watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158957 times)

mhy_pie03

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #260 on: July 29, 2012, 03:06:26 pm »
Haynaku sis. Sobrang hirap yung ganyan. Kaya nga ako sabi ko nga sa unang post ko, kaya hanggang ngayon wala pa akong balak magasawa kasi yung bf ko breadwinner. Sigurado pati ako madadamay sa sakit ng ulo niya. Hayzzz.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #261 on: July 29, 2012, 03:32:16 pm »
kaya nga sis e, parang hinde nila maintindihan na kmay pinagiipunan kami. Di ko nga alam e pakiramdam ko ang sama kong anak pero naiisip ko din naman na yung hinihingi naman nila minsan hinde para sa importanteng bagay.

Dapat pagusapan nyo ng bf mo sis kung paano ang set-up pag kasal na kayo. Dapat may separate account na hinde nyo talaga gagalawin kasi kung wala e damay ka talaga. ang labas e 2 na kayong breadwinner...ng family nya, at siguradong sasama ang loob mo ;)
« Last Edit: July 29, 2012, 03:45:29 pm by potpotpo »

mhy_pie03

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #262 on: July 29, 2012, 03:41:02 pm »
Naku mahigpit ako sa pera ngayon palang kaya nga madalas hindi na siya nagkukwento kasi alam niya magagalit lang ako. Yung lola ko ganyan naman din, pinamihasa mga kapatid na lalaki ni mami. Eh buti sana kung sa pagkain o importanteng bagay ginagastos. Ang kaso mo pinangiinom lang kasama ang katropahan kaya nauubusan pera lola ko galing sa pension. Hindi rin siya basta nakakahingi sa mommy ko kasi ang laki ng pension tas sa probinsiya mas mura mamuhay pero wala paring natitira. tsk3x. Mga taong nabuhay nang walang purpose.

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #263 on: July 29, 2012, 03:49:44 pm »

hala kawawa naman yung lola mo, dapat na-enjoy na nya yung pension nya kasi matanda na siya :(

Yun ang mali ko sis, kasi before maluwag ako sa pera. Anytime humingi di ko na pinakikialaman masyado saan ggamitin. Ngayon eto.  Ayus naman pala, alam na pala ni bf, di pwedeng hirit ng hirit  ;D

So sa mga sissies natin, wag gaano maluwag sa pera, tignan din kung dapat ba talaga magbigay o hinde

mhy_pie03

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #264 on: July 29, 2012, 03:54:58 pm »
Isang malaking check!  ;D

bear_touch

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #265 on: July 29, 2012, 09:02:09 pm »
Well, wala namang masama dito. Dipende na lang siguro kung paano natin titignan ang salitang "Pagtulong" tandaan natin na minsan sa buhay natin ay dumaan tayo sa "wala" at ngayong (kung sakaling) maluwag na tayo sa pera or sa bread, wala namang masama kung tumulong din tayo sa parents or sa kapatid natin. Dahil di natin alam, may pera tayo ngayon, baka bukas madisgrasya tayo eh tayo din ang hihingi ng tulong sa kanila

mhy_pie03

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #266 on: July 30, 2012, 02:23:03 pm »
Point taken but we have this line that we need to draw whenever these people become too dependent on us that instead of helping them you only spoon feed them and when everything goes wrong (like breadwinner gets sick or loses a job) their world stops. Remember the chinese proverbs saying "Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime." This is one of the reasons why our country does not progress well compared to other countries because most family rests on only one person to do all the hard labor. As I've said, point taken but is only applicable to people who really strive their best yet still fall short but for people who only makes "asa" even though there's something else they can do to improve their life... Nah, I beg to disagree.

freelancer_babe

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #267 on: July 30, 2012, 02:46:12 pm »
malamang nangyayari yan dahil sa hirap ng buhay dito sa Pinas. kulang naman kasi talaga ang kita rito kung mamamasukan ka sa opisina, kaya marami ang umaalis at nangingibang bansa.

hindi mangyayari ang ganito kung nasa tama ang mga pasahod rito. kung iku-kumpara mo sa mga mas maunlad na bansa, mas maswerte ang mga panganay doon at di na nila kailangang magpaaral pa ng kapatid. pagkatapos ng kurso nila, makakapagtrabaho agad, at makakapagpamilya na. at di na nila aalahanin pa ang magulang!

pero hindi eh, nasa mahirap tayong bansa. kaya nangyayari ito. ang mga magulang ay kailangang humingi ng tulong sa anak, kasi kulang talaga.


mhy_pie03

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #268 on: July 30, 2012, 04:14:12 pm »
Well problema kasi mahirap na nga nagaanak pa ng marami kaya pinapasan ng mga anak ang suliranin ng buong pamilya.  >:(

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #269 on: July 30, 2012, 06:51:10 pm »

^meron akong alam na pamilya na ang dahilan kaya daw madaming anak para madami din tutulong sa kanila :o


kvandenhaak

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #270 on: July 30, 2012, 10:31:54 pm »
Point taken but we have this line that we need to draw whenever these people become too dependent on us that instead of helping them you only spoon feed them and when everything goes wrong (like breadwinner gets sick or loses a job) their world stops. Remember the chinese proverbs saying "Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime." This is one of the reasons why our country does not progress well compared to other countries because most family rests on only one person to do all the hard labor. As I've said, point taken but is only applicable to people who really strive their best yet still fall short but for people who only makes "asa" even though there's something else they can do to improve their life... Nah, I beg to disagree.

Perfect example ay yung family ni Sarah Geronimo. Wag na tayong magtaka kung after 100 years ay third world pa rin tayo.

simple_chix

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #271 on: July 30, 2012, 11:24:48 pm »
im the eldest din at ako lang din nagpapaaral sa isa kong kapatid sa kolehiyo but it's ok with me kasi bata pa lang ako naka set na sa mind ko na ako talaga magpapaaral sa kanya kasi 5yrs age gap namin. Responsibilidad ko lahat kasi nagkasakit si papa at di na kinaya mag work, so sa probinsya n lang sila ni ma since fresh air and foods will do good in his health. Di naman na nila ako inoobliga na suportahan sila dun kasi may sarili silang pagsisikap at ang magpaaral ay malaki ng responsibilidad.

Msarap sa pakiramdam ang makatulong sa pamilya at nasusuklian ng pasasalamat. Pero minsan nasabihan ko un si papa na sana maaga na lang sya nag asawa para nakaya nya pang pag aralin kapatid ko. hehe LOL! :)

potpotpo

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #272 on: July 31, 2012, 02:04:17 pm »
^ buti ka sis 5yrs ang gap nyo ng kapatid mo...ako kasi saka yung kapatid ko 10yrs e :o sa akin kasi ako na nga paaral sa kapatid ko, gusto pag humungi pa ng pera dapar labas agad or else hinde na ko ittext,magtatampo na,sasabihan na ko ng madamot :'(

ayus lang naman tumulong basta may tinitira dapat sa sarili mo..hinde lahat ng kita mo e itinulong mo na sa kanila..

simple_chix

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #273 on: July 31, 2012, 11:10:48 pm »
oo nga sis! pinagplanuhan ata talaga nila yon..hehe!

Ok lang din naman sa kin kasi nakakaintindi sila kung magkano lang kaya kong iabot. Sabi nga ng papa ko "Obligasyon ng magulang na damitan, pakainin at paaralin ang kanilang mga anak pero hndi obligasyon ng mga anak na magbigay ng pera/sustentuhan ang magulang pag nakapagtapos na, nsa sa anak na yon kung magbibigay sya."

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #274 on: August 01, 2012, 01:00:51 am »

I'm the eldest and the breadwinner. I'm in a similar predicament. I try to balance it. I just don't want later on to be bitter or resent my family for helping them more than helping myself earn my own money, and have my own life, and fulfill my own dreams, until it's too late.

I never tell them how much my income is, to avoid being trapped/blackmailed or taken advantage. How much I help, or give financially should always be up to me. The earner should decide and have a say in the house. I lost my job and didn't work for 2-3 months, actually ayoko pa rin nga sana mag work, just to see if they can survive naman, and so far parang kaya naman, may nailalabas naman silang sariling pera nila for the house expenses.

kasi pag me pera na ako ayun, lahat ng gastos reimbursible to me. even when it's their own personal things they bought, so I try my best to be strict. since I pay all expenses, I usually stick with the necessities, like for groceries for meals lang wala ng junkfoods. dati na-afford ko pa to treat them out on weekends, kaso magastos na rin kaya bihira na, like for movies or out-of-town trips parang ako palagi ang taya, kaya i prefer to go out w/ friends at least KKB kami.

kasi kung ano lifestyle ko nagiging lifestyle din ng pamilya, and it's unfair, for them to enjoy their lives more than me when it's at my expense. As the panganay dumaan ako sa lahat ng hirap, from studies to working, kaso younger siblings, lumalaki nlng sa luho. Problem ko pa minsan nagkaka-inggitan. If I buy clothes for one, I have to buy for all, kaya natuto na rin ako mag-ukay-ukay.

Mind you, it doesn't stop sa pag-papa-aral ng siblings yan. Since they learned to depend, they suddenly get married w/o being financially stable, soon you'll find yourself, sending your nieces/nephews to school na rin.

Ok lang sana if I'm male, but at my age, feeling ko maging old maid nako nito. I just want to buy my own place, my own car, and live independently. At least when I get old, I know di ako maging pabigat sa family ko, wala rin naman akong ma-aasahan sa kanila ngayon, at lalo na siguro in the future.

(similar to @mhy_pie03 bf, and @xxmiakaxx)

@mhy_pie03, don't delay your dreams, problems will always be there, you might regret it someday when it's too late, just plan and work it out. ako nga eh, even though i'm single, meron naman akong natabi enough for a big expense (like a wedding, downpayment for a car or condo) so that when the time comes, money won't be an issue. i'm trying to plan everyone's financial well-being to free myself from future obligations.


CmomS

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #275 on: August 15, 2012, 03:21:27 pm »
Ako naman 2nd lang ako sa eldest but ako yung bread winner. Ako and sumunod lang sa akin ang may work, pero matikis yung kapatid ko. Di naman kami inoobliga ng parents namin although tama nga yung iba na nagtatampo kapag di nabigyan. Simula nung nagkawork ako nag-aabot na ko ng sahod ko sa mother ko. Nung nakaswerte nakapasok ako sa mas magandang sahod. Medyo nagtampo lang ako kasi ang gusto pala ng mama ko is kanya buong sahod ko tapos bibigyan na lang nya ako ng baon na food at pamasahe. Syempre gusto ko din maka-ipon. Nagtataka pa nga mama ko noon kasi di buong sahod ang nakuha nya, nag explain pa ako na may tax pa kasing ibabawas sa sahod ko kaya ganun. Naging ok naman yun until nadagdagan yung sahod ko. By this time di ko na sinabi sa kanila para may unting ipon na lang ako. Kasi kahit bonus ko binibigay ko din sa kanila, nanghihingi lang ako ng konti pambili ko ng gift para rin sa kanila. hehe.

Ngayon may sariling pamilya na ako, ang problem naman namin ay breadwinner din ang hubby ko (bunso). Sa kanya fully dependent ang parents nya and nung nagtry siya na kausapin sila para kung pwedeng mabawasan yung binibigay nya, ala nagdrama na. Ang hirap ng sitwasyon namin ngayon kasi di kami makapagbukod dahil may umaasa sa amin. Mahirap isipin na kung tutuusin kaya namin financially, pero dahil may iba pa kaming binubuhay di namin magawa.

May times din pala na kapag nagagalit ang papa ko sa akin ako pa ang pagsasabihan na nagmamalaki na ako porket nagbibigay ako ng pera sa kanila. Pero sa akin nga wala lang yun. Di ko iniisip yun. hirap lang talaga. hay

agape

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #276 on: August 15, 2012, 04:39:33 pm »
@cmoms, ironic noh, na they want you to give to your parents, tapos ikaw pa nagmamalaki. hehe. My aunt is like that ayaw nyang umasa sakin kasi nga mataas pride nun, pero umaasa pa rin naman sya sakin kasi no choice sya, she is already a senior.

But I still want all of my dependents to be independent, paano kaya?
Naku, dapat habang single, nasa mind-set na nila yun, mas mahirap kc pag married na tapos saka mo babawasan financial support/dependency, madami ng families involved and sila na magtatampuhan or mag-a-away-away.

Saint_Sinner

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #277 on: August 31, 2012, 08:01:25 am »
ganito din situation ko. inoobliga ako ng parents ko to help, nakakainis lang kasi gusto ko naman talaga magbigay kahit paano kaso madalas nawawalan ako ng gana na magbigay kasi tinatalakan ka.

wala din akong choice about sa sweldo ko, yung sa bank kasi kung saan yung sweldo namin, nagpapadala ng statement of account, nakalagay dun kung magkano sweldo ko, yung pumapasok at lumalabas na pera. i asked them several times kung may natatanggap sila but they denied, though pag nagtatanong ako sa bank, naipadala daw at tama naman ang address. siguro more than 5 times narin na nagsend sila ng statement of account pero ni minsan wala pa akong nakita or nareceive talaga.

wala din akong social life. pag lalabas ako, todo interrogate mama ko, saan daw ako pupunta at sino kasama ko. tapos pag di ko sinagot, she'll tell me na may ka date ka lang nyan, tapos masama tingin nya (sorry po OT na).

akireyhoj

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #278 on: August 31, 2012, 09:03:46 am »
^yun ang nakakainis, tinatalakan ka. tapos hindi pa marunong maka appreciate. tsk tsk

prix

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #279 on: August 31, 2012, 09:25:44 am »
Eldest din ako & dalawa lang kaming magkapatid, ako ang nagbabayad ng tuition ng bro. ko pero yung ibang expenses nya sa school & sa baon sila mama na ang bahala yun ang usapan namin bago pa lang sya mag college. :) Hindi naman ako inobliga ng parents ko pero yun na talaga ang desisyon ko ng magtapos ako sa college. Gusto ko kasing suklian ang lahat ng ginawa nila sa akin kaya i promise to myself na pag nakatapos ako babawi ako sa parents ko. Ngayon 4th year college na brother ko kung minsan sakto na lang yung sahod ko kasi may baby na din ako, buti na lang may mga bonuses kami sa office kaya nakakapagtabi ako kahit papaano & nakakapagbigay pa ako kila mama kahit konti. Ngayon malapit ng matapos ang brother ko ang plano ko ay magbigay ng share kila mama sa mga expenses sa bahay, ganun din ang brother ko pag may work na sya sabi nya kami na lang daw ang magshare para pa upo upo na lang sila mama.. hehe.. di ako makapag promise kasi lumalaki na si baby ko & dumadami ang mga panganagailangan nya.. ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close