watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158929 times)

choby tisay

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #320 on: February 01, 2013, 11:27:46 am »
Pananaw ko kasi sa pagiging breadwinner dapat meron silang kita na sobra para may ma ishare sa family nila. Pero kung  sapat naman ang kita or kulang pa sana huwag na gawin breadwinner kasi kawawa lang diba.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #321 on: February 01, 2013, 03:14:16 pm »
^meron naman akong sobra, at yung kapiranggot na sobra yung natitira para sa sarili ko and not the other way around. pag kulang talaga ang income, wala na rin natitira for myself kasi lahat napupunta for the whole household.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #322 on: February 01, 2013, 04:11:36 pm »

@sis agape ewan ko ng nawala yung baby ko ayun medyo tumahimik naman, tapos after ko i-deliver si baby mga 20days later ayun umpisa ulit ng hinge..mabait kasi yung hubby ko sis, pero natatakot ako na mapuno siya sa family ko kasi kahit gaano naman kabait ang tao e napupuno din..arabo kasi sis ang hubby ko kaya siguro feeling nila ang dami dami naming pera  :(

tulad mo din sis, halos ayoko sabihin sa family ko na nagw-work na ko kasi ibig sabihin nun meron nanaman ako sariling pera na pwede ibigay, nahihirapan ako kasi tumanggi saka ayun nga mali ko nuon kasi maluwag ako sa pera

inluvewithmikewesten

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #323 on: February 02, 2013, 01:41:11 am »
This is something that parents who depend on their eldest as breadwinner don't realize. That they have their own lives. Just like in my case, I feel like my parents think they're entitled to everything that I have. Paulit ulit yong discussion na ibili ko sila ng bahay. Paulit ulit din ako na I can't afford it. Sabi ko na lang I'll try to get work abroad para mabigay ko gusto nila. This I will never ever do if mag aanak ako.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #324 on: February 02, 2013, 04:19:20 pm »
^ hay naku sis mahirap din ang buhay dito sa abroad. Wag mo nalang paasahin ang parents mo dahil baka madisappoint pa sayo at ikasama pa ng loob mo. Basta mo nalang ibigay kung kaya mo, wag mo na sabihin ;)

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #325 on: February 04, 2013, 06:34:48 am »
Ako naman, tinext ko brother ko na stop na muna allowance ng pamangkin ko. Ever since kasi pinadalhan ko ng laptop para daw pang research sa assignment, bumaba ang grades. Nag sermon na rin ako kasi chineck ko ang Facebook account, aba ang taas ng score sa games. Grade 5 pa lang yun pero I give him 3,500 a month plus balikbayan box. If they want my help, they should prove to me that they deserve it. Ang hinihingi ko lang naman good grades. Ang daming drama ng pamangkin ko kesyo gagalingan daw nya pero hindi na ko pumayag. Masakit sa kin pero I had to be firm with them. Sobrang bait kasi ng brother ko, hindi nya ma disiplina yung mga pamangkin ko & sister in law. I don't care kahit magalit sila sa akin but I will no longer tolerate being taken advantaged. I learned that lesson the hardway.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #326 on: February 04, 2013, 02:20:27 pm »
^yes. we should help only those who also help themselves.

problem ko rin yan sa pamangkin ko e. natuto pa mag cheat sa school e grade 1 pa lang. natulog yata kasi nung exam kasi puyat, she plays her galaxy tab, tapos my nephew uses the laptop of my brother (who should be doing his college thesis naman). Hirap mag discipline talaga.

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #327 on: February 05, 2013, 02:10:09 pm »
My New Year's Resolution, do no harm but take no sh*t!

tannya

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #328 on: February 05, 2013, 04:58:29 pm »
tsktsktsk...hirap na situation yan kung sakali...lalo na kung pilit

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #329 on: February 05, 2013, 05:06:12 pm »
kung kita nyong walang nangyayari sa tulong nyo mag isip isip kayo. mas ok na future nyo nalang isipin nyo. o kaya isipin nyo mga magiging anak nyo. hindi yun pagdadamot, isipin nyo nalang bigay kayo ng bigay tapos yung iba susunugin lang pinagpaguran nyo?

i always said it to my mom. kasi sa side nya dati panay bigay nya, eh may mga kapatid sya na adik, worst eh ninikawana lola ko. kaya sinasabi ko sa kanila dont give money to lola. food and medicine yun need nya.yung money ipunin nyo incase ma hospital si lola eh may pang bayad kayo.

kaya yung tito ko, 3 years na yun tuwing magkikita kami lagi ako hinihingan naku di sya uubra sakin. bibigyan ko sya tapos susunugin lang nya? alam ba nya na hirap ako sa work ko at ayaw ko sa work ko? pero nagtitiis ako kasi ayoko mawalan ng work? kahit 20 di ko binibigyan kasi imagine, kung lahat kami tig 20 bigyan sya makakamagkano din sya no.. naiinis lang ako don sa iba kong kamag anak, bigay ng bigay minsan 100 o 500. alam naman nila saan mapupunta yun

mslcgrey

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #330 on: February 05, 2013, 06:52:08 pm »
sana lahat maging katulad natin ang mindset regarding retirement. hindi tayo dapat umasa lang sa children natin, we should have a plan for our future though i know this will be difficult since ang sarap gumastos...
im the eldest and before i promised my mom (my dad died when i was still 15) that i will pay for my youngest sibling's college education. unfortunately/fortunately, she got pregnant on her last year of highschool so ayun wala na yung promise. i did help in taking care of my niece since wala rin kwenta yung nakabuntis sa sis ko. but may limits talaga ang pagtulong.
i'm glad naging strict ako dito kaya now nakikita ko at least yung 2 ko pang kapatid, nagsisikap sila at kahit paano hindi yung nasanay na hihingi lang. while my youngest sis, well, she will always be a different story. iba kasi yung tutulong ka if may emergency sa tutulong ka na pang-habang buhay na.
buti na lang din,naging matalino ang mama ko na pina-monthly installment niya yung insurance ng papa ko instead na lump sum. so today, hindi niya kami need para mabuhay siya. may monthly income siya and bayad na rin yung house namin.
i guess tayo yung dapat magsimula nito if hindi pa nangyayari sa family nyo. since we are wise enough to know na hindi maganda yung system na aasa lang sa eldest, sa atin dapat mag-stop yung ganitong system.

quinone

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #331 on: February 11, 2013, 01:43:21 am »
gusto ko lang i-share itong kwento na ito, siguro baka may mapulot yung iba sa inyo.

yung lola ko ang eldest sa kanilang magkakapatid. in their mid 20s, nung nagpatayo ng bahay, ang lolo & lola ko. nakiusap ang great grand mother ko sa lolo if pwede makitara kasama ang siblings ng lola ko. 13 ata sila magkakapatid? lol. the siblings live sa 1/F; my lolo & lola's family sa 2/F.

dalawa ang anak nila, my mom & my aunt. yung mom ko nag pass away na, so my aunt & i are left to care for them pero kami yung hindi nila kasama sa bahay, dahil nga sa nagpatira sila doon ng sangkatutak na relatives, kami ang walang lugar sa house na yun.

my aunt & his hubby lives somewhere else (but near din) at ganun din kami ng asawa ko. alternate kami ng aunty ko na nagpapahiram ng house help sa kanila. everyday dumadaan ang aunty ko sa house, ako two times a week. in their mid 80s na sila; although malakas pa sila pareho at hindi senile, kapag ganyang age kailangan na ng constant cleaning sa surroundings nila.

kahit noong bata pa ako at kahit hanggang ngayon kapag kami lang ng hubby ko at lolo ko (out of earshot si lola) ang nasa sala, lagi kinukwento yan ng lolo ko. at minsan nagulat kami ng hubby ko sa nasabi ng lolo ko, greatest regret nga raw niya yan na patirahin ang buong family ng lola ko sa bahay nila at ipangalan ang house title sa great grand mother ko.

ngayon, yung ibang siblings ng lola ko na nag-asawa bumukod na pero yung iba...andun pa rin with their sons/daughters & apo! andami nila my goodness! para nang squatter doon with matching alaga na pusang ligaw.

so kayong mga breadwinner na ipapatayo ng bahay ang parents ninyo, ipangalan ninyo sa inyo. ang mga kapatid ninyo na makikitira dyan, baka hindi na ninyo mapaalis. instead na maalagaan kayo ng anak ninyo in your old age, sila pa yung nakatira sa ibang bahay.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #332 on: February 11, 2013, 01:37:05 pm »
^wow, ang generous ng lolo mo. pero dapat talaga once nag-asawa na e dapat bumukod na. parang ganyan ang house namin now. Lola ko kasi gusto magkakasama lahat ng anak nya, bale, my dad, aunt, and uncle, all in 1 roof. my aunt (single, actually separated no kids) and my uncle (widower no kids) so ok lang sana nandun sila, kaso my dad + his wife + many of the wife's relatives nandun sa hauz ng lola ko. Tapos my brother + wife + niece, and sister + nephew pa. Tapos ako lang breadwinner kasi ako talaga highest earner samin. Altho my brother works for himself (kulang for wife + niece). And my uncle also works for himself. My aunt is already senior.
Sabi ko nga if ever may magkasakit sa kanila ng CANCER and the likes, wala sila aaasahan sa akin e. I will not send them for chemotherapy, radiation or surgery. Magkasakit sila, fault na nila yun, enough na yung buhayin ko sila araw-araw, sobra-sobra pa nga e.

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #333 on: February 11, 2013, 01:42:02 pm »
^kung pwede lang sana buhayin ko silang lahat sa halagang 150-300 pesos lang (like 10k monthly budget on food) kaso hirap talaga ng buhay today. Para naman ma-enjoy ko pa own money ko. Di pa naman ako financially established. Kaya ako gusto ko na talaga plan retirement ko e. Ayoko umasa kahit kanino, masyadong pabigat.

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #334 on: February 24, 2013, 01:14:47 am »
Thanks for sharing that story Sis Quinone. Nung single pa kasi ako, umalis na ko sa house then nag housing loan na ko. I was in my mid 30s & just got tired of supporting them. Anyway, ang
gusto ng mother ko, patirahin sa kin yung family ng brother ko since hindi daw ma-afford mag rent. At the same time, kawawa naman daw ako kung solo ako sa house.

So I told her, I want to grow old alone! I got tired of taking care of their sh***. Its not my problem if my brother got married  at a young age, he was irresponsible! I felt used and  abused at that time.

After that incident, I was detached from my family for a long time but I feel like that it was my best decision ever :P Otherwise, lahat siguro ng siblings ko nakatira lahat sa kin ngayon together with their families (nightmare)!
« Last Edit: February 24, 2013, 01:17:01 am by Longhair »

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #335 on: February 24, 2013, 08:48:09 pm »
^Well, ganun kasi mga mothers, kaya yung Lola ko noon ayaw nyang maghiwa-hiwalay mga anak nya, yung dad, aunt and uncles ko, all in 1 roof, kaya pati extended families ng uncle ko, tapos kaming family ng dad ko, magkakasama pa rin. E now my siblings have kids na rin. Buti na lang itong house iniwan ng Lola ko, so parang everyone has a right to live, kaso not everyone shares in the bills/expenses. Just waiting for our youngest sibling to graduate so he can work na rin. After that, mga seniors na lang iintindihin ko - my aunt and dad, their medical expenses and future memorial expenses, dun din naman kasi papunta e. Yung mga nieces/nephews ko, if I have spare pa, pamamanahan ko na lang.

Buti ka sis malakas loob mo magsolo. As soon as maka-ipon ako I might buy a place to live na rin, di ko man muna tirahan at least meron ng investment for my future retirement.

kvandenhaak

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #336 on: February 28, 2013, 04:53:54 am »
^^Natawa ako dun sa "kawawa ka dahil solo ka". Parang utang no loob mo pa ang lagay na yon at sila titira sa yo.

break_free

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #337 on: February 28, 2013, 05:37:42 am »
Sis Longhair ang galing mo naman. Tama ka or else pati ikaw lulubog din at madadamay sa problems nila. Hindi rin sila matututo pag laging may sumasalo ng problema nila. :) Good job sis!

Happy...ness

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #338 on: February 28, 2013, 12:30:04 pm »
Mga Sis, paki-advise-an naman ako. Hindi ako eldest pero tingin ko naman pasok ako rito. :) Hindi ko kasi alam ang dapat na gawin… Wala kaming bahay. Iyong Tito ko, matagal na kaming pinatitira sa isa sa apartment nila. Sa ibang bansa ako nagwowork ngayon kasi bukod sa buwan buwan ako nagpapadala, gusto kong makabili man lang ng bahay para sa magulang ko. Single pa ako, nasa late 20's. Hindi naman sa pinaaalis na kami/sila kaso nakahihiya naman sa Tito ko kasi kahit papaano kumikita na ako.

Gusto kong bumili na ng lupa at magpatayo ng kahit maliit na bahay para sa magulang ko through Pag-ibig. Welcome naman tumira iyong kapatid ko roon. At least may titingin din sa kanila. Ang problema ko lang, may nagustuhan na akong lupa na kaya ng budget ko. Kaso ayaw ng nanay/kapatid ko. Malayo raw. Mas malayo nang konti kasi iyong sa tinitirhan ngayon, konting lakad lang, nasa highway na. Iyong balak ko bilhin, isang sakay ng tricycle palabas ng highway. Wala namang makitang malapit sa amin, kesyo di pa nila nakauusap iyong may-ari ng lupa. Ang worry ko lang din ay baka hindi ko ma-afford iyong gusto nila..

Ano'ng gagawin ko - huwag na lang ba akong magpatayo kung ayaw rin lang nila noong kaya ng budget ko at di rin nila inaasikaso ang pag-kausap sa may-ari noong lupa na gusto nila. Ikuha ko na lang ba ng apartment ang mga nanay ko? Nasa 70's na nga pala iyong mga magulang ko.

Salamat.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #339 on: February 28, 2013, 04:40:15 pm »
^ sis naloka naman ako dyan, ikaw n nga ang may pabahay showcase sa pamilya mo sila pa namimili...sabihin mo sa kanila na yung lupa na yun lang ang kaya mong bilhin, take it or leave it. At sabihin mo sa kanila na hinde habang buhay ay patitirahin kayo ng tito mo dun sa apartment.

Kaloka, pabahay showcase na tinatanggihan pa ::)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close