watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158654 times)

SweetieNela

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #120 on: April 30, 2011, 06:38:05 am »
@confusedgirl i feel for you sis! halos same lang tayo ng situation. minsan nagbibigay ka na nga may nasasabi pa. haay. habaan nalang muna natin ang pasensya natin dadating yung araw na makakapagsarili naman tayo. kasi sa ngayon situation natin hirap magisip sa sarili daming nakaabang sayo!

CityHunter

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #121 on: April 30, 2011, 08:53:05 am »
Hi, SweetieNela.

I agree with you that how you are being treated isn't fair.  More so you have an irresponsible sibling who should be helping things. 

Be warned though that your health is of prime importance more than what others may opine if you treat that as of secondary importance.  And its idiotic - sorry for the strong words - to say that you should just work to have your other 2 siblings continue with their studies when the fact is if you've attained a higher level of education then you can reap better benefits. 


Hi, hisana.

At least you are not like those who nag-doctor just to become callous in their heart with regards to patients.  Hah.  May mga ilang lumapit sa akin na ang taas ng consultation fee tapos may gana pa na tumawad sa PF ko.  Manigas sila!  More so na na-experience ko first hand yun mga lousy doctors sa UST.  I may have not succumbed to the dark side then to make even what they did but kailangan nila magbayad in some other ways.

Hay.  Lumabas na naman yun pagka-Anakin ko :P 



SweetieNela

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #122 on: April 30, 2011, 03:47:11 pm »
^ yeah sissy.

naiisip ko if pinag aral pa nila ako mas maganda yung magiging trabaho ko. kung ako lang din naman pala ang pakakayudin nila for my siblings and for them sana pinag tapos man lang nila ako. but pinagtapos nila eldest brother ko na ngayon wala naman ginawa sa bahay kundi magpasarap sa buhay. sinasabi ko bakit hindi siya maghanap ng work para may katulong naman ako.pang NURSE lang daw siya at hindi pang domestic. grabe. so ako pangdomestic kasi di ako nakatapos ng nursing? ni hindi nga siya matanggap dahil wala siyang experience hindi ibig sabihin board passer eh matatanggap ka na agad sa trabaho. kung pang nurse lang pala siya bakit hindi siya maghanap ng trabaho at hindi siya nagpapasarap sa bahay at kung ano anong pinabibiling luho.

ako nagttrabaho ako pero wala pang nasusunod sa luho ko kasi nauuna kong isipin family ko.pangbili nalang ng damit mapapang-grocery ko pa. sayan naman kasi. kaya mga damit ko kundi bigay o bili ni bf minsan pinaglumaan ng mom ko! kasi siya pa ang nakakabili kesa sa akin. haay.

minsan nahihiya na ako sa tinutuluyan ko. kasi LIBRE tira,pagkain.dito kasi ako sa bahay ng family ni BF. alam nila situation ko kaya di nila ako pinagbabayad pero pinipilit ko magbigay kahit pangkain. kasi bigay ko lahat sa parents ko salary ko kasi buong salary ko palang kulang na. minsan nga pati sanitary napkin nauutang ko pa sa kapatid ng bf ko. minsan nga wala na akong mukang maiharap. yung kulang nalang mabura na muka mo sa kahihiyan.kapag ka dating ko ng work ako nalang nagluluto at naglilinis dito para naman may maisukli ako sa kabutihan na binibigay nila sakin. sadly to say, mas mabuti pang makisama sa ibang tao kesa sa sarili mong family.

thebratinella

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #123 on: May 01, 2011, 10:37:57 am »
sis, better move out. huwag mo na lang pansinin masasakit na words. magbigay ka pa rin ng konting tulong pero dapat magtira ka for yourself. tatanda ka rin and you need to save up for yourself.

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #124 on: May 07, 2011, 07:28:04 am »
Calling all GT sisters who were made breadwinners! Since our parents passed on the burden of raising our families to us, then we should be the one who should be honored on Mother's Day.  If our families fail to recognize our efforts, heck then lets reward ourselves on this day for doing a wonderful job!

pinkk

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #125 on: May 07, 2011, 07:43:46 am »
I admire you girls for your efforts with extended families.I knew someone who isnt the eldest but the youngest.The worst part of the story, yung ate ang asawa addict , just had her 8th baby, itong youngest sends her a sack of rice monthly courtesy of her own husband whose a businessman(they have 2kids of their own)The kuya of this girl is also an addict na iniwan ng wife with 2, depends on her too.Both parents of this girl are in their 50s and comes to manila from isabela just to ask money from the youngest(who had to cajole her husband for cash) Sometimes the husband is so frustrated with the wife that he's thinking of bailing out. Its been on like this for almost 6yrs now.
The businessman husband, gave them a livelihood like grocery and taxi to let them strive, but the grocery run out of funds and the taxi was yanked by the bank. Now, both the parents are either sick or needs cash for medication.
What the hel..
« Last Edit: May 07, 2011, 07:46:02 am by pinkk »

princessmia08

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #126 on: May 07, 2011, 09:19:38 am »
Yan ang pinangako kong hindi gagawin sa mga anak ko :( Yung asahan sila.

It's our obligation as parents (dun sa mga parents na) to send them to good schools, feed them, love them, give them everything they want. Hindi naman nila pinilit sa atin na buuin sila. Hindi natin sila ginawa para saluhin tayo balang araw.

I think kaya din ako nagsabi na last pregnancy ko na ito (at 26) kasi gusto ko tapos na yung financial obligations ko sa kanila by the time me and my husband are 55. Then kami naman.

Ngayon if gusto nila magbigay thank you. Pero as I've said, we won't oblige them.

thebratinella

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #127 on: May 07, 2011, 11:01:04 am »
^^kawawa naman yung husband ng girl at nakakahiya sa kanya kung siya yung naglalabas ng pera na pantulong. hindi mo naman masisisi if umayaw yung tao. parents na lang ang tulungan pero yung mga irresponsible siblings matuto.

CityHunter

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #128 on: May 07, 2011, 12:06:25 pm »
Hi, confusedgirl51.

I sympathize with your sufferings although at this point I cannot agree wholeheartedly that you stop supporting your siblings' educational needs.  The reason is because if they are going to depend on the kindness of your parents then they'll end in the same situation as you.  With you - provided you didn't attach any serious strings to why you are helping them - then they can focus better and avoid what you had experienced back then.

However, if they aren't concentrating on their studies and are just using your hard-earned cheese for useless things or gimmicks then let them suffer the consequences.

As for your mother, just send back what you can afford and to hell with whatever remarks she makes.  Bit callous but as the saying goes she isn't worth the title to be called a mother.


Hi, pinkk.

Naku.  May mga ganyan cases ako as to why the couple are in dire straights right now with regards to their relationship.  If it were me, I'd give those two a one-way ticket and a change of citizenship as North Koreans.

ana mimi

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #129 on: May 07, 2011, 05:49:24 pm »
Well, maswerte pa pala ako kase di naman super dependent ng pamilya ko saken. ako, willing naman ako na suportaha yung pang enrol ng isa kong kapatid for highschool although kaka-graduate ko palang naman and soon to have a baby..

nakakaloka lang talaga yung ibang super dependent.. nakakagigil.. di naman sinabi sa batas na kailangan mong suportahan ang magulang mo e, kaya nga ako, nag iion na ako ng pera para sa retirement ko. ayoko umasa sa mga anak ko. ako ang may responsibilidad sa anak ko, hindi sya ang may responsibilidad saken.

hairt mini

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #130 on: May 08, 2011, 03:21:09 pm »
Hi sissies, *sigh* nag post na ako dito before and sabi ko I'm lucky kasi hindi naman ako inoobliga ng parents ko na mag bigay except for the tuition ng bro ko which is fine with me naman. Kaya lang last week nagka sagutan kami  :'(

Kasi this coming May 17 50th bday ng dad ko and na ipromise ko sa kanya na bibigyan ko sya ng 5k as a gift. Tapos binigyan ko rin si mommy ko ng 7K para allowance nya, then papabinyag anak ng sis ko binigyan ko rin ng 3K. Ok lang naman sa akin kahit medjo malaki yung pinadala ko nung last month kasi hindi naman sila nanghihingi lagi.
Kaya lang si mommy ko, ang dami ng hinihingi  :'(

last year binigyan ko sya ng set of jewelry as a gift. Tapos biglang sabi nya gusto nya pa ng danggling earrings. Sabi ko danggling pala gusto mo sana sinabi mo agad edi sana hindi na ako gumastos ng malaki para sa alahas na binigay ko (diamond set kasi yung binigay ko sa kanya last year). Tapos sabi naman nya, eh ok yun para hindi laging yun lang ang suot ko.

Then yung isang tita ko, pina aircon yung kwarto nila. Sabi na naman ng mom ko, anak ipa aircon din natin yung kwarto kasi sobrang init na dito. Sabi ko naman ok sige bibilhan kita ng unit pero kayo na bahala pambayad ng kuryente saka wag muna ngayon kasi ang dami ko ng gastos saka na natin yan pag usapan. Ayun nagalit bahala daw ako sa buhay ko kung ano plano ko. Hindi naman daw nya sinabing ngayon na bilhin, sinasabi lang daw nya para alam ko. Sabi ko naman, my, kasi naman alam nyo naman na nahaharap ako sa gastos.

Ang laki ng pinadala ko sa inyo ngayon tapos next month tuition naman ni bro. Then bibirahan nyo ako ng mga luho nyo syempre naman masasagot ko talaga kayo. Ayun ini-off ang cellphone :'(
wahhhh...1st time lang naman nangyari to sa amin ni mommy kaya lang na hurt ako dun sa bahala na ako sa buhay ko :'(

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #131 on: May 08, 2011, 06:37:25 pm »
^ lie low ka muna sis. hayaan mo muna lumamig ang ulo ninyo.

sa totoo lang dyan kasi nag-uumpisa yan. pag sobrang close, pag may nagbibigay, minsan may tendency na ma misinterpret yung kabilang party na nang-oobliga. pero baka actually akala nya lang na sobra sobra kasi ang pera mo. 

in all circumstances, never ko pinapaalam sa parents ko at parents in law ang sweldo namin.  kasi nga sa mga ganyang situation. maliban nalang sa unang sweldo namin.  baka kasi isipin nila may sweldo ka na puede mo na sila buhayin bakit ka nagkukuripot. ang hindi nila nakikita yung  mga ibang bills at priorities mo rin sa buhay na gusto mo makamit - kagaya nang nangangarap ka rin naman na someday kung gusto ng anak mo magdoctor- sana ma afford mo at hindi mo sila masasabihan, sorry anak, mag nurse ka nalang kasi hindi namin kaya. mga ganun ba. at syempre balang araw, ayaw din namin aasa sa next generation.


hairt mini

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #132 on: May 08, 2011, 08:18:07 pm »
^haist ganun na nga sis. Di muna ako tumawag sa kanya kanya nagyon. pero I texted her kanina kasi mother's day  ;)

Di rin naman nya alam how  much sweldo ko. Haist ewan ko ba, siguro kasi nag me-menopause na sya  ;D kaya ayun nag susungit na! hindi naman sya ganun dati as in now lang sya nanghingi sa akin. Dati naman mag bigay ako o hindi wala syang say basta tatawagan ko lang sila lagi masaya na sya.

Sana soon maging ok na kami :'(

confusedgirl51

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #133 on: May 10, 2011, 06:02:58 pm »
^sis, pinagtulungan ninyo ang pag-aaral mo kahit papano. yung mga inutang ba ng parents mo for your tuition, lahat bayad na? kung hindi pa, baka maganda rin na bayaran mo nalang, and then quits na kayo. hindi mo kelangan paaralin ang mga kapatid mo. so at least yung binabayad mo sa kanila, bahala na sila kung gusto nila ipaaral sa kapatid mo or ilustay nila.  at least may hangganan.

nakakainis naman kasi kung walang katapusan.  ngayon after mo makabayad, kung may extra ka pa, then tsaka ka na tumulong. pero tama ka, lalo kang obligahin, lalong nakakasuya magbigay.


Yon nga ang kinaiinisan ko. I talk to her na ipon na lang muna ako pambayad sa utang ko (ginamit ko sa pag-aaral daw) kahit labag sa kalooban ko I acknowledge that utang na suppose to be obligation nila dahil anak nila ako pero fine sige ako na umaako. But the ending is lagi ako ang tinetext ng kapatid pambayad rent, allowance, food kasi daw hindi makapadala mama ko kaya yong savings ko sana for that utang eh napapadala ko sa kapatid ko. Di ko naman matiis kasi alam ko hirap din kapatid ko and I experience the same thing nong nag aaral ako. Mas madiskarte lang kasi ako sa kanya kasi marami ako sideline and "kickbacks" heheh.

At kung magtext pa mama ko, padala ka _____ aba sweldo ko ng half month hinihingi eh panu naman ako since kakastart ko wala pang savings. Nagrerent pa ako plus my daily expenses kaya halos wala ng natitira sa akin sa net pay ko lalo pa kung nagpadala ako sa kapatid ko. Buti sana kung hindi isisingit na kesyo hindi na daw siya makautang dahil sa utang niya na ginamit ko before tama ba yon.

cati

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #134 on: May 10, 2011, 07:09:48 pm »
sis princessmia08...pareho tayo ng pananaw, as parent obligation natin na alagaan at pag aralin ang mga anak...at ihanda sila sa harshes ng buhay. Kaya nga todo kayod kami ng asawa para pag matanda na kami may bubunutin.

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #135 on: May 10, 2011, 11:29:39 pm »
hairt mini, ok lang yan. ganon talaga! minsan dapat ilabas mo ang sama ng loob mo para nalalaman din nila na nahihirapan ka din. mabait ka ngang anak dahil after mo magalit, ikaw pa ang guilty kahit si momy mo nga itong masiri. pero in a way, i think she's just jealous of your tita kasi nga binigyan mo ng aircon, siya wala. ganun talaga mga nanay, gusto pamilya lang ang tinutulungan.

ganon din ang mom ko, pag binibigyan ko yung ibang tao, parang ayaw niya kasi gusto niya siya muna bago sila. :) pero gaya mo, siyempre inuuna ko din ang needs nila bago ibang tao. hindi lang nila masyadong naintindihan na may karapatan din tayo sa pera natin kung sino ang gusto nating bigyan bukod sa kanila.

kaya huwag mo munang kausapin si mother. text-text lang siguro. she has to realize that she's acting like a kid din.

shopaholic18

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #136 on: June 19, 2011, 07:02:37 pm »
this topic make sense, kaya kami naghiwalay ni ex, naging breadwinner siya and pinaaral buong angkan pati mga pinsan. wala ng plano for himself and his future, ok naman at least naging honest siya with me hindi yung pinaasa ako, i'm glad it turned out well din kasi yung bf ko ngayon i can see myself spending my future with, may plano for us and all. God has plans talaga.

hawhaw

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #137 on: July 13, 2011, 09:11:47 am »
ang hirap nito. oo, ako ang panganay pero hindi lang dapat ako ang humanap ng trabaho. ang masaklap pa, walang bilib ang magulang ko sakin. =(

Longhair

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #138 on: July 13, 2011, 01:47:42 pm »
I wish somebody taught me to apply tough love to irresponsible family members when I was
younger. That way, I could have prevented them from taking advantage of me. There was a
time when my heart was full of bitterness & hatred for my family. But I'm thankful to the Lord
for sending people who comforts me. I'm not yet completely healed but Im getting there.
I hope GT Sisters will learn from my mistakes.
   


   


   
« Last Edit: July 15, 2011, 01:22:16 pm by Longhair »

sophistique

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #139 on: July 13, 2011, 05:10:22 pm »
this post reminds me of my very close friend. 4 silang magkakapatid then sya yung tumayong breadwinner ng family nila dahil eldest sya. pagka-graduate pa lang namin ng high school, di na sya nagcollege para makapgfocus sya sa work. naging okay naman kasi kahit 20 years old pa lang sya, naging boss na sya sa isang department. mabait kasi sya tsaka mahal nya talaga yung work nya. kaso may colleagues sya na di na-take ang pagasenso nya sa company, minurder sya last october tapos kinuha pa yung sweldo kasi 15th yun, payday.  :(

up until now, umiiyak pa din ako everytime maalala ko yung morbidity nung nangyari. graduating college student na yung sumunod sa kanyang kapatid. then ayun, yung daddy nila, pinanindigan na yung pagiging provider nya. it's just sad na kailangan pa umabot sa ganun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close