watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158868 times)

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #360 on: March 18, 2013, 11:47:20 am »
Ang hirap noh sis? Isa lang kumakayod then 3 or 4 yung umaasa. Its a terrible burden. And just like any burden, the longer you carry it, the heavier it gets.

Parents should teach kids the value of hard work and not to be a burden to anyone.


mslcgrey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #361 on: March 20, 2013, 10:24:25 pm »
i guess majority of people who do this had no choice since kulang or walang source of income ang parents so they have to work for the family. siguro sa mga sisses natin na ganito ang situation, this sort of tradition should stop on your generation.

be prepared for retirement. dito rin papasok ang family planning kasi siyempre if you only have kids na kaya mo i-support then there is no need for the eldest to support his/her younger siblings. i know easier said than done but with will we can do this.


prisma

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #362 on: March 21, 2013, 07:24:11 am »
I guess it's the culture.

It will change when poverty's alleviated.  But when?

heaven_charm

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #363 on: March 21, 2013, 11:05:54 am »
acceptance will make you happy. kaya accept nalang natin na ganun talaga. based on my experience, mas madami ako naging blessings when i started giving to my family. mas tumaas din yung self-worth ko kasi i know that I am being a responsible daughter and sibling. saka masaya din naman yung nararamdaman mo na naaappreciate ng family mo yung ginagawa mo for them. IMO lang  ;D

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #364 on: March 21, 2013, 12:39:01 pm »
^good for you sis naaappreciate ka ng family mo masarap kasi feeling ng ganon pero kung hindi at tingin sayo eh para kang sumusuka ng pera, kawawa ka talaga..

heaven_charm

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #365 on: March 21, 2013, 02:32:53 pm »
proper communication lang naman ang key. saka dont make them feel na hindi bukal sa loob and ginagawa. yung iba kasi nakikipagtalo pa saka nanunumbat sa family kaya lalo nasstress. 

Girltalker2

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #366 on: March 21, 2013, 02:49:18 pm »

be prepared for retirement. dito rin papasok ang family planning kasi siyempre if you only have kids na kaya mo i-support then there is no need for the eldest to support his/her younger siblings. i know easier said than done but with will we can do this.

Idagdag ko narin, it is also inculcating the right values to the children. 

The issue naman kasi if hindi tugma ang mga values nyo with your parents at sa ituturo mo sa mga anak mo. somehow, there should always be a balance between providing and being self-reliant.

For us, we are blessed kasi kahit papano nakapag aral ang parents namin at naintindihan nila gaano kahirap ang bumuhay sa magulang at siblings.  unfortunately, isang side ng grandparents ko were not capable of earning much, hindi rin nakapag aral, so my parents had to support them.  pero yung kabilang side ng grandparents, no problem, but but but, never umasa din ang parents ko sa kanila or hingan sila ng kung ano ano.

As for my parents, nakita ko kung paano sila magtipid. huwag umasa sa iba kundi sa sarili lang, pero tulungan ang magulang kung nangangailangan. and this is what I want to teach the next generation din.  at hindi lang sa magulang but relatives and friends narin. Tutulong ka lang kung:
1.  bukal sa loob mo
2.  alam mong hindi ka inaabuso
3.  higit sa lahat, dapat afford mo.

Kasi dati naalala ko may nakikita kasi akong mga magulang/kapatid na complete sa gadgets and all na daig pa yung ginagatasan nilang panganay na breadwinner. Parang kawawa naman yung breadwinner kung ganun. Dapat yung mga nakikinabang eh marunong din magtipid or mag earn ng extra para hindi naman ma burden ang isang tao lang sa pamilya nila.


 

Girltalker2

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #367 on: March 21, 2013, 02:55:56 pm »
Mga Sis, paki-advise-an naman ako. Hindi ako eldest pero tingin ko naman pasok ako rito. :) Hindi ko kasi alam ang dapat na gawin… Wala kaming bahay. Iyong Tito ko, matagal na kaming pinatitira sa isa sa apartment nila. Sa ibang bansa ako nagwowork ngayon kasi bukod sa buwan buwan ako nagpapadala, gusto kong makabili man lang ng bahay para sa magulang ko. Single pa ako, nasa late 20's. Hindi naman sa pinaaalis na kami/sila kaso nakahihiya naman sa Tito ko kasi kahit papaano kumikita na ako.

Gusto kong bumili na ng lupa at magpatayo ng kahit maliit na bahay para sa magulang ko through Pag-ibig. Welcome naman tumira iyong kapatid ko roon. At least may titingin din sa kanila. Ang problema ko lang, may nagustuhan na akong lupa na kaya ng budget ko. Kaso ayaw ng nanay/kapatid ko. Malayo raw. Mas malayo nang konti kasi iyong sa tinitirhan ngayon, konting lakad lang, nasa highway na. Iyong balak ko bilhin, isang sakay ng tricycle palabas ng highway. Wala namang makitang malapit sa amin, kesyo di pa nila nakauusap iyong may-ari ng lupa. Ang worry ko lang din ay baka hindi ko ma-afford iyong gusto nila..

Ano'ng gagawin ko - huwag na lang ba akong magpatayo kung ayaw rin lang nila noong kaya ng budget ko at di rin nila inaasikaso ang pag-kausap sa may-ari noong lupa na gusto nila. Ikuha ko na lang ba ng apartment ang mga nanay ko? Nasa 70's na nga pala iyong mga magulang ko.

Salamat.

sis, hindi ba nahihiya parents mo or kapatid mo makitira sa tito mo?  kung gusto nila doon, I think ok lang din naman at least di ka mapapagastos.

what I can suggest for you is to think about your future.  pag nag-asawa ka, time will come you will also need a house.  so ibig sabihin, it will come in handy iyang savings mo to at least make the downpayment.

it seems di naman nila kelangan iyan, so kung anong mas ma appreciate nila na afford mo, dun ka nalang. make sure you do not over extend yourself at baka maipit ka naman later. problema din.


agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #368 on: April 05, 2013, 06:54:25 pm »
proper communication lang naman ang key. saka dont make them feel na hindi bukal sa loob and ginagawa. yung iba kasi nakikipagtalo pa saka nanunumbat sa family kaya lalo nasstress.
As for me, i make it hard for them na mangutang sa akin ng pera. Di kasi sila nakaka intindi e. Supportado na lahat ng needs, manghihiram pa ng cash kasi walang work. Anyways, makapal kasi mukha especially yung di ko blood relative, like sis-in-law ko. Lahat ng insults and sumbat sinasabi ko muna kaso ang kapal pa rin ng balat, di tinatablan.
Also my dad, he favors my siblings,  just because mas okay ang kalagayan ko, pinapaako sakin lahat. Kaya minsan i argue with him tapos hindi na sya manghingi ng pera para di nako magalit. Kaso i need to get angry pa so they remember their place.

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #369 on: April 06, 2013, 04:23:28 am »
Nag away kami ng mom ko one time sumbat sakin nakagraduate lang ako ang yabang ko na. Nakakatawa lang eto kasi gusto ko eh makatapos ako. Makagrad lang mayabang na agad? Kinokontra ko kasi sya lagi eh.

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #370 on: April 06, 2013, 07:38:54 am »
I also think that it's the culture, but I will not blame it to poverty. Naniniwala ako na kung may iniative lang ang isang tao na makatulong, makaangat sa buhay at hindi maging pabigat, makakaya nila in some point na di umasa totally sa mga ate at kuya nila. I see this in my brother, tinutulungan mo na, pasaway pa din. Yung di naaappreciate yung ginagawa mo para sa kanya, at dahil palpak sya at the end nasasayang yung pera na inipon ko para sa kanya. Kaya what my dad did, pinag work sya sa construction ng maranasan ang hirap ng buhay after nun pinag aral ng auto cad, ayan nagka work na sya at mejo may direction na buhay.

We really need to push him to move. Kasi kung hindi, hindi pa rin siguro sya nakakaalis sa dating sitwasyon na tambay. Puro pagpapacute ang alam gawin.

As for my parents, no doubt until mag asawa ako at mawala sila sa mundong to, magbibigay pa rin ako sa kanila. Sabi nga ng isang sis natin, it's a way of honoring them.

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #371 on: April 06, 2013, 10:47:00 am »
Sana lahat ng parents pareho ng Dad mo Superjoie.  Wala sanang pabigat
na family member sa mundo noh?
« Last Edit: April 06, 2013, 10:54:18 am by Longhair »

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #372 on: April 06, 2013, 02:55:47 pm »
wish ko rin yan sis. iyan yata ay isa sa mga krus natin sa buhay, kailangan natin buhatin. magdasal ka lang sis.


j.adore

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #373 on: April 06, 2013, 03:29:40 pm »
This is very unfair and is a common practice among Filipinos. Hindi ko maintindihan yung mga anak ng anak tapos pag tinanong mo pano bubuhayin lahat yun, yung panganay daw pwede na kasi nagwowork o nagttrabaho na.

brendzy

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #374 on: April 07, 2013, 07:03:13 pm »
Very unfair talaga yung nakaugalian nating mga Filipino sis.
I am not eldest pero naging breadwinner na din ako. I already got married, pero they are still expecting na same pa rin nung single ako, pati yung sister namin na tumulong magpaaral sa akin, she is expecting us na tumulong magpaaral sa mga anak nya (single mom kasi). ang hirap sis.  :-[

heaven_charm

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #375 on: April 07, 2013, 08:13:42 pm »
again, it's all about proper communication. siguro hindi lang kayo ganun kaclose sa family niyo kaya hindi effective ang communication kaya yun ang dapat niyo pagaralan.

wag na natin bilangin at ireklamo yung mga tulong na binibigay natin. simple lang naman, kung masama sa loob nyo magbigay eh di wag kayo magbigay kesa yung magbibigay tapos deep inside nagra-rant. kahit di niyo sabihin na angal kayo nararamdaman nila yan at lalo lang sasama ang situation. they will hate you instead of appreciate you.

ako im happy na nakakatulong ako and kahit na i had to do writing sidelines to support may finances okay lang din naman. more more blessings naman si god sakin. hindi naman kasi kailangan i-stress ang sarili. panget kasi talaga pag gagawin ang isang bagay tapos aangal sa loob

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #376 on: April 07, 2013, 09:12:48 pm »
I agree with proper communication. Pero kung ang nanay nyo eh ayaw makinig at magpatalo. Naku wala din pupuntahan paguusap nyo.

Di ko na alam gagawin ko, kung pano ko matatapos suliranin namin

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #377 on: April 07, 2013, 10:51:03 pm »
pag communication naman kasi two way yan. makikipag usap ka nga ng maayos, iyun namang kausap mo hindi nakikinig kasi they know na hindi mo sila pababayaan or totally ayaw nila talaga makinig for any reason siguro. for me personally, hindi yung pagtulong yung nirereklamo o masama sa loob ng karamihan sa mga sis natin dito.  siguro yung nakakasama ng loob is how the loveones response to their help. May mga times na nagiging parasite na.

I agree na kung ayaw natin tumulong, eh di wag na nga tayo tumulong. Kung sa tingin natin wala ka nang means to help, then stop or lessen the monetary help, kung pera man yan. But then, explain to your family bakit babawasan, kung magalit, para saken, so be it. mahalaga din siguro yung way kung pano ieexplain, dapat mahinahon ka, kahit na nagsisigaw na mama mo or sino man sa inis. hehe maging mahinahon ka pa rin.

you are lucky sis heaven_charm that you have sidelines to compensate additional expenses. I feel for those who dont have. yung feeling na gustong gusto mong tumulong pero wala ka mabigay, at nagagalit pa sayo kasi nga wala ka ngang mabigay. Nakakastress ang sitwasyon na to. hehe

heaven_charm

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #378 on: April 07, 2013, 11:29:20 pm »
siguro nga. lumaki kasi ako na maayos magusap ang mga tao sa bahay. para kasing eksena na sa tv yung mga sumbatan na nababasa ko. kulang lang siguro talaga ng love at guidance ni god sa family circle kaya napaka-insensitive ng ibang parents sa mga anak nila. just keep praying that they will change soon

agree naman ako na sometimes people dont want to listen for some reason. and thats the point, hindi effective yung communication kasi hindi siya open communication. kaya dapat pagaralan kung pano gagawin open and the first step is knowing the reason why they dont want to listen

sana malampasan niyo din yung family and personal issues niyo regarding this. dumaan din naman ako sa ganyan na parang nakakapagod pero everytime that my parents tell me how much they love me and appreciate all the things I do for them, super gaan sa loob. just keep praying at gagaan din ang buhay niyo. ako mas sinuwerte ako nung bukal na sa loob ang paghelp sa family ko. biglang buhos blessings  :)

Superjoie

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #379 on: April 08, 2013, 09:14:31 am »
tama ka sis heaven_charm, there are issues inside the family na hindi napaguusapan kaya may mga ganitong pangyayari. You're lucky that you're parents knows what open communication means and was able to guide and lead the family.

Magdasal lang tayo mga sis. Pray for patience and strength, as well as wisdom on how we are going to relay to our families open communication.

It will also help if the whole family at-least attends mass together, pray together.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close