We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
be prepared for retirement. dito rin papasok ang family planning kasi siyempre if you only have kids na kaya mo i-support then there is no need for the eldest to support his/her younger siblings. i know easier said than done but with will we can do this.
Mga Sis, paki-advise-an naman ako. Hindi ako eldest pero tingin ko naman pasok ako rito. Hindi ko kasi alam ang dapat na gawin… Wala kaming bahay. Iyong Tito ko, matagal na kaming pinatitira sa isa sa apartment nila. Sa ibang bansa ako nagwowork ngayon kasi bukod sa buwan buwan ako nagpapadala, gusto kong makabili man lang ng bahay para sa magulang ko. Single pa ako, nasa late 20's. Hindi naman sa pinaaalis na kami/sila kaso nakahihiya naman sa Tito ko kasi kahit papaano kumikita na ako.Gusto kong bumili na ng lupa at magpatayo ng kahit maliit na bahay para sa magulang ko through Pag-ibig. Welcome naman tumira iyong kapatid ko roon. At least may titingin din sa kanila. Ang problema ko lang, may nagustuhan na akong lupa na kaya ng budget ko. Kaso ayaw ng nanay/kapatid ko. Malayo raw. Mas malayo nang konti kasi iyong sa tinitirhan ngayon, konting lakad lang, nasa highway na. Iyong balak ko bilhin, isang sakay ng tricycle palabas ng highway. Wala namang makitang malapit sa amin, kesyo di pa nila nakauusap iyong may-ari ng lupa. Ang worry ko lang din ay baka hindi ko ma-afford iyong gusto nila.. Ano'ng gagawin ko - huwag na lang ba akong magpatayo kung ayaw rin lang nila noong kaya ng budget ko at di rin nila inaasikaso ang pag-kausap sa may-ari noong lupa na gusto nila. Ikuha ko na lang ba ng apartment ang mga nanay ko? Nasa 70's na nga pala iyong mga magulang ko.Salamat.
proper communication lang naman ang key. saka dont make them feel na hindi bukal sa loob and ginagawa. yung iba kasi nakikipagtalo pa saka nanunumbat sa family kaya lalo nasstress.