watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158565 times)

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #500 on: November 10, 2013, 01:26:17 pm »
Lalo na yung dad ni hubby, grabe kung ano anong business "kuno" ang pinapasok eh puro hingi ng hingi lang naman ng capital, wala naman kami nakikitang profit and hindi naman nagbibigay ng dagdag na budget sa kanila.

^ ganyan din style ng dad and aunt ko. yung manghihingi ng money, tapos babalik din daw with profit, pero wala naman. hayz. ewan ko ba sa kanila. wala naman silang unmet needs, kung mananatili na lang sila sa house kesa kung anong "negosyo" pa ang pasukan, ningas kugon din naman. they don't learn the lesson kasi it's not their money that is lost naman.

michipoo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #501 on: November 10, 2013, 02:45:55 pm »
Hello, medyo worried ako, graduating na ko and i hope magka work din agad. My dad plans na kumuha ng bahay, sabi niya babayaran nya yung down payment then ipapasok sa pagibig or sss ata pra dun babayaran, kaso walang ganun yung dad ko so ang iniisip ko yung saakin yung balak niya gamitin, sabi niya kasi basta mabayaran yug contribution mo for 2 years pwde na mag loan. Kaso pano maman pag ako na yung kukuha ng bahay e may loan pa na binabayaran diba.. At pag bigla di niya na binayaran yun ako mapipilitan magbayad.. Lalo na wala naman sila source of income ngayon. Broken family kasi kami at kasama ng dad ko yung 2nd family. Hndi ako nakatira sakanila.. Alam ko its too early para magworry pero natatakot kasi ako sa malaking responsibilty agad. Okay sana kung kaya nila bayaran yun pero alam ko kasi hindi nila yun mababayaran hangganag sa mabuo yun loan :(

timetraveller

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #502 on: November 10, 2013, 02:54:36 pm »
Graduating na ako ng college this semester, and so far wala naman akong naririnig sa mom and dad ko na ako ang magpapaaral at bubuhay sa mga kapatid ko once I graduate (thank God!). Mga 90% sure naman ako na hindi talaga nila ipapasa sakin yung responsibility sa mga kapatid ko, my dad kasi is the perfect epitome of being responsible.

Ang dilemma ko, yung tita and cousins ko yung parang aasa sakin pag naka-graduate na ako. Ngayon ngang hindi pa ako guma-graduate, panay ang parinig sakin na kesyo pag-aralin ko raw ng college yung isang pinsan ko (na mas matanda sakin ng 8 years take note), suportahan ko raw ang schooling ng pamangkin ko (anak ng pinsan ko ha), dalhin ko raw sila sa Boracay, etc. etc.

Lagi ring sinasabi sakin, "kelan ka ba gagraduate? kelan mo kami malilibre?"  ???

Nakakaloka lang dahil parents ko nga, di naman yun sinasabi sakin at parang nahihiya pang magsabi sakin ng ganun. Even my siblings, di rin nagde-demand at nagtatanong ng ganun sakin.

Para tuloy ayoko silang bigyan kasi feeling ko magtu-tuloy tuloy na silang aasa and once I stop, ako pa ang magiging masama.  :-X

j.adore

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #503 on: November 10, 2013, 05:27:56 pm »
Sis michipoo, nung kumuha ng property ang dad ko at bank loan, sinabi ko outright na siguraduhin nilang kaya NILA yun. I bought my own property din kasi at via bank loan din.

Kaya naman namin pero ang point dun ay tinanggal ko ang expectation na ako magshoulder. Naintindihan nila na kailangan ko din asikasuhin future ko.

I'm still preparing just in case kailanganin talaga...pero secret ko lang yun for now.

Sis timetraveller, meron akong tita na ganyan din. Pabiro na sabi baka daw pwede ko pag-aralin pinsan ko. Ang sabi ko lang "BAKIT?!?" eh wala nang hinirit pa after that.
Meron naman mga paawa effect, kawawa si ganito ganyan, keber lang ako. Lahat naman ng nangyayari sa kanila kasi choice nila. Hindi totoo yung minamalas lang kasi may mga success moments sila pero hindi nila sinustain at mali ang decision sa buhay.
So ngayon hindi sila humihingi sa akin. Kung emergency talaga at walang wala na, saka ako magvovolunteer tumulong ng kung anong kaya ko.

Exactly the point din na kung primary family mo nga eh hindi nanghihingi sayo, what more yan extended family lang? Wag mo pansinin ang mga parinig nila and do not give in to their demands kasi hindi mo sila responsibilidad. If anything, dapat sa parents at kapatid mo ikaw tumulong of your own free will. Sabihin mo "hindi naman ako nag-anak (sa pinsan at sa pamangkin mo) so bakit ko magiging responsibilidad ko yan".

Unless, sobrang laki ng naitulong sa inyo ng family ng tita mo?
« Last Edit: November 10, 2013, 06:03:04 pm by j.adore »

timetraveller

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #504 on: November 10, 2013, 06:10:01 pm »
^ Sa clan kasi namin sis, yung family ng tita ko na yun ang pinaka-"kawawa". She has six children and her deceased husband (may he RIP) didn't have a job nung nabubuhay pa. Umasa lang sila sa tulong ng mom ko and ng isa ko pang tito. Or should I say umaasa? Kasi hanggang ngayon tinutulungan pa rin sila nung isang tito ko.

My mom stopped helping them kasi parang walang pinapatunguhan yung pag-support sa kanila. Pinag-aral ng mom ko yung tatlong cousin ko sa College, pero walang nakatapos sa kanila. Either hindi pumapasok, or bumabagsak dahil tamad mag-aral. When my mom got tired of helping them, nagtampo pa nga sila nun dahil nagbago na "DAW" ang mommy ko.  ::)

j.adore

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #505 on: November 10, 2013, 06:36:39 pm »
I'm sorry but siya mismo ang nagpakawawa sa sarili niya.. Bakit ka mag-aanak ng ganyang kadami kung hindi mo pala kaya buhayin? At nung nandiyan ang tatay eh irresponsable din pala?
Kaya ganyan yan kasi alam na may mahihingan at ang sarap ng buhay ah di man lang nagpursige para umayos future nila.

Choices mo:
- akuin responsibilidad nila at hindi na magkaron ng future para sa sarili mo (I've seen this happen many times UNLESS yumaman ka ng bongga)
- magbigay na kung ano lang feel mo ibigay (pero kailangan din magbigay sa parents/kapatid mo) para mabait ka pa din
- tiisin ang mga tampo o sasabihin nila, wag magbigay para matuto naman silang magpursige
- magpayaman muna saka tumulong sa kanila pag may extra na

cinderella_322

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #506 on: November 11, 2013, 08:58:15 am »
Sis timetraveller, naku sis. I'm really sure na once na maggive-in ka sa kanila, automatically na they will be your responsibility. Ikaw na mismo nagsabi na yung immediate family mo nga hindi nanghihingi ng ganyan. Natulungan na pala sila ng Mom mo dati, aba at umaabuso pa paabutin pa ang katamaran hanggang sa pamangkin nya? Kapal din naman talaga ng mukha nyan, sorry to say that kasi talagang nakakarelate ako dyan.

Sabi nga, hindi mo kasalanan na ipanganak ng mahirap pero kasalanan mo na mamuhay at mamatay ng mahirap pa din. Hindi naman sila gumagawa ng paraan para umahon ang pamilya nila. Lahat ng pinag-aral ng Mom mo nagbulakbol. kung talagang may direksyon sila sa buhay noon pa sana sila nakaahon.

Kaya naku sis, IMHO, wala kang obligasyon sa kanila. Period.
« Last Edit: November 11, 2013, 09:20:22 am by cinderella_322 »

mslcgrey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #507 on: November 11, 2013, 09:09:12 am »
sis timetraveller, like our other sis here have said. once nag-give in ka then you are in for that responsibility for a long time. if you still want to help, wag mo sagutin lahat. for example, sa pag-aaral. sabihin mo sagot mo lang tuition fee (not included ang miscellaneous and other fees). then may conditions pa. if may bagsak automatically cut na yung bigay mo. o kaya like other scholarships, may maintaning grade dapat yung pinsan mo. have him or her study at a school with a reasonable tuition fee.

at least, you tried to help. so if nagpabaya sila, then walang sisihan if you will stop your help.

for me kasi the one of the best lessons in life we can give to other people is for them to be responsible. supposed to be ako rin magpapa-aral sa youngest sibling ko but di natuloy yun because she got pregnant at an early age and talagang may pagkatamad sa pag-aaral siya. so ang tinulungan ko yung pamangkin ko especially nung baby pa siya. but now, since pwede na naman mag-work kapatid ko so i no longer give financial help. once in a while, i just treat my pamangkin with a dress or toy.

timetraveller

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #508 on: November 11, 2013, 10:35:29 pm »
j.adore, sa totoo lang parang may kasalanan din ang mom and tito ko eh, sinanay nila na umaasa sa kanila yung tita kong yun. ::) Ewan ko lang, kapatid kasi nila kaya hindi nila magawang tiisin.  :-X

cinderella_322, yan din ang sinabi ng mom ko sakin, pag daw pinagbigyan sila once dapat magtuloy-tuloy na yun kung hindi madamot ka na. ::) Kahapon nga lang, my niece (sa pinsan) was looking for me to borrow my iPad. Okay lang naman sakin na ipahiram dun sa bata, kaso, nung kailangan ko nang bawiin, sinabi ba naman sakin nung pinsan ko, "bilhan mo na kasi yan para hindi na iyak ng iyak dito pag hindi makita yung iPad mo. Mura lang naman ang tablet sa Cherry Mobile, limang libo lang." I was like... HUH? ::)

mslcgrey, yun ang ginawa ng mom ko dun sa tatlong pinsan ko na pinagaral nya: dapat walang bagsak and once bumagsak, bye bye na ang support. And everytime na humihinto ang mommy ko sa pagtulong dahil nga hindi naman nagaaral mabuti, nagtatampo pa and saying things like di naman daw nila kasalanan kung mahirap yung course na pinili nila, walang pambayad ng other expenses sa school etc. etc.

lisse

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #509 on: November 11, 2013, 11:07:09 pm »
^yan ang hirap talaga pag nasanay sila na hindi marunong dumiskarte sa buhay. aasa at aasa na lang talaga sila hangga't may "nauuto".

na-share ko na ito before, about sa bro ko. nanghihiram samin ng asawa ko pandagdag sa kotse gusto niyang bilhin. tiniis ko talaga. so nagtampo sakin months din ako hindi kinausap. tapos nanghihiram naman pang-down sa bahay. medyo natuwa ako kasi medyo natuto kahit konti na mag-prioritize. pero no pa rin ako. instead, pinasok siya ng asawa ko sa work niya. ayun, natutong magbanat ng buto at lagi naming pinapaalalahanan na wag na wag niyang ipapahiya asawa ko sa trabaho. awa ng Diyos, this year na0turn over na sa kanya house and lot niya and hopefully by end of next year fully paid na niya bahay niya. after one and a half years, kinausap na niya ulit ako. tough love, hindi niya maintindihan noon bakit ko siya tinitiis. feeling niya pinapahirapan ko siya at pinagdadamutan. ngayon na-realize na niya na mas malaki pa naitulong namin sa kanya kesa kung basta na lang kami nag-money down sa kanya. at least kahit wala na kami, kampante ako na marunong na siyang dumiskarte sa buhay. may utang pa rin siya samin pero 25K na lang out of 50K na pinandagdag lang niya sa DP niya.

ang mahirap na talagang turuan daddy namin. hay, kahit magkano ibigay mo jan walang nangyayari. ang yabang kasi. pautang ng pautang sa buong barangay. tapos magda-drama pag hindi binigyan. kaya binibigyan ko siya max of 1k lang and hindi din madalas.

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #510 on: November 12, 2013, 06:02:13 am »
Sis michipoo - kung ganon plano ng Dad mo, suggest to him that he gets voluntary membership sa Pag-ibig, so he can avail of housing loan.

If ever he asks you to get the loan using your account pag working and qualified na, wag ka papayag. ..unless ikaw ang titira sa bahay na 'yon. Dapat sarili mo 'yon. Pero sasabihin ng father sila titira with his 2nd family, 'wag ka papayag kasi magulo 'yan.  Kahit sa'yo pa nakapangalan magulo 'yan. Unless, sila yong madali pakiusapan na aalis kung kelangan na umalis.

michipoo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #511 on: November 12, 2013, 08:40:58 am »
^ sabi ng dad ko hindi pwedeng siya ang kumuha ng housing loan kasi pag siya daw matanda na siya at malaki ang magiging monthly. Hay worried talaga ako, salary deduction pa yung ganun diba? So kung sakali wala talaga ako kawala kung di nila babayaran kasi automatic yun mababawas sakin. Sana di nalang matuloy yung plano niya. Pero naisip ko hindi talaga ako papayag pag ganun nangyari.

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #512 on: November 12, 2013, 11:08:43 am »
Sis alam ko pag housing loan sa Pag-ibig hindi naman salary deduction, you will pay to Pag-ibig. But just like any other loans may penalty yan pag may late payments.


michipoo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #513 on: November 12, 2013, 11:45:13 am »
^ ah ganun ba sis sorry ha hindi ko p kasi alam yung mga ganun. Pero kahit na.. Ang hirap lang din kasi baka pag tumanggi ako madami masabi sakin.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #514 on: November 16, 2013, 10:27:53 am »
mahirap na talagang turuan daddy namin. hay, kahit magkano ibigay mo jan walang nangyayari. ang yabang kasi. pautang ng pautang sa buong barangay. tapos magda-drama pag hindi binigyan. kaya binibigyan ko siya max of 1k lang and hindi din madalas.
Ganyan problem namin sa daddy namin. Mas charitable pa sa Ibang Tao. I pay for my brother's tuition pero hinaharang Nya Pera Kasi gusto niya, although me point sya Kasi Hindi nagaaral, Palagi absent, kaya bumabagsak.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #515 on: November 16, 2013, 10:49:09 am »
^would you really rather be hurt my words, Kasi me masasabi Lang sila sayo na negative? Or would rather be hurt by the poverty you started once they made a hole in your pockets that drains all your hard-earned money?

quinone

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #516 on: November 16, 2013, 02:11:57 pm »
@michipoo, sa kwento mo parang kung papayag ka mag housing loan at kahit yung bahay e nakapangalan sayo, yung second family ng father mo ang titira doon. eventually, kung magka family ka at doon sa house na pinagawa mo kayo titira, mahihirapan ka magpa-alis ng current na mga nakatira doon. same pa rin ang magiging problem mo... kapag dapat na silang umalis, e maaaring marami silang masabi sayo.

pwede rin naman na magloan ka for a duplex ( pwede ba yun?) o yung pwedeng mong gawin duplex o yung 1/f at 2/f e may separate entrance, tapos ipa-rent mo ng mura sa kanila.

CityHunter

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #517 on: January 06, 2014, 09:22:12 am »
Hi, michipoo.

You're being tasked to provide a roof for the 2nd family ng dad mo?!  You must be one silly martyr or are one of those who get the kicks when getting abused.

First, hindi mo obligation to provide for your dad who got himself another family. 

Second, ikaw na mismo nagsabi na paano ka nga naman kung ikaw na ang gusto magkaroon ng sarili mong bahay.

Tell that father of yours na yun babae niya ang gumawa ng paraan para sa kanila at hindi ikaw. 

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #518 on: January 06, 2014, 10:48:46 am »
^I totally agree with CityHunter. Panibagong problema ulet yan! They should apply on their own. If they are not qualified, sorry! If I were you, cut the cord!

CityHunter

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #519 on: January 06, 2014, 10:56:20 am »
Hi muli, michipoo.

More than 10 years na ako fixing problems like yours and a host of other even more weirder stuff so let me give you some added advise. 

Umpisa pa lang iyan ng mga request ng tatay mo para sa bagong pamilya niya na ipinalit sa inyo.  Bahay then appliances then sasakyan then monthly expenses then trips, ospital lalo na sa mga magiging bagong kapatid mo, abroad nila for honeymoon, etc.  Handa ka ba na i-cargo lahat iyon?  Kung yes ang sagot mo then go!  But don't come back to us crying dahil we told you so.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close