^wow sis ang haba!

thanks for sharing din.
kaya minsan relate ako sa investment ang panganay eh kasi i was the one who went to a good school pero never ako naging maluho kasi i was never provided one. yung mga kapatid ko ang nabibigyan ng gusto nila.
pero sis, school naman yun. priority talaga. and during the time you were enrolled, they did not envision naman na mawawalan ng income dad mo. and I dont think you should feel guilty about it.
samin kasi, when my son turned 2. usap kami ni hubby kung kelangan pa-party. or kahit nung 1yr old sya, nagpaparty kami but not yung bonggacious hehe. siguro ugat rin yun ng hindi kami pala-party na tao. pero at the same time, we were just being practical. though we can afford to throw a party say at shang, naku naman, di kaya ng puso ko na ganun kalaki ang gastos. kahit mahal syempre namin ang anak namin. we'd rather save the money for his education, kasi nga the future is not certain. so, if in case, may 2nd kid kami or 3rd, we can say, we can afford to throw the same party as the 1st kid. hindi yun tipong 1st kid lang ang nagshangrila. then sa 2nd and 3rd, unfair na kasi yun lang ang kaya namin.
I TOLD MYSELF D AKO MAG AASAWA HANGGAT D PA NAKAPAGTAPOS ANG MGA KAPATID KO. that's the promise na inako ko sa sarili. why? kasi gusto ko lahat ng earnings ko mapupunta sa kanila to help my mom.
your case naman kasi is nagvolunteer ka. hindi ka inobliga kung baga. and decision yun na pinandigan mo talaga.
one thing kasi I have learned in life, we have to recognize that decisions made "for others" are risks by themselves. kaya dapat handa tayo harapan whatever consequence it may brought us - maging negative man.
so ganito, ang inisip ko kasi since tapos na ang mga kapatid ko sa work, i expect them naman na tumulong sa house namin since sila din naman ang nakatira dun. so eto na, while i was preparing for my wedding, nakabuntis itong si brother. i was really disappointed kasi ang feeling ko, kakatapos lang niya and d man lang niya naenjoy ang career niya tapos eto mag aasawa na. my mom and i talked, umiiyak ang mom ko kasi nung time na nag aaral ang brother ko, loan after loan after loan si mom. kahit hanggang ngayon, d pa bayad ang loan niya sa brother ko. nag usap pala sila ng brother ko before and my brother promised to pay the loan pagnakapagwork na siya. so ngayon, pano pa makapagbayad ang kapatid ko eh nakabuntis na. mas lalong lumalala ang sitwasyon ngayon na nag-asawa na ako. my sister ha, not my mom, would text me na manghihiram ng pera pambayad ng kuryente or tubig dahil mapuputulan na daw sila. taas kilay ako kasi teka lang ha, ang tataas ng sweldo niyo diyan at wala kayong binabayaran na bahay at groceries at kayo pa ang may guts na manghiram sa akin ng pera para sa utilities niyo diyan? kakaimbyerna kasi. tapos malalaman ko na umutang ng laptop, sala set, etc... tapos yung kapatid kong lalaki, gusto ng bonggang binyag kahit walang pera. eh kahit panggatas ng anak niya eh wala siyang pambili eh.
yan nag hirap sis. iba iba kasi ang tao. moreso, iba rin ang outlook ninyong magkakapatid. supporting them was a decision you made. and i dont think it is right na i-obliga sila to "repay" kasi iba pananaw nila. Pero yun nga, labas talaga eh wala silang utang na loob.
as for your brother, hay naku. kakasakit naman ng ulo nyan! lesson learned for all of us. NEVER TAKE OUT A LOAN TO PROVIDE FOR YOUR KIDS EDUCATION. Ewan ko kung tama yan o mali. Pero para sakin yan ang motto ko. Hindi ako mag-aanak kung hindi ko kaya. Period. At kung may anak ako, papaaralin ko sya kung san ko afford and I will just support him with other factors nang matibay sya pagkagraduate nya to face life.
If need be, sya ang ipapaloan ko kung gusto nya maguniversity. Kasi mababayaran naman nya yun by the time he graduates. Abah, he has 50 years of his life ahead to pay out for the loan. Samantalang ang magulang, nakupo, 20 years nalang left in this world, i-spend pa ba nya ang time to pay off the loan?!?!
Lastly, sis, it is normal to look out for our parent's welfare. Ang problema naman kasi ang mga kapatid mo. Why not kunin mo na ang mom mo kaya? Since ikaw na din naman umaako ng gastos for her. Ang worry ko kasi, baka yung mga binibigay mo sa mom mo, eh binibigay din sa iba mong mga siblings - which is not right na. Remember hindi matitiis ng magulang ang anak, gaano man sila ka ingrata.
As for you having kids. I am sure God will provide. With your ability being able to move out, and have your own life, kakayanin at kakayanin mo yun. And yes, you are blessed with an understanding hubby. Kasi for me, kung may asawa ako like you, probably I wont understand it. Kasi for me, kapag nag-asawa na, ang primary priority ng husband and wife dapat ang family. Then kung may extra, that will be the only time we can help other people. Kasi what use will it do if we help other people, at the expense of ourselves? Then we will find all of us, including kami as a couple, lubog sa utang. Kaya nasa paniniwala ako na in order to help others, we have to ensure our own financial security first.