watch now

Author Topic: eldest child ginagawang breadwinner  (Read 158417 times)

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #40 on: November 13, 2010, 09:13:18 am »
^wow sis ang haba! :)

thanks for sharing din.

kaya minsan relate ako sa investment ang panganay eh kasi i was the one who went to a good school pero never ako naging maluho kasi i was never provided one. yung mga kapatid ko ang nabibigyan ng gusto nila.

pero sis, school naman yun. priority talaga.  and during the time you were enrolled, they did not envision naman na mawawalan ng income dad mo. and I dont think you should feel guilty about it.

samin kasi, when my son turned 2. usap kami ni hubby kung kelangan pa-party. or kahit nung 1yr old sya, nagpaparty kami but not yung bonggacious hehe.  siguro ugat rin yun ng hindi kami pala-party na tao. pero at the same time, we were just being practical. though we can afford to throw a party say at shang, naku naman, di kaya ng puso ko na ganun kalaki ang gastos.  kahit mahal syempre namin ang anak namin. we'd rather save the money for his education, kasi nga the future is not certain. so, if in case, may 2nd kid kami or 3rd, we can say, we can afford to throw the same party as the 1st kid. hindi yun tipong 1st kid lang ang nagshangrila. then sa 2nd and 3rd, unfair na kasi yun lang ang kaya namin.

I TOLD MYSELF D AKO MAG AASAWA HANGGAT D PA NAKAPAGTAPOS ANG MGA KAPATID KO. that's the promise na inako ko sa sarili. why? kasi gusto ko lahat ng earnings ko mapupunta sa kanila to help my mom.

your case naman kasi is nagvolunteer ka. hindi ka inobliga kung baga.  and decision yun na pinandigan mo talaga.

one thing kasi I have learned in life, we have to recognize that decisions made "for others" are risks by themselves. kaya dapat handa tayo harapan whatever consequence it may brought us - maging negative man.


so ganito, ang inisip ko kasi since tapos na ang mga kapatid ko sa work, i expect them naman na tumulong sa house namin since sila din naman ang nakatira dun. so eto na, while i was preparing for my wedding, nakabuntis itong si brother. i was really disappointed kasi ang feeling ko, kakatapos lang niya and d man lang niya naenjoy ang career niya tapos eto mag aasawa na. my mom and i talked, umiiyak ang mom ko kasi nung time na nag aaral ang brother ko, loan after loan after loan si mom. kahit hanggang ngayon, d pa bayad ang loan niya sa brother ko. nag usap pala sila ng brother ko before and my brother promised to pay the loan pagnakapagwork na siya. so ngayon, pano pa makapagbayad ang kapatid ko eh nakabuntis na. mas lalong lumalala ang sitwasyon ngayon na nag-asawa na ako. my sister ha, not my mom, would text me na manghihiram ng pera pambayad ng kuryente or tubig dahil mapuputulan na daw sila. taas kilay ako kasi teka lang ha, ang tataas ng sweldo niyo diyan at wala kayong binabayaran na bahay at groceries at kayo pa ang may guts na manghiram sa akin ng pera para sa utilities niyo diyan? kakaimbyerna kasi. tapos malalaman ko na umutang ng laptop, sala set, etc... tapos yung kapatid kong lalaki, gusto ng bonggang binyag kahit walang pera. eh kahit panggatas ng anak niya eh wala siyang pambili eh.

yan nag hirap sis. iba iba kasi ang tao. moreso, iba rin ang outlook ninyong magkakapatid. supporting them was a decision you made. and i dont think it is right na i-obliga sila to "repay" kasi iba pananaw nila. Pero yun nga, labas talaga eh wala silang utang na loob.

as for your brother, hay naku. kakasakit naman ng ulo nyan!  lesson learned for all of us.  NEVER TAKE OUT A LOAN TO PROVIDE FOR YOUR KIDS EDUCATION.  Ewan ko kung tama yan o mali. Pero para sakin yan ang motto ko. Hindi ako mag-aanak kung hindi ko kaya. Period. At kung may anak ako, papaaralin ko sya kung san ko afford and I will just support him with other factors nang matibay sya pagkagraduate nya to face life.
If need be, sya ang ipapaloan ko kung gusto nya maguniversity.  Kasi mababayaran naman nya yun by the time he graduates. Abah, he has 50 years of his life ahead to pay out for the loan. Samantalang ang magulang, nakupo, 20 years nalang left in this world, i-spend pa ba nya ang time to pay off the loan?!?!


Lastly, sis, it is normal to look out for our parent's welfare.  Ang problema naman kasi ang mga kapatid mo. Why not kunin mo na ang mom mo kaya?  Since ikaw na din naman umaako ng gastos for her. Ang worry ko kasi, baka yung mga binibigay mo sa mom mo, eh binibigay din sa iba mong mga siblings - which is not right na. Remember hindi matitiis ng magulang ang anak, gaano man sila ka ingrata. 

As for you having kids. I am sure God will provide. With your ability being able to move out, and have your own life, kakayanin at kakayanin mo yun. And yes, you are blessed with an understanding hubby. Kasi for me, kung may asawa ako like you, probably I wont understand it.  Kasi for me, kapag nag-asawa na, ang primary priority ng husband and wife dapat ang family. Then kung may extra, that will be the only time we can help other people.  Kasi what use will it do if we help other people, at the expense of ourselves?  Then we will find all of us, including kami as a couple, lubog sa utang. Kaya nasa paniniwala ako na in order to help others, we have to ensure our own financial security first.





freeswan

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #41 on: November 13, 2010, 09:58:57 am »
^ sis, thank you for your reply. at siyempre thank you dahil nagtiyaga kang basahin ang mahaba kong post, in which, nireplyan mo rin ng mahaba.  ;D ang kulit natin.

i think my point is i don't complain in helping my parents. in fact, i am even proud of it. more proud kasi d ako inobliga ng parents ko to support them pero i feel responsible for them. masarap magvolunteer. yun naman ang feeling na d mo makukuha from other people or even mababayaran. kahit sino sa aming magkakapatid never naging breadwinner. about the schooling, yes, siguro naisip ko that i was an investment kaya din siguro feeling ko i NEED to give back to them. yung pagtulong ko kasi sa kanila is because i am grateful in general at hello, parents mo yun, itatanong mo pa ba kung bakit ka tutulong.

yung ikinasasama ko lang ng loob is yung mga kapatid ko lalo na ang brother ko. haaaay.

i agree with the loan sa tuition. kaya nga nagulat ako sa Citibank nung inadvertise nila to have a loan for the tuition eh. naisip ko na lang para talaga sa mga gipit ito.

kung kelan nga naman ako tumanda at nag-asawa, saka pa bumaliktad ang mundo ko.  ::)

thebratinella

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #42 on: November 13, 2010, 10:20:11 am »
^sis, you're so nice kasi ikaw naiisip mo parents mo. they don't need to tell you that they need support kasi ikaw na agad ang gumagawa. bihira lang ang ganun.

regarding paying off the loan na nagamit for your brother, consult mo muna husband mo if it's ok. dadating kasi yung time na kakailanganin niyo rin ng money. we don't know kasi what will happen next. what if you shoulder the loan tapos bigla nagkaprob. you will be the one burdened by it. wala bang means to pay for it at the moment without you having to settle every penny? one thing pa, are your parents supporting your siblings even the brother who married early? baka kasi ang nangyayari is you're not only supporting your mom's needs kundi pati sa kanila. they're grownups na. they should learn to care for themselves lalo na brother mo kasi pamilyado. baka mamaya isipin nila you're always there to settle problems naman kaya ok lang to buy whatever they want kasi ikaw willing naman to pay for such.

showermist

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #43 on: November 13, 2010, 11:38:07 am »
i am the eldest and a breadwinner too.  my parents didn't really oblige me to be the one supporting all their needs  (lola  ko nagpalaki sa akin)but they were financially challenged during that time.  my mom wasn't able to get back to work because of diabetes complication. at tatay ko naman sunod sunod na walang ani.  i have three younger siblings na nag aaral.  at yun pa man din yung time na i decided to stay with them  na para maranasan ko namang mamuhay kasama ang sarili kong pamilya. 

i was working in a  telecom company na before kaya lang halos hinde pa sapat sahod ko sa akin, hirap akong makapag abot sa kanila.  at dahil naaawa ako sa mga kapatid ko, 2 college at isang high school (kinailangan nilang huminto dahil walang wala na nga :(  ), nag abroad ako.  imagine naman, mga kapatid ko na nagmamakaawa sa akin na tulungan ko sila.  nag abroad na ako.

I TOOK the responsibility na. of sending my siblings to school.  of supporting my mom and dad.  at naging mas wise ako pagdating sa pera.  and then nabuntis yung sumunod sakin.  hay, pinag aral ko na rin ang bayaw ko at talagang sinabihan ko silang pag nakapagtapos sila, bahala na sila sa anak nila.   sa pamilya nila.

isa na lang ngayon ang pinag aaral ko at malapit ng matapos.

ang sarap sa pakiramdam na nakatulong ako sa mga kapatid ko at magulang ko.   never in those trying times (oo andrama ng buhay ko, pramis!),   na nagreklamo ako na sa akin napunta ang mabigat na responsibilidad na yun. 

iba iba  tayo.  as the eldest, this is/was how i responded to that psychological position in the family.




freeswan

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #44 on: November 13, 2010, 02:23:43 pm »
^^ sis thebratinella, salamat po. regarding the loan, of course, i will ask my husband about that although the money that i'll spend is my own personal savings. hubby and i have our separate savings aside from our joint account. yun nga sis eh kasi parang nasasanay ang mga kapatid ko na lagi rin ako nag-aabot kaya sila go lang ng go sa pag gastos. kaya recently, tumatanggi na talaga ako kaya i feel guilty. just the other night my sister texted manghihiram ang brother ko ng pera kasi ipapacheckup daw yung baby niya kasi may diarrhea. sabi ko wala ako pera at hello, dalhin niya sa hospital na pinatrabahuan niya para salary deduction na lang. ayun, d na nagreply si sister.

i think my issue doesn't end by just having more than enough to give to my family. kahit gaano ako kayaman pero everytime na ako ang aasahan ng family ko, siguro din rin ako magiging kuntento and i'll get upset kasi parang d nila tinutulungan ang mga sarili nila. lagi silang umaasa sa ibang tao. very disappointing. balak ko nga when i go home this xmas kausapin ko yung mga kapatid ko puso sa puso.

thebratinella

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #45 on: November 13, 2010, 04:10:37 pm »
^mabuti pa nga kausapin mo na sila na matuto na maging responsible, sis. dadating ang time na ang personal savings mo ilalaan mo na sa anak mo. hindi forever na ganun ang setup. saka not that you're tired of helping out pero sila rin kawawa if masasanay sila umasa. tumatanda na parents mo and time will come that you'll have a family of your own. wala rin tutulong sa kanila kundi mga sarili nila. dad ko nga bunso pa pero some of his siblings depended on him until my dad got tired of helping na rin. affected na din kasi family namin.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #46 on: November 13, 2010, 07:09:12 pm »
^sis, you're so nice kasi ikaw naiisip mo parents mo. they don't need to tell you that they need support kasi ikaw na agad ang gumagawa. bihira lang ang ganun.

Ang akin lang kasi, ok to help parents especially if you know wala na silang source of income at alam mong very conscious sila sa gastusin. Pero siblings... hmmmm.... ibang usapan na kasi yun, esp kung kumikita pa sila ng mas malaki, o di kaya sila pa ang mas nag-e-enjoy sa buhay at nagpaparami without regard kung paano nila palalakihin ang mga bata (as they are assuming the aunts and uncles or grandparents would be there to support)


blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #47 on: November 13, 2010, 07:15:03 pm »
^mabuti pa nga kausapin mo na sila na matuto na maging responsible, sis. dadating ang time na ang personal savings mo ilalaan mo na sa anak mo. hindi forever na ganun ang setup. saka not that you're tired of helping out pero sila rin kawawa if masasanay sila umasa. tumatanda na parents mo and time will come that you'll have a family of your own. wala rin tutulong sa kanila kundi mga sarili nila. dad ko nga bunso pa pero some of his siblings depended on him until my dad got tired of helping na rin. affected na din kasi family namin.

correct sis. actually wala kayong choice, they have to stand up on their own, otherwise baka lahat kayo damay damay.

sis freeswan, kahit naman papano, kung may baby kayo, exponential ang gastos nyan. puede mong sabihin konti lang, pero if you really want security, i-compute mo ang educatioin nyan for 16 years, yun ang kelangan mo ilaan, na hindi talga basta basta.  at syempre, you and your hubby need to think of your future din, para hindi kayo aasa sa anak ninyo - so there your retirement. and last but not the least, your parents. kahit papano, tumatanda nanga sila, and there will come a time, they would need maintenance meds, may aalalay sa kanila, check up sa doctor, etc.  so there, kelangan din paglaanan ng pondo ang medical expenses ng parents.

if you have done all 3 of the above, siguro ok na magbigay unendlessly sa mga kapatid mo.   ;)

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #48 on: November 15, 2010, 07:28:39 am »
ok lang sana kugn single ka oa, but when you have your own family to support, ibang usapan na yun.

sis, actually feeling ko isang misconception ito. at least in my opinion.  iniisip ng iba, ok lang kung wala kang family - ok lang nang tumulong ng tumulong sa kamag-anak.

Sakin naman, regardless kung may pamilya ka or single, you should draw the line.  Tingin ko nga, mas kailngan mo ng nest egg kung single ka, though the need for the funds may not be urgent, pero important sya. Tingin ko kasi, if you are single at retired at 60-80yo na, hindi ba mas kailangan mo ng pang-retirement, at wala ka masasandalan na anak?  Mga pamangkin mong pinag-aral mo, am pretty sure, ang priority nila ay parents nila, siblings nila, moreso, ang pamilya nila. kung baga, kung nangailangan ka balang araw, nasa huli ka sa listahan nila.

Yung helper namin na 50yo na single. Sinabihan ko.  Kasi napansin ko, maya't maya nanganganak ang pamangkin, may sakit ang pinsan, mag-aaral ang pamangkin. Sabi ko, dapat mag-ipon sya. Kasi pag tumanda na sya, aakyat ang medical expenses, kelangan may pangsustain sya.  Sya din ang natira sa kanila para alagaan ang parents nya, so sya din ang magbabantay, gagastos for them, kahit na may 12 pa syang mga kapatid. this is aside from thinking of her future. Maganda naman kung samin na sya tumanda, pero yun nga when we left Manila, overage na sya para dalhin namin with us. Pero ang ok sa kanya, she does not get overboard naman. I mean, never sya umutang sakin para may ipautang sa kamag-anak nya, which I think is a start. Ang hirap kasi sa iba, mangungutang pa, not thinking na later, sila ang maiipit. And this happens even to us. sometimes nakikita ko sa office, na may nag-s-salary loan para sa kapatid or pamangkin, etc. which I don't agree. Pero buhay nila yun, wala naman tayong magagawa, am sure they have valid reasons for doing it. Ang sakin lang, later on, baka sila din ang mahirapan at magsisi.



 
« Last Edit: November 15, 2010, 07:41:19 am by blooming »

halfasniceasyou

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #49 on: November 15, 2010, 07:38:37 am »
may point ka sis blooming. tama naman na kelangan meron ka din maipon para sa sarili mo. siguro kasi iba lang talaga ang perspective ng mga pilipino when it comes to taking care of their family. dito nga sa australia, wala silang idea ng "pamana". when they're old, ang gagawin ng most aussies, gagamitin nila yung super (parang pension) nila to travel or to do the things they wanted to do na hindi nila magawa nung nagwo-work sila. which is good in a way, they deserve it, they worked hard for it. and the children understands it, kasi they have a life of their own too, hindi masyado asa sa magulang for everything.

in a way, maganda yung gantong perspective kasi the parent, and the children can stand on their own feet kahit ano pa man mangyari. and bad side lang is, after awhile, the parents go to nursing homes kasi di sila maalagaan nng mga anak nila.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #50 on: November 15, 2010, 07:48:02 am »
^ sis, ok lang naman tumulong.  :D  Pero you should draw the line, and not expect anything in return. Kung baga, kung napaaral natin, say ang pamangkin natin, once tumanda tayo, we cannot chase after them and tell them, why they are not helping us in our old age. 

Kaya sakin, tutulong ako pag may sobra.  Otherwise, I just pray and hope they can understand our situation (which most of the time, hindi).

May question ako. Kung say, stable ang family mo such that may house kayo at mga kotse, annual vacations, etc. Pero point of the matter, syempre nagt-trabaho din naman kayong mag-asawa nang may pang-retire kayo at hindi aasa sa mga anak ninyo. Pero heto yung sis in law mo na walang pang-tuition sa anak. Pero kita mo naka iphone pa (mas magara pa phone sayo - at hindi naman dahil naiinggit ka, it is more you chose not to have one as it is not your priority to have one).  Kelangan mo ba tumulong sa pagpapaaral ng mga pamangkin mo? Kung sila eh apat ang mga anak. Kami, we chose to only have one because we want a comfortable life. Nakabudget ang annual travels, because that is what we want to do. May mali ba?

The joy of having kids, hindi mapapalitan. which we chose to have. Pero not too many such that hindi namin masupport, tapos we will find ourselves supporting other people's kids?  Medyo swapang nga ba ang dating nitong statement na ito? 
« Last Edit: November 15, 2010, 07:52:24 am by blooming »

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #51 on: November 15, 2010, 08:34:23 am »
buti nga ngayon, my sister is giving money na talaga sa ibang gastos sa bahay and even buy groceries, pay for the internet bill (siya lang naman gumagamit kasi).  natututo na rin siya na wga masyado maging maluho like spending more than what you can.

minsan kasi, di ka man nila inooblige, nahihiya ka rin naman wag mag-abot.  pag mag-aabot ka naman, sila tong nahihiya ring tumanggap.  yan yong case namin hehhe.  kunyari pa papa o mama ko na ayaw ng ganito, ganon, pero maririnig mo na lang sarap daw sana pag me ganito, hehe.  kulit. 

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #52 on: November 15, 2010, 09:49:47 am »
^  yon nga e, parang yong tita ko din.  bunso nila papa yon e lagi yon nagsasabi ng regalo daw niya ng xmas.  so nong minsan pinabigyan ko ng pera sa mama ko (1000 ata binigay ni mama), aba, tinext ako at me utang pa daw ako para sa bday naman niya.  ngayon, nagtext naman na wag ko daw kakalimutan regalo ko ulit sa kanya.  january  bday niya ha at bday ko nong oct. tinext ako last week lang na kesyo kinukumusta ako, etc.  alam ko naman me hidden agenda yon.  kaya ayoko magbigay kasi lagi na yon e.  di ko nga sinagot text niya.  ano ako, atm! nakakainis lang kasi yong iba na bibigyan mo ng pera pero di nila ayusin san nalalagay pera na binigay mo.  parents ko nga di ganon pero yong tita ko na yon, sobra.   :P

yong isang tita ko rin na kapatid ni mama, nagbibigay kasi ng pera sa akin dati na allowance at konting pang-tuition, ngayon na nagwowork na kami, as in lahat sinisingil na ultimo sentimo.  e dati nong nagbibigay siya, me sinasabi pa siya na di daw niya nililista yon, etc.  tapos, me pasaring pa na parang inoobliga din ako na magbigay din daw sa ibang pinsan namin kasi ganon daw siya sa amin.  kaya dati nasagot ko siya e, hay sorry talaga pero di ko napigilan.  e sa wala akong pera non at savings sa kakarampot na sahod.  syempre uunahin ko muna parents ko bago ibang tao.

minsan kasi, di ka nga ganon sa parents mo, mga kamag-anak mo naman parang ikaw din inoobliga nila lalo na pag nakikitang tinutulungan mo parents mo. 

sensya na na-oot na rin ata, hehe.

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #53 on: November 15, 2010, 10:36:16 am »
^ sis, that's why I really urge the single or even married aunts and uncles, na kung tutulong, dapat Extra money lang ang pangtulong at hindi ang pangretirement.

Kasi nga yan ang nakikita ko kadalasan. dugo at pawis nga naman kasi ang pinanggalingan ng ipon nila and yan ang ginamit nila to help others. Dont get me wrong, it is good to help others.  Pero unless gusto mo maging Mother Theresa, hwag ka magc-complain later on na yung mga tinulungan mo eh hindi makatulong sa iba the way you want them to or the way you helped them.

phurple0515

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #54 on: November 15, 2010, 10:49:51 am »
^ sis, me kaya yong tita ko na nagbibigay sa akin dati.  nagulat lang talaga kami na ganon siya, nakalista lahat inspite ng sinasabi niya na hindi niya nililista :P

blooming

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #55 on: November 15, 2010, 11:13:44 am »
^ but still. hindi purkit may kaya tita mo o wala, basta the point is tumulong sya.  and in fact, we won't know din naman ang tadhana, after so many years later, but need nya money for some of her hobbies (ie gambling for enjoyment or travels for example).

and I agree with you sis, I dont think it is right for her to demand you to help your cousins the way she has helped you.  Kaso sa culture nga natin, laging ganun. Parang lumalabas nyan, wala ka nang right mag-enjoy life hanggang sa hindi umasenso ang buo mong angkan (pinsan, aunts uncles, siblings, etc).

Kaya nga ang tanong ko, may mali ba?  If you are working para naman guminhawa, you help naman others based on your extra money, and not based on your savings for emergency. May mali ba?
Siguro pag life and death situation or pag medical bills na, baka pa puede mo i-consider to give up your savings (kaya nga for emergency). pero para sa tuition, pangkasal, pampaanak... hmmm....
« Last Edit: November 15, 2010, 11:20:11 am by blooming »

thebratinella

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #56 on: November 15, 2010, 02:36:52 pm »
^ i agree sa lahat ng mga sinabi mo, sis blooming. nawitness ko kasi lahat ng paghihirap na dinanas ng parents ko dahil sa relatives (siblings, nephews, grandchildren) ng dad ko. kaya nga dati nagagalit ako sa dad ko kasi he didn't see that people were abusing him. kahit hindi naman marami pera nila, todo help pa rin sa relatives who thought it was my parents obligation to give them money. so unlike my mom's relatives na naghihintay lang ambunan ng grasya. sabi nga ng spinster lola ko (mother's side), buti pa daw relatives nila kasi nagsisikap. relatives ng dad ko naaalala lang kami pag kailangan ng pera. last year nga my dad's brother-in-law passed away. gusto umutang ng 50k ng daughter-in-law sa mom ko. unfortunately, my mom just paid for my brother's tuition na di naman mura. my mom told her na sorry pero wala talaga. siya pa ang sumagot ng pabalang sa mom ko through text. nagalit talaga mom ko. when my dad found out about it, nagalit siya. kasi sabi niya after all the help given to my tita and tito sa mga problems nila before na walang kapalit pa yun, ganyan pa reaction ng daughter-in-law nila porke walang maibigay mom ko. naiinis siguro kasi ang husband niya nagshoulder ng gastusin. wala rin maibigay yung isang pamangkin ng dad ko who's in mindanao kasi kakabili ng sasakyan. of course, di naman puede ibenta niya yun para tumulong. exagg naman yung give up niya comforts ng family niya ng ganun lang. my mom went to the wake pa nga to bring food and beverages. parang di pa nila naappreciate na kahit papaano tumulong mom ko. kaya masama loob ko sa relatives ng dad ko dahil pati pag-asenso ng family namin pumalpak dahil sa kanila. lately lang naging okay ulit parents ko. ilang beses nagbusiness dad ko na sinama sila para umasenso din buhay nila but they chose to steal from my parents. ang pinaaral na apo ng dad ko (anak ng nephew niya) chose to cut classes for 6 months kaya pinaalis ng mom ko. pag uwi sa province nila, pregnant na by a married man. kaloka di ba? parang nagtapon lang ng pera parents ko for so many years dahil sa kanila. gusto sana ng dad ko turuan ang relatives niya to be financially stable pero sila ang ayaw. seafood business, piggery- lahat yun bagsak dahil sa mga pang-aabuso nila. ang rule na ng dad ko now- walang kama-kamag-anak. he's the youngest sa kanila pero parang siya naging panganay. madali kasi siya lapitan compared sa other older siblings niya na okay din ang buhay.

for me, regardless kung eldest, middle child or youngest, hindi dapat gawin na taga-provide sa family LALO na if kaya naman magwork ng iba. i will understand if the parents are disabled, sick, old or whatever. i am all for helping parents lalo na sa basic needs, medicines, hospitalization pero for gambling and vices, no way. at no din ako sa pagtulong sa siblings who are old enough to work but choose not to work or to be responsible. lalo na yung mag-aasawa ng maaga or mag-aanak tapos di kaya magbanat ng buto para sa pamilya nila. hindi excuse yung di nakatapos sa pag-aaral. dad ko nga graduated from college when i was already in kinder. ginapang nila ng mom ko para makatapos siya ng studies. hindi siya makaasa sa parents niya kasi they were too old, too sick and he chose to marry young. ayaw niya bigyan ng burden parents niya kasi siya naman itong nag-anak agad. walang tumulong sa amin na siblings ng dad ko except for my fave uncle (God bless him). bakit hindi siya nakatapos ng pag-aaral? because the money for his and my aunt's tuition and allowance, hindi binibigay ng sister-in-law nila. my dad worked as a security guard to provide for his needs and help my aunt pay for her tuition. that is one thing i can be proud of pagdating sa parents ko. lahat ng naipundar nila dahil sa sariling sikap. walang inasahan dahil walang maaasahan. nung okay na kami, biglang appear ang relatives. bigla sila naalala.  >:( utang dito, hingi doon. ilang sheets ng yellow pad ang aabutin if list down ko lahat ng kakapalan ng mukha nila. back to back pa.

i am thankful that my parents have a different way of thinking. para sa kanila, after college, you can enjoy your life. sabi nila dream nila is for all of us to live comfortable, happy lives. wala akong narinig na bibilhan sila ng house, car etc. ng mga anak nila. minsan lang magrequest mom ko. nagpapalibre ng pizza, dinner or lunch at the mall or sagutin ang bill ng cable pag naubos na money niya. pero hindi obligation yun. kami na lang ng brother ko nag-aabot ng pambayad sa bills if alam namin madaming gastos mom ko. kami na lang nakikiramdam if our parents need help. naranasan kasi ng parents ko yung sila sumagot ng problema ng relatives kaya ayaw nila na ganun mangyari sa aming lahat. wala rin akong narinig sa parents ko na kailangan may kapalit ang pagpaaral sa amin. fulfillment na nila na college grads kami lahat. they don't see it na we need to pay them back.

i like the way my mom and her siblings were brought up. may 2 lola and 1 lolo ako who didn't get married or have kids. siblings ng maternal grandfather ko. they lived with my mom's family. tumulong sila sa pagpapalaki at pagpapaaral sa mom ko and her siblings. kahit matanda na sila, naprovide pa rin nila basic needs nila. my mom and her siblings heped out sa medicines and hospitalization at kung [textspeak!]-ano pa that they think my grandparents need. walang turuan or kuwentuhan kung anong dapat ibigay at kung sino maraming naibigay. pag may naoospital, share sila ng siblings niya sa bill. wala rin narinig from my grandparents na demands. one of my spinster lolas died last june because of colon cancer. she didn't need to request na tulungan siya. todo alaga sa kanya ang magkakapatid to show gratitude sa devotion niya sa mga pamangkin at apo niya her whole life. we all know she didn't expect na alagaan siya at gastusan sa medical bills niya but we know it was our chance to thank her for everything. kahit kelan wala kaming narinig na panunumbat sa mga naitulong nila. that's the way i'm going to bring up my baby. ito rin kasi ang pinapractice naming magkakapatid. ultimo christmas presents nga ayaw humingi ng brothers ko sa akin. ako na lang nagdadala sa kanila sa mall para pabilhin ng gusto nila. i also appreciate that my brothers take care of my daughter without me asking them to help out. my brother who has work would buy her stuff just because he wants to. in fact, he will pay for the cake and cupcakes for my baby's birthday. he offered to do it when he saw me looking at some designs. ang sarap ng feeling pag ganun ang family mo.

sorry sa nobela pero affected talaga ako sa ganitong issue. pasalamat na lang ako at wala na sumusulpot sa amin na relatives ng dad ko. pati kasi panghanda sa noche buena nila dati sagot din ng parents ko.  :o


candy01

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #57 on: November 20, 2010, 01:49:18 am »
hi i'm new here and this is my first post :) kasi na read ko to and i want to share din cuz i need help. i'm the breadwinner and i'm the eldest, wala akong problema na tumulong sa family ko. i pay for all the bills, even give my parents allowances, however [textspeak!] kapatid ko exempted na sa utility bills hindi na ako nag comment kasi ayoko ng conflict so kaya ko pa naman and kapatid ko has job and nag pipitch in din kung hanggang saan kaya nya like groceries and giving our parents too. problema lang ngayon i feel burdened and treated unfairly kasi hindi ng parents ino-obliged kapatid ko kasi nga ako [textspeak!] eldest dapat should it be fair ba? parents ko are still in good health but did not get a job or work na for years kasi nga andito na ako, i have my limits set pero hindi nila naiintindihan. they want more and if i can't give them want they want they will sulk and i'm the one who turns out to be bad in their eyes? i have done everything for them and yet when you don't give them what they want, they sulk and look at me with disdain in their eyes? parang unfair naman ata to. yet yung kapatid ko tinitreat nila na parang baby pero para ako pa yata ang mali. i feel used and abused and whenever we have concerns they give all the burdens to me and my kapatid not included na. i don't like the fact that i'm being abused especially by them hindi na tama to, i'm being generous and i don't complain but they should learn their limits din di ba? i love my parents and i don't mind helping them, but respect and konting appreciation is important din.

Also, i've my bf din who is from abroad, used to help me and my family and they also expect that the money that my bf gave me is i also owe it to them and should also give them or they ask me to buy a car using my bf's money which he's helping me. tama na ba to? help please i'm so confused na talaga.
« Last Edit: November 20, 2010, 01:58:38 am by candy01 »

CityHunter

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #58 on: November 20, 2010, 09:27:28 am »
Hindi na tama na pati kaligayahan mo ay pigilin nila.  There is really something wrong with that kind of mentality.  Learn to say no.

artegirl

  • Guest
Re: eldest child ginagawang breadwinner
« Reply #59 on: November 25, 2010, 11:13:33 pm »
this is a sad fact sa Filipino life.  Ang dami kasi sa 'tin nag aanak pero hindi naman financially prepared.  Kaya ayun, the retirement fund napapabayaan kasi the money is just enough for basic needs and education ng mga anak.  kaya pagtanda, the parents are forced to be financially dependent sa mga anak. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close