watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 180096 times)

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #140 on: January 24, 2011, 09:46:17 am »
ako din, pag nakakapanaginip ako na nabungi ako, me masamang nangyayaring gaya niyan.  a month bago mamatay lola ko, I dreamt na nabungi daw ako to think na kakapabrace ko lang non, so isip ng mama ko, baka nga kasi hanggang panaginip, iniisip ko yong sa brace ko.  pero sabi din niya, baka nga daw lola ko yong malapit na mamatay kasi nga me sakit na ata siya non, although di naman grabe.

then nong dec., nanaginip ako ng ganon din.  e pagkagising ko, grabe kaba ko at naisip ko papa ko. e abroad ako, so i always check on them kung aalis sila, etc.  nawala na sa isip ko yon pero ngaoyn ko lang naisip na yong good friend namin ni hubby, namatay nga pala nong time na mga after a week siguro na mapanaginipan ko yon.  biglaan din.  so it meant our good friend, not a relative yong sa panaginip na nabungi.

pano ba mabaliktad yong ganon? sabi nila, ikwento, sabi ng iba, hindi dapat ikwento.


1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #141 on: January 24, 2011, 11:36:18 am »
nyikes sises katakot naman ang nabungi. :(

shinta

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #142 on: January 24, 2011, 12:19:26 pm »
lagi akong nananaginip nung bata ako na nabubungi or nalalaglag ngipin ko pero wala naman masamang nangyayari or namamatay na malapit sakin or kakilala ko. i guess, superstition lang din ito. it's not exactly totoo, pero dahil sa collective thoughts of those who believe, nagiging totoo for some people.


odessa17

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #143 on: January 24, 2011, 12:28:21 pm »
totoo talaga hindi naman din ako totally naniwala bout sa pag nabungi pero gaya ng sabi sabi pinagsabi ko at kumagat ako sa kahoy dahil wala naman masama db kung sundin yun kasabihan nagyari yun paulit ulit na panaginip nga nun bandang may-june... naisip ko na lang lately na baka my connect sila kasi nga diba 2 malapit sa akin nawala... yun time na un sa panaginip ko iyak ako ng iyak kasi nga nabubungi ako na slow-mo pa un pagkakatangan ng mga ipin ko....
hay kumagat naman ako yun nga lang sa pencil lang kaya yata ganon....

ngayn tuloy natatakot na ko managinip ng mga ganon bagay kahit premonition pa yun...

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #144 on: January 25, 2011, 06:59:27 am »
Two weeks ago, habang nagpapaligo mom ko sa mga dogs sa garahe, nag ring daw yung phone... Nagmamadali daw syang sagutin baka kasi overseas call ng ate ko. Pagsagot daw nya, may sound daw ng static sa linya, tapos boses daw ng lola ko (who died July last year)! Tinatawag daw full name niya, "Zeny! Zeny!" Hindi daw sya natakot nung una kasi iniisip nya kung sino yun. After a while na realize nya na boses nga ni lola yun, and si lola lang ang tumatawag sa pangalan nya ng ganun.

Kinilabutan talaga ako all over nung sinabi nya sa kin yun. So ayun, napa bisita siya kay lola sa sementeryo, matagal na rin kasi nyang di nadalaw.

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #145 on: January 25, 2011, 07:13:53 am »
Kwento ko rin na nung bagong llipat kami dito sa bahay namin mga 1986 yun, wala pang bahay halos dito sa subdivision namin. Puro matataas na talahib pa, pero may katabi kaming malaking convent ng mga franciscan sisters so hindi rin naman nakakatakot. Pero ang creepy lang, a few days after we moved in, laging may bumabagsak na super bigat sa bubong namin! Walang pinipiling araw or oras, even tanghaling tapat may kakalabog talaga sa bubong parang isang sakong bigas ang ibinabagsak.

Since bata pa ko nun hindi ako ganun natatakot to that mystery. Pero i remember kaming magkakapatid nasa isang room lang nag stay together pag may kakalabog (matagal din ang duration kasi). And I remember my dad and uncle binabantayan nila talaga sa bubong or nasa adjacent lot sila tinitignan kung may pusa ba or taong tumatalon sa bubong. Pero wala talaga.

Then my mom consulted her friend who has a third eye and who does spiritual healing too. He visited our house, may mga rituals syang ginawa (di ko alam kung ano kasi nasa school kami nun). Sabi nya din, yung nang iistorbo sa min is yung dating nakatira sa lot namin na tikbalang. Nawalan daw sya ng "tirahan" kasi nagpatayo kami ng bahay. Sabi ng mom ko, kinausap daw ni "mang art" yung tikbalang and parang nakipag ayos daw so we can live in harmony with it. (Meaning hindi nya pinaalis, so until now baka nandito pa rin sya sa paligid? :D  )

Anyways, after the healing and the rituals, tumigil na yung pang iistorbo nun.

Naku but that's just part of the many weird stories in this house :D Kwento ko na next time yung iba :D  LOL

jaded1025

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #146 on: January 25, 2011, 11:44:29 am »
Yun friend ko dito nakatira samin. Mukhang fave sya ng something dito sa bahay.

Dati may inuwi syang work. So past midnight na may nag-pssst daw sa kanya. Nilingon nya ako, pero tulog na ako nun.

2 months ago yata, nanonood kami ng tv. Tapos umakyat lang ako kasi kinuha ko phone ko. Nung nasa taas na ako, may nag-psst daw sa kanya.

And last new year's eve dahil 2 lang kaming naiwan dito sa bahay eh busy-busyhan kami sa pagluto. That time nasa kitchen sya at nasa taas naman ako. Habang naghihiwa sya, nakikita daw nya shadow ko na parang nagtatago. Akala pa nya gugulatin ko sya so nung bumaba na ako, inunahan na nya ako sa paggulat. Tapos sabi nya, 'gugulatin mo pa ako ha' sabi ko naman 'bat kita gugulatin eh alam kong nagluluto ka' ayun kinwento na may nakikita daw syang shadow at akala nya ako.

Add ko lang, mahilig nga ko mag-psst at manggulat pag busy-busyhan sy. Pero di talaga ako yun.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #147 on: January 25, 2011, 05:13:01 pm »
Hi, sweetsweet.

Yup.  Tama yun ganun move as not always masama naman ang mga elementals.  And what may be ugly or scary for us isn't so for them.  I do hope that whoever did that ritual left clear instructions with your mom para continued harmony ang mangyari.

pepperjuice

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #148 on: January 25, 2011, 07:01:18 pm »
pa-join.. hehe

blow_fish

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #149 on: January 28, 2011, 10:38:59 pm »
same here, gusto ko din maupdate sa mga stories...

showermist

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #150 on: January 29, 2011, 01:08:01 pm »
nung bata ako, ilang beses akong bumangon sa madaling araw dahil may naririnig akong naghuhugas sa may lababo sa kusina.  as in dinig ko talaga yung buhos ng tubig galing sa faucet.  pero pag chinicheck ko, wala naman. at very dry ang sink. 

minsan pa, akala ko napagtripan ng lola kong maghugas ng mga kubyertos ng midnight, parang nagdadabog. pag ichicheck ko, dry ang sink. at walang basang kubyertos.

hanggang ngayon puzzle talaga sa akin yun.
------
tapos yung lolo ko sa father side(sa ibang probinsya), nagpakita sa akin nung araw mismo na namatay sya. akala ko dati pag makakita ako ng 'multo' magsisisigaw ako, hinde. natulala ako at nag iiiyak. kinabukasan pa namin nalaman na namatay sya :(

yan pa lang naman ang naaalala ko na nangyari sa loob ng bahay.

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #151 on: January 29, 2011, 01:11:57 pm »
^same here sis.. May naririnig pa ako nagbubukas ng lalagyan ng mga pinggan namin.. Pagbukas ng kaldero.. Pero wala naman.

ravena

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #152 on: January 29, 2011, 10:27:37 pm »
just now, may ipapadala akong pictures thru email. nagulat ako kasi walang mukha yung nandoon. but i will re-check it again. scary!

zandystar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #153 on: January 31, 2011, 04:01:36 pm »
Ako din mag share ng experience of my husband naman in terms of paranormal activities pero until now sinasabi niya na wala naman siyang third eye, nakakaramdam at minsan nakakita na ng ghost… here are some of the stories na unforgettable sa kanya..

1st: when he was still young at 7 yrs old age. Paborito daw siya ng kanyang ninang as in parang 2nd mommy niya na kaya lang nagkasit daw ito sa kidney and she passed away.. after ng libing, at hinde daw siya makatulog around 11pm midgnight at lahat ng tao sa room nila eh tulog na (sharing room daw sila) nagulat na lang siya at biglang nagiba ang ambiance ng room nila lumalig  so hinde naman niya pinansin. Nagulat na lang daw siya nung pagtingin niya sa cabinet andun nakatayo ang ninang niya ang nakatingin sa kanya. Sa sobrang gulat niya ginising niya yung younger sis niya which is 5 years old at that time. Nung nagtalukbong daw sila ng kumot hinde daw nila makalimutan dahil naaninag nila na lumalapit sa kanila. His younger sister shouted na then nagising yung parents nila.. at bigla na lang nawala.. kinabukasan both sila ng sis niya may lagnat..after nun nag pray na lang sila na sana wag naman dalawin kung namimis sila thru dreams nalang. After daw non hinde na nagpakita at kung may ipapahiwatig sa panaginip na lang madalas.

2nd: teenager days ng husband ko, he used to sleep with his parents including with his bro and sis to share airconditioning dahil lam mo na tipid mode pa din and kakalipat pa lang daw nila sa new house nila. At 3 am madalas siya nagigising para mag wiwi pero one night when he woked up, nagulat na lang siya sa front door may nakatayong lalaki na medyo mataba, skin head at naka sando lang. around 5 secs bigla na lang itong nawala. He’s confused kung sino yun kasi wala naman siyang maalala na meron silang relative na namatay recently. Hinde niya daw muna kinuwnto sa kapatid at parents niya dahil baka matakot nga since kahit sila nag wiwi ng gabi. Nung kinweto niya daw yun after 2 weeks, para daw sila sardines sa bed dahil tabi tabi sila. By the way, his dad eh nasa abroad kaya mother niya lang daw ang pinaka matanda nung time nay un. and baka napadaaan lang sa house nila.

3rd: on his aunti house, mga 12 years ago, summer and nanood daw sila magpipinsan ng tv. While watching tv,  nagulat na lang sila biglang lumakas yung volume ng tv so nagkatinginan sila. Lahat daw sila nagtaka baka someone is trying to freak them out. Nagulat sila nung yung isang pinsan nilang pilyo na akala nila  yun ang nanggogoyo sa kanila eh nangaling ng cr. Less than a minute nung hininaan daw nila yung volume ng tv bigla naman nilipat yung channel then nilakasan ulit yung volume. Nung nagsalita yung kuya niya na something is wrong at pinaglalaruan tayo bigla ba naman lumipat yung tv at nagdisplay na “00”. Takbuhan daw sila sa labas at hinayaan muna bumalik ang mga tita nila. Pagbalik sabi baka daw naglaro yung bata. Tinanong nila sinong bata? Matagal na daw yun nagpapakita pero usually nakatalikod. A month after nung nangyari yun andon ulit sila sa tita niya, while my husband is sitting na tanaw daw yung stairs. May nakita siyang tumawid sa taas na bata tapos sabi niya sino yung bata na naglalaro sa taas eh tanghali tapat mainit. Sabi ng lola at tita niya wala daw tao don tapos pinadescribe sa kanya. Sabi ng husband ko naka white t-shirt and blue shorts as in tumatakbo. Sabi ng tita niya yun na nga daw yun at naglalaro lang. sabi naman ng lola niya may kasama pa daw nanay yon at madalas sa taas daw nagpapakita somewhere in kitchen. Nagulat bigla yung isang pinsan niya nung sinabi yon dahil nakikita niya daw yun usually nakatayo sa may hugasan ng pingan at nakayuko lang. Sabi naman nila ayos lang yun parang may guardian na din tayo sa house kasi simula daw nagpakit yun sinuwerte daw sila sa store business nila.

4th. Married na kami and we both work as engineers. My husband is a field engr and his dutys is more on night time. Around 11 PM, kailangan niya bumalik sa office at sinamahan ko siya para kuhanin yung laptop niya dahil andun naka save lahat ng files niya. Nung asa office na siya where yung guard hinatid lang siya sa loob ng cubicle niya at ako naman nagaantay lang sa parking. Pagtayo niya daw may nakita siyang lalake wearing all black walking at nakalutang and moving. Around 3 meters bigla na lang daw ito nawala. Nagulat ako pagbaba niya sa parking at dala niya lang yung laptop at naiwan yung power supply tas ng sinabi niya hinde nya daw nagustuhan yung nakita niya. Ang sabi ko naman bakit? Kasi yung lalake walang ulo and gumagalaw, baka bigla daw lumitaw sa harap niya. Buti na lang yung laptop niya non full-charged yung batter kaya ok naman. A day after kinwento niya yun sa mga ka office mate niya at same description sila. Minsan pa nga daw pinaglalaruan yung mga upuan iniikot. Mula nun hinde na siya umaakyat mag isa hehe sinasama ko madalas. Awa naman ni Lord hinde siya nagpaparamdam saken or nagpapakita.. ewan ko lang pag solo nako sa area nila.



for the 5th story and 6th which is my experience naman nung college ako sa susunod na post ko :)

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #154 on: January 31, 2011, 05:18:13 pm »
Me naalala ako sa kwento mo sis na biglang lumakas yong volume ng tv ng hubby mo.

Kami naman non, sa boarding house, mag-xxmas siya so lahat ng presents ng land lady namin, andon sa christmas tree, a few steps away from the TV.  E di nood kaming lahat tapos medyo mahina yong sound.  Ang pinapanood ata namin non is suspense.  So nasa kalagitnaan na non ng panonood namin, biglang tumunog yong doll na nasa plastic bag sa may Xmas tree.  yon yong doll na kelangan me i-pe-press ka para kumanta siya or umiyak.  E lahat kami, nagulat kasi biglang tumunog yong sound ng doll na umiiyak. Tinginan lahat kami at natakot kasi nga malayo kami sa doll.

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #155 on: January 31, 2011, 07:22:44 pm »
^sis zandystar, nabitin naman ak osa kwento mo... hehe :D

ebiko

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #156 on: February 01, 2011, 01:00:15 pm »

------
tapos yung lolo ko sa father side(sa ibang probinsya), nagpakita sa akin nung araw mismo na namatay sya. akala ko dati pag makakita ako ng 'multo' magsisisigaw ako, hinde. natulala ako at nag iiiyak. kinabukasan pa namin nalaman na namatay sya :(

yan pa lang naman ang naaalala ko na nangyari sa loob ng bahay.

i remember, yung kuya ko naka-experience nito, since nasa hospital ang lolo ko [father side], actually galing na siya sa ICU pero nagstable pa rin ang condition niya, older brother ko ang bantay.

pagdating daw ng madaling araw, nagising daw siya sa sobrang liwanag sa room, tapos yung lolo ko, was there beside him sa bed, hinahahaplos yung ulo at buhok niya, nagtataka daw siya kasi, yung hitsura daw ng lolo -- yung kabataan niya, ang gwapo daw niya, e dapat daw tatayo kuya ko para alalayan siya, pero hindi raw pumayag ang lolo ko, pinatulog na lang daw siya ulit. the next thing is, ginigising na ng nurse ang kapatid ko, kasi my lolo passed away na.  :-[


i don't know kung may naniniwala ba sa atin, na kapag may mahal tayo sa buhay na nag-pass away, parang bumabalik sila sa house, at kumakatok. na-experience ko naman ito sa motherside ... parang lahat sila nasa hospital, kasi medyo critical na yung lagay ng lola ko, so ako at 2 kapatid lang ang tao sa bahay at gabi na, so binabantayan ko mga kapatid ko  sa rooms nila ng biglang may kumatok sa door, 3x, expect ko dumating na sila, pero taka ko lang hindi naman nila tinatawag yung name ko, pero sumilip pa rin ako sa window para tignan kung may tao nga o wala. walang tao. then after a  few minutes, dumating na sila, informing us na wala na nga yung lola namin. e that time, hindi pa uso ang celphone.



glitterysugar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #157 on: February 01, 2011, 01:49:16 pm »

nung namatay naman lolo namin, patulog na ko so I was half asleep, half awake, when i saw him sa may bintana sa kwarto ko. parang patalikod na sya tapos bigla syang lumingon sakin, nag-smile, tspos sabi nya may mga hinog na atis na daw yung puno namin sa backyard. gusto ko kase ng atis, sya tiga-pitas ko pag may hinog na date. paggising ko iyak ako ng iyak kase namiss ko sya agad. :(

tapos nung nalibing na sya, may brown na butterfly sa may screen door namin. hindi nagbubudge kahit pa bubuksan namin kase lalabas kami or isasara. basta andun lang sya. one time naglinis mom namin, so pinagpag nya yung screen, yung butterfly andun pa din. halos 1 week nagstay dun yung butterfly.

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #158 on: February 01, 2011, 02:26:38 pm »
^ sis, souls of our dead relatives or friends really do come back para magpaalam or dahil meron silang unfinished business dito. tulad na lang ng mom ni daddy. she died last year, July. pero hanggang ngayon andito pa sya. we all know na ayaw pa nya mamatay kasi pinoproblema nya yung mga lupain nila ni lolo (na matagal ng patay).

lagi sya nagpapakita sa panaginip ng mga anak nya, manugang at mga apo. as in sobrang dalas. di lilipas ang isang linggo na di namin sya napapanaginipan. pero lahat naman ng mga dreams namin about her eh masaya sya.

eto yung mga incidents that will prove that she's still with us:
1. one night nag-brown out sa lugar namin. yung house nila lola eh kalapit na ng kalsada, nasa likod yung house namin. ang nakatira na lang dun yung tita ko. so nagpaalam yung 12-year old bro ko na pupunta muna sa labas. pagdaan nya sa house ni lola, may nakasinding kandila so akala nya andun si tita. umupo sya sa bangko na nasa tapat ng bintana nung house. tapos narinig nya na may nagha-hum, galing sa loob ng house. malakas yung boses at parang masaya yung tono nung kanta. sabi ng bro ko "ah andun nga sa loob si tita". FYI magkaboses si tita at si lola, pareho din sila mahilig mag-hum. mga 30 seconds daw nya narinig yun. nagulat na lang daw sya nung biglang dumating si tita galing sa labas. hala, kinakantahan sya ni lola.  :o

2. si lola ay gumawa ng suman atbp kakanin nung nabubuhay pa. one time, umaga, pumasok si mom sa bahay ni lola. wala dun si tita at nagpaalam kay mom na mamamalengke sa kabilang bayan. iniiwang bukas ni tita yung pinto sa likod. eh di pumasok na nga si mom sa house. nakita nya yung mga tamayok (yung lagayan ng suman) sa dining area na kalapit naman ng room ni lola. sabi ni mom, "ano ba naman to, bakit nakakalat sa sahig! kung andito lang ang ina, magagalit yun". aba biglang ba namang tumunog yung paboritong radyo ni lola (na di pwedeng i-charge o lagyan ng baterya). tapos mga lumang kanta pa ang tugtog, mga tipong 1940's. di na yun ginagamit since mamatay si lola. sabi ni mom "ina naman, wag nyo naman akong takutin. inaayos ko lang tong tamayok." after that, nawala na ulit yung tugtog ng radyo. after mahimasmasan si mom, sumilip sya sa kwarto. nakita nya yung radyo, unplugged. so paano tutunog yun?

3. one afternoon, mag-snack si mom, my 26-year old sis and my 14 year old sis. magkakape sila. nung nabubuhay si lola, nalipat sya sa amin tuwing hapon para maki-kape. so nakaprepare na yung mga kape sa mesa, pati yung tinapay. lahat ng tasa nakapatong sa platito, at yung kutsarita nakapatong sa platito. nasa dining area silang tatlo pero walang malapit sa mesa. nagulat na lang sila nung biglang umangat yung handle nung isang kutsarita tapos bumagsak ulit sa platito. natulala daw sila at di nakagalaw ng halos isang minuto, walang makalapit sa mesa. :o

4. on weekends, dumarating yung mga anak, manugang at apo ni tita at dun nag-stay. minsan ang naiwan sa house ay yung babaeng manugang ni tita tsaka yung baby nya. nakakarinig daw sya ng ingay sa taas. kwento nya sa amin, parang nagtitiklop ng malalaki at makakapal na plastic. minsan naman, nagwawalis at nagbubunot ng sahig. nung narealize nya na silang mag-ina lang ang naiwan, takbo daw silang mag-ina sa labas. nung nabubuhay pa si lola, mahilig sya maglinis sa taas tapos tinitiklop nya yung mga plastic na pangtakip dun sa bintana kapag umuulan.

5. a few days after mamatay si lola, narinig ng parents ko na tinatawag ni lola si dad sa pangalan nya. 2 or 3 am yun. 3x daw tinawag si dad.

zandystar

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #159 on: February 01, 2011, 04:36:32 pm »
Here’s the 5th story which is sa husband ko pa din, while his duty of course pang gabi ulit. He was assigned in cubao near psba college school. Ang duty niya bali daw eh I supervise yung mga tao mag iinstall ng equipment sa isang room. Since para hinde disturbing sa mga near area, gabi ulit ang work nila. At first normal lang daw sila magkakasama at inaayos yung gamit bago I akyat sa third floor. Ang andon lang daw eh yung caretaker to check their tools and equipment. While going up at pagpasok nila sa room naiwan yung isang contractor dahil medyo mabigat yung dala niyang tools. Pag enter nung last na tao na umakyat nagtaka daw siya pagsarado ng pinto bigla daw may kumatok so nagtaka siya at ang akala niya yung caretaker at baka may nakalimutan. So the guy decided to go down at ang nakita niya lang daw yung guard sa 2nd floor, so nagtanong siya nga pero hinde daw kumibo yung guard at tuloy tuloy na naglakad at hinde naman namansin so the guy decided umakyat na lang. During the installation nung equipment bali 4 sila including my hubby yung isa daw sa kanila nag smoke sa may banding corridor ng building at lumayo muna. After a minute tumatakbo daw yung contractor niya sa kanya at namumutla, tinanong niya kung bakit, ang sabi nung guy na nag smoke may sumampal daw sa kaniya at tumilapon pa ang mismong yosi niya. Nung una ayaw nila maniwala kasi baka lasing lang daw pero nung nagkwento na din yung nakaranas na may kumatok bigla sa pinto dun na nagsimula na may nagagalet sa pag akyat nila na kakaiba pero as work kailangan nila matapos yung deadline. At the third time around 1am, while layouting the cables, at 3 sila nag hihila while the other guy is at the end to check the route, nagtaka sila bakit parang ang hirap hilahin nung cables pero impossible daw mangyari yun dahil straight lang daw yung pvc pipe. Ang sabi ng hubby ko baka bumara lang so pinacheck niya sa isang contractor niya. Pagpunta ng contractor niya para icheck yung tao sa other end nakita niya nagbabasa lang ng manual ng equipment so chinek nung dalawang contractor baka may barado nga yung pvc pipe at bumalik  sila sa hubby ko to report na malinis naman. So they tried na hatakin ulit so umandar naman pero mabigat so 4 na sila nag hihila ng kable then nabitawan nila bigla at nagulat sila biglang humatak ito pabalik. Lahat sila namutla na kasi hinde nila alam kung anong entities yung andun sa area na yun. Nung nagdecide sila mag impake na at iresume na lang yung work nila other day,, paglabas nila bigla na lang umangat yung isang raise floor tiles. Yung raise floor tiles ito yung parang naiingat na kalimitan nakikita sa mga home theatres or cable company kasi dun nila pinapadaan yung mga wirings nila. Just imagine na mga 5kilos yun pano aangat. Nung nangyari daw yun iniwan na nila talaga yung work nila at nag decide ng bumaba. Pagkita nila sa caretaker ang sabi nila na irersume nalang yung work nila during daytime at sabi nung isang contractor na ipabantay na lang daw sa guard sa taas. Nagulat ngayon yung isa eh sino yung guard na pinagtanungan nya??? That’s creepy it means ghost din yun!! Kaya pala hinde sinabi yun ng caretaker na may kakaibang nangyayari sa 3rd floor baka hinde na sila mag proceed. Ang nakalimutan lang daw I advise sa kanila eh magpaalam bago umakyat kaya yung mga next work nila dun nagpaalam na sila at wala na sila naramdaman na unusual kundi mga parang bulong lang at alam dawn a may kasama sila kakaiba sa room. Nung kinwento saken to ng hubby ko parang ayaw ko maniwala kasi masyado naman yun paranormal na nangyari sa kanila kasi parang gustong manakit. A month after that, since may mga nag upgrade na daw ng equipment dun at naglagay ng cctv camera to protect their equipment. Pinakita sakin ng hubby ko yung installed equipment kitang kita sa video na inuuga uga hanging bumagsak yung equipment. Sabi ng hubby ko baka nagalit daw yung mismong multo dun at hinde siguro nakapagpaalam ng maayos yung gagawang contractor. This place is scarryy!!!


 

Latest Stories

Load More Stories
Close