watch now

Author Topic: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)  (Read 180034 times)

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #120 on: November 12, 2010, 08:46:05 am »
^ before ba sis na you had this kind of experience, me nagkatotoo na?  Sometimes when I sleep din, there are instances na I feel falling as in I would be up after jerking my feet so bad na parang naghahanap ako ng kakapitan. 

kettlekorn28

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #121 on: November 12, 2010, 08:56:40 am »
^ bata pa lang ako nakakaexperience na ako nito. may mga nagkakatotoo, mga simpleng bagay pero sakto. ang mas nakakatakot kasi, di pa talaga ako nakakatulog kanina nung mangyari yun. ni hindi pa man lang ako nakakapikit kaya talagang shocked ako.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #122 on: November 12, 2010, 09:14:58 am »
Yun recent weird experience ko sa place namin was sa bahay namin here in Manila.  Nagpaiwan na ako as ayaw ko makita yun mga plastic na kamag-anak ng deceased friend namin.  Was up at tinatamad pa to do some house cleaning so played sa PSP - ha ha, tapos na rin mag-scan ng messages sa internet.

Around 10AM yun and nagulat ako may kumalabit sa likod ko.  Akala ko may ipis lang na nahulog pero wala naman.  Happened 2x more at almost the same area of my back so definite na tumalon uli yun ipis na invisible.  So I asked my wife ano ba nangyari during 10AM - as she was to be cremated kahapon rin.  Mass lang daw then fired up the oven.  Dogs were downstairs and got no weird chi feeling naman that would indicate it was something bad.  Nagtanong lang siguro why I didn't go.  Sa 40 days na lang siguro and hopefully hindi ko rin matagpuan yun mga kinaiinisan ko.

Hi, kettlekorn28 and phurple0515.  Got someone who had something like that pero sa US siya.  She actually felt how it was as the father of her ex was dying.  Reminds me to start doing follow ups on those rin kahit okay na sila last I heard.

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #123 on: November 12, 2010, 09:37:19 am »
^ hmm, I remember tuloy yong dream ko when I was a little girl.  Napanaginipan ko na there was this truck na bumangga sa isang kotse sa harap ng bahay namin and I can see the daughter and the mother all bloodied and dead.  As in lagi ko napapanaginipan na alam ko parang totoo kaya I always ask my Mother kung meron nga ganon na nangyari.  wala naman daw.

another thing, we have this stairs situated sa gitna ng house then me hallway papasok sa kusina.  lumang bahay kasi yon na ginawang commercial area sa ground floor.  everytime na dadaan ako sa stairs, kasi nga madilim yong daanan papunta kusina at cr, lagi ako tumatakbo kasi iba feeling ko sa hagdan na yon.  pano sa panaginip ko, me humahabol daw sa akin na ghosts don lage na tipong nahuhulog na ko sa hagdan sa kakamadali bumaba.

OT na ata mga kwento natin, hahaha.

pretty_lexie

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #124 on: November 12, 2010, 10:42:58 am »
mine happened last Nov.1 lang thats around 10pm hinde kami nakapunta sa cemetery that time wich we usually did on a yearly basis kasi sobrang lakas ng ulan, what we did was nagsindi kami ng candles & placed in every part of the house 1candle per died love ones. so kaming 4 na magkapatid plus my mother place our candles that was around 6pm we pray first then nagsindi na kami ng candles.

then nung around 10pm na i was about to drink my medicine na which is placed on the pocket of my bag na nasa loob ng room ng lola ko who passed away a year ago, since yung room eh katabi lang ng sala hinde ko na inopen ang lights, pinipilit ko palinawin ang mata ko para makita ko medicine sa bag ng bigla me may marinig sa tabi ko na voice ng naghihingalo 2x yun at ang lakas sa tabi ko mismo it sounded kagaya ng last breath ni lola before siya mamatay.

kinilabutan talaga me bilis ko nakalabas ng room, napasigaw pa me sabi ko parang t**** pertaining to my brother who was eating sa dining table katabi ng room then he ask why sabi ko ikaw yun noh,den he ask ang alin nung kinuwento ko lahat kami 4magkakapatid & my mother natahimik then biglang may parang dumaan na amoy ng bulaklak super sariwang sariwa yung amoy, thats the time napaiyak kapatid ko sa takot.

my 1 1/2yr old daughter & 5year old pamangkin nakaturo sa hagdan namin while calling lola, sabi pa ng baby ko sakin akyat daw kami dun kay lola wahhh grabe napaiyak na din me ng bongga nun.

phurple0515

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #125 on: November 12, 2010, 10:57:22 am »
^ nagparamdam si lola niyo kasi di kayo nakadalaw sa kanya

1choi_ko9

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #126 on: November 12, 2010, 11:47:58 am »
^^yikes...that's really creepy sis

sweetsweet

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #127 on: November 22, 2010, 05:00:47 pm »
nakakaloka, meron din pala dyan sa moa.

siguro sis mga ligaw na spirits, sabi kasi ni hubby (who grew up near the area), dati tambakan daw ng mga sinalvage na naka semento sa drum ang coastline ng cavite to manila. Eh di ba tinambakan na lang dyan sa moa and sa coastal road yung dagat. Sa tingin ko lang sis.

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #128 on: November 23, 2010, 12:53:27 pm »
Yup.  And do note that areas near Metro Manila ay mga dating battlegrounds.  Which is why yun chi ng mga places na yan ay quite unstable.  Well, even more so where a lot died horribly tulad sa Fort Santiago.  Even now matindi ang eerie feeling doon but OT na yun as hindi naman residential area.

ravena

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #129 on: November 24, 2010, 02:18:17 am »
just now, actually tulog na ako. nagising lang ako kasi may bigla akong narinig na nagdidribble sa labas ng bahay at ang kinaiinisan ko ay bakit ginagawa niyang wall yung gate malakas yung sound. nainis ako kaya lalabas ako. kaso yung malapit na akong lumabas ng gate bigla akong nagtaka kasi hindi na ganon kalas ang bounce ng bola ang nakapagtataka din eh isang aso lang tumatahol. sa isang kanto 2 ang aso, yung sa kapitbahay namin meron din, sa isang bahay na pinagtatakan ko madaming aso pero isa lang ang tumatahol. so pumasok ako ulit sa kwarto tinignan ko yung relos 1:58am malapit na mag 2 o'clock.

pag balik ko sa kama biglang lumakas yung bounce ng bola sa gate. pero lumabas ulit ako, nawala nanaman pero yung isang aso tumatahol pa din. kaya hindi ko na talaga tinignan kasi nakapagtataka at natatakot ako. ayun, nawala din.

ano yun gusto niyang pumasok sa bahay? hmm.
« Last Edit: November 24, 2010, 02:20:09 am by ravena »

CityHunter

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #130 on: November 24, 2010, 07:02:49 am »
Yup.  It is very likely its testing the folks in the area.  Would've been nice if you've observed ano yun actual itsura ng dog(s) while it was going on.  Anyhow, stay well clear anything that speaks of using the occult to try to contact or protect your place from such.  Use prayers of your religion instead na designed to protect your home from such.

Amphitrite

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #131 on: November 24, 2010, 09:53:59 am »
Family namin hindi talaga Nov 1 or 2 nagpupunta ng cemetery kasi sobrang traffic at dami ng tao. Kaya lagi yung sunday after ng undas kami pumupunta.

Last nov1 around 4pm. Bumaba ako para mag-merienda. Biglang nag-amoy kandila na bagong bukas sa tapat mismo ng ilong ko. Lumabas ako dun sa pinto ng kusina namin para tingnan kung yung mga katabi namin na apartment ay nagsindi na ng kandila. Sinilip ko pa mga kusina nila eh wala talaga kandila. Pasok ako sa bahay at lumabas naman sa front door, wala pa rin kandila. Ilang minuto na amoy kandila, pero ako lang ang nakakaamoy at yung puppy namin naging weird din ang kilos. Ayun sinabi ko na lang kina mama na magsindi na ng kandila kasi may nagre-request na. Ang makulit pa nito, nung nakasindi na yung mga kandila, bigla nawala yung amoy, hehe.

sweet_cherry

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #132 on: December 23, 2010, 02:07:34 pm »
Dati we were renting a unit in a small subdivision in Makati, yung building 1960s pa siguro natayo (yung mga unang condo) pero 3 storeys lang siya. One time madaling araw na ko nakauwi, may babae nakaputi na sinusundan ko maglakad. Babatiin ko sana ng good morning pero when we turned sa corner wala na akong sinusundan.

norms

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #133 on: January 15, 2011, 03:40:36 am »
my mom had a portrait. photographed during the 60's, by her ex-boyfriend.

this story was relayed to us siblings by my titas. mom's ex-bf had a photographer bf. he loved my mom so much. he gave my mom two black and white blown up and framed photo. the frame was a big one!

the man died because of illness and his last words were "just look at your portraits in the eyes and you will see me looking at you".

my mom married my father. napanganak kami. nung kaming magkakapatid ay mga kinder pa, takot na takot talaga kami sa picture ng mom ko. naka sabit lang siya sa isang spare room namin kung saan nakaligpit mga toys namin. sabi ng mga titas ko, nagkakasakit kami kapag binabanggit o tinitingnan namin yung pictures ni mama. kasi sa murang isip namin, nalala ko pula mata ng mama ko sa picture. my sisters agreed kapag nagkwekwentuhan kami nung lumaki na kami.

nung lumipat na kami ng bahay, hindi na dinisplay yung photos ng mom ko na yun. we forgot about it. tinanong ko mom ko kung nasan na, hindi na daw niya alam kung nasan na.

this is not a ghost story cause we did not see any, i guess its still under the classification of a creepy one.

thanks for reading.

chaucer19

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #134 on: January 17, 2011, 09:23:07 am »
buntis ang SIL ko nasa 8mos na, 3 days ago umakyat si mother sa 2nd flr to close the window na katapat ng bubong ng room nina SIL may nakita daw shadow si mother sa bubong pero hindi na tinitigan ni mother bigla na lang nya close yung window.. after few minutes may kumalabog sa bubong then biglang hilab ang tiyan ni SIL.  SInisigwan ni brother yung nasa bubong even si mother, baka daw matakot umalis. pero hindi pa rin naalis so ang ginawa nila nagpatawag ng brgy. tanod para i-check yung bubong, ang sabi ng tanod pag-akyat nya may nakita syang "aso" na biglang umalis sa may bubong at tumalon papuntang ilog (bahay namin sa likod ng ilog). after nun nawala na ang hilab.

kinabukasan, napansin nila na yung talahib sa tapat ng window ng room nila (sa may ilog) naka-higa na parang may mabigat na dumagan, weird is yung ibang talahib nakatayo pa rin (hindi umulan that time).  Kaya lumakas yung kutob nila na may something nga na nasa bubong last night.  Then dumating yung isang neighbor namin and sabi nya nung umuwi sila kinagabihan may narinig silang parang nag-sswim sa ilog (mas malapit sila sa ilog).  After 2 days sabi ng  same kapitbahay namin yung isa nya kapitbahay na matanda bigla daw pa-ika-ika ang lakad and weird after 2days lang lumabas.  iniisip nila na baka daw si matanda yung aswang.

cuppie_cake

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #135 on: January 20, 2011, 08:59:28 am »
Hay, I love creepy stories though matatakutin ako.. ang dami kong stories to share, though pag may time na lang mahaba kasi. Keep them coming sissies..  ;)

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #136 on: January 21, 2011, 05:43:52 am »
^^sis kung totoong aso yan, di yan makakatalon eh. Di ba? Takot sila pag nasa mga puno sila.. Grabe.. Kakilala nyo yung matanda?

odessa17

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #137 on: January 24, 2011, 08:02:36 am »
after mag backread try ko magshare ng creepy stories na naipon ko...

sa house namin sa my stairs lagi may nagpapakita na paa lang pag nakaabot na sa 3rd step pababa nawawala na lang...sanay na kami pero pag my mga friends ng kapatid ko pumupunta yun iba dun nakikita nila yun...
pero as long as wala naman ginagawang masama kaya deadma lang

tapos aside pa dun meron din nakikitang bata iba pa ata siya dun sa paa na nakikita sa hagdaanan. yun bata galing siya sa CR tapos patakbo parang shadow kahit tanghaling tapat sabagay kasi konti na lang kami lalo sa house pag hapon...hindi ko siya nakikita o totally iniignore ko na lang para hindi ako matakot pero natatakot pa din ako... pati yun cabinet ko kahit nakasara minsan naririnig na lang nila bumubukas feeling ko naglalaro lang yun bata...
ewan ko kung saan nagaling yun.

minsan naman naisip ko sana magpakita man o magparamdam yun multo ng father ko kakamatay lang niya last Nov 15... biglaan kasi hindi ko man lang siya nakita bago siya mamaatay kasi wala ako sa hospital nun.kakadating ko lang galing vacay

pero one time ko lang siya napanaginipan na nakatayo sa tapat ng door namin tapos malungkot? kung pwede tanungin kung bakit pero hindi ko na matandaan kung bakit e,tapos after nun wala na ko matandaan([textspeak!] alam niya na matatakutin din ako)..alam ko OT na pero
bakit sa friend ng bunso namin nagpakita daw sa dream...
take note naka iglip lang daw sa jeep yun friend ng sister ko birthday kasi ng sister ko ng december.umakbay daw si papa sa kaibigan niya tapos nag thank you kasi kahit paano daw pinapasaya yun sister ko tapos nagising daw si friend tapos sinuprise yun sister ko ng mga H.S. clasmate niya.siguro alam ni papa na kahit paano malungkot kami.

tapos parang naniniwala na ko sa premonition kasi tanda ko last summer ng 2010 mga bandang may hanggang june lagi ako nanaginip na nabungi daw ipin ko as in hindi lang isa madami tapos iyak daw ako ng iyak...
laging ganon... sinunod ko naman yun kasabihan ng matanda kumagat sa kahoy pero todo pacheck din ako sa dentist pero wala naman..

last Dec ko lang din narealize na may ibig sabihin pala yun dreams ko kasi magkasunod  namantay lola ko last sept tapos papa ko naman ng Nov.
totoo pala ata yun premonition..

sori kung mahaba..
later uwi nanaman ako sa house sobra na lungkot kami lang ng mommy ko pag umaga at kasama namin yun bata..

chaucer19

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #138 on: January 24, 2011, 09:10:17 am »
@FOURever  - kapitbahay ng katulong namin yung pinagbibintangan na aswang.  last friday may tiktik daw ulit malakas then humina then naririnig nila yung pagaspas. kapag ginigising ng SIL yung bro ko nawawala.  OO nga pala pinalo daw nila ng walis yung bintana (andon daw kasi ang tiktik)

@odessa17  - actually totoo yan kasi i dreamt din na nabungi ako as in nahulog sa kamay ko yung tooth ko then kinuwento ko sa mga kakilala ko.. after a month namatay ang father ko.  Next na nanaginip ako kumagat kaagad ako sa matigas na bagay after a week naaksidente si mother (na muntik pa nyang ikamatay, pero naagapan naman)

FOURever

  • Guest
Re: Creepy Horror Stories in your House (Chapter 2)
« Reply #139 on: January 24, 2011, 09:36:57 am »
^grabe sis.. Meron kwento mommy ko, tiktik din yata nung mga bata pa sila.. Or basta nagiging baboy ramo na malaki. O kaya aso na itim na malaki.. Yung matandang babae na di daw nila kilala yung pinagbibintangan. Tinanong ko siya kung sure sila kasi 'pinatay' daw ng mga matatanda sa kanila dati.. Di daw nya alam kung paano naging sigurado yung mga matatanda dati na yung babae yung tiktik..

^regarding sa tooth. Nangyari sakin yan. Natanggal daw yung ngipin ko, pero in a while, naidikit ko daw ulit so di na ako namroblema sa panaginip ko.. Wala naman namatay or kahit narevive sa relatives namin.. Pero after a year, namatay lolo ko.. Pero di ko alam kung connected yung sa tooth ko..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close