watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158555 times)

smm_0411

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #540 on: November 28, 2014, 05:43:01 pm »
I am also the eldest and used to be a breadwinner.  I started working at the age of 15 after high school.  Sa isang maliit na school supplies store. I stopped for 2 years bago nakapag aral ng college and during those school days ay working student ako dahil hindi afford ng mga parents ko na pag aralin kami ng sabay sabay. I took only 2 year course and before graduation ng college ay na absorb ako ng company where I had my OJT. Simula non ako na ulit ang breadwinner.  Pinag aral ko ang mga kapatid ko sa college. Nakatapos naman sila. I got married and hubby was also a breadwinner and ang hirap dahil pareho pa din umaasa both sides sa amin. Sa ngayon nandito ako sa abroad working for our future and since ayoko magaya ang mga anak ko sa amin we were preparing for our retirement and hindi nila kami magiging responsibility pagtanda namin. Nabasa ko sa book na No Non sense personal finance ni Randell Tiongson na dapat we should stop The Sandwich Generation which means we are providing for our parents/relatives and for our kids.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #541 on: December 11, 2014, 02:30:06 pm »
Nanghihinayang ako sa jewelries ng lola ko na sinangla ng tita ko for 30k, ang laki kasi ng interest nun sa pawnshop. Gusto ko sana tubusin lahat bago ma-remata kaso ayaw daw ng tita ko ibigay sa akin jewelries. I want to confiscate it kesa mabaon sa utang/interest or mawala ng tuluyan.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #542 on: January 03, 2015, 08:06:21 am »
Happy New Year Breadwinners! Let's take control of our happiness this 2015. This video is for the selfless people who sacrifice everything (salary, time, staying single, own dreams) to help support the family, and not for the selfish people who feel they "deserve" or feel "entitled" or "demand" more than what a family is for (to create an atmosphere of love and support). There's always 2 sides to a coin.

https://www.youtube.com/watch?v=uXYG42tRH-8

honeybunny

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #543 on: January 21, 2015, 02:30:39 am »
i am not an eldest child, i am not the breadwinner also, pero ako nagpapaaral sa kapatid ko, and super sama ng loob ko sa parents ko na they let me pay for my little brother's tuition. wala pa nga akong anak pero may pinapaaral na ako.

here's the background story: pinag-aral kame ng sister ko ng mom ko.. nung nakagraduate na elder sister ko, ako nag-aaral pa. and may times na my sister pays for my little brother's tuition, while my mom pays my college tuition.

soon after i graduated, may issue sa family namin na nag-early retire mom ko. nasa early 50's lang sya nun or late 40's.

so nung nagkawork na ako. i totally refuse to even give them money kasi what really frustrates me is my parents expects me to help, inoobliga nila ako when i dont even have an obligation to them. sila may obligation sa akin dahil anak nila ako, at wala ako obligation to them.

nung simula ako mag work, gradeschool na kapatid ko. and sasabihin na lang sila sakin at the end of school year how much ang utang sa school. which i pay in 3 terms for  a month of two.. then ganyan ulit scenario sa next school year, they pay lang sa una, then ako na sa rest.

until nawalan ng work ate ko. and since ako naman may work, i shouldered my little kid brother's tuition, until today.. 3rd year na sya ngayon..

* what i hate is my parents expects this obligation from me, when in fact, sila ang may obligation sa kapatid ko at wala akong obligation sa kahit na kanino

* yung kapatid ko pa is the worse. ok sana kung masipag mag aral, kung hindi puro barkada iniisip, kaso what frustrates me the more is when my mom tells me na kesyo he doesnt help sa house chores, at burara sa bahay. etc etc kaya hindi gumagaan sa loob ko to help my brother dahil nga sa sinasabi ng mga tao sa bahay namin (i live alone kasi and ayoko sila kasama sa bahay)

*what also frustrates me is yung mom ko ok lang sa kanya to retire early thinking/expecting na "ay graduate na naman anak ko, sila na magpapaaral kay bunso" kumbaga they give me responsibilities na ayaw ko. and kaya nga ako hindi nag aanak (i'm late 20's) dahil takot ako sa responsibilities

hay nakakafrustrate lang. please tell me na OA ako.

i have this thinking din kasi minsan na since may magagawa naman ako, since may maitutulong naman ako, why not help them diba..

e kaso etong kapatid ko din assuming din na sa akin hihingin lahat expecting na i will give it. nakaasar lang when people expects things from u as if may obligation and responsibilities ka sa kanila..
« Last Edit: January 21, 2015, 04:13:28 am by honeybunny »

quennna

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #544 on: January 21, 2015, 12:08:36 pm »
My brother is already mid-20's undergrad pa rin.

My sister is already 30, a graduate of psychology

sis, choice yan ng mga kapatid mo.. may deadline or limit ang pagtulong..
kung nag effort at walang nangyari.. stop.. sila gumagawa ng buhay nila..
encourage them, yes.. pwede pero kung tutulungan mo financially.. mamimihasa yan..
unless nakikita mo na.. nag eeffort naman.. kung wala.. neknek nila..

may sarili kang buhay na dapat pagtuunan ng pansin..

j.adore

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #545 on: January 23, 2015, 08:16:50 am »
I have the same thinking. Kung sino nag anak, siya may responsibilidad. Yung culture ng utang na loob makes people think ok lang hindi na mag effort pag may trabaho na yung anak.

Wala na kayo father?
Bakit nag retire mother mo? Kaya pa ba mag work?

Why not just give them an amount you're willing to let go? Tutal wala ka na sa kanila.

lyrahs

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #546 on: January 26, 2015, 03:46:36 pm »
I am the eldest child at breadwinner. Dalawa lang kaming magkapatid pero nag-asawa na utol ko.Eversince naman ako na talaga breadwinner. Bata pa lang ako lagi ng sinasabi ng nanay ko na paglaki ko at pag nagkatrabaho ako, ako magpapagawa ng bahay namin. Hanggang nung nag-college ako ganyan pa din naririnig ko. Sobrang pressure sa akin yun.

Nagkaron naman ako ng maayos na trabaho at nakapag-abroad din. Nung nag-abroad ako, ang laki talaga ng ineexpect nila na padala ko. Kaya din ako napilitan mag-abroad kasi binayaran ko lahat ng utang nila (may grocery kami na nagkalugi-lugi kasi kinukupitan kami ng nagiging mga boy at tindera namin). Nung medyo maayos na yung mga utang, gusto naman iparenovate ang bahay namin. Nasabihan pa ako ng nanay ko na hanggat di ko napapaayos bahay namin, di daw ako makakapag-asawa (kaya siguro till now wala pa ako asawa :D).

Naparenovate ko naman bahay namin, loan sa PAGIBIG 25yrs to pay. Dito medyo masama ang loob ko kasi pinilit talaga ako eh. Lagi ko sinasabi na hanggang senior citizen na ako nagbabayad pa din ako ng utang na yan. E sympre pag nag-asawa ako hindi naman ako dun titira.

Feeling ko nga ayaw ng nanay ko na mag-asawa ako eh. Ang dami nilang gustong gawin/bilhin na puro pahapyaw nilang sinasabi sa akin pero dinededma ko na. May negosyo pa naman sila at kumikita naman yun pero umaasa pa din sila sa padala ko.

Hahahaaaaay...Kaya ngayon pinaghahandaan ko na talaga ang pagtanda ko. Ayaw kong i-asa sa magiging anak ko ang buhay ko pagtanda ko.

keylimepie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #547 on: January 27, 2015, 03:13:13 am »
Mula nung bata pa ako sinasabihan din ako ng nanay ko ako magbabayad ng tuition nung dalawang kapatid ko at magbabayad ng lahat ng bayarin sa bahay pagkatapos ko ng college. Five years tanda ko sa kanila. Hindi masaya yung childhood ko kasi sobrang pressure sa sa nanay ko.

Maya’t maya ng sabi na walang ipa-paaral sakin ng college kahit may sponsor naman kaming nagpapadala ng pang-tuition fee sa amin.. Sa awa ng diyos nakapasa naman ako sa state u. E di nakapag tapos ng college na hindi malaki ang tuition.

Nung malapit na akong mag-graduate, binigyan ako ng nanay ko na listahan ng mga dapat na bayarin ko sa bahay. Tapos yung mga kapatid ko na patapos na ng high school ako din ang pinasasagot sa tuition. Hindi ko talaga maintindihan yun kasi may nag-paparal sa amin.Wala naman sa ayos mga mag-aral yung mga kapatid ko.  May nagpapa-aral namin sa amin, kung gusto talagang makatapos pwede, kaso 3 years na freshman sa college yung isa. Puro lakwatsa ginagawa, e di ayun, nagsawa narin siya paaralin nung sponsor namin.

Sa sobrang gusto ko na takasan yung ipinipilit sa akin, ayun maaga akong nabuntis at naki-sama na lang sa tatay ng anak ko. Buntis pa lang ako sinasabi na sakin ng nanay ko na ipaampon ko na lang yung bata at bumalik daw ako sa bahay para yung sweldo ko intrega ko sa kanya.

Pagkatapos ng ilang taon, nagbago din ang kapalaran, nag-separate kami ng tatay ng panganay ko at nakapag-abroad ako. After a few years nakuha ko yung anak ko at nadala abroad. Kahit paano unti-unti kong naitaguyod ko yung sarili ko. Nagpapadala naman ako noon kung ano kaya kong ipadala sa kanila. Dahil pa-extra-extra caregiver ako noon hindi naman malaki yung sweldo ko. Tuwing makakausap ko nanay ko sa telepono lagi na lang akong sinasabihan na mag prostitute na lang daw ako para mas malaki yung maipapadala ko sa kanila.  Ang hindi ko talaga malilimutan, yung sabihan ako ng nanay ko na iwanan ko si hubby, yung panganay ko and newborn baby at magtrabaho na lang daw ako sa barko para ipadala ko sa kaniya yung sweldo ko. Siya pa galit nung sinabihan ko na okay lang siya, may sarili akong pamilya at hindi naman niya ako alipin!

Sobrang daming gulo pagdating sa pera kasi ang tingin sa akin ng nanay ko, kalabaw na palalakihin para habang buhay na a-alilain. Yung mga kapatid ko naman, pinalaki na ang mindset ay ako ang magbabago ng kapalaran nila, wala na sila kelangan gawin. Kaya ayun ang tatanda na hanggang ngayon wala pa ring mga pangarap sa buhay. Ang alam lang gawin ay sisihin ako sa nangyayari sa buhay nila. As if naman ako ang may hawak ng kapalaran nila. Hindi ko rin kasalanan kung wala silang diskarte sa buhay.

Two years na akong no contact na ako sa family ko. Punong puno na kasi ako. Na-realize ko kasi na kahit anong gawin ko at ibigay ko, para sa nanay ko hindi pa rin magiging sapat yun kasi ang tingin niya utang na walang kabayaran ang pagsilang at pagpapalaki sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako lang sa aming tatlo ang tinatrato niya ng ganun. Wala naman akong obligasyon at responsibilidad sa kanya kasi hindi ko naman hiniling na gawin at isilang ako. Hindi ko rin responsibilidad ang mga kapatid ko dahil hindi ko naman sila mga anak. At pinaka-importante, hindi dahil kadugo ko sila papayag akong tratuhin nila ako na parang basura.

Wala na akong kahit anong balak na makpag-usap pa sa nanay at mga kapatid ko. Mas masaya ang mundo ko na wala sila sa buhay ko.

tomatostellar

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #548 on: January 27, 2015, 05:19:01 am »
^ nakaka lungkot naman to sis keylimepie =(

I'm thankful to my ate who took the role of being our family's breadwinner nung nagka problem sa business.
Masaya ako at blessed sya ngayon and hindi nya pa din pinapabayaan parents namin.
Bunso ako and lahat ng mga kapatid ko may asawa na ~ though walang work both parents, I dont feel na breadwinner per se coz nagsshare pa din mga kapatid ko.


ana mimi

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #549 on: January 27, 2015, 07:32:31 am »
Tagal ko na yata na di nag post dito ang it's comforting to know na di pala ako nagiisa. 4 kami magkakapatid. ako eldest. graduate na yung second and parehas kami nagkaanak nang maaga. 3rd sibling is 3rd year hs while youngest is in grade 2.

maaga nag resign tatay ko sa work. then dun pa yung time na nagkaron kami ng kapatid. 4th year hs yata ako nun. wala din naman work nanay ko, naubos yung savings nila dahil dun. ayaw na magtrabaho ng tatay ko, di ko alam dahilan, to think na lahat ng anak nya e nagaaral pa at that time. Ayaw din naman ng nanay ko kase may maliliit pa akong kapatid.

Naging working student ako sa college, ako nagbibigay ng baon sa sumunod ko na kapatid na nasa highschool. mahirap ang buhay pero I decided na mabuti na makapagtapos ako ng pagaral kesa magtiis sa kung anong work lang. After college, nabuntis ako agad, magkasunod pa. Pero nagbibigay na ako ng pera sa nanay ko simula nang magkawork ako.

Every payday sa allowance nila kase wala naman sila pagkukunan ng pera tapos bayad sa tuition ng 3rd sibling ko na nasa private school and service plus internet. OK naman pagaralin kapatid ko kase dedicated sa pagaaral. Yung bunso namin yung sumunod saken nagpapaaral pero di sya nagbibigay ng allowance sa nanay ko kase wala sya stable na trabaho.

Haay, ang hirap maging breadwinner to think na I have a family of my own. Hirap mag budget, instead na nase-save mo na, ibibigay mo pa. I am saving up for my retirement na rin, don't want this to happen to my kids. Gusto ko na matuto sila from me.

Good Luck to all of us. I wonder kelan mahihinto ang ganito.

xoxo

izabelle

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #550 on: January 28, 2015, 11:30:03 am »
Helping the family is one of the best things na pwede natin gawin but everything has limitations. Don't get me wrong masarap tumulong sa family lalo na sa magulang at kapatid pero huwag naman yung parang wala ka ng buhay.

Hindi ko naranasan yung ganito and i'm more than grateful sa parents ko. Maling mali ang culture ng Pinas. Parang mag aanak lang, pagtatapusin ng pag aaral ang isa para may magpaaral sa ibang anak. Ginagawang investment ang anak sa maling paraan.

It is the parents' sole responsibility na pag aralin ang anak. Kung hindi kaya magpaaral ng marami, huwag mag anak ng marami.

bubbles88

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #551 on: January 28, 2015, 02:05:21 pm »
As a panganay and the only provider, I feel happy every time i give a big chunk of my earnings to them, maybe because of a few factors:
--I love my sister and my mom, they were there during my bad times yet i tend to neglect them on my happy days, ngayon nlng ako bumabawi, it's like my way of giving back.
--They are so much appreciative, never fail to say thank you, sometimes with tears and big hugs pa.
--My sister is so good in school, she never asks for anything and saves her allowances to buy what she wants.
--If I am short in cash and give them a little less that month, i will never hear anything bad about it, same thank yous and appreciation are given

My only sentiment is that they implied for me not to get married until my sister is earning her own money, which is 2016 the earliest, I'm already in my early 30's, a boyfriend who wants to settle down, and a pair of ovaries that are about to expire.  :'(


j.adore

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #552 on: January 28, 2015, 09:06:48 pm »
To be honest, that's the story of the old maids I know who are breadwinners until now. They broke up with their almost-fiances.
Even if it's just a short delay, the boyfriends would normally see that as a sign they are not and will never be priority.

I really hope this will not happen to you.

honeybunny

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #553 on: January 29, 2015, 12:11:17 am »
^i agree

^^sis i guess you should know ano ang talagang priority mo. kung alin dun ang number 1, number 2, and so on

bubbles88

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #554 on: January 29, 2015, 01:42:11 pm »
Kaya nga mga Sis, it's the only thing that troubles me, the BF and I are supposed to save up for our wedding but I'm afraid that I could not contribute much due to my obligations. Perhaps I will talk to both parties and compromise, like we can get married late this year and will not have a baby till after my sister finds work. We'll see... I will give updates :)

tomatostellar

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #555 on: January 29, 2015, 10:14:55 pm »
^ hope it works out sis

Girltalker2

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #556 on: January 30, 2015, 07:21:58 am »


^^ sis, gaano ka importante sayo ang wedding ceremony and handaan, etc?

Para sakin, if you wanna get married, you can opt huwag na maghanda, just save your money for your sis/mom and honeymoon. I'm sure maiintindihan ng mom mo why - it is for them. As for yourself, kung gusto nyo talaga magpakasal, maraming ways.

May friend ako, they just went to Phuket and got married there, honeymoon narin all in one. Meron naman Hk din hehe. Alam mo sis, sa dami nang naghihiwalay ngayon, minsan mapapaisip ka kung worth it nga ba lahat ng gastos at effort sa wedding preps. Di ko sinasabi na di sya importante pero kung ang priorities mo sis/mom mo at gusto mo rin magka kids soon, baka mainam mauna iyang dalawa kesa sa wedding gown/handaan.




Jamann

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #557 on: January 30, 2015, 11:07:14 am »
As Eldest mga sis dahil dalawa lang kame magkapatid. Kahit na ang parents ko ay both working pati yung kapatid ko. Kelangan pa din sumuporta, tumulong. Kaso ang hirap pag ang laki ng expectation ng parents sa anak. Kahit na sabihin na sa accounting ako, not enough pa din. Para nakong bumubuhay ng sarili kong pamilya. Pero okay lang atlis bago ako mag asawa nakatulong ako sa mga magulang ko, ang hirap lang eh hindi ko maipakilala yun bf ko dahil baka isipin ng magulang ko e mag asawa nako tapos hindi nako tumulong hay gulong gulo nako ..  hindi ako makapag ipon ng pang sarili ko, :(

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #558 on: March 02, 2015, 03:38:36 pm »
2 Corinthians 9:7 Each of you should give what you have decided in your heart to give, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver.

Sana makatulong itong verse na ito mga kapatid. :)

tomatostellar

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #559 on: March 02, 2015, 09:00:05 pm »
Kaya dapat tayong lahat ay mag save para sa retirement natin, para hindi na natin i-asa sa junakis natin mga pangangailangan natin pag waley na tayong work. wag nating gawing investment ang panganay, or iba pang anak.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close