ko, but nakakapraning lang talaga!  :o Kaya siguro now that Im married, wala kami mirror sa room. :)
« Last Edit: June 01, 2011, 08:05:16 am by 1choi_ko9 »

chiz_06

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #441 on: June 01, 2011, 11:07:23 am »
hi mga sis....share ko ulit another creepy story...college ako nun...i invited my cousin na lumipat dun sa dormitory na tinitirhan ko somewhere in sampaloc...malaking dormitory yun sa isang room 6 kami...doubledeck mga bed...bagong lipat pa lang ako dun may kwento na kagad mga nauna sakin dun may nauna daw sakin na nag bedspace natutulog daw siya tapos naalimpungatan daw siya kase dun daw sa doubledeck na katapat niya may babae di raw niya makita muka nakaharang daw buhok sa muka...nakaupo daw sa taas na part ng doubledeck din...kumukuyakoy pa daw mga paa...sabi daw sa ka roommate nila "tulog ka ng tulog"....umalis daw kagad yung bago na yun...anyway,yung sa cousin ko naman so lumipat na siya...kami ang magkasama sa isang doubledeck...siya sa baba ako sa taas..so naayos na namin lahat ng gamit niya...nung gabi na natulog na kaming lahat...then nung madaling araw na nagising kami kase yung cousin ko iyak ng iyak...so gisingan kami lahat ask ko siya kung bakit...nanginginig pa siya sa takot...sabi niya naalimpungatan daw siya naramdaman daw niya parang may mabigat daw na nakapatong sa left arm niya...pagmulat daw niya may babae daw nakapatong yung mga braso sa braso niya nakaharap daw yung muka sa kanya kaso di raw niya makita nkaharang daw kase buhok...shinashake daw nun babae yun ulo niya palapit sa muka ng cousin ko...pumikit daw siya then nag pray...tapos umiyak na nga ng umiyak...kinabukasan tumawag sa mama niya ayun nagpalipat ng tirahan..haaaayssss...sobrang katakot....

silverlilac

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #442 on: June 01, 2011, 11:49:34 am »
^grabe sis sobrang kinilabutan ako sa kwento mo! at talagang yung babae e nakikipagusap (yung sa naunang bedspacer) tapos nanggugulo physically ha. kakatakot sobra!!!  :o :'(

slovy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #443 on: June 01, 2011, 01:11:19 pm »
naku nakakatakot naman mga kwentos here mga sis, panu kaya kung sakin nangyari yun, jusko malamang hihimatayin ako sa takot, baka atakihin pa nga sa puso, hay! I was knowned as super matakutin since yun lolo ko nagpakita sa kin at matinding pagpaparamdam after nya ilibing. Since then talaga, ayaw kong naiiwanang mag isa. tapos pag tutulog na kami, ayaw ko din mapag isa sa room tapos lagi ako pupwesto dun sa may pinakapader ayaw ko malapit sa pinto. Parang sa doors kasi feeling ko, nandun ang mga multo. hehe. kaya nga pag naaalimpungatan nga ako, iniiwasan ko talaga tumingin sa pinto. Ganun din sa mirrors, kaya wala din kami mirrors sa room, at yung kuya ko din pala nung nabubuhay pa, pero bedridden na sya nun nakakaexperience po sya ng may kumakatok ng 2x sa room nya in the middle of the night. Hindi nga rin nya binubuksan kasi nga bad elements daw po yun. There were times din na binabangugot sya tapos nakakadinig sya na nagboboses na mom namin tinatawag daw sya. sya lang din daw nakakarinig, yung youngest sis ko na bantay nya, di naman dinig. Kaya nangingilabot sis ko nung sabihin ni kuya, tanong mo nga mommy kung ano kelangan nya, tawag ng tawag e, e gabi na." Jusko kung ako nun, ewan ko na lang how will I react.  ::)

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #444 on: June 01, 2011, 04:35:39 pm »
^sis chiz_06, kinilabutan ako sa kwento mo...ayan ang nakakatakot kase physical na at hindi basta nagpaparamdam at pakita lang. Meron kase diba na pakita tapos mawala rin naman agad. Pero yang kwento mo....dyusmiyo atakihin ako sa kwento mo sis.... parang ang daming ghost stories pag dormitory noh? Anyway, tanong ko lang kung ikaw napakitaan ka sa dorm na yun?

chiz_06

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #445 on: June 02, 2011, 09:05:24 pm »
luckily sis hinde....buong college days ko dun ako nakatira wala naman nagpakita sakin...may time nga lang na one afternoon nagrereview ako inantok nako humiga ako then pikit alam mo yun kakapikit ko pa lang naririnig ko pa nga yung mga taong dumadaan sa labas...then kita ko pa na maliwanag pa...kaso pinipilit ko gumalaw di ako makagalaw...may lalaki na parang shadow na humahawak sakin....tapos sa isip ko nagdasal ako ng nagdasal....ayun tsaka lang ako nakagalaw then nakagising..yun lang naging experience ko dun sis...

blue_jade

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #446 on: June 03, 2011, 04:22:20 am »
ishare ko lang sa office naman... sa stockroom namin to be exact  ;D

Most of the time kasi nagiging tambayan ng team namin ang stockroom   ;D Hindi naiiwasan meron nakakatulog. Naka 3 team mates na ata ako nagsabi na parang nabangungot na sila dun. Yung isa nga sabi niya meron kumakalabit sa kanya  ;D and he thought ako yun nanggigising e wala naman ako sa room coz when i left tulog pa sila  ::) Tapos twice na rin meron sa amin nanaginip sa panaginip? Sa panaginip nila they were dreaming na naka blackout sa office at super dilim ng stockroom at walang katao tao sa office na tipong abandoned na.. yay!

Ako naman I can stay there alone sometimes I even sleep alone pero yun nga creepy at parang mabigat pakiramdam. I guess dahil hindi matao, maalikabok, cold and dark in some areas. What I do is I always play loud music and make sure all the lights are on  ;D

^CityHunter, Meron reason kaya bat sila parang binabangungot sa stockroom namin?

ms.messed_up*

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #447 on: June 03, 2011, 06:27:57 am »
ayan may naalala akong creepy story sa dorm/house na tinirahan namin in Pampanga.
it started nung late na natapos yung class namin, it ended 6:30pm yung class na lang namin yung nasa building. medyo madilim na ang hallway na dinaanan namin kasi hiwa-hiwalay yung mga ilaw. then yung friend ko may nakita siyang nag cross sa way niya papasok sa isang room,nakatungo yung friend ko so nakita niya lang ay yung shoes. nagulat kame nung sinipa ng friend ko yung door ng classroom then sinilip niya. we asked her why.. ayun nga may nakita daw siya na pumasok, pero empty yung room. kinilabutan kameng lahat.
the next day, yung group namin was assigned in some hospital in Pampanga, graveyard shift kame. after our shift, uwi na sa dorm..tulog ng konti. we still have tons to do--paper works, patients' cases. yung friend ko was working on her case, so sinusulat niya yung research, then after awhile nabasa niya yung mga sinulat niya--"P***ng ina mo bakit mo ako ginulo." lahat kame natakot talaga. paano nangyari yun, di ba? so nagkatakutan na talaga. then pag balik ng Manila, kinuwento ng friend ko na creepy na talaga yung feeling and yung nangyayari sa kanya. everytime daw na nag-aaral siya para daw may nakatingin sa kanya, uneasy daw yung feeling, sometimes bigla na lang siya kikilabutan, may hangin na malamig tipong ganun. so nagpa tawas na siya. ang sabi sa tawas, spirit daw yun nung lalaking nasa school namin na nagalit  "nagambala" daw ng friend ko. yung lalaking nag cross sa way niya.. yun daw yun. at kaya sumama sa kanya. :o :o :o



chakchuk

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #448 on: June 03, 2011, 03:30:53 pm »
Nyay sumama pa katakot naman...

Hay kami din meron sa office...office is located along ayala  ;D.... we usually work till 10 or 11 pm... Yung cubicle ko is daanan papuntAng cr ... One time may may dumaan s likod ko para mag cr... Hinintay namin lumabas yung Pumasok.... sa sobrAng Tagal Pumasok kami ng Mga officemate ko Baka ano ng nangyari... Pag tingin namin walang Tao sa cr.... After that wala ng gusto mag cr magisa....

Tapos meron while we were working medyo gabi na may dumaan ulit s likod ko... I thought janitor... He was wearing stripes polo shirt... Usually naka-uniform Mga janitor kaya nagtaka Ako Kung sino dumaan... So nilingon ko bigla na Lang nawala as in... Nagkatinginan kami ng officemate ko kasi nakita Nya din tapos nawala nga bigla....

eto pa ISA sa isa gabi ulit NASA kabilang dulo kasi Ako tapos I have o
One officemate na ginabi din sa office... NASA kabilang dulo naman sya... Nagulat Ako bigla syang tumakbo
... I asked him... Sabi Nya meron daw kasi sumilip sa cube Nya pagtingin Nya nawala bigla... So Hinabol Nya .... Wala naman akong nakita...

Hay madaming creepy stories dun sa office namin

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #449 on: June 03, 2011, 06:15:47 pm »
A possible reason why a lot tend to have a bad sleep sa stockroom is because maraming stagnant and negative chi.  This is why having a room above, below or next to one na unused most of the time by a living person will have similar experiences.

The other possibility is that due to design ay naging doorway to Hell or sorts yan.  However, hindi siguro ito ganun else the experiences would be more dramatic.  Well, not unless heavily filtered yun kwento.

Yun isa pang possibility is something lords over that area and is taking offense that may mga intruders.  As sleeping is when our guard is down - again, this is why prayers before sleeping is very important - ay that's when it attacks.  Psychic attack in this case.

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #450 on: June 05, 2011, 03:16:31 am »
^sir CityHunter, may tanong po ako re dreams. Yung hubby ko nanaginip last night re his late tito. Nagising ako kase I heard him parang uneasy while sleeping. His not talking but his like saying something. I woke him up tapos nagising sya and told me napanaginipan nya daw yung tito nya na ka-close nya nung nabubuhay pa. Sabi nya sinabihan nya daw "miss ko na po kayo" sabay hinawakan nya daw kamay o parang nagshake hands...tapos ginising ko na raw sya. Actually thank God, tulog man ako nagigising ako and ginigising ko sya everytime I hear him murmuring sounds while his sleeping. And madalas bad dream yun pag ginigising ko sya. With regards to his dream about his tito, ano po kaya yun? Ang sabi pa hubby ko pinupuntahan daw sya tito nya...I hope hindi naman nanunundo...kase naghawakan sila kamay. :(

shatz

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #451 on: June 05, 2011, 07:10:10 pm »
kwento ulit,. dun sa dating house namin,.

I was playing cards, nanghuhula,. hehe,. marunong ako dati e,. then biglang may sumulpot na lalaki sa bandang pinto papunta sa kusina,. nakawhite tshirt, brown khaki pants, maputi masyado, yung mata maliit na itim lang ang eyeball, walang ilong, mapula lips,. naka smile siya sakin, then, dumaan kapatid ko, pupunta kusina, tinagusan nya yung lalake,. bigla kong natapon ang cards sa kilabot,. I closed my eyes, then pag open ko andun parin siya, naka-smile padin sakin, mejo airy ang silhouette nya kasi tagusan nakikita ko bro ko sa kusina,. pumasok ako ng kwarto,  sobrang taasan na lahat ng buhok ko at naluluha ng sobra mata ko,.  hindi naman ako natatakot kaso yun lagi reaction ko pag naeencounter ko sila, taas lahat buhok at parang lumalaki ulo at naluluha talaga mata ko,. 

wala akong ginawa, i didn't even pray, iniisip ko aalis din naman yun, so lumabas ako ng room ko, pagtingin ko andun parin siya, sabay lingon siya sa kapatid ko na nasa kusina, tingin ulit sakin all smile,... hindi na muna ako lumabas ng room kasi nanghina na ako,. parang nadrain energy ko,.

norms

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #452 on: June 05, 2011, 07:47:53 pm »
^ ate! walang ilong?! parang na-imagine ko tuloy alien ang itchura.
bakit siya naka smile sayo? nakakatakot naman ang ganon. ang creeeeepy!

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #453 on: June 05, 2011, 10:34:08 pm »
sis shatz, kwento pa... :)

PINKAHOLIC

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #454 on: June 06, 2011, 07:08:03 am »
^^^omg sis kinilabutan naman ako dyan, sana nginitian mo din or picture taking kayo joke.

17arci

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #455 on: June 07, 2011, 02:47:33 pm »
Di ko sure kung na-share ko na toh..

Sa 5th floor ng building namin sa isang university. Naglalakad kami ng friend ko pabalik galing CR. Since sa dulo pa yung room namin, marami kaming dinaanan na ibang rooms pa. Sa isang room na dinaanan namin, bigla kami napaiwas sa door kasi: nakita ko may pumasok na itim na figure.

Di muna kami nag-usap, ni-check lang namin yung room. Nakalock yung pinto. Sumilip pa ako sa glass window nung pinto. Wala naman.

Mayamaya nag-usap kami tungkol sa nakita namin. Iba pala yung nakita nya sa nakita ko. White figure yung nakita nya na palabas naman ng room.

17arci

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #456 on: June 07, 2011, 02:50:14 pm »
Dito naman sa office ng client. Around 7pm yun. NagCR ako. Pagpasok ng pinto makikita mo agad yung mga cubicles na reflected sa salamin. Nakita ko may pumasok na itim na figure dun sa dulong cubicle. Sobrang nawiwiwi na ako kaya nagCR pa rin ako sa kabilang dulo naman. Nagflush naman yung andun sa kabilang dulo kaya akala ko may tao talaga. Pinakiramdaman ko kung may lalabas pero wala naman. Sinilip ko pa yung cubicle pero walang tao.

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #457 on: June 07, 2011, 03:23:53 pm »
ako naman sa office namin dati (sa may Boni).  Nag-CR ako non, e yong area ng cr, dulo tapos medyo madilim malapit sa fire exit.  2 cubicles andon, so ako lang nasa CR.  Akala ko non, me pumasok kasi me nahulog na tabo.  As in malakas.  So paglabas ko, I was expecting the next cubicle na sarado at me tao.  Pero wala, sinilip ko pa, wala rin tabo.  natakot ako, dali dali akong naglakad pabalik ng area ko. 

Also, pag lunch break, nakatambay ako sa kabilang dept., at pinapatay nila ang ilaw kasi usually natutulog iba.  nagkukuwentuhan kaming apat malapit sa stockroom nila (acctg. dept kasi yon) na situated malapit din sa isang exit.  Biglang lumamig tapos iba yong feeling mo.  Yong isang officemate ko, nakakakita, ako nakakaramdam.  Sabi niya, nakita niyo ba yon, tapos parang nanloloko pa kasi halatang walang nakaramdam.  sabi ko yong dumaan na babae na mahaba buhok, oo daw.  Ayun, natakot mga kasama namin.

Yong floor kasi namin, iba yong feeling e, pina-feng shui nga ng me ari, meron silang nilagay din na parang altar don, nagsisindi sila ng kandila, sa malapit sa CR tapos sa may stockroom ng accounting kasi nga daw me multo don na babae sa stockroom at lalake naman sa me CR, parang di matahimik.  Kaya lahat kami, pag me -OT di makapag-CR mag-isa.

yndy

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #458 on: June 07, 2011, 04:29:31 pm »
usapang CR.. pa share..

it happened a few years back nun nasa call center pa ako. sa 9th floor ng isang building along ayala. breaktime namin so wiwi kami ng mga ka batch ko sa training. sa unang cubicle may nakita ako pumasok so i was standing sa labas nun waiting. natapos na lahat nun nag cr sa ibang cubicles and hindi pa din lumalabas yun pumasok sa first cubicle... nag-ask yun friend ko kung bakit ang tagal apparently nakita din pala niya yun pumasok. sabi ko i dont know then tinulak ko yun door bumukas lang... nagkatakutan na so sa kabilang cubicle na ako nagwiwi...

may 3x nangyari sa akin yun sa first cubile pero since nawiwiwi na ako deadma na lang sinasabihan ko na lang na nawiwiwi na ako...

17arci

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #459 on: June 07, 2011, 04:32:36 pm »
usapang call center. hehe

this happened sa friend ko. tatlo or apat sila nasa isang cubicle. yung isa was playing with my friend's iphone, so naka-video sila. suddenly may black figure na dumaan dun sa may gilid ng cubicle. as in kitang-kita sa video.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close