oo nga,. wala na bagong story,. ako nalang magkkwento
this happened nun highschool ako sa CR sa school (same CR na nakita ko yung walang ulo na bata),. this time may ibang tao naman a CR kasi lunchtime. so nagt-toothbrush ako nun, e nakayuko ako nun hindi ako tumitingin sa mirror. Then naramdaman ko nalang tumatayo lahat ng buhok ko sa katawan, parang lumalaki ulo ko, sobrang kinikilabutan(?.. took time to type this, hehe).. nararamadaman ko may ibang presence so hindi ako tumitingin sa mirror, patagilid ang tingin ko to check kung may nararamdaman din ba yung mga katabi ko,. but their just chatting as usual.
So while combing my hair, naglakas loob ako tumingin a mirror, and dun ko nakita, biglang may nag appear na mukha ng babae sa tabi ng mukha ko, parang nilapit nya sa at pinatong sa balikat ko,. babae, naka itim, maaitim ang aura, nanlilisik ang mata, magulo ang buhok, black ang eyeliner at liptick, inshort mukhang bruha,. nanlaki ang mata ko, nabitawan ko yung suklay ko sa sink, i wanted to shout,. tinignan ko mga katabi ko pero ako lang ang nakakakita sa babae,. tinignan ko ulit sa mirror andun padin yung mukha side by side ng face ko,. nanglilisik ang mata parang galit sakin na ewan,. hanggang sa nkahalata na yung katabi, kasi habang inaayos ko gamit ko, naglalaglagan lahat, naibitawan ko, tapos naluluha na yung mata ko sa sobrang kilabot, ang lakas ng power nya ramdam ko,. ayun,. lumabas ako ng CR ng walang ibang nakakita sa bruha n yun,.