nangyari to when i was 15.
here's the background of my story.
i have an older sister, already working, mama & papa were also working. so after school, ako lage nauuna sa bahay. i arrive between 6pm and 7pm kasi active ako sa skul. my dad uses crutch/crutches since he has difficulty walking w/ his left leg eversince binata pa. now everytime he walks,may distinct sound, kaya alam namin na sya yung dumarating. may aso din kami,si babor. 3yrs old sya nun, super like nya si papa. we have a "dirty kitchen" sa labas.it was built like an open cottage enclosed by a cyclone wire. dun kami nagluluto, and it's where we keep our shoes and slippers. para malock yung pintuan, gumagamit kami ng chain at padlock. at pag inopen mo yung pinto, tatanggalin mo yung chain at super ingay nito. dun lage ang 1st stop ng lahat pagdating sa bahay.
eto yung kwento.
dumating ako mga 7pm,nagsaing then nood na agad ng tv. after 15mins, naka uniform parin ako, natutulog naman si
babor ng dumating si papa. alam kong si papa yun. siyempre kilala na natin mga kapamilya natin diba , alam natin na sila yun kahit di pa natin nakikita, lalo na sa papa ko, rinig na rinig ko yung crutches nya, at w/ matching ubo pa. yung parang ngcle-clear ng throat. ganun kasi mannerism nya. bigla na rin tumayo si babor, excited at kinakalmot na nya yung pintuan(eto way nya para magsabi na gusto nyang lumabas). di ako tumayo kasi tinatamad ako, hinayaan ko lang sya na umiyak, at di ko na rin sinalubong papa ko. tapos narinig ko na binubuksan na
ni papa ang kusina kasi hinihila nya yung chain. after 10mins,ewan ko pero si babor, parang napagod na, bumalik na lang sa pwesto nya at natulog ulit kasi hindi pa rin pumapasok si papa. hindi ko na narinig na umuubo sya. parang walang tao sa kusina.
tapos biglang parang naulit yung nangyari 10mins ago. may bumukas na naman ng gate, naglakad patungong kusina, binuksan, at pumasok. parang si papa din, ganun yung lakad, tapos kopya pati mannerism. si babor naman, tumayo ulit na parang tuwang-tuwa kasi uwi na si papa. nagtaka nako kaya lumabas ako. si papa nga ang dumating. at kitang-kita ko na kadarating niya lang. hinuhubad pa nya sapatos nya, at pinapawisan pa siya. tinananong ko kung sya ba yung pumasok kanina,sabi nya hindi. naisip ko rin na kung si papa nga yung 1st dumating, tapos lumabas lang ulit,eh dapat narinig ko. maingay kasi sya maglakad, at maingay din gate namin pag binuksan. so sino kaya yon?
hanggang ngayon naiisip ko parin, what if sinalubong ko yung unang dumating. ano kaya makikita ko?
