^ sis, souls of our dead relatives or friends really do come back para magpaalam or dahil meron silang unfinished business dito. tulad na lang ng mom ni daddy. she died last year, July. pero hanggang ngayon andito pa sya. we all know na ayaw pa nya mamatay kasi pinoproblema nya yung mga lupain nila ni lolo (na matagal ng patay).
lagi sya nagpapakita sa panaginip ng mga anak nya, manugang at mga apo. as in sobrang dalas. di lilipas ang isang linggo na di namin sya napapanaginipan. pero lahat naman ng mga dreams namin about her eh masaya sya.
eto yung mga incidents that will prove that she's still with us:
1. one night nag-brown out sa lugar namin. yung house nila lola eh kalapit na ng kalsada, nasa likod yung house namin. ang nakatira na lang dun yung tita ko. so nagpaalam yung 12-year old bro ko na pupunta muna sa labas. pagdaan nya sa house ni lola, may nakasinding kandila so akala nya andun si tita. umupo sya sa bangko na nasa tapat ng bintana nung house. tapos narinig nya na may nagha-hum, galing sa loob ng house. malakas yung boses at parang masaya yung tono nung kanta. sabi ng bro ko "ah andun nga sa loob si tita". FYI magkaboses si tita at si lola, pareho din sila mahilig mag-hum. mga 30 seconds daw nya narinig yun. nagulat na lang daw sya nung biglang dumating si tita galing sa labas. hala, kinakantahan sya ni lola.

2. si lola ay gumawa ng suman atbp kakanin nung nabubuhay pa. one time, umaga, pumasok si mom sa bahay ni lola. wala dun si tita at nagpaalam kay mom na mamamalengke sa kabilang bayan. iniiwang bukas ni tita yung pinto sa likod. eh di pumasok na nga si mom sa house. nakita nya yung mga tamayok (yung lagayan ng suman) sa dining area na kalapit naman ng room ni lola. sabi ni mom, "ano ba naman to, bakit nakakalat sa sahig! kung andito lang ang ina, magagalit yun". aba biglang ba namang tumunog yung paboritong radyo ni lola (na di pwedeng i-charge o lagyan ng baterya). tapos mga lumang kanta pa ang tugtog, mga tipong 1940's. di na yun ginagamit since mamatay si lola. sabi ni mom "ina naman, wag nyo naman akong takutin. inaayos ko lang tong tamayok." after that, nawala na ulit yung tugtog ng radyo. after mahimasmasan si mom, sumilip sya sa kwarto. nakita nya yung radyo, unplugged. so paano tutunog yun?
3. one afternoon, mag-snack si mom, my 26-year old sis and my 14 year old sis. magkakape sila. nung nabubuhay si lola, nalipat sya sa amin tuwing hapon para maki-kape. so nakaprepare na yung mga kape sa mesa, pati yung tinapay. lahat ng tasa nakapatong sa platito, at yung kutsarita nakapatong sa platito. nasa dining area silang tatlo pero walang malapit sa mesa. nagulat na lang sila nung biglang umangat yung handle nung isang kutsarita tapos bumagsak ulit sa platito. natulala daw sila at di nakagalaw ng halos isang minuto, walang makalapit sa mesa.

4. on weekends, dumarating yung mga anak, manugang at apo ni tita at dun nag-stay. minsan ang naiwan sa house ay yung babaeng manugang ni tita tsaka yung baby nya. nakakarinig daw sya ng ingay sa taas. kwento nya sa amin, parang nagtitiklop ng malalaki at makakapal na plastic. minsan naman, nagwawalis at nagbubunot ng sahig. nung narealize nya na silang mag-ina lang ang naiwan, takbo daw silang mag-ina sa labas. nung nabubuhay pa si lola, mahilig sya maglinis sa taas tapos tinitiklop nya yung mga plastic na pangtakip dun sa bintana kapag umuulan.
5. a few days after mamatay si lola, narinig ng parents ko na tinatawag ni lola si dad sa pangalan nya. 2 or 3 am yun. 3x daw tinawag si dad.